Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4

White Flag

Habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong kinakabahan sa puwedeng mangyari. Panay ang tingin ko sa screen ng cellphone para sa text o tawag ni Mrs. Carandang tungkol sa practice game. 

"Parang sinisilihan ang puwet mo riyan, Lian," sabi ni Jelyn. Nakatambay na naman sila ni Yvonne sa kwarto namin ni Tamara. 

Bumuntong-hininga ako. "Wala pa rin kasing date kung kailan ang practice game."

"Paghahandaan mo ang pagkikita niyo ni Paul?" Tamara wiggled her eyebrows. 

Inirapan ko siya. "Bakit ko naman paghahandaan?" 

Tumawa si Yvonne. "Alam mo, kaysa kinakabahan ka riyan, mag-chill ka na lang! Ano naman ngayon kung kasama siya sa practice game? Huwag na huwag mong ipapakita na affected ka!" 

"Hindi talaga, ʼno!" pagdepensa ko. "Kinakabahan lang ako dahil baka matalo ako sa deal."

Well, it's one of the reasons why I'm nervous. Ayoko lang talagang aminin sa kanila na kinakabahan din ako kapag nahkita ulit kami ng ex kong si Paul.

"Deal?" tanong ni Tamara. "With whom?" 

"I have a deal with Rex and Luis. Kapag nanalo sila, hindi ako gaanong maghihigpit sa kanila at hahayaan ko silang gawin ang mga gusto nilang gawin. Kapag naman natalo sila, wala silang magagawa kundi ang sundin ako.

Yvonne clicked her tongue. She gave me a warning look. "You're always digging your own grave, Lian Isabelle."

Oops, may nagagalit. 

I smiled apologetically at her. "You know me, I'm impulsive. I make bad decisions but I never run from the consequences. I always deal with it."

"But you always end up hurting yourself, Lian. Please learn to protect your heart."

"I know," I said. "Thank you for worrying about me."

"Ayaw lang namin mangyari ang nangyari sa ʼyo noon. At please lang, huwag na huwag kang maglilihim sa ʼmin. Hanggat maaari ay sabihin mo lahat ng nangyayari sa ʼyo. Hindi man kaagad pero kapag handa ka na." Ginulo-gulo ni Tamara ang aking buhok. 

Napangiti na lang ako. Napakaswerte ko para magkaroon ng mga kaibigang katulad nila. 

"I'll keep that in mind."

My phone suddenly beeped and I saw Mrs. Carandang's name flashing on the screen. 

I sighed. "Yes, Ma'am?" sagot ko. 

"I already have a schedule for the practice game. Ngayong dadating na sabado ang hiniling nila para walang masagasaan na klase."

Tumingin ako sa kalendaryo. Wala naman akong gagawin this weekend kaya walang magiging problema. 

"What time po?" Kinuha ko ang aking planner at inilagay doon ang event. Oras na lang ang kulang. 

"Dapat 8 AM nasa gym na."

"Noted po. Thank you, Ma'am!" 

Ibinaba ko na ang tawag. Ito na nga ba ang pinapangambahan ko. Because of my recklessness, all I have to do is hope that Gio will lose. Siguradong aabushin nila ang pagkakapanalo nila sa deal kung sakali. Ako ang mapapahiya kay Mrs. Carandang sa huli. Napahiya na nga, hindi pa exempted sa lahat ng subjects sa final exam. Ako ang pinakatalo kung sakali. Hindi ko kaagad ito naisip bago ako nakipag-deal sa dalawa.

I informed the basketball team about the practice game through the group chat I created for us. Ayaw ko man, ito ang pinakamadaling way para ma-contact ko silang lahat. Kinailangan ko lang i-add silang lahat sa Facebook para ma-i-add sa group chat. Si Gio lang ang hindi nag-a-accept sa friend request ko. Akala niya ba ginusto kong i-add siya? Hah!

Pinuntahan ko ang profile ni Jin para i-message siya.

Binuksan ko naman ang group chat para i-announce sa kanila ang gaganapin na practice game.

Napairap ako nang mabasa ang reply ni Adam. Ang pasaway talaga! Kung hindi pa sila tatakutin, hindi sila susunod. Mabuti na lang nag-reply kaagad sina Owen at Luis. 

Muling nagbeep ang aking cellphone hudyat na may nag-message na naman. Unang kita ko pa lang ay nag-init na 'agad ang ulo ko. Isa pang makulit itong si Zen.

Hindi ko pinansin ang kanyang chat at ni-reply-an naman si Lloyd na kaka-chat lang.

Maya-maya'y nag-beep na naman ang aking cellphone. Nang tingnan ko'y si Rex naman ang nag-chat.

Sumunod namang nagchat sina Bogs at Shon. Sinundan naman 'agad 'yon ni Erzo.

I smirked after I sent the message. Ang kapal talaga ng mukha na mag-seen lang ni Gio. Akala mo kung sinong hari! Hina-highblood talaga niya ako!

I muted the chat because I know we'll just end up arguing. Ayaw kong ubusin ang oras at enerhiya ko para lang makipagtalo sa kaniyang bulok ang utak! Magkita na lang kami sa sabado!

Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay kong practice game. Napakaaga kong nagising. Madilim pa sa labas at hindi pa tumitilaok 'yung manok na alaga ng tagalinis nitong dorm namin ay mulat na mulat na ang aking mga mata.

Hindi ko na binuksan pa ang group chat kahit na nag-uumapaw na ito sa chat mula sa mga damuho. Siguradong puro kalokohan lang naman ang pinag-uusapan nila.

Umupo muna ako sa kama at nag-browse sa Facebook. Napasimangot naman ako nang bumungad kaagad sa 'kin ang shared post mula sa isa kong ka-department. 

Umirap ako sa kawalan. Famous, ah? Umaapaw ang likes, comments at shares dahil sa display picture niya. Binasa ko ang mga comments at karamihan ay puro papuri sa hitsura niya. Hindi rin nakaligtas sa 'king mga mata ang mga comments ng mga kababaehang kilig na kilig dahil sa tattoo niya.

Nawalan na ako ng ganang mag-Facebook kaya naligo na lang ako. 

Nakahanda na ako pero si Tamara ay kagigising pa lang. Ngumisi siya nang makita akong nakaayos na.

"Ready na?"

I rolled my eyes. "Wala akong choice kundi ang maging ready." Kinuha ko ang aking backpack at naglagay ng mga kakailanganin kong gamit. Siyempre, hindi ko iniwan ang notebook ko. Kailangan ko ito para ilista ang mga strategy at gameplay na ipapakita nila mamaya sa practice game.

"Well, let's just hope Paul won't show up." Tiniklop niya ang kanyang blanket. "By the way, we'll watch after our class." Ngumisi siya.

"Alright," sagot ko. "Tamang-tama, kailangan ko ng mental support."

Natawa na lang siya sa sinabi ko.

Alas syete pa lang ay umalis na ako sa dorm. Dadaan muna ako sa cafeteria para bumili ng almusal nila. Sigurado akong dahil hindi sila sanay gumising nang maaga, hindi na nila magagawang mag-almusal. Kahit na gusto ko silang matalo, kailangan pa rin nilang ma-maintain ang proper diet.

This time, nagpagawa naman ako ng tuna sandwich with cucumber, tomato and cabbage. Ang inumin naman nila ay orange juice. Sinamahan ko rin ng tig-iisang saging para sa kanila. Kailangan kong baguhin ang kakainin nila araw-araw tuwing may practice or game para hindi sila magsawa.

Nang makuha ko na ang mga pagkain, dumeretso na ako sa gym. Kahit malayo ay nilakad ko na lang dahil maaga pa naman. Habang papalapit ako sa gym ay naririnig ko ang kaluskos ng sapatos sa sahig at mga yabag.

"Pass, Lloyd!" dinig kong sigaw ni Jin.

Nadinig ko naman ang malakas na tawa ni Bogs. "Gago, nadapa si Zen!"

Napuno ng tawanan ang buong gym.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at naabutan ko silang nagpa-practice. Hindi gaanong kabibo ang kilos nila marahil ay nirereserba nila ang enerhiya nila para mamaya pero kita sa mga mukha nilang seryoso sila.

I'm in trouble then.

"Manager!" sigaw ni Luis. Dali-dali siyang tumakbo palapit sa 'kin at tinulungan akong magbuhat ng mga pagkain. "Tamang-tama ang dating mo! Hindi pa kami nag-aalmusal."

Napangiti ako. "Sabi na nga ba." Lumakad kami patungo sa bench. Nagsitakbuhan naman sila palapit sa 'kin maliban kay Gio na patuloy pa rin sa pagdi-dribble. "Naisip ko kasing hindi kayo sanay gumising nang maaga kaya siguradong hindi pa kayo kumakain ng almusal."

"Thank you, Manager!" Tuwang-tuwa silang lahat.

Para talaga silang mga bata. Kundi lang sila mga higante, aakalain ko talagang mga high school lang sila dahil sa asal nila.

Nagsimula na silang kumain pero si Gio ay nanatili pa rin sa gitna ng gym. Ang taas naman ng pride ng isang 'to?

Kinuha ko ang isang sandwich at bote ng orange juice. Lumakad ako palapit sa kaniya. Hindi pa rin siya tumitingin sa 'kin kahit na alam kong alam niyang nasa tabi na niya ako. Patuloy pa rin siya sa pagti-three points.

I sighed. "Kumain ka muna." Walang mangyayari kung pareho kaming magmamatigas. Hindi ako gano'ng ka-immature para hayaan siyang walang kain bago ang practice game.

Sa wakas ay tumigil na siya sa pagpapractice. Humarap siya sa 'kin at tiningnan ang hawak kong pagkain.

I wriggled the sandwich and juice on my hands. "Come on," I urged him. "I'm raising the white flag for now. Kailangan mong kumain."

He rolled his eyes and took the food and drinks from my hand.

Tinalikuran ko na siya pagkatapos niyang kuhanin sa mga kamay ko ang inumin at pagkain. Ako na ang iiwas para hindi na naman kami mag-away. Hindi ito ang oras para roon.

Bumalik na ako sa bench at pinanood silang kumain. Hindi tulad noong unang beses silang nag-training, tahimik lang silang kumakain ngayon. Hindi na ako inulan ng reklamo. Siguro'y napagtanto nilang makabubuti rin sa kanila ang kumain nang ganito.

"Manager, hindi mo ba kami pupurihin?" tanong ni Jin habang nagbabalat ng saging.

"Oo nga, ang aga namin gumising," nakangusong sabi ni Rex.

"Pero ang galing talaga 'yung ginawa naming paraan para magising kaming lahat," sabi ni Bogs.

I smiled. "Bakit? Anong paraan ang ginawa niyo?"

Itinaas ni Zen ang kaniyang kamay. Para siyang sasagot sa recitation.

"Sige nga, Zen." Natawa ako.

"Nag-group call kaming lahat gamit ang mga laptop namin at nag-set kami ng alarm sa mga cellphone namin with full volume." Binuksan niya ang hawak niyang bote ng orange juice. "Pagpatak ng 4 AM, tumunog nang sabay-sabay ang mga alarm namin kaya gising kami kaagad."

Natawa naman ako sa kaniyang sinabi. "Wow, ang galing nga no'n, ah?" Nag-apir kami ni Zen. "Kaya niyo naman pala, eh."

"Na-trigger kasi si Gio do'n sa chat mo, Manager," bulong sa 'kin ni Owen. 

Talagang lumapit pa sila sa 'kin para madinig ang ibubulong ni Owen at para hindi madinig ni Gio na nagsisimula na ulit mag-shoot.

"At mortal na karibal namin ang Blue Angels ng St. Bernard kaya ganado si Gio ngayon," sabi naman ni Shon.

Tumingin kaming lahat kay Gio na tumatakbo pabalik-balik para mag-shoot sa magkabilang ring. Sumasabay sa pagtakbo niya ang kaniyang buhok. Basang-basa ng pawis ang buo niyang katawan. Ang tattoo niya sa balikat na umaabot hanggang sa kaniyang upper arm ay kitang-kita dahil sa suot niyang jersey.

"In fairness, ang lakas ng appeal niya kapag naglalaro," wala sa sariling sabi ko.

Nagtaka naman ako nang bigla silang tumahimik. Inalis ko ang aking tingin kay Gio para tingnan sila. Lahat sila ay nakatingin sa 'kin habang nakangisi.

"What?"

"Akala namin walang epek sa 'yo ang charms ni Boss Gio, eh." Carl wiggled his eyebrows.

"Huh? Pinagsasasabi mo?" 

Shit, dapat sa isip ko lang 'yung sinabi ko kanina, eh. Ngayon ko lang na-realized na napalakas ang pagbabanggit ko.

"Kunwari ka pa, Manager!" sigaw ni Rex. Sinundot pa niya ang tagiliran ko.

Tinabig ko ang kamay niya. "Ano ba? Wala akong pakealam sa kung anomang charms ng Gio na 'yan, 'no!"

Tinawanan lang nila ako at hindi na nila ako inasar pa dahil napansin nilang nagagalit na ako. Aba, dapat lang! 

Maya-maya'y bumukas ang pinto ng gym. Bigla akong kinabahan. Nakita ko ang pamilyar na varsity jacket na suot ng mga players. Sabay-sabay silang pumasok sa loob kasama ang kanilang coach at manager.

Please, sana hindi siya kasama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com