Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19

Slam them to the Ground

Burying my face on the pillow, I screamed until my throat hurt. At this moment, I wish I'm the kind of person who forgets everything when drunk after sobering up. Malinaw na malinaw sa isip ko ang mga ginawa at sinabi ko kahapon. Maging ang init ng palad ni Gio ay ramdam na ramdam ko pa.

Mas idinikit ko pa ang aking mukha sa unan na halos hindi na ako makahinga. Gusto ko na lang malamon ng lupa dahil sa kahihiyan. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi na ako iinom nang madami dahil sa mga nagagawa at nasasabi ko kapag nalalasing ako.

"She's not yours anymore."

I felt like my head will explode. My face heated up like it will reach its boiling point.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Gio. Mabuti na lang nagte-training sila ngayon. The sun was up and they probably didn't wake me up because I drank too much. Magpapanggap na lang akong walang naaalala. That's better than admitting the embarrassing thing I did yesterday.

But still, Paul had the guts to lecture Gio about me drinking hard liquor. Kung nasa tamang katinuan pa ako ng mga oras na 'yon baka nasupalpal ko siya. Hindi na ako binigyan ni Gio ng pagkakataon na makapagsalita dahil hinila na niya ako pabalik sa rest house.

"God, I won't drink again," I whispered.

Bumangon na ako ngunit napansin kong nakasuot na ako ng robe. Binuksan ko ito at nakasuot naman ako ng underwear. Teka, bakit wala na akong suot na damit at robe na lang? Hinawakan ko ang aking ulo at hinanap sa 'king memorya ang nangyari kahapon.

Gio brought me back here in the rest house and went straight to my room. I gasped when I remembered what happened here.

"Ang KJ mo, Dela Vega!" Itinuro ko siya. "I was about to slap the shit out of them, 'no? But you dragged me away!"

Hinawakan niya ang aking kamay na nakaturo sa kaniya. "I already told you that I'll kick their ass for you." Hinila niya ako palapit sa kaniya. "You don't have to do it. You'll just make your hands dirty."

Hinila ko ang aking kamay mula sa kaniya. "But I want to pull Anastasia's hair until she gets bald!" sigaw ko. Umupo ako sa sahig at nagpapadyak na parang bata. "You should have let me do that at least!"

Lumuhod siya sa 'king harapan. "Isabelle, stand up. Malamig ang sahig." Hinawakan niya ang magkabila kong braso at tinulungan akong tumayo. Iniupo niya ako sa kama. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa 'king mukha dahil sa pagmamaktol ko. "Listen, you have to sober up first."

"Why would I? I'm not drunk!" Muli akong tumayo ngunit nang makaramdam ako ng hilo ay napaupo akong muli sa kama. Ngumuso ako. "I'm not drunk." Pag-uulit ko. Tiningnan ko siya nang masama.

He sighed. "Come on, you should wash up." He held my hand.

Instead of standing up, I pulled him towards me. He lost his balance and fell on me. My eyes widened when I felt his lips on mine. He immediately stood up.

"Isabelle, for fuck's sake, stand up," aniya ngunit sa 'king labi siya nakatingin.

Bumangon ako ngunit hindi ako tumayo mula sa kama. "I don't wanna-"

Muli kong ibinaon ang aking mukha sa unan at sumigaw nang maalala ko na ang lahat. Nasukahan ko ang sarili ko dahil galaw ako nang galaw. Humingi ng tulong si Gio sa babaeng caretaker para mabihisan ako. He was outside my room the whole time. After that, hindi ko na alam kung ano'ng nangyari dahil nakatulog na ako.

Nagtungo ako sa banyo para maligo ng malamig na tubig. Kailangan kong mahimasmasan nang maigi. Pag-iisipan ko rin kung paano ako magpapanggap na wala akong naalala sa mga ginawa kong kahihiyan kahapon.

After washing up with cold water, my head cleared up. I'll just apologize to Gio without telling him I remember everything. Ayokong malaman niya na naalala ko 'yong kiss!

"Mabebs?" Nadinig kong tumawag si Zen mula sa labas ng kwarto. "Mabebs?"

"L-lalabas na!" Dali-dali kong sinuklay ang aking buhok. Lumakad ako patungo sa pinto at binuksan ito. "Huh?" Tumingin ako sa hawak ni Zen na tray. May laman itong almusal.

Ngumiti siya nang sobrang lapad. Para akong masisilaw sa liwanag ng kaniyang ngiti. "Breakfast delivery!"

Kinuha ko mula sa kaniyang kamay ang tray. "Puwede naman akong bumaba para kumain. Hindi mo na ako kailangang dalhan pero salamat."

"Utos ni Boss 'yan, Mabebs," aniya. "May gamot din 'yang kasama kung sakaling masakit ang ulo mo dahil sa hangover." Itinuro niya ang isang tabletas na nakalagay sa tray.

"T-thanks."

Dinala ko na sa loob ang pagkain. Para akong siraulo na nakangiti habang nakatingin sa tray ng pagkain. Hindi ko alam kung ano ang kinakain ni Gio nitong mga nakaraang araw pero napansin kong masyado siyang naging protective. Did he finally accepted me?

Pagkatapos kong kumain ay ininom ko ang gamot. Nakakaramdam pa ako ng kaunting kirot sa ulo kaya kailangan ko nito. Ibinaba ko sa kusina ang tray para mahugasan ko ang pinagkainan ko.

Kumabog ang aking dibdib nang makita si Gio na nakaupo sa counter at umiinom ng kape. Nagtama ang aming mga mata. Lumipas ang ilang segundo na nakatayo lang ako habang nakatingin sa kaniya.

Umiwas lang ako ng tingin at nagsimulang maglakad patungo sa lababo nang pagtaasan niya ako ng kilay. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Nauuna ang kaba sa 'king dibdib. Hinugasan ko na lang muna ang mga pinagkainan ko. Nang matapos ako ay humarap ako sa kaniya. Nakatalikod siya sa 'kin kaya mas madali para sa 'king kausapin niya.

"Salamat nga pala kahapon at pasensya na rin dahil nalasing ako." Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Kung anoman ang mga nasabi at nagawa ko kahapon, I'm sorry. Wala akong maalala, eh."

Nice, Lian!

Humarap siya sa 'kin gamit ang pag-ikot ng inuupuan niyang stool. He was smirking.

"Yeah?"

Hinawakan niya ang ibaba niyang labi at pinaglaruan ito. Napalunok ako. Awtomatiko akong napatitig sa labi niya. He suddenly laughed. Kaagad kong inalis ang aking tingin sa kaniyang labi.

Damn!

"It's fine," aniya. "Feeling better now?"

Tumango ako. "I-I'll get going now." Lumakad na ako paalis sa kusina.

"That's it? You won't take responsibility?"

Natigilan ako. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig na may kasama pang yelo. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. "Take responsibility for what?" Pinilit kong magmukhang nagtataka kahit na may pakiramdam na akong alam niyang naalala ko lahat.

"You stole a kiss from me and you won't take responsibility?"

The practice game finally came and it was also our last day for the training camp. It has been three days since my drunk incident, but I could still remember what he told me the day after. Take responsibility? How would I take responsibility? It was just an accident. I didn't do it on purpose and I was drunk. Mabuti na lang hindi ko siya sinagot at umalis na lang. Hindi na rin niya ako kinausap tungkol doon.

"We're here early," sabi ni Rex.

"It's fine. We can still practice some shots before we begin the practice game." Kinuha ni Adam ang bola mula kay Rex.

Coach clapped his hands. "Alright, boys, line up!"

Humilera silang lahat habang nakaharap sa amin ni Coach.

"You got defeated in the practice game with them before but even though you badly wanted to win, keep in your mind that you have to stay calm." Tumingin siya kay Gio. "And Gio, as the captain, please handle your teammates well."

"Yes, Coach," sagot niya.

"Kung magpapalamon kayo sa inis dahil sa kanila, may posibilidad na matalo na naman kayo. Palagi niyong tandaan na hindi dapat dinadala ang personal na problema sa loob ng court. Ang goal niyo ay maka-score at lumamang bago matapos ang huling quarter." Inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang. "I know you can win this, boys. I have faith in you."

"Yes, Coach!" sigaw nilang lahat.

Maya-maya'y dumating na ang mga taga-St. Benedict, ang Blue Angels. Dumeretso sila sa kabilang side katapat namin.

Napairap ako sa kawalan nang tingnan ako ni Anastasia nang masama. Ang aga-aga sinisira niya ang araw ko. Para na naman siyang tukong nakakapit sa braso ni Paul.

"Mabebs, ilang lamang na score ang gusto mo?" tanong ni Jin habang nagste-stretching.

Humawak ako sa aking ibaba habang nag-iisip. "Score na imposible na mahabol."

Tumawa siya. "Heard that, guys?" tanong niya sa mga maglalaro ngayon.

Kagaya ng huling practice game, ang maglalaro ngayon ay sina Gio, Jin, Adam, Lloyd, at Rex. Kasama kong uupo sa bench ang iba. Saka lang sila ipapasok kapag kailangan ng substitute ngunit sa itsura nilang anim, mukhang desidido silang tapusin ang lahat ng quarters.

Luminya na ang dalawang team sa gitna ng court. Nasa dulo nila ang referee na inupahan ni Coach para sa larong ito. Nang pumito siya at ihagis ang bola ay naging mabilis ang pangyayari. Kaagad na nakuha ni Gio ang bola.

Napasigaw kaming lahat dahil sa kaniyang ginawa. His jump was so high and his grip to the ball was so strong it didn't even escape from his hand. He ran so fast but Erwin and Tyler blocked him. It will be impossible for him to shoot so he passed the ball to Adam.

Hindi rin nagpatalo si Adam sa bilis. Masyadong nag-focus ang kabilang team sa pagbabantay kay Gio kaya nakalusot si Adam sa kanila. He jumped and performed a dunk.

The ball was in Paul's hands. The way he plays is still the same. Although he's good with his teammates, I know his greed when it comes to scoring. Kahit wala siyang malulusutan ay pipilitin niyang i-shoot ang bola.

I could see how irritated he was while Adam was guarding him. Idagdag pa ang nakangising si Adam na para bang nang-aasar. Tinatawag na siya ng teammates niya para magpapasa ng bola ngunit nagmatigas siya.

Tumalon siya at pinakawalan ang bola mula sa kaniyang mga kamay ngunit sumala ito sa ring. Jin jumped and retrieved the ball and they ran back to the other side.

Mainit ang naging laban kahit first quarter pa lang. Mukhang tototohanin nilang tatambakan nila ang Blue Angels dahil natapos ang first quarter na may score ang aming team na 31 samantalang 23 lang sa kabila.

Nakipag-highfive kaming lahat sa kanilang anim. Tinulungan ako nina Zen na mag-abot ng towel at tubig.

"Mukhang mapapaaga ang pamimisikal nila, ah," sabi ni Owen habang nakatingin sa kabilang side.

Nakatingin sila sa amin nang masama. Lalong-lalo na si Paul na nakakuyom pa ang kamao. Si Anastasia ay nasa kaniyang tabi at panay punas sa pawis nito. Paminsan-minsa'y tumitingin siya sa 'kin at ngumingisi. Akala niya ba'y naaapektuhan pa ako sa ginagawa niya? Kahit dilaan pa niya ang pawis ni Paul, wala na akong pakialam.

The 2-minute-break ended. Simula na ng second quarter. Akala ko'y sisimulan na nila ang pamimisikal ngunit disente pa sila maglaro. Kailangan lang paghandaan ng team ay ang third quarter.

Our team was still on the lead. With a ten-point gap, Blue Angels were having a hard time keeping up. Paul was always guarding Gio but Gio always scores a point with him. Kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Paul habang tumatakbo patungo sa kabilang ring.

"They're losing focus," sabi ni Coach. "Blue Angels is a good team, I'd give them that but when there's a gap in the score, they became desperate. That's their weakness that they haven't overcome."

Muli akong tumingin kay Paul. Even though he looked desperate, when he lets go of the ball, he always scores. It rarely misses. "But-" The words died down on my lips.

"But if they overcome it, they'll be a force to reckon with."

The second quarter ended. The half-time started and we distributed towels and bottles of water again.

"The real battle will start after this," sabi ni Gio. Ginulo-gulo niya ang kaniyang buhok para alisin ang pawis dito. "They will start to physically attack us but make sure before they can do that, you have to be quick and get away."

Tumango lang ang lima sa kaniya. Mukhang may plano na sila para sa atakeng gagawin ng kabilang team.

"H'wag kayong magpapaapekto sa gagawin nilang pamimisikal," sabi ni Coach. "Focus on how to get away with it and how to score. If you can't get away and you have the ball, pass it. If you can't get away but you have the chance to shoot, shoot it."

The words he said were familiar and I remember what Gio said in the first practice game. I smiled at myself. Kahit mukhang wala siyang pakialam ay nakikinig din naman pala siya sa mga sinasabi ni Coach.

Naramdaman kong may tumapik sa 'king ulo. I looked up and saw Gio in front of me. "What are you smiling about?"

Ngumuso ako. "Nothing," sagot ko. Biglang pumito ang referee hudyat na tapos na ang break. "Good luck."

Hindi niya kaagad inalis ang pagkakahawak niya sa 'king ulo. Napalunok ako dahil sa kaniyang mga tingin. Ginulo-gulo niya ang aking buhok at bago niya ako tuluyang bitawan ay bahagya niyang hinawakan ang ilang hibla ng aking buhok. Pinadausdos niya ito sa kaniyang mahahabang daliri.

"I'll slam them to the ground this time."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com