079
02:53 am
Mimi: ipag pray mo ako!!!!1!!!!
Mimi: FIRST DAY NG EXAMS OMG
Mimi: LALALALA WAG KANG KABAHAN MIMI
Gino: sure!
Gino: sana po, makasagot si Momo sa exam niya nang maayos dahil pinaghirapan niya ang pagrereview para rito. sana lumabas lahat ng nireview niya dahil maganda siya :)
Mimi: konek?
Gino: wala, pinapakalma lang kita
Gino: kinakabahan ka diba?
Gino: basta pag natanggap mo yung exam, mag pray ka lang at isipin mo ako
Gino: isipin mo ang pinag aralan mo*
Mimi: ang layo ng typo ah.
Mimi: pero sige, try kong gawin yung nauna. pag di ako nakasagot kasalanan mo ah.
Gino: hindi ka babagsak, trust me :)
Gino: sasaluhin kita.
Mimi: ANG CORNY
Gino: kilig ka naman
Mimi: HINDI BYE NA NGA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com