Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20

Not a Chance

When Gio said something with seriousness and determination on his face, he really mean it. After he entered the court, the Blue Angels looked shaken and threatened. From here, I couldn't see Gio's face right now but I'm guessing it's a face of someone who's ready to take someone down.

The ball started to move with them and Gio's speed improved. Sinubukan siyang harangan ni Paul ngunit kaagad siyang nakaalis sa pagbabantay nito. Tumakbo siya patungo sa ring. Wala nang nagawa ang nagbabantay sa ilalim nito nang tumalon si Gio at nag-dunk. Pagkatapak ng kaniyang mga paa sa sahig ng court ay tumingin siya kay Paul at ngumisi.

I could see Paul balling his fist. He said something but I couldn't read his lips.

Nasa kabilang team ang bola. Kasalukuyan itong hawak ni Aaron. Binabantayan siya ni Rex. Pinanood ko ang bawat galaw niya. Nagtangka siyang tapakan si Rex ngunit kaagad itong nakahakbang patalikod. Dahil mas naka-focus si Aaron sa pananakit kay Rex, natapik niya ang bola. Mabilis itong nakuha ni Lloyd.

Hinarang siya ni Erwin. I saw Lloyd smirked. He jabbed step and when he created enough space, he shot the ball and scored three points.

Our team was still on the lead with a 10-point-difference. Mahihirapan ang team ni Paul na humabol lalo pa't hindi man lang nagpapakita ng pagod ang aming team. Desidido talaga silang manalo sa practice game na ʼto.

Isang minuto na lang bago matapos ang third quarter. Si Paul na naman ang may hawak ng bola at si Gio ang nagbabantay sa kaniya. It was Gio versus Paul again.

Mahigpit ang pagbabantay ni Gio ngunit kahit na hindi makalusot si Paul ay hindi pa rin niya ipinapasa ang bola sa kaniyang mga teammates. Hindi siya ganito maglaro pero sa kagustuhan niyang matalo si Gio ay pipilitin niyang maka-score.

Sinubukan ni Paul na makawala kay Gio ngunit mabilis nitong naagaw ang bola. Tumakbo siya patungo sa kabilang court. Malapit nang matapos ang third quarter at bago pa mapunta sa zero ang oras ay nai-shoot na niya ang bola. It was another three points for our team.

A quarter ended again with a score of 109-95. When they got back to the benches, they didn't look exhausted at all. It was like there was fire burning in their eyes showing their passion for basketball.

"Mabebs, ayos ba?" tanong ni Jin habang taas-baba ang kilay. "Sabi mo gusto mo ng score na hindi nila mahahabol."

Natawa naman ako. "Yeah. You guys are doing great."

They looked pleased with my compliment except Gio who had a serious look on his face.

Tinapik ko ang kaniyang balikat. "Loosen up, Dela Vega." Nginisian ko siya.

"Your ex..."–tumingin siya sa kabilang side–"...he's desperate to win."

Bumuntong-hininga ako. "He always is," sagot ko. "Watch out for their tricks."

Pinitik niya ang aking noo. Napasigaw ako sa sakit. Bago pa ako makaganti ay natapos na ang break. Muli na silang bumalik sa court para sa huling quarter.

Nagsimula na silang mamisikal ngunit hindi na ito umuubra dahil mabilis na nakakaiwas ang aming team. Kalmado lang sila kahit na ilang beses sinusubukan ng kabila na saktan sila. Habang pinapanood sila ay hindi ko mapigilang ikuyom ang aking mga kamao. Taliwas sa pangalan ng team nila ang ginagawa nila sa loob ng court.

Even though there was a huge gap in the score, Blue Angels managed to score consecutively until it reached to 115-110 because of Paul's three-point-shot.

Hindi rin nagpatalo ang aming team. Muli nilang tinambakan ang Blue Angels hanggang sa naging 125-111 ang score.

Dalawang minuto na lang ay matatapos na ang fourth quarter. Kahit na wala ng pag-asang manalo ang Blue Angels ay hindi pa rin sila tumigil sa pakikipaglaban para sa bola. Sa pagkakataong ʼto, na kay Gio na naman ang bola. Siya ang may pinakamaraming score sa larong ʼto. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang kagustuhan niyang mai-shoot ang bola bago matapos ang oras.

It was Gio versus Paul again but this time they were facing each other. Gio tried to pivot to the right but Paul caught up and guarded him again. They were talking but Gio was the only one smirking. Paul looked like he wanted to punch Gio on the face.

Kumunot ang aking noo nang biglang magpalit ang ekspresyon sa kanilang mukha. Si Gio naman ngayon ang mukhang galit at si Paul ang nakangisi. Gio said something and the arrogant smirk from Paul's lips fall. Natigilan siya ng ilang segundo at kinuha ni Gio itong pagkakataon para makalusot.

He jumped and scored three points. The fourth quarter ended with a score of 128-111.

Napasigaw kami sa saya nang matapos na ang laro. Kahit nanonood lang ako ay parang ako ang napapagod para sa kanila. Hindi biro ang tumakbo nang pabalik-balik sa court. Mas lalong hindi biro ang mag-score at magdepensa. Hanga ako sa stamina nila. Hindi nasayang ang pagte-training nila araw-araw.

"Nice game!" sigaw ng mga nasa banko.

Sila na ang nag-abot ng mga towel at bote ng tubig sa mga players.

"Good job, guys." Isa-isang tinapik ni Coach ang balikat nila. "I can proudly say that this is the Black Bulls that I watched over for years. Your performance exceeded my expectation. You're finally back in the game."

Napangiti ako nang makita ang tuwa sa kanilang mga mukha. Ito na ang tunay na Black Bulls, ang pinakamalakas na basketball team. Napatunayan nila sa practice game na ito na hindi dapat sila minamaliit.

"Coach Carandang."

Napatingin kaming lahat kay Coach Go. Nasa likod niya ang mga players. Si Anastasia naman ay nagpupunas na naman ng pawis ni Paul.

"Ah, Coach Go, thank you for this practice game." Nakipagkamay siya rito. Pilit na ngiti ang kaniyang ibinigay. "Your team is still the same."

Coach Go's eyebrows twitched. He looked annoyed. "What do you mean?"

"They're too eager to win and that made them lose their concentration. My advice is, they should loosen up and focus on their defenses. We'll look forward to your game in the intercollegiate."

Coach Carandang gave a serious advice but Coach Go looked offended. Kitang-kita na pilit lang na ngiti ang ibinibigay niya kay Coach.

"Ah, your team is always so perfect, Coach. Keep up the good work."

Pinili na lang naming h'wag magbigay ng reaksyon dahil kung papatulan namin siya ay para na rin kaming bumaba sa lebel niya. Practice game lang ito. Dapat ay walang hostility sa pagitan ng team lalong-lalo na sa mga coach pagkatapos ng game.

"See you in the intercollegiate," sabi ni Coach at nakipag-kamay muli kay Coach Go.

Nakipagkamay rin ang buong team sa Blue Angels. Habang ginagawa nila ʼyon ay sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit nila.

"I just want to fucking talk to her!"

Nagulat ako nang madinig ang sigaw ni Paul. Nang humarap ako sa kanila ay ang natitira na lang ay sina Paul at Anastasia. Nakaalis na sina Coach Go at ang mga ka-team niya. Si Coach Carandang ay wala rin na mukhang sumunod kay Coach Go.

Nakaharang silang lahat kay Paul at tanging likod lang nila ang nakikita ko.

"Why do you want to talk to her?" tanong ni Gio.

"Why the fuck do you care?" tanong pabalik ni Paul.

"Love, bakit ba gusto mo pang makausap ang babaeng ʼyon? Umalis na tayo!" maarteng sigaw ni Anastasia.

"Shut up!" sigaw ni Paul. "Stop clinging to me! Hintayin mo ako sa rest house!"

"What the fuck, Paul?!" tili ni Anastasia.

Nagulat ako nang tinabig niya si Gio at lumakad siya palapit sa ʼkin. Itinaas niya ang kaniyang kamay ngunit bago pa ito lumapat sa ʼking mukha ay kaagad kong nahawakan ang braso niya.

"What's your problem, Anastasia?"

Nanggagalaiti siya sa galit. Pilit niyang hinihila ang kaniyang kamay mula sa ʼkin ngunit mahigpit ang hawak ko sa kaniya. "Ikaw ang problema ko! Hanggang ngayon epal ka pa rin sa amin ni Paul! Ano'ng akala mo? Babalikan ka pa niya?"

"Anastasia, stop it!" Hinila siya ni Paul kaya wala akong nagawa kundi ang bitawan siya.

"That bitch is ruining everything!" Dinuro niya ako. "You want to talk to her? Why? Magbabalikan kayo?"

Umigting ang panga ni Paul. "It's not like that."

"Then what?!"

Hindi nakasagot si Paul. Kumawala sa kaniya si Anastasia.

"Kasalanan mo ʼto!" sigaw niya at muling sumugod sa ʼkin ngunit bago pa niya ako masaktan ay inunahan ko na siya.

Lumapat ang aking palad sa kaniyang pisngi. Sa sobrang lakas ng sampal ko'y napaupo siya sa sahig ng court. Ibinuhos ko ang sampal na ʼyon ang galit ko sa kaniya. Kung tutuusin ay kulang pa ʼyon dahil hindi ko pa nagagawa kay Paul.

"Pakinggan mo at ipasak mo sa kokote mo ang mga sinasabi mo, Anastasia." I looked down at her. "You stole him away from me. Did you hear anything from me? Did I come at you to bring back what was supposed to be mine? Wala kang nadinig sa ʼkin, Anastasia. Ipinaubaya ko siya sa ʼyo dahil napagtanto kong ang basura ay nababagay lang sa kapwa nito basura."

He face twisted in anger. "You bitch!" Tumayo siya para atakihin ako ulit ngunit humarang si Gio sa ʼkin. Ang buong basketball team ay nagpunta sa magkabila kong tabi. "Hah! You're a slut! Pinagamit mo na sa kanila ang katawan mo para lang magkaroon ka ng kakampi?"

"Anastasia!" Hinawakan ni Paul ang braso nito ngunit pumiglas si Anastasia.

"Bitawan mo ako, Paul!" Muli siyang humarap sa ʼkin. "Ano'ng pakiramdam, Lian? Ano'ng pakiramdam na pinapagamit mo ang katawan mo sa kanila para lang masabi mong may lalaban para sa ʼyon? Masarap ba–"

"How about you?" Napatingin kaming lahat kay Gio. Nakangisi siya. Kinilabutan ako sa kaniyang mga mata. "What does it feel like to offer your body to the captain's teammates just to get close to him? Aaron, Tyler, Erwin, and even the seniors who already graduated before. In exchange, they will help you push through with your schemes. You became their slut just to take someone's boyfriend away."

Nanginig si Anastasia. Nanlalaki ang kaniyang mga mata. Hindi niya magawang sumagot sa mga sinabi ni Gio. Maging ako ay hindi makapaniwala sa ʼking nadinig.

Tumingin ako kay Paul ngunit nakaiwas lang ang kaniyang tingin habang kagat ang kaniyang labi. Namumula ang kaniyang mga mata na para bang naiiyak na.

"W-what bullshit are you saying? H'wag kang sinungaling!" She tried to attack Gio but he caught her hand. "Bitawan mo ako!"

"H'wag mong ipasa kay Isabelle ang mga bagay na ikaw naman ang gumawa." Binitawan niya ang kamay ni Anastasia. "Isabelle is the basketball team's manager and you're the Blue Angels' slut. That's the real difference."

Tuluyan nang hindi nakapagsalita si Anastasia. Ang nagawa niya lang ay ang maglakad paalis. Hindi na niya nagawang hintayin si Paul.

"Hindi mo ba susundan ang girlfriend mo?" tanong ko kay Paul.

Bumuntong-hininga siya. Humarap siya sa ʼkin ngunit lumipas pa ang ilang minuto bago niya nagawang tumingin sa ʼking mga mata.

"The reason I wanted to talk was..."–kumunot ang kaniyang noo at kinagat niya ang ibaba niyang labi–"...I wanted to apologize. I'm really sorry for everything."

"Akala mo ba–" Pinigilan ko si Zen.

Umiling ako sa kaniya.

Tiningnan ko si Paul, ang kauna-unahang lalake na minahal ko at kauna-unahang dumurog sa puso ko. Lumapit ako sa kaniya. Itinaas ko ang aking kamay ngunit hindi ko nagawang ilapat ito sa kaniyang mukha.

My hand dropped on my side. "I don't know if I can forgive you or if I will ever forgive you for what you did but this is all I wanted to hear. I don't want explanations. I want a proper closure. And this is it." Kinuyom ko ang aking mga kamao. "This is the closure I want. I hope what you did to me will serve as a lesson for you too."

Lumakad na ako paalis. Sumunod naman sa ʼkin ang buong basketball team.

"Lian!" Napatigil kami sa paglalakad. "Can we at least stay as friends?"

Bago pa ako makasagot ay nadinig ko ang mahinang tawa ni Gio. Inakbayan niya ako.

"Not a chance."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com