Chapter 25
Chapter 25
Auto-correct
"Lian, may susuotin ka na para sa Christmas Party?" tanong ni Tamara habang nakatingin sa hawak niyang magazine. It's the November issue of a fashion magazine. She's looking at best Halloween costumes for a party.
I leaned back on the swivel chair and turned it around to face her. "Wala pa. Do we really need to attend?"
Every year, may Halloween party na ginaganap tuwing katapusang ng October para i-celebrate ang Halloween. Naging tradisyon na 'yon dito sa campus. Light drinks are allowed and it's always held in the gymnasium. Simula nang pumasok ako rito ay hindi ako uma-attend. Ngayong last year na namin, required sa mga graduating students na um-attend.
"Yup, kundi lagot tayo kay dean," sagot ni Yvonne na nakahiga sa kama ko habang hawak ang kaniyang cellphone.
"I don't know what to wear either," sabi ni Jelyn habang tumitingin din sa magazine na hawak ni Tamara.
Muli kong iniikot ang swivel chair paharap sa study table para magbasa. Christmas vacation is coming too. After ng Halloween party, wala na kaming pasok. I wonder if Mom and Dad will go home for Christmas. Usually, hindi sila nakakauwi dahil madalas silang busy tuwing pasko.
"Should we shop for the costume? I don't want to order online. Gusto ko masusukat ko bago ko bilhin," sabi ni Tamara.
"What will you wear, Tam?" tanong ni Jelyn. "I might wear a white lady costume."
"Ah! Sa akin si Sadako tapos ikaw na lang si Kayako, Jelyn."
Pinapakinggan ko lang sila habang nag-uusap. The three of them decided to wear as white ladies from different horror movies meanwhile I can't even think of anything to wear. I'll probably wear ordinary clothes and say I'm a serial killer.
Kinuha ko ang aking cellphone. I haven't heard from the basketball team for a while because we were all busy with our acads. But surprisingly, they never skipped practice according to Coach Carandang. Mukhang desidido silang manalo next year sa fund raising event ng school.
Ilalapag ko na sana ulit ang cellphone sa ibabaw ng study table ngunit nag-vibrate ito.

Napataas ang aking kilay nang makita si Gio na nag-text. Kaagad akong nagtipa ng ire-reply sa kaniya.

After sending the text, muli akong humarap sa tatlo kong mga kaibigan na abala sa pagtingin sa magazine. Mukha silang excited para sa magaganap na Halloween party sa Monday. Samantalang ako ay hindi man lang nag-e-effort. I've been going to parties since I was young because Mom and Dad always bring me with them and when I grew up, I got tired of it. Buti na lang hindi na nila ako gaanong isinasama dahil busy na rin naman ako sa school.

Napahagalpak ako ng tawa nang mabasa ang message niya. Hindi ko alam kung typo ba 'to o hindi niya lang talaga alam ang spelling ng halloween.

Natatawa ako habang hinihintay ang reply niya. Nakakahiya! Inasar ko pa siya pero ako rin pala 'tong mabibiktima ng auto-correct.
"Ay, kaya naman pala tuwang-tuwa. Kausap si Mr. Dela Vega."
Nagulat ako nang biglang magsalita si Yvonne mula sa 'king likod. Pagtingin ko ay nakatayo na silang tatlo sa likod ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Kaagad ko itong itinaob sa lamesa.
"Hindi ako tuwang-tuwa, ah!" pagdepensa ko.
Ngumiti si Tamara na para bang nang-aasar. "Eh, bakit ka tumatawa?"
"Masama bang tumawa?" Inirapan ko siya.
Muling nag-vibrate ang aking cellphone. Hindi ko muna ito tiningnan dahil hindi pa rin sila umaalis.
"Kailangan bang magbasa ng message ng iba?" bulyaw ko sa kanilang tatlo.
Ngumuso sila at sabay-sabay na bumalik sa kanilang ginagawa. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang reply ni Gio sa 'kin.

Hindi ko na hinintay ang reply niya. Nagtungo na ako sa banyo para maligo. May klase pa ako at bukas pa magsisimula ang start ng Christmas Break at sa Monday naman ang Halloween Party. Ayaw ko na sanang pumasok dahil iisang subject lang naman ang klase ko mamaya pero naisip kong baka may makaligtaan akong importanteng lesson.
Paglabas ko ng banyo ay nakakumpol silang tatlo sa study table. Napakamot ako sa aking ulo. Nilapitan ko sila at pinagtatapik sa ulo. Mabuti na lang may lock ang phone ko kundi baka nabuksan na nila ito at nabasa na ang convo namin ni Gio.
"Mga chismosa talaga kayo."
Kinuha ko ang aking cellphone at binasa ang reply ni Gio na poker face emoji lang naman.
Nang makapagbihis na ako ay iniwan ko na sila sa dorm para magpunta sa klase ko. Paglabas ko sa dorm ay napakunot ang aking noo nang makita si Gio na nakatayo sa labas habang abala sa pag-swipe sa kaniyang cellphone.
"Oh? Bakit ka nandito?" tanong ko.
Muntik na niyang mabitawan ang kaniyang cellphone. Mabuti na lang ay nahawakan niya kaagad nang mabuti.
He frowned. "Napadaan lang."
Ako naman ang napasimangot. "Dorm area 'to. Anong dadaanan mo rito?"
Tiningnan niya ako nang masama. "I jogged."
Tiningnan ko naman siya simula ulo hanggang paa. Mukha siyang bagong ligo. Nakasuot siya ng long sleeves shirt at itim na pantalon. Ang sapatos naman niya ay itim na Stan Smith. Ito ba ang mukhang nag-jogging?
"Iyan na pala ang suot ngayon kapag nagjo-jogging, 'no?" Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagtawa.
Inirapan niya ako at lumakad palapit sa 'kin. "Like I've said, napadaan lang ako."
Mukhang hindi siya magpapatalo kaya dapat ako rin. "Aminin mo na kasing ako talaga ang ipinunta mo rito. Bakit? Na-miss mo ang pagmumukha ko?" Tumawa ako.
He looked at me like I'm the weirdest creature he had seen on Earth. Nauna na siyang lumakad sa 'kin. "Who would miss you?"
"You." Humagalpak ako ng tawa nang lingunin niya ako. Kunot na kunot ang kaniyang noo. "Joke lang! Parang manununtok ka na, eh." Tinapik ko ang kaniyang likod nang maabutan ko siya sa paglalakad.
Inirapan niya lang ako.
"Kamusta ang practice?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa Education Department building.
"They're all working hard," sagot niya. Saglit siyang tumingin sa 'kin. "What time will your class end?"
"2 PM, why?"
Iniharap niya sa 'kin ang screen ng kaniyang cellphone at dahan-dahang ini-scroll ang mga messages mula sa group chat namin na naka-mute sa 'kin. Hindi ko binasa ang mga message nila kagabi dahil kahit hindi ko sila nadidinig ay napapagod ako sa mga pinag-uusapan nila.
Sunod-sunod ang mga messages nila na naka-mention ako. Nagyayaya silang kumain mamaya sa tambayan nila.
"Tell them I'll be there."
"Why don't you do it yourself?" masungit na tanong niya sa 'kin ngunit nakita kong nagsisimula na siyang mag-type.
Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng tukmol na 'to, eh.
Nang makarating kami sa tapat ng building namin ay humarap ako sa kaniya. "Dito na ako. May klase ka ba ngayon?"
Medyo malayo ang building nila mula rito kaya mas mabuting dalian niya baka mahuli pa siya.
"I don't have classes today."
Napanguso ako. "Eh, bakit ka nandito?"
Hindi niya ako sinagot at tinalikuran na ako. Nagsimula na siyang maglakad palayo. Hindi ko na siya nagawang tawagin dahil baka mahuli ako klase ko.
Kung wala siyang klase ngayon, bakit siya nagpunta rito sa campus? Hindi naman siya nagdo-dorm kaya siguradong nagmula siya sa condo niya or sa bahay nila mismo. Napahawak ako sa aking bibig at nag-init ang aking pisngi nang may pumasok sa aking isip.
Hindi kaya nagpunta siya rito para ihatid ako sa building namin?
Iniiling ko ang aking ulo. Imposible. Bakit naman niya gagawin 'yon? Siguro may pupuntahan talaga siya rito sa campus. Hindi dapat ako nag-a-assume.
Kaysa isipin nang isipin ang nangyari ay dumeretso na ako sa classroom.

Tama ang naging desisyon ko na pumasok sa kaisa-isang subject ngayong araw na 'to dahil nagbigay ang professor namin ng take home activities na ipapasa namin pagbalik namin sa January. Kung hindi ako pumasok, siguradong malaking epekto 'yon sa 'king grade dahil napakdami niyang activities na ipinauwi sa amin.
Pagkalabas sa building ay dumeretso ako sa tambayan ng basketball team. Nasa pinto pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang malakas nilang tawanan. Pagbukas ko ay naabutan ko silang lahat sa couch habang may kaniya-kaniyang hawak na PSP.
Nakahanda na sa lamesa ang mga in-order nilang pagkain.
"Mabebs!" sigaw ni Zen nang makita niya ako.
Sabay-sabay silang tumayo maliban kay Gio na nakatingin sa malaking screen ng TV.
Lumapit sila sa 'kin na parang mga batang naghihintay ng reward mula sa kanilang magulang. Isa-isa kong ginulo-gulo ang mga buhok nila. Natawa na lang ako nang makitang tuwang-tuwa sila sa ginawa ko.
"Kamusta kayo?"
Lumakad ako patungo sa couch at umupo. Tumabi sa 'kin sina Zen at Jin. Pumalibot naman ang iba sa 'kin.
"Araw-araw kaming nagpa-practice, Mabebs!" proud na sabi ni Zen habang nakataas ang kamay.
"Sinusunod din namin ang diet plan na ginawa mo para sa amin," sabi naman ni Lloyd.
"Pero nagrereklamo na ang cafeteria dahil ang madaming nakakain na saging si Zen," pagsusumbong naman ni Rex.
Tumingin ako kay Zen na nakanguso. "Masarap, eh!" sigaw niya.
"Pagpasensyahan mo na, Mabebs. Unggoy kasi 'yan noong past life niya," sabi ni Adam.
"Anong noong past life? Hanggang ngayon naman, oh?" Hinawakan ni Shon ang mukha ni Zen.
Inilagay naman ni Zen ang dila niya sa harap ng ngipin niya at hinawakan ang tainga niya para magmukha siyang unggoy. Napatawa kaming lahat sa kaniyang ginawa.
"Mabuti naman ginagalingan niyo sa practice." Kumuha ako ng isang slice ng pizza. "Ang acads niyo? Kamusta? Siguradong mas madaming ibibigay na activities sa inyo ang mga professor para makabawi kayo sa grades."
Sabay-sabay silang nanlumo.
"Hindi namin alam kung sapat ang dalawang linggo para sa lahat ng activities na ipinauwi nila sa amin," sabi ni Owen. Kinuha niya ang coke in can na nakapatong sa lamesa at uminom mula rito.
"Ito talaga 'yung time na binabawian kami ng mga professor sa lahat ng mga klaseng hindi namin napasukan, eh," sabi ni Bogs.
"Pinasukan." Pagtatama ko sa kaniya at ngumisi. "Halos magkakaklase naman kayo at pare-pareho kayo ng subject kaya madali para sa inyo na gawin 'yon."
"Ang problema, pare-pareho kaming mga boplaks!" Pabagsak na sumandal si Jin sa couch.
Napansin ko si Gio na tahimik na naglalaro. Titig na titig pa rin siya sa screen ng TV habang tumatakbo ang character niya sa loob ng isang madilim na building. Kumpara sa reaksyon ng mga kaibigan niya, kalmado lang siya.
"Bakit si Gio kalma lang?" tanong ko.
Nakita kong naka-pause na ang game.
"Because I'm not stupid like them." Ngumisi siya.
Bigla namang nag-iba ang aura ng mga tukmol. Sabay-sabay silang lumapit kay Gio at dinaganan ito.
"Ang yabang mo, ah!"
"Oo, kami na ang bobo kaya pakopyahin mo kami!"
"Hindi kami papayag na ikaw lang ang may ipapasa sa January!"
"Kapag ka pumayag na pagayanin kami, hindi kami aalis dito!"
Tuwang-tuwa ako habang pinapanood sila. Mas lalo akong natawa nang makita ang mukha ni Gio na nabibigatan na dahil sa mga tukmol na nakadamba sa kaniya.
"Get off me, you shitheads!" sigaw niya ngunit hindi pa rin umaalis ang mga ito. "Fine! I'll save your pitiful asses!"
Saka lang sila umalis sa pagkakadagan kay Gio nang pumayag itong pakopyahin sila. Nagsibalikan na sila sa kanilang kinauupuan ngunit bago pa makaupo si Jin sa 'king tabi ay hinila siya ni Gio paalis. Si Gio ang umupo sa 'king tabi.
Wala siyang reaksyon habang kumukuha ng pizza mula sa box na nakapatong sa lamesa. Umaakto siya na para bang wala siyang ginawa.
"Jin, ang kapal naman kasi ng mukha mo na tabihan si Mabebs!" sabi ni Luis.
"Pagbigyan na natin si Gio. Nahihiya kasi siyang magsabi na gusto niyang tumabi kay Mabebs, eh," sabi naman ni Erzo.
Binato ni Gio ang crust ng pizza sa dalawa kaya naman napatawa silang lahat.
Hindi ko naman alam kung ano ang iaakto ko. Pakiramdam ko'y habang tumatagal ay umiinit ang pisngi ko. Magkalapat ang aming balikat at hindi ko alam kung lalayo baa ko o hindi.
"Ay, si Mabebs nagba-blush!" anunsyo ni Carl.
Tiningnan ko siya nang masama ngunit wala na akong nagawa dahil sa akin nabaling ang atensyon nila. Si Gio naman ay patuloy lang sa pagkain.
Ngumiti ako sa kanila. "Kapag hindi kayo tumigil patatakbuhin ko kayo sa buong campus ngayon din."
That shut them up.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com