Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24

Forgiven

I don't know how many days have passed since I've been brought to the hospital. I easily lose consciousness everytime I open my eyes. Even though I wanted to stay awake longer, my brain couldn't handle the tiredness I've been feeling. But everytime I open my eyes, I could see Gio sitting beside me and looking at my face.

"How is she?"

Nadinig ko ang boses ni Mommy ngunit hindi ko maimulat ang aking mga mata. Antok na antok ako ngunit ayaw kong matulog na naman. Gusto kong madinig ang mga boses nila.

"She's fine, Ma'am," sagot ni Gio.

Mommy chuckled. "Please don't call me Ma'am. Just call me Tita." I heard the chair sliding down the floor and a small thud. I guess Mom sat down on the other side of the bed. "We already tracked the student who did this to Lian. They decided to kick her out for committing a grave violation."

"Thank you and I'm sorry for not being able to help you with it."

"It's fine. Ako na rin naman ang nagsabi sa 'yo na hindi mo na kailangang maghanap at ikaw na lang ang bahala muna kay Lian." I heard my Mom sighed. "Don't look guilty, Gio. I and Andrew already talked about this. This is not your fault."

"Thank you, Tita."

Gio's voice sounded so weak and low. Even though I couldn't see his face, I could feel that he was wearing an expression I've never seen before.

"Lian is a strong kid and I'm very proud of her for that." Hinawakan ni Mommy ang aking kamay. "We're always busy with our business and we barely have time for her but she never asks anything from us. She's doing great at school too. She faced a lot of obstacles before and I know she'll overcome this one too."

Hindi ko na nadinig pang sumagot si Gio dahil unti-unti na naman akong hinihila ng antok. Sa pagkakataong 'to ay hindi ko na nilabanan dahil kailangan ko ng madaming pahinga para gumaling ako kaagad. Ayaw kong lumpias ang sports competition nang nandito sa ospital. Kailangan ko silang mapanood.

"Ipapanalo namin ang laro para sa 'yo, Mabebs."

"Chill ka lang d'yan."

"Paggising mo, may hawak na kaming trophy."

When I woke up, I felt like something was lifted off me. I looked around and found myself alone in the room. Dahan-dahan akong bumangon at isinandal ang aking sarili. Tumingin ako sa bedside table at nakita ang aking cellphone na nakapatong doon.

I reached for it and I almost dropped it when I saw what day it is today. It was the day of the competition and judging by the time, it probably ended.

Nanginig ang aking mga kamay habang nagtitipa ng letra upang mag-send ng mensahe para kina Tamara, Yvonne at Jelyn ngunit bago pa ako matapos ay tumunog ito. May lumabas na notification mula sa itaas mula sa page ng aming school na fina-follow ko.

Black Bulls lost to Blue Angels for the first time...

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Namuo ang luha sa 'king mga mata.

How did they lose?

Bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok ang tatlo kong kaibigan. They were wearing a smile on their face but I know they already knew. Kaagad nabura ang ngiti sa kanilang mga labi nang makita nilang hawak ko ang aking cellphone.

"Oh, Lian." Lumapit sa 'kin si Tamara at niyakap ako. "Don't cry. They did their best, ok?"

"B-but where are they? Bakit hindi nila ako pinuntahan kaagad?" I sobbed while clinging on Tamara's arm like a child.

Nagkatinginan silang tatlo. Lumapit sa amin si Yvonne at umupo siya sa kabilang side.

"They're just resting so don't worry about it too much. May summer competition pa next year, Puwedeng-puwede pa silang makabawi."

Jelyn patted my head. "They'll come here soon."

They didn't come like what my friends told me.

Nakalabas na ako ng ospital ngunit ni isa sa kanila ay hindi man lang ako dinalaw. Sinubukan ko rin silang tawagan at i-message ngunit walang sumasagot sa 'kin. Hindi ko alam kung anong dahilan nila kung bakit nila ginagawa 'to at ang tanging paraan lang para malaman ang sagot ay puntahan sila.

"Lian, are you sure you're going to class?" tanong ni Tamara habang sinusuklay ang kaniyang buhok.

"Yup," sagot ko. Inilagay ko ang aking notebook sa bag. Dumako ang aking tingin sa isang bond paper. Kinuha ko ito at inilagay rin sa aking bag. "But I'll check the gym first."

Hindi na siya nagsalita pa. May pakiramdam na ako na may alam sila kung bakit hindi nagpapakita sa 'kin ang basketball team pero hindi ko sila tinatanong dahil ayaw kong sa kanila magmula ang sagot. Kailangan kong makausap mismo ang buong basketball team.

Habang papalapit ako sa gym ay mas lumalakas ang tibok ng aking puso sa kaba. Ilang metro pa ang layo ko ngunit dinig na dinig ko ang mga sigaw nila.

"Run faster!"

"Fuck!"

"Fuck those fucking angels!"

Tumigil ako sa harap ng pinto ng gym. Patuloy pa rin sila sa pagsigaw ngunit hindi ko man lang sila nadinig na tumatawa na palagi nilang ginagawa habang nagte-training. Hinawakan ko ang handle at dahan-dahang itinulak ang pinto.

Naabutan ko silang lahat na nakahiga sa gitna ng court. Basang-basa sila ng pawis at gulo-gulo ang buhok. Hinahabol nila ang kanilang hininga at lahat sila'y nakapikit.

Sumikip ang aking dibdib habang tinitingnan sila. Mukha silang pagod na pagod pero bukod doon ay nababalutan sila ng malungkot na atmosphere. Hanggang ngayon ay apektado pa rin sila sa pagkatalo nila.

Summer Competition, huh?

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi na sila makakapaglaro sa Summer Competition dahil Blue Angels ang magre-represent sa buong city dahil sila ang nanalo. Summer Competition is for the team from different cities in our region. Black Bulls won't be part of it.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Hanggang kailan niyo ako balak iwasan?!" sigaw ko sa kanila.

Sabay-sabay silang napabangon. Nanlalaki ang kanilang mga mata habang nakatingin sa 'kin. Nanginig ang aking labi hanggang sa hindi ko na napigilan pang maiyak.

"Mabebs!" sigaw nila at nagsilapitan sila sa 'kin.

"S-sorry, Mabebs, natalo kami," malungkot na sabi ni Rex.

" 'Wag ka nang umiyak. Kasalanan namin kung bakit kami natalo. Kung hindi kami nagseryoso umpisa pa lang ay hindi 'to mangyayari," sabi naman ni Lloyd.

Mas lalo akong napaiyak dahil sa nadidinig ko mula sa kanila.

Tiningnan ko sila nang masama. "Sa tingin niyo ba may pakealam ako kung matalo kayo? Oo, nakakalungkot na hindi kayo nanalo pero mas nakakalungkot na hindi niyo man lang nagawang magpakita sa 'kin!"

Napatungo sila sa sinabi ko. Napansin kong tumataas-baba ang balikat nina Zen, Jin, Lloyd at Rex. Panay ang punas nila sa kanilang mga mata gamit ang kanilang braso.

"Oh, these kids," bulong ko.

Nilapitan ko silang apat at niyakap. Mas lalo lang silang naiyak dahil sa aking ginawa. Para silang mga bata na pinagalitan ng kanilang magulang. Kahit ako'y napapaiyak lalo habang pinapanood sila.

"D-dinalaw ka namin bago ang laro. Ang sabi ko pa, pagbalik namin may dala na kaming trophy pero natalo kami," humihikbing sabi ni Rex.

"K-kasalanan ko, nakuha nila sa 'kin 'yong bola sa huling minuto," sabi naman ni Lloyd na namumukto na ang mga mata na para bang hindi lang siya ngayon umiyak.

"Wala kayong kasalanan sa nangyari, ok?" Tiningnan ko silang lahat. Nagtama ang mga mata namin ni Gio at kaagad akong ngumiti sa kaniya. "Ginawa niyo ang best niyo. Alam niyo sa sarili niyo 'yon. Hindi niyo kailangang sisihin ang mga sarili niyo sa nangyari. Ang maipapayo ko lang, tandaan niyo 'yong disappointment na naramdaman niyo at gawin niyo 'yong inspirasyon para mas galingan pa."

"Pero wala ng susunod, Mabebs," nakangusong sabi ni Zen. Namumukto rin ang kaniyang mga mata. "Iyon na ang huli naming laro bago kami mag-graduate."

Ngumiti ako sa kaniya. Kinuha ko ang aking bag at kinuha ang isang papel. Iniharap ko ito sa kanila at ngumisi.

Hindi sila kaagad nakapagsalita at tanging pagtitig lang sa papel ang kanilang nagawa.

When I was discharged at the hospital, I rest for several days and after that, I went to Mrs. Carandang to talk to her about the basketball team. I don't want it to be their last game before they graduate so I want to find a way to watch them play again.

Next year, there will be a fundraising for the school's charity. Every year nagdo-donate ang school sa isang bahay-ampunan. Para makalikom ng funds, may one-week event na isinusulong ang Student Council.

Humingi ako ng tulong kay Mrs. Carandang isama sa event ang basketball game at mag-imbita ng mga team sa ibang school. Para makapanood, kailangang bumili ng ticket. Kung hindi naman nila kayang manood sa mismong game, mag-o-offer kami ng livestreaming na may bayad din. With that, we will be able to help the fundraising and at the same time, the basketball team will be able to play in an actual game.

"Sinong may sabing hahayaan kong maging last game niyo na 'yon?" Muli akong ngumisi sa kanila.

"Mabebs!" sabay-sabay silang dumamba sa 'kin ng yakap hanggang sa nahulog kaming lahat.

Bago pa ako madaganan ng mga loko ay naramdaman kong may kamay na pumulupot sa 'king baywang. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakasalo ang kamay ni Gio sa 'king likod habang nasa ibabaw ko siya. Ang mga tukmol naman ay nakadagan sa kaniya at ang iba ay nasa magkabilang gilid ko.

Ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Ngumiti siya sa 'kin.

"You've come this far for us," sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. "Thank you."

Uminit ang aking pisngi. Bihira ko lang madinig ang salitang "Thank you" mula sa kaniyang bibig pero pakiramdam ko napakalaking bagay nang nagawa ko.

Isa-isa na silang tumayo. Inilahad niya ang kaniyang kamay at kinuha ko naman 'yon para makatayo na rin ako.

Binitawan niya ang aking kamay at isa-isa silang luminya sa 'king harapan.

"Salama, Mabebs!" sigaw nilang lahat. Maging si Gio ay nakisigaw rin.

Napatawa na lang ako sa kanilang ginawa. "Don't be hard on yourselves. I understand that you want to train more but don't forget to rest."

Tumingin ako sa 'king orasan. Dalawang oras pa bago magsimula ang aking afternoon class.

"Maligo na kayo at hihintayin ko kayo rito. Sabay-sabay na tayong mag-lunch."

"Yes, Mabebs!" Sumaludo pa sila sa 'kin bago sila nagtakbuhan papunta sa shower room.

Naiwan kami ni Gio sa gitna ng court. Nagtataka man ay hindi ko siya magawang tanungin kung bakit hindi pa siya sumusunod sa mga tukmol.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking pisngi. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala. "Are you really ok now?" mahinang tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. "Patuloy pa rin ako sa paggamot ng eardrum ko pero ok na talaga ako ngayon."

He sighed. "I'm sorry if we didn't come to visit you even after you got discharged," aniya. "I just don't know how to face you after losing like that. I talked big and we ended up becoming losers."

Inalis niya ang kaniyang kamay sa 'king pisngi. Bago pa niya ito maibaba ay hinawakan ko ito at ibinalik sa 'king pisngi. Hindi ko kaagad napagtanto ang aking nagawa at huli na ang lahat bago ko mabitawan ang kamay niya.

Ngumiti ako sa kaniya kahit na nahihiya ako sa 'king ginawa. "I know you did your best." Humigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay. "Next year, please play coolly for me."

Binatawan ko ang kaniyang kamay. Nagulat ako nang bigla niya akong pitikin sa noo.

"When did I stopped playing coolly?" Nakasimangot na tanong niya.

Ngumisi ako. Hinawakan ko siya sa balikat at iniharap ko siya patungo sa shower room. "Alright, big boy, time to clean yourself. Hihintayin ko kayo rito."

He clicked his tongue but didn't say a word. Lumakad na siya patungo sa shower room ngunit bago pa siya makapasok sa loob ay humarap siya sa 'kin.

"I can't imagine the basketball team without you now, Isabelle." Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. "We don't need a new manager even though you won't be able to manage us next year."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com