Chapter: 2
Habang naglalakad ako sa hallway at ang isip ko ay lumilipad sa langit, bigla na lang akong may nabanggang tao.
Dugshh…..
“Aray!” sabi ko sabay hawak sa ulo ko.
Yumuko ako at humingi ng tawad, “Sorry.”
Unti-unti kong itinaas ang aking ulo para makita kung sino ang nabangga ko.
Pagtingin ko sa mukha niya, bigla akong natigilan.
He was so attractive. Matangos ang ilong, dark hair, hazel eyes, thick eyebrows, at mga labing ang sarap halikan.
Kahit naka-uniform lang siya, mayroon siyang aura na hindi ko maipaliwanag—parang may kakaiba sa kanya na humihila ng atensyon ko.
Natulala ako. Parang tumigil ang mundo ko sa ilang segundo.
Pero hindi siya natigilan.
Nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Walang gulat, walang concern, ni kahit isang ngiti man lang. Tinitigan niya lang ako na parang isa lang akong balakid sa daanan niya.
“Watch where you’re going,” sabi niya sa malamig at baritono na boses. English pa, ang sosyal pakinggan pero parang yelo ang dating.
Hindi niya hinintay ang sagot ko. Dumaan lang siya sa tabi ko nang mabilis, dahilan para umihip ang hangin at maamoy ko ang pabango niya—masarap, mamahalin, at nakakaadik.
Naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko, hawak pa rin ang ulo ko.
“Bwisit,” bulong ko sa sarili habang pinapanood siyang lumayo. “Ang gwapo nga, pero ang sungit naman! Feelingero! Akala mo kung sino!”
Pero kahit inis na inis ako… hindi maalis sa isip ko ang itsura niya.
Bakit parang ang pamilyar niya?
Parang… nakita ko na siya somewhere.
Have I seen him somewhere before?
Biglang tumunog ang bell—hudyat na iyon na magsisimula na ang klase.
Napailing na lang ako at tinangkang alisin sa isip ko yung lalaking ‘yon. Wala na ring oras para isipin ko pa siya. Late na nga ako, baka mapagalitan pa ako ni Sir.
Nagmadali akong naglakad papunta sa room namin. Pagpasok ko, buti na lang wala pa yung teacher. Dumiretso ako sa upuan ko sa bandang likod kung saan tahimik at komportable.
Ilang sandali pa, bumukas ulit ang pinto.
Inaasahan ko na si Sir na papasok, kaya hindi ako tumingin. Pero biglang tumahimik ang buong classroom. Parang na-freeze ang oras.
Kusa naman akong napalingon…
At doon ko nakita siya.
Yung lalaking nabangga ko kanina.
Pumasok siya nang dahan-dahan, walang pakialam sa mga nakatingin sa kanya. Diretso lang ang tingin at seryoso pa rin ang mukha.
“Class, this is Kaizher Vilamosa. New transfer student,” pagpapakilala ng teacher.
Nanlaki ang mga mata ko.
Bumilis ulit ang tibok ng puso ko nang banggitin ang pangalan niya.
Kaya pala.
Kaya pala parang pamilyar siya.
Kahit hindi ko maalala kung saan… kahit parang may malalim na parte ng memorya ko ang nakalimot…
Ang puso ko… alam na alam kung sino siya.
Nahihibang ba ako o kulang lang talaga sa tulog?
Napahawak ako sa sentido ko at pilit na iniling ang ulo. Wala sigurong tulog kaya kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko.
Pero bago pa man ako makabawi, nakita kong lumingon si Sir sa amin.
“Kaizher, you can take that seat beside Lana.”
Turo niya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Ha?!
Dahan-dahang lumingon si Kaizher sa direksyon ko. Nanatiling blangko ang mukha niya, walang emosyon. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit habang ang buong klase ay nakatingin sa amin.
Ramdam ko ang pagbilis ulit ng tibok ng puso ko habang papalapit siya.
Umupo siya.
Malapit na malapit.
Kahit hindi kami nagdidikit, ramdam na ramdam ko ang init ng presensya niya. Amoy na amoy ko ulit yung pabango niya—yung pabango na parang pamilyar na pamilyar sa ilong ko kahit first time ko lang naman siya makita ngayon.
Hindi siya tumingin sa akin. Nakatingin lang siya sa harap, nakahalukipkip, mukhang bored at warang pakialam sa mundo.
Pero ako?
Hindi ako makahinga nang maayos.
Parang may magnet na pilit na humihila ng tingin ko sa kanya. Paulit-ulit kong sinusulyapan ang profile niya—yung matangos niyang ilong, yung hazel eyes niya, yung panga niya.
Bakit parang…
Bakit parang nakita ko na ang eksenang ‘to?
Bakit parang dati na naming ginagawa ‘to—ang umupo nang magkatabi, ang maramdaman siya sa tabi ko?
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
“Lana?”
Nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Mahina lang, halos bulong lang na ako lang ang makakarinig.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. “H-huh?”
Tinitigan niya ako sa mata. Yung tingin na parang binabasa niya ang kaluluwa ko.
“You’re staring,” malamig niyang sabi.
Namula agad ang pisngi ko sa hiya at inis.
“N-nakaw tingin lang! At saka sino ba may sabing titingin ako sayo?!” depensa ko sabay iwas ng tingin.
Tumikhim lang siya at hindi na sumagot, pero sa gilid ng mata ko… parang nakita kong umangat ng konti ang gilid ng labi niya.
Parang napangisi?
Nang tumunog ang bell para sa dismissal, parang nakahinga ako nang maluwag.
Sa wakas! Tapos na rin ang klase. Pakiramdam ko kasi naiipit ako sa ere buong oras na katabi ko siya.
Iniligpit ko agad ang gamit ko at akmang tatayo na sana nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kate na parang hinahabol ng multo.
“LANAAAAA!!!” sigaw niya agad na ikinagulat ng lahat pati na rin ako.
Dumamba agad siya sa akin at hinila ako pababa ng upuan. “Grabe! Sabi nila may bagong transfer student daw na ang gwapo-gwapo! Totoo ba?! Nasaan?! Ipakita mo sa akin!”
Napahilot na lang ako sa sentido ko. “Opo, totoo. Nasa likod mo nga oh.”
Nanlaki ang mga mata ni Kate at dahan-dahang lumingon.
Nandoon pa rin si Kaizher, inaayos lang din ang gamit niya pero hindi man lang siya nagulat o napatingin sa amin. Parang wala lang siya sa dinadaanan.
“Omygad…” bulong ni Kate habang nakanganga. “S-siya ba yun? Si Kaizher Vilamosa?”
Tumango ako. “Oo.”
“Ang gwapo naman teh! Bakit parang ang lamig lang ng aura niya? Parang Ice Prince!” bulong niya sa akin sabay hatak sa braso ko. “Pero te… bakit parang ang pamilyar niya? Parang nakita ko na siya somewhere ah?”
Napakurap ako.
Kaya pala!
Hindi lang pala ako ang nakakaramdam nun!
“Ewan ko ba,” sagot ko kahit sa loob-loob ko, parang may kung anong sumasagi sa isip ko na hindi ko lang makuha. “Kulang lang siguro tayo sa tulog.”
“Whatever! Basta ang gwapo niya!” kilig na kilig na sabi ni Kate. “Tara na nga! Lakad na tayo baka magbago ang isip ko at guluhin ko pa ang peace of mind niya.”
Tumalikod na kami at naglakad palabas ng classroom. Pero bago pa man kami makalabas ng pinto…
“Hey.”
Huminto kami pareho ni Kate.
Lumingon ako at nakita kong nakatingin pala sa akin si Kaizher. Nakasandal siya sa desk niya, nakahalukipkip ulit at seryoso ang mukha.
“Bring your notebook tomorrow. You missed a lot staring at me earlier,” sabi niya nang walang emosyon pero may halong panunukso.
Namula agad ako sa hiya at inis!
“Sus! Sinong nangangati?!” sigaw ko pabalik sabay takip sa mukha ko gamit ang libro ko at dali-daling lumabas ng room.
Narinig ko pa ang halakhak ni Kate habang hinahabol ako. “Hala! Kinilig ka teh! Kinilig ka!”
“Wala nga! Ang sungit nun! Nakak bwesit nga e!”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com