Chapter 18
Chapter 18
Day Off
I bumped my head on the table. The take-home activities that I got from my professors are no joke. Mabuti na lang walang training ngayon ang basketball team. Pinag-jogging lang sila ni Coach ngayong umaga. Kailangan din nilang gawin ang mga activities na ibinigay sa kanila kaya naman naglaan talaga si Coach ng isang araw para roon.
Hindi na rin ako isinama ni Coach sa pagjo-jogging ng team para masimulan ko na ang mga kailangan kong gawin. Wala pa ako sa kalahati ay sumasakit na ang ulo ko. Buti na lang hindi na nagpa-take-home pa si Mr. Ollivares dahil nasagutan ko na ang workbook niya.
Nilanghap ko ang amoy ng dagat mula sa bintana sa harap ko. Mula rito ay nakikita ko ang pagkinang ng dagat na parang may mga nakalutang na dyamante. Kahit papaano ay kumalma ako. Sinimulan ko nang muli ang pagsasagot.
"Mabebs!"
Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Pumasok silang lahat na bagong ligo. Mukhang tapos na sila sa jogging nila. May mga hawak na sila ngayong notebook, libro at ballpen. Ang iba ay may hawak pang calculator.
"Sabay-sabay na tayo magsagot ng activities," sabi ni Adam.
Isa-isa na silang pumwesto sa kwarto ko kahit hindi ko pa naman sila binibigyan ng permiso na rito mag-stay. Sa huli ay wala na akong nagawa dahil seryoso na silang nagsasagot. Magkakatabi sa 'king kama sina Erzo, Rex at Zen. Sa sahig naman nakaupo sina Bogs, Lloyd, Carl, Owen, Luis at Shon. Sa couch naman umupo sina Gio, Jin at Adam.
"Ang sakit ng utak ko!" sigaw ni Zen habang hawak ang kaniyang ulo. Wala pang ilang minuto siyang nagsasagot ay nagrereklamo na siya.
"Ulo mo lang ang masakit, hindi utak kasi wala ka no'n!" sabi ni Erzo.
"Bakit? May utak ka ba?" tanong ni Zen. "Wala ka rin namang utak!"
"Eh, 'di inamin mo na rin na wala ka nga talagang utak!" bulyaw ni Rex.
Napahawak ako sa 'king ulo. Paano sila matatapos kung nag-aaway sila? Hinayaan ko muna silang magbangayan at sinubukan kong mag-focus sa pagsasagot.
"Mabebs, papayagan mo ba kaming mag-inom mamayang gabi?" tanong ni Jin.
Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko ang pagsasagot. Mabuti na lang hindi gaanong mahirap ang take-home activity na ibinigay ng English Prof ko. Kayang-kaya kong tapusin ito bago pa ako abutin ng isang oras.
"Tatapusin namin lahat ng activities namin ngayon, payagan mo lang kami mamaya," Lloyd whined.
Pumilas ako ng isang yellow paper nang mapuno na ang sinusulatan ko. Sinimulan ko namang sagutan ang sunod na activity. Hindi ko pa rin sila pinapansin.
"Mabebs, pumayag ka na," dinig kong sabi ni Owen.
"Kaunti lang naman ang iinumin namin, eh. Hindi kami magpapakalasing," sabi naman ni Bogs.
"Mabebs," Tinawag ako ni Luis.
"Mabebs, please," pagmamakaawa naman ni Carl.
Humigpit ang hawak ko sa lapis. Habang tumatagal ay naririndi na ako sa mga boses nilang minu-minuto akong tinatawag. Sa sobrang higpit ng hawak ko sa lapis ay nahati ito sa gitna. Bigla silang tumahimik. Dahan-dahan akong humarap sa kanila habang hawak ang putol na lapis.
"Hindi kayo matatapos kung hindi kayo titigil sa pagdaldal." Pilit akong ngumiti sa kanila. "Kapag hindi niyo tinapos 'yang activities niyo, walang iinom!"
Nagulat sila sa 'king pagsigaw at dali-daling hinawakan ang kanilang mga ballpen. Muling sumeryoso ang kanilang mukha habang nagsasagot. Maya-maya'y napaangat ang kanilang tingin nang madinig naming tumawa si Gio.
Lahat kami ay napatingin sa kaniya. Nakataklob ang likod ng kaniyang palad sa kaniyang bibig habang tumatawa. Parang may dumaang anghel sa paligid at ang tawa lang ni Gio ang aming nadidinig. Kitang-kita ang gulat sa mukha naming lahat habang pinapanood siya.
"B-boss," nagkakanda-utal na sabi ni Adam. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Gio.
"W-what?" Tumatawang tanong niya. "Isabelle's face is so funny. Did you hear how the pencil snapped using her own hand?"
"B-boss!" sigaw nilang lahat habang naluluha.
Kumunot naman ang noo ni Gio. "What, dickheads? Bakit kayo umiiyak?"
Itinaklob ni Zen ang kaniyang braso sa kaniyang mga mata. "K-kasi ngayon ka na lang ulit tumawa nang ganiyan!"
Sa pagkakataong 'to, ako naman ang natawa dahil sa kanila. Pinanood ko silang magkulitang muli. Si Gio ay hindi magkaintindihan kung paano patatahanin ang mga kaibigan niyang may sapak sa utak. Napailing na lang ako. Muli akong humarap sa study table. Kumuha ako ng panibagong lapis.
Bago ako magsagot ay tumingin ako sa labas ng bintana at ngumiti. "Basta kapag natapos niyo ang activities niyo, papayagan ko kayong uminom mamayang gabi."
Tumahimik silang lahat at makalipas ang ilang segundo ay nagsigawan sila sa saya. Natawa na lang ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Lumipas ang mga oras na walang nag-iingay sa kanila. Magsasalita lang sila kapag may itatanong o kaya'y magpapaturo sa isa't-isa.
Dahil iba ang kurso ko sa kanila'y hindi sila makapagtanong sa 'kin. Nagtutulong-tulong sila sa pagsasagot ng activities nila.
Dumaan ang ilang oras hanggang sa inabot kami ng papalubog na araw. Natapos na namin ang lahat ng take-home activities na ibinigay sa amin kapalit nitong training camp.
"Grabe, nakakapagod!" sabi ni Zen habang nag-iinat.
Binatukan siya ni Rex. "Nakakapagod manggaya kamo!"
Susugod na si Zen ngunit hinawakan siya nina Jin at Adam sa magkabilang braso.
"Bakit ko papagudin ang sarili kong mag-isip kung puwede naman akong mangopya?" tanong niya.
"Paano ka makakapag-isip kung wala kang utak?" tanong pabalik ni Rex.
Binitawan nila si Zen at hinayaang magrambulan ang dalawa. Nagpagulong-gulong sila sa kama habang nagsusuntukan. Hinayaan na namin sila at lumabas na. Wala na kaming poproblemahin. Ang kailangan lang nilang paghandaan ay ang nalalapit na practice game.
Nagtungo kami sa tabing-dagat kung saan may mga nakahelerang upuan. Sina Owen, Bogs at Carl ay nagpunta sa bilihan ng mga alak at pagkain. Ang iba naman ay nagsimula nang maligo.
Umupo ako at pinagmasdan ang palubog na araw. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ito ng litrato. Napangiti ako sa ganda nito. Kaagad ko itong pinasa sa group chat namin nina Tamara, Yvonne at Jelyn.
I heard a shutter sound. When I looked at my back, I saw Gio standing there while holding his phone.
Sumilip siya ng kaunti. "What?" masungit na tanong niya.
Inirapan ko siya. "Masamang tumingin?"
Ginantihan niya ako ng irap. Napahawak ako sa 'king dibdib habang nakanganga. Dinaig pa niya ang babaeng may regla kung makapag-inarte. Inaano ko siya?
Umupo siya sa upuan ng katabi ng sa 'kin. Maya-maya'y dumating na ang mga bumili ng alak at pulutan. Nang makarating sila sa pwesto namin ay umahon na ang ibang lumalangoy kanina.
"Shot na! Shot na!" Excited na sabi ni Luis.
Itinuon ko ang aking atensyon sa 'king cellphone habang hinihintay silang matapos na mag-mix ng inumin. Umiinom naman ako ng alak pero matagal na no'ng huli akong nagpakalasing. Kung iinom man ako ay moderate na lang.
"Mabebs, it's your turn." Inabot sa 'kin ni Erzo ang shot glass.
Kinuha ko ito at ininom ng isang lagok lang. I nodded in satisfaction. Magaling silang mag-mix. Tamang-tama 'yong tamis at pait. Kumuha ako ng isang dakot na chips at kumain.
"Ano'ng plano sa practice game?" tanong ni Shon kay Gio at inabot ang shot glass.
Kinuha niya ito mula sa kamay ni Shon. "We'll win, that's the plan," sagot niya.
"Sounds like a plan." Tumawa si Adam. "Pero kailangan nating pigilan ang pangdadaya nila. It's already getting on my nerves."
Kinuha ko ang extra na shot glass at nilagyan ito ng laman. Sa sobrang dami namin, ang tagal umikot ng ginagamit nila. Uhaw na uhaw na ako. Ni hindi man lang nainitan ang tiyan ko sa ininom ko.
"Naiinip ka, Mabebs?" tanong ni Lloyd.
I just hummed and smiled. Hindi nila ako pinigilan at itinuloy nila ang pagke-kwentuhan tungkol sa kung ano-anong bagay pero karamihan ay tungkol sa basketball. Tahimik lang akong umiinom at kumakain habang pinapakinggan sila.
"Mamaya na ulit ako iinom." Tumayo si Rex at lumakad papunta sa dagat.
Sumunod sa kaniya ang mga loko at naiwan kami ni Gio.
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-inom. Na-miss kong uminom ng alak. Napakatagal na no'ng huling uminom ako. No'ng huling uminom ako, hindi ko nagustuhan ang ginawa ko. Isa 'yon sa mga pinagsisisihan ko.
"Please, Paul, bumalik ka na sa 'kin. Hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ko kayang wala ka. Please, ako na lang ang piliin mo."
Kinuha ko ang isang boteng walang halo at tinungga ito. Hindi ko na inisip kung ano'ng magiging tama nito sa 'kin. Wala na akong pakealam. Gusto ko lang alisin sa isip ko ang alaalang gustong-gusto ko na makalimutan.
"Isabelle, you're drinking too much!" Hinawakan niya ang aking braso. Gamit ang isa niyang kamay ay kinuha niya mula sa 'kin ang bote.
I laughed. I'm a bit tipsy now. "Have you loved someone so much that it doesn't matter if you'll look stupid in front of them? Have you loved someone so much that you begged them to love you again?" I pushed my hair back and laughed again. "Because I have."
"You're drunk. We should go back."
Umiling ako at nagpatuloy. "Sports is something I never enjoyed before but when I met Paul, it doesn't matter anymore. I never skipped their matches. I was always there for him when their team lost. It was like he was the only person I could see in the sea of people inside the gymnasium." Tumingin ako sa kalangitan na unti-unti nang dumidilim. "Palaging may isang grupo ng mga babae ang lumalapit sa kanila tuwing practice at game pero ang nasa isip ko, normal sa basketball team na magkaroon sila ng mga fangirls. Imbis na magselos ay inintindi ko 'yon kahit na para silang mga linta kung makalapit sa boyfriend ko."
"Ex-boyfriend," pagtatama ni Gio.
Muli akong tumawa. "Right, right." Tumango-tango ako. "I befriended that group of girls and actually loved their company but one day, I found out that Paul was having an affair with Anastasia, one of those girls I treated as a friend. Hindi lang 'yon, alam ng buong basketball team na niloloko na nila akong dalawa pero wala man lang nagsabi sa 'kin."
I felt a lump on my throat as I tried to keep my tears at bay. I remember every single detail. I remember every word they said to me when I found out. The betrayal I felt was so strong I couldn't trust anyone the same way after that. I even thought death was the only way to escape the pain he gave me. I was in distress and it was a huge effort to get back up again.
Tumayo ako kahit na nakakaramdam na ako ng hilo. "Oops!" Muntik na akong matumba ngunit nahawakan kaagad ni Gio ang baywang ko. Tumingala ako sa kaniya at ngumiti. "Ang bilis ng reflexes, ah. Very good."
"Isabelle, you're very drunk," aniya. Seryoso ang kaniyang mga mata at nag-iigting ang kaniyang panga.
Humiwalay ako sa kaniya. "I'm not drunk, just tipsy." Lumakad ako palayo para mahimasmasan.
I'm not drunk. I'm definitely not.
"Where are you going?" tanong niya at hinawakan ang aking braso.
Binawi ko ang braso ko mula sa kaniya. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "I'll take a walk."
I heard him sigh but still followed me. Pagewang-gewang na ang lakad ko pero hindi naman ako natutumba. Malapit si Gio sa 'kin at pinapanood ang bawat paglakad ko na para bang handa siya sa kung anoman ang mangyari sa 'kin.
"Masyado na tayong malayo sa resort, Isabelle," aniya. "Nasa kabilang resort na tayo."
Humarap ako sa kaniya at lumakad nang patalikod. "Gio, why are you so worried? We're just taking a walk. It's not like–" I slammed into something hard and before I could see who it was, Gio grabbed my hand and pulled me closer to him.
"Enough, Isabelle." His lips were set into a thin line. He looked pissed already.
I gave him a guilty smile. "Alright, I get it. We should go back. But let me apologize to the–" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang makita si Paul. Nakakapit sa kaniyang braso si Anastasia na parang tuko.
Oh, I'd love to trade anything just to slap the hell out of her.
"Isabelle." Gio's tone of voice was like a warning. "Let's go," he said slowly.
"She's drunk," sabi ni Paul. "You let her drink even though she couldn't handle hard liquor?" His tone was accusing.
Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Gio sa 'king braso. "No matter how many bottles she'll drink, I won't let anything happen to her."
Tumawa si Paul. "It's not about protecting her. Letting her drink to the point of getting drunk–"
Hinawakan ni Gio ang aking kamay. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri. Itinaas pa niya ito at ipinakita kay Paul.
"I think you're forgetting something." Gio smirked. "She's not yours anymore."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com