064
12:54 am
Gino: hi Meme~
01:43 am
Mimi: Gino, mahal mo ba ako?
Gino: seryoso ka?
Gino: wala man lang 'hi' yan agad?
Mimi: can you just answer it? please?
Gino: okay. tanungin mo muna ako ulit!
Mimi: Gino Grayson, do you love Midnight?
Gino: oo. sobra. mahal na mahal na kahit ano e gagawin ko para sa kanya.
Mimi: eh sino ba si Midnight?
Gino: sino si Midnight? siya lang naman yung babaeng mahal ko.
Mimi: seryoso ka ba diyan?
Gino: sa tingin mo ba nagbibiro ako?
Mimi: oo.
Gino: teka... bat ba ganito yung mga tanungan mo? hahaha. sasagutin mo na ba ako?
Mimi: hindi.
Mimi: talagang nagawa mo pang magsalita ng ganyan.
Mimi: tangina mo.
Gino: anong nagawa ko Mimi?
Mimi: para namang hindi mo alam.
Mimi: Gino, tigilan mo na nga ako. may girlfriend ka na pala tapos ganito?
Gino: anong girlfriend?!
Mimi: si Kia.
Mimi: masakit.
Mimi: alam mo yung nangyari tungkol samin ni Axel. nagawa kong ikwento sayo lahat ng nangyayari samin kasi, alam kong mapagkakatiwalaan ka, kahit dito lang kita nakilala, kumportable ako sayo, sobra. at nararamdaman kong ikaw lang ang makakapagpagaan ng loob ko bukod sa mga bestfriends ko.
Gino: Mimi, hindi ko siya girlfriend!
Mimi: Mimi Morgan sent a photo.
Mimi: yan na nga yung ebidensiya eh. tangina. masarap ba makipaglaplapan sa girlfriend mo?
Mimi: habang ako eh walang alam dito.
Gino: edited yan!
Mimi: wag mo na akong lokohin, please.
Mimi: sobrang sakit na eh.
Mimi: alam ko yung tunay sa hindi kaya manahimik ka.
Gino: Mimi naman, sino bang mas pinaniniwalaan mo?
Mimi: yung girlfriend mo. hindi ba halata?
Mimi: naiinis ako sa sarili ko.
Mimi: sana pala nung una palang hindi na ako naglasing, para hindi na kita nakita pa, chinat at boom- naging ganito na lahat
Mimi: sana totoo yung time machine para pwede kong ibalik yung dati
Mimi: tangina ko.
Mimi: oo tangina ko.
Mimi: ang tanga tanga ko!!!
Gino: Mimi walang kami! maniwala ka!
Gino: kaklase ko lang siya!
Gino: she's crazy!
Mimi: wag mo na akong gawing tanga pa kasi sobra sobra na yung katangahan cells ko sa katawan
Gino: Midnight I can explain
Mimi: ayoko ng makita yang paliwanag mo
Mimi: pagod na pagod na ako
Mimi: hindi ko na alam kung ano yung totoo sa hindi. parang lahat ng tao sa paligid ko niloloko at nagsisinungaling sakin. ang hirap. sobra.
Mimi: pare parehas lang kayong mga lalaki
Mimi: ay mali. parehas lang kayo ni Axel. mga gago at manloloko.
Mimi: nagawa kong bigyan ng pagkakataon yung sarili ko ng second chance pero alam mo? yung pagbibigay ko nun sa sarili ko eh maling mali
Mimi: ipinaramdam mo sakin yung saya, galit, kilig, at ngayon? sakit.
Mimi: kalimutan na natin ang lahat.
Mimi: maglaplapan nalang kayo ng girlfriend mo.
Mimi: sana paggising ko, maging maayos na ako kaagad kasi nakakasawa na.
Mimi: paulit ulit nalang akong umiiyak e
Mimi: nagsasayang ako ng uhog para sa mga taong hindi naman deserve ang luha at sipon ko
Mimi: mahal na kita. pero masyadong komplikado ang lahat.
Mimi: salamat at nakilala kita.
Gino: Mimi, please I can explain!
Gino: Mimi hindi yan totoo.
Gino: Mimi, I love you, please.
Gino: Mimi, don't do this.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com