Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter:1


The sound of Mama’s voice pulled me out of my dream.

‎“Nak, gumising ka na. 7:30 na—malalate ka na!”

‎‎I Open my eyes

‎‎Reality.

‎‎My ceiling. My room. My life.
‎‎No church. No aisle. No vows.

‎‎Just another ordinary morning.But who's that guy? The guy in my dreams?K…..?

Why did I forget his name and face as soon as I woke up?

Napapikit ako at bumalik sa tulog nag bakasakaling ma panaginipan uli.

Five minutes pa, pakiusap ko sa sarili ko, kahit alam kong kasinungalingan na naman ’yon. Wala talaga akong balak bumangon.

“Ineng, huwag mo akong subukan.
Parang wala kang balak pumasok ah!” dagdag pa niya, kasabay ng papalapit na yabag.

“Oo na, Ma! Nakatayo na ’ko!” sigaw ko pabalik.

Spoiler: hindi pa.

Nakahiga pa rin ako, walang galaw.

Strategy lang ’yon para tumahimik siya kahit saglit.

Biglang bumukas ang pinto.

Ay, patay.

Nahuli.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mama—yung tipong parang warning bago sumabog ang bulkan.

“Talagang batang ’to…” panimula niya, halatang nagtitimpi. “Kung wala kang balak mag-aral, magsabi ka na—”

“Ma! Chill lang! Aalis na ako!” mabilis kong putol, sabay bangon na parang kanina pa ako gising.

Kilalang-kilala ko na ang tono na ’yon. Kapag hindi ko siya pinigilan, aabot na naman sa full-day seminar ang sermon niya.

“Hmp.” Umirap siya. “Siguraduhin mong lalabas ka na diyan.”
Pagkaalis niya, napabuntong-hininga ako.

“Grabe ka naman, Ma…” bulong ko.

“May sinabi ka?” agad niyang sigaw mula sa labas.

Napalunok ako. “Wala, Ma!”

Tahimik na ulit ang bahay.
At doon ko lang naalala kung bakit halos ayaw kong bumangon hindi dahil sa panaginip na yun kundi kung anong ng yari kagabi.

— Flashback: Kagabi, 9:30 PM —

“Ori ya ha ha ha… Ori ya ha ha…”

Biglang umalingawngaw ang ringtone ng phone ko sa buong kwarto.
Oo, ako ang kumanta nun. Opera pa. Low-budget version ng Queen of the Night.Don't judge.

Sinagot ko agad ang tawag nang makita ang pangalan sa screen.

Si Kate.

“Ahhhhhkkk!!”

Napaatras ako at napalayo ang phone sa tenga ko. “Leche, Kate! Mabibingi ako sa ’yo!”

“Huh?” inosente niyang sagot.

“Dinikit ko sa tenga ko yung phone, tapos sisigaw ka? Punyeta ka!”

“Kasalanan ko ba ’yon?” sagot niya, parang walang ginawang mali.
Napapikit ako. “Bruha, ba’t ka napatawag?”

“Ah—oo nga pala…” bigla siyang natahimik, parang may naaalala.

“Teh, nakita mo na ba yung sequel nung boo—”

“Nung ano?” kunot-noo kong tanong.

“Hello? Kate?”

…Wala.

Napatingin ako sa screen.

The call ended.

“Bruhaaaaa!” sigaw ko. “Kate, huwag kang pa-bitin!”

Bigla akong napatayo at dali-daling kinuha ang phone ko. Binuksan ko agad ang Wattpad at nagsimulang
maghanap.

“Anong sequel ’yon? Anong libro ’yon?” bulong ko habang mabilis na nagta-type. “Kate, papatayin talaga kita…”

Ilang minuto ang lumipas… hanggang naging isang oras.
Wala pa rin.

“Leche naman oh…” reklamo ko, halos mawalan na ng pasensya.

“Ori ya ha ha ha… Ori ya ha ha…”
Tumunog ulit ang phone ko.

Si Kate.

Sinagot ko agad.

“BRUHAAAA!” bungad ko.

“Pucha, baho ng hininga mo,” sagot niya.

“Ha? Hoy! Nag-toothbrush ako, no!” depensa ko. “At tsaka, hindi naman naaabot ng hininga ko yung phone!”

“Isda ulam mo, no?” hula niya.

Natigilan ako. “Sheyt… paano mo nalaman?”

“Malamang. Binigyan kami ni Tita ng ulam.”

“Ayyy…”

“Hoy,” singit niya, “yung title pala nung book—grabe ka, kanina ka pa galit—”

“Sabihin mo na kasi!” inis kong putol.

“Ay, oo nga pala…” saglit siyang natahimik. “The Last Sunrise With You.”

Hindi na ako nagpaalam. Agad kong pinatay ang tawag at hinanap ang libro.

At doon na nagsimula ang problema.

Isang chapter lang… ’yon ang sabi ko
sa sarili ko.

Hanggang sa nadagdagan.

At nadagdagan pa ulit.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

*Present*

Kaya heto ako ngayon—
kulang sa tulog, pagod, at muntik nang ma-late.

Siguro sa kakulangan sa tulog kung anonang napanaginipan ko

Napabuntong-hininga ako at tuluyang bumangon sa kama.

“Lecheng libro ’yan…” bulong ko.

Pero kung tatanungin mo ako kung uulitin ko?

…Oo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com