Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8.

"Kasalanan ko ang lahat kung hindi ko lang sana sinaktan si Blake di sana hindi siya naaksidente." umiiyak na turan ko.

"Wag mo ngang sisihin sarili mo, walang may gusto sa nangyari kaya tumahan kana malapit na tayo." -Vince.

Kung dati halos mataranta na ako sa lakas ng pagmamaneho ni Vince ngayon parang gusto ko ako na mismo ang magdrive para makarating kami kaagad.. I badly want to see him.

Sa wakas nakarating narin kami sa ospital dali-dali kong hinila si Vince dahil alam niya kung saan ang kwarto ni Blake.

----------

Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko pati sipon narin ata dahil sa kalunos-lunos na hitsura ni Blake.. Sana hindi ko nalang siya hinayaang umalis.

"Andre...Sorry...Sorry dahil nasaktan kita pero di lang naman ikaw ang nasasaktan sating dalawa ako rin... Ako rin dahil mahal na mahal kita ...Paki-usap gumising kana ... wag mo kong iwan.. Please..

Andre." umiiyak na sabi ko habang yakap-yakap siya.

----------

Vince's POV

Masakit man isipin na sa kabila ng lahat ng paghihirap at pag-aantay mo ay mapupunta lang sa wala.

Hindi na ako mahal ng babaeng gusto ko, at wala akong ibang masisi kundi sarili ko dahil ako naman ang unang nagkasala..that's why she fell out of love for me.

Pero mas masakit makita siyang nasasaktan ngayon at marinig na mahal niya ang matalik mong kaibigan kaya ngayon oras na para paghilumin ang sugat ng kahapon..

Im letting Akiya go at tulungan si Blake, Kaya pala tinamaan ako ng malalang sakit dahil ito ang rason, Ngayon alam ko na magiging malungkot parin siya sa piling ko oras na mawala na ako sa mundong to.

I saw Blake's finger na gumalaw..

"Vince ! nakita mo yun? gumalaw siya ,ta----- VINCE!!!"

That's the last thing i heard bago nagdilim ang paligid.

-----------

Akiya's POV

"Vince ! nakita mo yun? gumalaw siya ,ta----- VINCE!!!" sigaw ko nawalan kasi siya ng malay... Mygad!

ano bang nangyayari?

"Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ayoko silang iwan ni Blake..hindi ko rin naman mabuhat si Vince.

"Cla..Clary.." rinig ko galing sa likuran kaya nilingon ko ito.. It's Blake!

"Omygad! Sa wakas gising kana! salamat sa Dyos! teka--teka lang tatawagin ko ang dok--"

Hindi ko na napatuloy ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Blake ang kamay ko at sinabing..

"Clary hindi kita makita.." sabi niya sabay luha.

"Andre.. di-di magandang biro yan .. tatawagin ko na talga ang---

"Totoong di kita makita Clary! anong nangyayari? nasan ako?! " Naging histerikal na si Blake natatakot narin ako at gulong-gulo.

"Shhh...Okay-okay kumalma ka muna andito lang ako ipikit mo muna sandali mga mata mo baka nabinat ka lang ikwekwento ko nangyari sayo.. pero sa ngayon kailangan ko muna tawagin ang doktor dahil hinimatay si Vince andito tayo ngayon sa hospital basically sa kwarto mo kung saan ka nakaconfine ngayon." paliwanag ko.

"Anong? nandito si Vince ? anong hinimatay?" sunod-sunod na tanong niya..

"Blake relax please natataranta narin ako .. sandali lang."

"Clary?" sabi niya pero lumabas na ako ng silid at tinakbo ang kinaroroonan ng mga doctor.

"Doc! yung pasyente sa room 203 gising na po tsaka yung kasama ko andun rin hinimatay!" halos hilahin ko na ang doctor sa pagmamadali.

"Sandali lang mam, relax lang po kayo . sige pupunta na ako." -Doctor.

Nagulanatang kami pagpasok sa silid dahil nasa sahig na si Blake may kung anong kinakapa at wala paring malay si Vince na may dugo na sa ilong... Diyos ko ano nabang nangyayari as kanila?

"Blake! si Clary to di ba sabi ko wag kang kikilos .. masama pa tuloy bagsak mo." sabi ko na puno ng pag-alala.

Hinawakan ako ni Blake at umiyak siya "Clary...wag mo kong iwan paki-usap ayoko sa dilim.. bakit di kita nakikita? ano ba talaga ang nangyari?" sabi ni Blake.

Dahil may katabi palang kama sa kwarto ni Blake agad naman na ni revive ng mga doktor si Vince.

"Mam kailangan na po naming sumagawa ng test kay Blake kung bakit di siya makakita." sabi ng nurse.

Tumango lang ako at sinabihan si Blake "Di lang ako sa tabi mo sa ngayon maging masunurin ka muna sa kanila ha?"

Tumahan naman si Blake at humiwalay sa pagkakayakap sakin. "I love you Clary."

"Shh oo Blake alam ko, at mahal na mahal rin kita."

"Ta-talaga? tama ba rinig ko Clary? di rin ba naapektuhan tenga ko?" -Blake.

"Hindi Blake totoong mahal kita----

"Ok posisyon! we have to stop ang pagbaba ng red blood niya.. this is bad umabot na ng stage four ang cancer niya kailangan na natin siyang ilipat sa operating room we have to find bone marrow for transplant.... miss ? sino mga magulang niya?" Sabi ng doctor sumasakit narin ulo ko sa mga nagyayari.

"Wala na po siyang mga magulang Doc a-ako nalang po ang kakilala niya at si Blake .. Mga magulang ni Blake! Ano po bang sakit ni Vince doc? A-ano pong cancer ang sinasabi niy---

"Clary anong nangyari kay Vince ? Anong Cancer?" tanong naman ni Blake na may bandage na sa mga mata at tinuturukan ng mga gamot ng mga nurse.

"Umabot na sa stage four ang---------

"May Leukemia ako." nanghihinang sabi ni Vince.. salamat naman at gising na siya. pero anong Leukemia?!

"A-ano?..." halos sabay naming sabi ni Blake.

"Oo Clary, Blake tanggap ko na kung hanggang dito nalang ako ayoko na nag operasyon masasayang lang ang oras at panahon kung sa huli mamamatay lang rin naman ako."

"Wag mong sabihin yan! mabubuhay ka Vince !" bulyaw ko sakanya habang umiiyak.

"ayoko nang dagdagan nag pasakit mo Clary. ayoko nang maging haadlang sa inyo." -Vince

"Hindi Vince ! wag gagawa tayo ng paraan.." asbi ko sabay hawak sa kanyang mga kamay.

Hinawakan ni Vince ang pisngi ko at ngumiti.. Bakit si Vince pa? bakit ang mahal ko sa buhay ang nagdurusa ?

"Doc, pagdi ako nakasurvive idodonate ko ang mga mata ko kay Blake." sabi ni Vince na ikinagulat namin.

"Vince ! hindi! hindi mo kailangang gawin to! masasanay rin ako. kailangan mo magpaga---

"Blake gusto kita maka-usap ng tayo-tayo lang." -Vince.

"You can't go out ... we won't let you." sabi ng doctor.

"Si Clary lang po ang pwede lumabas doc. please Clary?" -Vince.

"Bakit ako? ano bang pag-uusa--

"Boys talk please just a minute." putol ni Vince sakin.

"Naman eh!" sabi ko sabay labas. Ano kaya pag-uusapan nila't kailangan ko pang lumabas?

------------------

Blake's POV

"Boys talk please just a minute." putol ni Vince kay Clary.

"Naman eh!"rinig kong sabi ni Clary i can imagine her pouting right now.. hay kung sana nakikita ko lang siya.

"Doc 2 minutes lang kailangan ko lang siyang maka-usap " rinig kong sabi ni Vince.

"Ok make it quick." Sabi ng doctor.

"Blake paki-usap tanggapin mo na." Sabi niya.

"no way! Kahit magkaaway tayo Di ko pinangarap mawala ka Vince .. Trinato narin kitang parang kapatid." Sabi ko

"Please accept my decision Blake para narin to sa kapakanan mo at ni Clary.. Do me a favor Blake pagligayahin mo ulit si Clary. Panalo kana sa kumpetesyon narin Blake. Please...accept it. Maliit lang ang chances that I'll survive. Gusto ko lang lumigaya si Clary sa piling mo." Sabi niya.

"Aww. Ang swerte nung girl." Rinig kong sabi nung nurse ata sabay singhot niya.

"Shut up Erika." Sabi ata ng doctor. "1 minute left "

Bumuntong hininga muna ako bago sinabing
"Salamat bro, pangako Di ko sasayangin ang sakripisyo mo , mamahalin ko siya habangbuhay."

Kahit Di ko siya makita pinilit ko tumayo .. Inalalayan naman ako ng mga nurse at tumabi Kay Vince at niyakap siya napa-ubo siya at inakay na ako ng mga nurse ata palayo sa kanya rinig ko ang patuloy na pag-ubo niya.

"Doc ? Ano pong nangyayari?" Tanong ko medyo maingay narin .

"Kilangan na natin siyang ilipat.." Rinig kong sabi nung isa .

"Vince! Diyos ko doc! Si Vince" boses ni Clary yun at sa palagay ko umiiyak siya .

"Sir kailangan niyo na pong magpahinga" sabi sakin nung nurse.

"Hindi ! You have to tell me kung anong nangyayari?"

"Sir Di niyo po magugustuhan sasabihin ko kaya mabuti na pong magpahinga kayo."

"Clary?" Tawag ko ngunit walang sumagot.

"Lumabas na po siya sir sinundan ata yung Vince."

Hindi ko alam pero kinakabahan ako ng todo.

**†********

Singkit's note:

Last two chapters nalang guys ..... Thanks for supporting ... Keep reading ... Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com