Chapter 3
Chapter 3
Deal
"How long are we going to walk?" tanong ko habang naglalakad. Ang dami na naming nalagpasan na building pero hindi pa rin kami nakakarating sa "hangout place" nila.
"We're almost there," sagot ni Adam na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang braso sa aking balikat.
His perfume smelled familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko ʼyon naamoy.
"Have you always been using the perfume you're wearing right now?"
Ngumisi siya sa akin. "Inaamoy mo na ako ngayon, Manager?"
"Amoy na amoy ʼyung pabango sa ʼyo na parang iniligo mo na. Paanong hindi ko maaamoy?" Umirap ako sa kanya.
He laughed and he finally removed his arm around my shoulder. "I've always been using this one. It's my favorite."
Hindi ko na siya sinagot. Hindi ko na rin masyasong inisip kung bakit pamilyar ang pabango niya.
Nakarating kami sa tapat ng club building. Nandito lahat ng mga club offices sa school.
"Dito ang hangout place niyo?" tanong ko.
"You'll see," sagot ni Adam.
Hinawakan niya ang aking braso at hinila palayo sa entrance. Dinala nila ako sa likod ng building.
"Saan niyo ako dadalhin—" Naputol ang aking sasabihin nang makarating kami sa harap ng isang pinto.
Binuksan ito ni Owen at bumungad sa akin ang isang hagdan pababa.
Ito ang storage room ng mga clubs. Dito nila inilalagay ang mga gamit nilang inilalabas lang kapag may event o kaya mga gamit na pangpasikip lang sa mga office nila.
Kinuha ko ang aking cellphone at pasimpleng binuksan ang voice recorder. Nang masigurado kong nakarecord ito, ini-lock ko na ito. Kung may gagawin man silang hindi maganda sa akin, at least may ebidensya.
Takbuhan ko man sila ngayon, hindi ko rin magagawa sa dami nila. May mangyari man, panglaban ko ang voice record na ʼto.
Praning na kung praning. Wala namang masama na mag-ingat.
We went down the stairs and when we reached the bottom, I instantly felt like I was transported to a different place.
This isn't a storage room. This is definitely a hangout place!
Punong-puno ng entertainment materials ang buong kwarto—video game consoles, arcade machines, books and comic area, at may mini bar din.
Hindi ko alam na wala ng storage room ang mga clubs dito. Malamang ay inilipat nila lahat ng gamit nila mula rito dahil ginawa itong hangout place ng mga tukmol.
"What the f*ck is she doing here?"
Napatingin ako sa gitna kung nasaan ang mga couches at bean bags. Nakaupo roon si Gio habang may hawak na lata ng soda.
"Gusto ka raw niyang makausap about sa training," sagot ni Luis.
Sumandal si Gio sa couch habang masama ang tingin sa ʼkin. "We have nothing to talk about."
Inilabas ko ang printout na dapat ay para sa kanya. Nilapitan ko siya at pabagsak na inilapag ang papel sa lamesa.
"We have a lot to talk about, Dela Vega." Umupo ako sa katapat na couch. "You're the captain of the basketball so you need to act like one. The league will happen in two months. You have to prepare yourself and the whole team for it. If you don't want to have these responsibilities, just quit." I gave him a fake smile.
He scoffed. "Like I said before, we don't need you," sabi niya habang hindi inaalis ang galit niyang tingin sa akin. "Don't act like you know anything about basketball. We don't need you to tell us what to do."
Ibang klase ang tigas ng mukha ng lalakeng ʼto.
"Ginagawa ko lang ang trabahong ibinigay para sa akin at hindi lang para sa sarili ko kaya ko ito ginagawa. Cooperation lang naman ang kailangan ko mula sa ʼyo."
"We'll win even without you. Get out from my sight."
The last strand of patience finally snapped. I reached out for my phone, stopped the record and dialled for Mrs. Carandang's number. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya habang pinapakinggan ang pang-ring.
"Yes, Lian? Napatawag ka?"
"Ma'am, I hope this isn't too much to ask, pwede pong magconduct tayo ng practice game between our team and one of the neighbor school's team? Any team would be fine but I prefer the team who have a potential to beat our team."
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Gio. Ibinuka niya ang kanyang bibig para magprotesta ngunit hindi ko alam kung bakit hindi niya itinuloy.
Isa-isa kong tiningnan ang reaksyon ng bawat myembro ng team. Lahat sila ay gulat na gulat mula sa nadinig mula sa akin.
They have a lot of confidence. Tingnan natin kung may ibubuga nga sila kahit wala silang matinong practice.
"Sure! Kailan natin isasagawa ʼyon?"
"As soon as possible, Maʼam. Kung maaari ay within this week sana."
"Noted. I'll update you about it."
I smiled. "Thanks po!" I dropped the call.
Humigpit ang hawak ni Gio sa lata ng soda sa kanyang kamay. "Are you underestimating us?"
Sumandal ako sa couch at humalukipkip. "I just want to see for myself if your team can win even without practice. Tutal pinagpipilitan mong hindi niyo kailangan ng practice, bakit hindi niyo patunayan sa ʼkin?"
I don't feel the need to stay any longer. Tumayo na ako para umalis. Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin at nagawa ko na ang gusto kong gawin.
"Magkakaroon kayo ng practice game this week. I-update ko na lang kayo kung kailan." I smirked.
Hindi ko na sila hinintay sumagot. Umalis na ako sa kwartong ʼyon. I could feel Gio's burning gaze behind but I didn't care.
Dumeretso ako sa sunod kong klase. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi dahil pakiramdam koʼy ako ang nanalo.
Gusto kong ipamukha kay Gio na walang magagawa ang pagmamatigas niya. Hinihiling ko nga na sana ay matalo sila para makita nilang hindi sa lahat ng bagay ay panalo sila. Mabawasan man lang ang kayabangan nila.
"Good mood ka yata ngayon, Lian?" tanong ni Yvonne na kaklase ko sa World Literature.
Magkaiba kami ng kurso pero dahil sampu lang silang Computer Science, madalas silang napapahalo sa ibang kurso kapag minor subject ang klase.
"Well, I will put someone in their right place soon." I smirked.
"Tungkol ba ʼyan sa basketball team?"
Tumango ako. "They're hard to handle but I think I can deal with them."
Tumawa siya. "Of course, you can! Ikaw pa? Diyan mo mapa-practice ang pagiging terror teacher mo."
Humalumbaba ako sa lamesa at napangiti na lang. Terror, huh? I wonder what kind of educator I'll be like after I graduated and passed the exam?
Thinking back the first time I thought of wanting to be a teacher, my parents looked like they don't want it for me. Kahit ganoon, hinayaan pa rin nila akong kuhanin ang kursong gusto ko. Sabi nila sa ʼkin, wala silang karapatan na pigilan ako sa pangarap ko. Ang tanging responsibilidad lang nila ay ang gabayan ako.
Lumipas ang araw na sa sobrang bilis ay hindi ko man lang naramdaman ang pagod.
Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ang text mula kay Mrs. Carandang.

Nice, ok lang kahit isa lang.

"Baka mabunggo ka, Lian. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo," natatawang sabi ni Yvonne.
I beamed at her. "Nandiyan ka naman. Love you!"
Napailing na lang siya. Hinawakan nita ako sa balikat para igaya ako sa paglalakad.

Napatigil ako sa paglalakad nang mabasa ang sagot ni Mrs. Carandang sa tanong ko.
No... way...
"Lian? Bakit ka tumigil sa paglalakad?"
Hindi ko nagawang sumagot sa tanong ni Yvonne. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay.
"Namumutla ka! Ok ka lang ba?" Hinawakan niya ako sa balikat.
Tumingin ako sa kanya. "Paul..."
Kumunot ang kanyang noo. "What?" Tumingin siya sa aking cellphone na hawak ko.
Hinablot niya ito mula sa aking kamay at binasa ang mga text ni Mrs. Carandang sa akin.
"Shit," aniya.
"I just dig my own grave."
Hindi ko alam kung karma ba ito o ano. I don't want to see him again.
Bakit ba hindi ko kaagad naisip na kasali rin nga pala siya sa varsity? Siyempre, malaki ang posibilidad nilang sumali sa practice game. Noon pa lang magkakompetensya na ang school nila at school namin pagdating sa basketball.
"What will you do now?"
Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. "I don't know."
"Is it really still hard to see him again? Can't you act like nothing happened or just ignore his existence entirely?"
Iyon ang ikinakatakot ko. Baka hindi ko kayang umakto na parang walang nangyari. Ilang beses na akong tinraydor ng puso ko at ng luha ko. Natatakot ako na baka kapag nagkita kami ulit ay bumalik lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin.
Bumuntong-hininga ako. "Kapag naman umatras ako, siguradong mas lalong bababa ang tingin sa akin ng Gio na ʼyon!"
Naglalaban ngayon ang dalawang klase ng pride sa aking isip. Una, kung sumipot ako, maipakikita ko na ok na ako at ang pangalawa naman, hindi ako magiging katatawanan para kay Gio kung sakaling hindi ako sumipot.
"Kung ako sa ʼyo, bes? Sumipot ka. Hindi lang kay Gio mo mapapatunayan na matibay ang loob mo kundi kay Paul din."
That's exactly what I'm thinking.
Ngumiti ako kay Yvonne. "Well, all I have to do is prepare myself."
Nagtipa ako ng reply para kay Mrs. Carandang. Siya na ang bahala kung kailan gaganapin ang practice game.
Hindi muna ako magpapakita sa basketball team at sa practice game na lang lilitaw. Kapag itinuloy ko ang training, parang tinulungan ko lang silang manalo.
You can do this, Lian!
💔💔💔
I woke up with a headache. I only slept for two hours!
Masyado kong inisip ang mga pwedeng mangyari sa practice game. The result of the game doesn't matter but the interaction does.
"Godd*mn it," bulong ko nang mag-ring na ang alarm. Nauna pa akong magising sa sarili kong alarm.
Bumangon na ako para maligo. Kahit palagi akong pinagsasabihan ni Mommy na huwag maliligo nang puyat, minsan ay nagagawa ko pa rin kagaya ngayon. Ayoko namang pumasok nang walang ligo.
"Practice?" tanong ni Tamara habang nakapikit.
"Nope," sagot ko habang nagsusuot ng pantalon. "I won't do that for a while."
Her eyes were half-opened now. "Why?"
I told her what happened. Dahil doon, mas lalo siyang nagising. Hindi niya mapigilang tumawa.
"Oh, God, here I am thinking they'll give you a hard time but it's the other way around."
"You know I won't allow people to do that to me anymore."
Being pushed around, used as their own convenience and casted away when not needed anymore, I'm done with it and I already learned from it.
"Right," she said. "And I know you can prove to him that his existence won't affect you anymore."
I hope I can.
Ang kailangan ko lang naman ay ang huwag maging marupok.
Pumasok na ako sa una kong klase. Kahit pakiramdam koʼy hindi ko kakayanin ang antok, pinilit ko pa ring um-attend.
"Manager!" tawag sa ʼkin ni Rex pagpasok ko sa room.
Katabi niya si Luis na nakangiti lang sa ʼkin.
Himala at pumasok sila? Madalas silang absent sa subject na ʼto at ang lagi nilang dahilan ay basketball practice na hindi naman nila ginagawa.
Tumabi ako kay Rex. Wala namang seating arrangement kaya ok lang kahit saan kami umupo.
"Ang energetic sa umaga, ah? Kung sa practice mo ginagamit ʼyan?"
Ngumuso siya. "Early roasting session? Teka lang, Manager, hindi ako prepared."
Natawa ako. "Kamusta?" Humalumbaba ako sa lamesa at binigyan silang dalawa ng tingin.
"Kailan ang practice game?"
Ngumisi ako. "No exact date yet. Bakit? Handa na ba kayong matalo?"
Pareho na silang nakanguso ngayon. Para silang bata na binubully.
"Hindi kami matatalo!" sabi ni Rex.
"Papatunayan namin sa ʼyo na kaya naming manalo kahit walang practice. Huwag mo kaming maliitin!"
Nagkibit-balikat ako. "Alright. Then how about making a deal?" I smirked. "If you guys win, I won't be too strict. Kakampihan ko kayo sa lahat ng gusto niyo. Pero kapag natalo kayo, susunod kayo sa ʼkin sa ayaw at sa gusto niyo."
Nagkatinginan silang dalawa at ngumisi.
"Deal!" sabay nilang sabi.
Oh, this will be fun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com