Chapter:4
"Class, get your partners. We will have a project," anunsyo ni Sir na ikinagising ng buong klase.
Nagtilian at naghiyawan agad ang mga kaklase ko habang naghahanap ng makakasama.
Ako naman, kalmado lang. Tumingin ako kay Kate na nasa kabilang row, kumakaway-kaway pa. 'Partner tayo teh!' senyas niya.
Tumango na sana ako nang biglang magsalita si Sir.
"No, no. I will choose your partners."
Hah?!
Nanlaki ang mata ko. No way! Baka mapareha ako sa kung sino-sino lang!
"Lana and Kaizher," tawag ni Sir.
".........."
Dead air.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanan.
Dahan-dahan din siyang lumingon sa akin.
Yung mga mata niya, blangko pa rin. Yung mukha niya, parang wala lang sa kanya. Pero ako? Pakiramdam ko nanunuod ako ng slow motion scene.
"Great! You two work together," sabi ni Sir sabay talikod.
"Sir, pwede po bang makipagpalit?" tanong ko agad. "Hindi po kami magkasundo eh!"
"No exemptions, Lana. That’s final."
Bumuntong-hininga na lang ako at sumandal sa upuan ko habang nakapikit. "Bwisit. Bakit parang may nagtutulak sa amin palagi?" bulong ko.
Naramdaman kong lumingon siya sa akin. "Don't act like I want to be with you too," malamig niyang sabi.
Napadilat ako at tiningnan siya ng masama. "Edi wow! Feelingero! Sige na nga, para matapos na!"
Hindi ko inasahan na sa loob lang ng ilang araw…
Sobrang sikat na pala niya.
Kahit kaka-transfer lang, parang naging campus crush agad si Kaizher. Hindi nakakagulat—gwapo, matangkad, mayaman ang dating, at yung mysterious vibes niya, lalong kinahuhumalingan ng mga babae.
May mga group chat na puro tungkol sa kanya, may mga naghihintay sa labas ng room, at halos araw-araw may inilalagay na pagkain o regalo sa desk niya.
"Grabe teh, top star na agad yang katabi mo ah," bulong sa akin ni Kate habang naglalakad kami. "Ingat ka dyan, marami ka nang kaaway diyan sa hindi mo alam!"
"Ha? Bakit naman ako aawayin nila?" tanong ko.
"Dahil partner ka niya sa project! Nakita kasi nung mga stans at fans club niya na magkasama kayo kanina! Trending na sa GC!"
Natigilan ako. "Ha?! Ganun na kabilis? Grabe naman!"
Recess time…
Nakaupo kami sa canteen, magkatabi pero parang may pader sa pagitan. May dalang pagkain si Kaizher pero tahimik lang kumakain, habang ako naman halos mapunit yung papel na pinagsusulatan namin ng ideas dahil sa inis.
"So, anong gagawin natin?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Whatever. Ikaw bahala," sagot niya.
"Ha?! Anong ikaw bahala?! Partner din ako dito! Mag-contribute ka naman!" inis na sabi ko.
Tumigil siya sa pagkain at dahan-dahang hinarap ako. "You talk too much."
"Eh kasi ang sungit mo—"
Biglang may tumapik sa balikat ko.
"Uy! Anong meron dito? Bakit parang nagpapaulan ng kidlat?"
Lilingon ako at nakita si Liam na may dalang tray ng pagkain at ngumunguya. Nasa likod niya si Kate na nakangisi.
"Liammm!" tawag ko sabay hawak sa braso niya. "Tulungan mo ako oh! Napapartner ako sa Ice Prince na 'to! Hirap na hirap ako makipag-usap!"
Tumawa si Liam at umupo sa tabi ko, sa kabilang side. "Hayaan mo na siya. Baka cold lang talaga yan. Pero Lana, mag-ingat ka ha, baka ma-freeze ka diyan," biro niya sabay kindat.
Namula naman ako nang konti. "Sus! Hindi naman!"
Habang nagkukwentuhan kami, hindi ko mapigilang mapansin na maraming nakatingin sa amin. Lalo na sa pwesto namin ni Kaizher.
May mga bulungan. May mga masasamang tingin.
"Ano ba yan, bakit siya pa ang partner niya?"
"Ang daya naman oh! Sana ako na lang!"
"Sino ba yan? Baguhan lang ah!"
Ramdam ko yung hate at pressure. Bigla akong nakaramdam ng hiya at insecurities.
Si Kaizher, parang wala lang sa kanya. Hindi man lang niya pinansin yung mga nakatingin. Pero nung narinig niyang may nagsabing "Ang baho naman ng ugali nung kasama niya,"…
Biglang tumigil ang mundo.
Dahan-dahang inangat ni Kaizher ang tingin niya. Tinitigan niya yung grupo ng mga babae sa malayong table. Yung tingin na sobrang lamig, yung tingin na parang nanlilisik.
Agad na umiwas ng tingin yung mga yun at yumuko. Natakot!
Binalik niya ang tingin sa akin.
"Eat," utos niya nang mahina pero seryoso. "Ignore them."
Natigilan ako.
Hala?
Iniprotektahan niya ba ako?
"Kain na tayo," sabi ni Kate para basagin ang tension. "Liam, ikaw na bahala kay Lana ha? Iwan muna namin sila ni Mr. Frosty dyan mag-plan."
Inirapan ko lang si Kate pero tumawa lang sila.
Habang kumakain kami, ramdam ko yung presensya ni Liam. Laging nagpapasa ng tubig, laging nagtatanong kung gutom pa ba ako, laging nagpapatawa. Siya yung comfort person ko talaga.
Pero kahit nasa tabi ko si Liam, hindi ko maiwasang sumulyap kay Kaizher na tahimik lang sa kabilang side.
Bakit ganun?
Bakit kahit sobrang bait at lapitin ni Liam… parang may parte sa akin na gusto mapansin ng taong ayaw akong pansinin?
"Lana," tawag ni Liam.
"H-huh?" napalingon ako.
"Okay ka lang? Malalim yung iniisip ah," tanong niya sabay punas ng sauce sa gilid ng labi ko gamit ang tissue niya. Gentle moves.
Natigilan ako. "Ah… o-oo. OK lang ako."
Pero sa gilid ng mata ko… nakita kong ibinagsak ni Kaizher ang tinidor niya sa plato.
CLANG!
Malakas kaya napatingin lahat sa kanya.
Tumayo siya. "I'm done. Meet me later at the library. Don't be late," malamig niyang utos sabay talikod at umalis.
Naiwan akong nakatulala.
"Ang sungit talaga noh?" sabi ni Liam pero napansin ko yung tingin niya kay Kaizher habang umaalis. Parang may tensyon?
"Hayaan mo na siya teh," sabi ni Kate. "Pero grabe… kanina oh! Pinatigil niya yung mga nambubully sayo gamit tingin lang! Main character energy talaga!"
"Ha? Sinasadya niya ba?" tanong ko.
"Secret! Pero teh… ingat ka. Kasi simula pa lang 'to. At marami nang galit sayo kasi ka-partner mo ang heartthrob ng school," babala ni Kate.
"Heartthrob agad kaka transfer lang ahh"
Napahawak na lang ako sa dibdib ko.
Bakit bumibilis na naman ang tibok nito?
Ano bang meron sa dalawang lalaking 'to na gumugulo sa mundo ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com