Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter:3



"Sus! Sinong nangangati?!" sigaw ko pabalik sabay takip sa mukha ko gamit ang libro ko at dali-daling lumabas ng room.

Narinig ko pa ang halakhak ni Kate habang hinahabol ako. "Halaaa! Kinilig ka teh! Kinilig ka! Yieee kilig much!"

"Wala nga! Ang sungit nun! Nakaka bwisit nga e!" reklamo ko habang mabilis ang lakad, pero deep inside, alam kong nag-aapoy ang pisngi ko.

"Girl, aminin mo na! 'Wag ka nang ma-denial denial dyan!" sabi ni Kate sabay akbay sa akin. "Grabe yung aura niya ha? Solid ng Ice Prince vibes! Parang Cold Hearted na kanta lang! Slay naman nung bago!"

"Ewan ko sa'yo! Masyado siyang main character energy pero toxic trait naman ang dala," asik ko sabay iling.

Biglang napahinto si Kate at tinapik-tapik ang braso ko. "Wait teh… pero na-notice mo ba? Parang ang pamilyar niya? Parang… deja vu? Feeling ko nakita ko na siya sa past life ko o sa panaginip ko ah?"

Napakurap ako.

"Kaya nga eh!" bulong ko. "Akala ko ako lang ang nakakaramdam nun. Baka kulang lang talaga tayo sa tulog at overthinking masyado."

"Whatever! Basta slay siya! Tara na nga, may naghihintay na sa atin oh!" turo ni Kate sa may gate.

Paglingon ko, nakita ko agad yung pamilyar na ngiti.

Si Liam.

Nakaupo sa motor niya, helmet sa kamay, at nakangiti nang sobrang lapitin habang nakatingin sa akin. Yung ngiting nakakahawa, yung ngiting parang araw na tumutunaw sa mood ko.

"Uy, Liammm!" sigaw ni Kate sabay kaway. "Cousin kooooo!"

Tumawa si Liam at bumaba ng motor. "Ang bagal niyo naman, akala ko nag-immortal sa loob."

"Traffic bes, traffic sa mundo," biro ko sabay tawa.

Matagal na kaming magkaibigan ni Liam simula pa nung Freshman kami. Siya yung tipo ng tao na "Sunshine"—laging masaya, laging nandiyan, at sobrang bait. Kumpleto kaibigan. Siya yung taong kahit anong mangyari, hindi ka iiwan.

"Oh, bat ganyan ang mukha mo?" pang-aasar ni Liam sabay gulo sa buhok ko. "Mukha kang tomato ah. May nang-bash ba sayo?"

"Wala! May nakita lang akong feelingero sa loob," irap ko.

Tumawa lang siya. "Sakay na kayo. Ihahatid ko na kayo. Lana, sa likod ka, mas safe."

Sumakay ako sa likod ng motor niya. Bago kami umandar, narinig kong bumulong si Kate kay Liam—pero lakas ng bulong!

"Cousin, oh ayan na oh! Move na, move! Tigilan mo na yang confess wall na yan! Fish Cake ka diyan oh!" bulong ni Kate sabay tawa.

Nanlaki ang mata ko. "Hah?! Anong Fish Cake?! Anong—"

VROOOOM!

Agad pinaharurot ni Liam ang motor kaya napahawak na lang ako nang mahigpit sa bewang niya. Hindi ko na narinig ang sagot nila!

Napailing na lang ako habang humahangin ang buhok ko.

Fish Cake?

Yung sikat na anonymous sa Confess Page ng school namin? Yung laging nagpo-post ng sweet messages?

Akala ko ibang tao yun ah?

Pero si Liam ba?

Napatingin ako sa likod niya. Siya yung laging nandiyan, siya yung kaibigan ko… pero bakit parang may something?

Pero teka… paano naman si Kaizher?

Yung lalaking pamilyar, yung lalaking konektado sa mga panaginip ko na hindi ko man lang maalala.

"Lana, kapit ka mahigpit ha!" sigaw ni Liam sa harap.

"Oo!" sagot ko.

Pero sa isip-isip ko…

Sino ba talaga sila?


 

Nang gabi ring ‘yon, habang nakahiga ako at hawak ang phone ko, binuksan ko ang Confess Page ng school namin para ma-kill time.

Wala namang masyadong bago hanggang sa may lumabas na bagong post na pinned pa.

💌 FROM: FISH CAKE 🐟🍰

"To the girl who never fails to make my heart beat fast.
I’ve liked you since Freshman year up until now.
Sobrang tagal ko nang tinitignan ka from a distance, and I’m willing to wait kahit gaano pa katagal.
Someday, I’ll find the courage to say this face to face.
But for now, let this be enough.
I’m always here. 🤍"

 

"OMGGGG!!" napasigaw ako sa kama ko sabay takip sa bibig ko.

"Grabe naman! Ang sweet netong si Fish Cake ah! Sino na naman kaya 'to?" kinikilig na bulong ko sa sarili ko.

Biglang tumunog ang Messenger ko. Message galing kay Kate.

👧🏻 KATE:
GIRL!!! NAKITA MO NA BA POST NI FISH CAKE?! 🚨😭
YIEEEEEE! KILIG MUCH! SANA ALL MAY SECRET ADMIRER! 🥹

👩🏻 ME:
Hala oo nga oh! Ang sweet naman! 🥺 Pero sino ba talaga yan? I mean, ang tagal na niya pala akong gusto? Since Freshman?

👧🏻 KATE:
Secret muna bes! 🤫 Basta alam ko malalaman mo rin soon! Hihihi! 😏
Pero teh, aminin mo, kinilig ka no? 🤭

👩🏻 ME:
Oo na! Kinilig na! Hahaha! Pero sana magparamdam na siya para makilala ko na! 😂

Napatulala ako sa screen ng phone ko habang nakatingin sa pangalang Fish Cake.

Sino ka kaya?

Yung tipong matagal mo na akong gusto, nandiyan ka lang palagi, pero hindi ko man lang napansin?

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kisame.

Pero biglang pumasok sa isip ko yung mukha ni Kaizher.

Yung hazel eyes niya. Yung pamilyar na pakiramdam.

At syempre, si Liam… yung kaibigan kong laging nandiyan at sobrang bait.

Ang gulo.


"Sino ka ba talaga, Fish Cake?" bulong ko. "At bakit parang may nararamdaman ako sa taong dapat ay iniiwasan ko?"

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com