Chapter 1
Chapter 1
Crazy as Truth-or-Dare
"Ellaine! Truth or Dare?"
I looked at Carla's face. She was looking at me with those big glinting eyes. Napabuntong-hininga na lamang ako. She's at it again. Alam niyang hindi ko siya tatanggihan dahil first of all, I never declined challenges. Ayaw na ayaw ko ring matalo at kung matalo man ako, hinding-hindi ko tinatakbuhan ang consequences.
"Kung ako sa 'yo, El, magde-dare ako!" ani Portia na isa pang pasimuno sa mga ganitong kalokohan.
Nagsimula namang magkekembot si Amy. "Dare! Dare! Dare!"
We're in school right now. Free cut at wala kaming magawa. Bakante man kami ng isa't kalahating oras, may sunod pa kaming klase sa ibang subject kaya hindi kami pwedeng magpunta sa malayo. Kung first year lang kami baka hindi na kami pumasok sa mga natitirang subjects pero dahil last year na namin ito sa college, kailangan naming magseryoso sa mga klase.
"El, you're up for it?" muling pagtatanong ni Carla.
I smirked. "When did I refuse?"
And I, as stubborn and naughty in nature, chose dare.
This is not just your typical truth-or-dare that kids play. Baliw itong mga kaibigan kong 'to kaya naman mag-iisip sila ng kakaibang dare na talaga namang mahirap gawin. I've been playing their games since we were in high school. I got used to it. So used to it that I stop refusing and just go with the flow.
Kapag truth ang pinili mo, kailangan mong pumunta sa gitna ng gym habang may hawak na microphone. Tatanungin ka nila sa harapan ng madaming estudyante. Dahil madaming manonood sa 'yo, wala kang kawala. Kailangan mong sagutin ang tanong nila dahil may mabigat na parusa kang matatanggap.
Kapag dare naman, hindi ito basta-basta lang. Naalala ko 2 years ago, they dared me to make the boy from our class fall in love with me and break up with him after a month.
Simula pa noong high school, madami na kaming nagagawang dare at nasasagot na truth.
Sanay na sanay na sa amin ang mga schoolmates namin. Kahit ang mga professor ay alam ang aming ginagawa. They told us that as long as no one's getting harmed and the school's reputation is not on the line, it's fine. 'Wag lang daw kami lalagpas sa limitasyon namin.
Well, even if we did, they wouldn't know.
Inalog-alog ni Carla ang balikat ni Portia. "Omg! Ito na! Ikaw na, Portia! Ikaw ang master sa pagbibigay ng dare!"
Kitang-kita ko ang excitement sa tatlong baliw. Minsan lang kasi ako mag-dare. Madalas truth ang pinipili ko para less hassle. It's not that hard for me to be honest.
Hinawakan ni Portia ang kanyang baba habang nag-iisip. Sana ganyan din siya kaseryoso mag-isip kapag nag-e-exam kami.
"Aha!"
Sabay-sabay kaming nagulat dahil sa biglaang pagsigaw niya.
"May naisip ka na?!" bulalas ni Amy. "Excited na me!"
Hindi sumagot si Portia. Seryoso lang siyang tumingin sa 'min.
Napanguso naman si Carla. "Hey, ano na?"
Unti-unting ngumisi si Portia. "Wala akong maisip." She chuckled nervously and gave us a peace sign.
The three of us gave her a dead look.
Tinapik ko ang ulo niya. "Faster, dummy."
She pouted and roamed her eyes around the school grounds. Suddenly, her eyes lit up while looking at a certain direction. "Ito na! Ito na talaga! Look! That hottie! I spotted a hottie!" Napatayo siya sa kanyang kinauupuan. "May naisip na akong dare--a very, very, very, very perfect, astonoshing, incredible--"
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay tinapik ni Amy ang pisngi niya. "Kumalma ka nga! Ang dami mong sinasabi!"
Napatawa na lang ako at napailing. Sinundan ko ang linya ng tingin ni Portia.
Literal akong napanganga sa aking nakita. In the middle of the field, a tall, handsome guy was standing with his arms crossed. He has a blonde hair that seemed to glitter under the sunlight, the diamond earring on his right ear sparkled, and his skin was a bit tan but looked so smooth. His sense of fashion was not bad at all. All in all, he's freaking hot!
"Hi, kuya na hot!" sigaw ni Amy with matching kaway pa.
Tinakluban ko ang bibig niya. Sina Carla at Portia naman ay hinawakan ang magkabila niyang braso.
Nang medyo kumalma na siya ay inalis ko na ang aking kamay sa kanyang bibig.
She spat on the ground and scrunched her face. "Bakit ba?! Gusto ko makilala si hot guy!" reklamo niya.
Binatukan ko siya. "Dare na siya para sa 'kin, 'wag kang sumapaw." I laughed.
She crossed her arms defiantly but there was laughter in her eyes. "Dapat pala nagpatalo na lang ako kanina sa jack-en-poy!"
Inakbayan siya ni Portia at tinapik ang ulo niya na parang bata. Sa amin kasing apat, siya ang pinakamaliit with the height of 5 feet. Samantalang kami nina Portia at Carla ay between 5'4" to 5'6", with me as the tallest.
"Easy, tiger, simulan na natin ang dare." ani Portia habang nakaakbay pa rin kay Amy na nakanguso. "We will start the dare now. Mag-isip kayo kung kailan ang expiration date."
Itinaas ni Amy ang kanang kamay niya. "Christmas this year!"
Sumang-ayon naman kaming lahat sa isinagot niya. Simula pa lang ng taon. The remaining months will be more than enough for the dare.
Ito na yata ang pinakamahabang dare na ibinigay nila sa 'kin. Hindi ko na ito kinwestyon dahil kahit hindi nila sabihin ay alam ko na. This is our last year in college. We won't be able to fool around like this when we graduate since we'll focus on our careers.
"Ellaine," Portia smirked. "Your dare is to seduce him and make him your boyfriend."
Ha, too easy. "Then? Break his heart?" I chuckled. "Ano'ng makukuha ko kapag nagawa ko ang dare na 'yan?"
Yes, I'm confident. Hindi naman sa pagmamayabang pero maipagmamalaki naman ang hitsursa ko. Hindi malayo sa posibilidad na mahulog kaagad sa 'kin ang lalakeng 'yon. Baka nga wala pa sa kalahati ng taon ay nahulog na siya sa 'kin. Piece of cake!
"Wait a minute, darling, hindi pa ako tapos."
Nagtaas ako ng kilay. Inilahad ko ang aking kamay. "Go on."
"You should do the deed with him. Bago ma-expire ang dare, you should have done it with him already."
Teka lang, parang may bumara sa lalamunan ko. I can feel the color draining away from my face. It took me several minutes to process what she said.
"What did you just say?!" I exclaimed.
Magbabaka sakali lang ako na baka mali ang pagkakadinig ko.
Imbis na sagutin ako kaagad ay tinawanan muna nila ako.
"You heard it right, El. You should seduce him, make him your boyfriend and do the deed with him." Portia explained again while quoting the word deed in the air, indicating it has a different meaning.
I started to scream in my mind. I can't back down now.
We grew up in US. Magkakaibigan ang mga parents namin na nagkakilala dahil sa family business namin. Dahil dito, simula mga bata pa lang kami, magkakaibigan na kami. We even went to the same school.
We started partying at 13, kiss and makeup with boys at 15, mess around at 17 and it went on until we reach the age of 21. Pero sa aming apat, ako pa lang ang walang experience.
Our parents brought us back here in the Philippines when we were about to start college to regain our "pagkadalagang Filipina". Being liberated wasn't what they expected us to be. Disappointed, they decided to send us here.
They thought we'll act like Maria Clara real quick if we live here. I'm sorry, Mom and Dad, it's not easy.
"Seryoso ba kayo dyan?"
Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa laki nito. Hindi pa rin ako makapaniwala. I know they're crazy, we are crazy, but I didn't expect that they'll dare me to do this.
"Yes, sweetie, kailan ba kami nagloko pagdating sa ganitong bagay?" she said with a triumphant smile curved on her lips.
I bit my lower lip.
Carla saw the uncertainty on my face. "You'll run away or we'll make your life suffer?"
Mga kaibigan ko ba talaga ang mga babaeng 'to?!
"El, sweetie, hindi mo naman kaagad gagawin, e. Remember, first things first, seduce him. Ikaw yata itong excited, e." Amy laughed.
Hinampas ko siya ng pouch ko. "Bwisit ka! Hindi, 'no!"
Pumagitna sa 'min si Carla bago ko pa masapak si Amy na tawa pa rin nang tawa at mukhang nag-e-enjoy sa dilemma ko.
"Natanong mo na lang din naman kanina kung ano ang makukuha mo, ito na." Kumuha siya ng hair brush at iniabot kay Portia. "Portia, do the honor."
Portia accepted the brush like it was a trophy. With seriousness on her face, she started. "Mic test, mic test." She tapped it several times then she cleared her throat. "Ellaine Hidalgo, ito ang makukuha mo kapag nagtagumpay ka. Isang brand new car! House and lot and a--ouch!"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil binatukan siya ni Portia. "Gaga! Hindi ka host ng isang game show! Umayos ka!"
She just rolled her eyes. Inayos niya ulit ang kanyang sarili at this time, seryoso na talaga siya. "If you did it successfully, we will do everything you want us to do for you. But, I know this is cliché, there is one rule you must abide."
I gave her a confused look.
She continued. "You must not fall in love with him. If you do, we'll be living in your pad. Sagot mo lahat ng kakailanganin namin."
Fall in love? Nagpapatawa ba siya? Para sa 'kin, ang love ay isang bagay na hindi matatagpuan sa ganitong kalokohan. I have a very deep impression of love. I won't fall in love with a guy who's only a part of our fun.
Ang mga lalake, pare-pareho lang iyan. Madali silang tumiklop sa mga babaeng magaling lumandi. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko na mahuhulog kaagad siya sa 'kin. Sa ganda ko ba namang 'to, 'no!
Habang naghihintay kami dito sa student area kung saan may mga stone tables at chairs, kinuha ko muna ang mga notes ko sa bag.
Komplikado ang sunod naming subject kaya kailangan kong maghanda. Ang hilig pa naman bumunot ng index card 'yung professor namin. Kapag walang nagtaas ng kamay sa recitation, bubunot siya sa mga index card kung saan nakalagay mga pangalan namin. Kung sino ang mabunot ay siyang isasakripisyo kay satanas. Charot! Pero dahil sa sobrang hirap ng mga tanong niya, baka mas piliin na lang namin na maging sakripisyo.
My parents wanted me to take Business Management course but I chose Computer Engineering. Napakatagal bago ko sila nakumbinsi. Naiintindihan ko rin naman sila dahil nag-iisa akong anak at walang magmamana ng business namin pero wala talaga akong hilig sa gano'n.
In the end, wala na rin silang nagawa. The reason why I managed to convince them was that I told them when I got married, I'll let my husband handle the business while I work as a Computer Engineer.
Ngayon naman, sa pag-aasawa naman nila ako kinukulit.
I sighed.
Napansin ko namang tahimik ang tatlong bruha. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay nang makitang nagbabasa rin sila ng mga notes nila.
I smiled while looking at them.
Carla Mariano is taking Accountancy. Kagaya ko, her parents wanted a different course for her which is Culinary Arts dahil ang family business nila ay restaurant. It's a high class restaurant that has branches around the country. Sadly, she can't cook to save a life. Buti na lang nasundan pa siya ng kapatid. Nagkaroon ng pag-asa sina Tito at Tita, at hinayaan na lang siya sa gusto niyang kuhanin na kurso.
Si Portia Gonzaga naman ay Nursing. She wanted to be a doctor but she changed her mind. Hindi namin alam kung ano'ng nagpabago sa isip niya pero suportado naman namin siya at pati na rin ng parents niya.
Amy Generoso, hindi man halata sa kanya, is taking Law. Siya man ang pinakamagulo at pinakakwela sa 'min, na madalas napapagkamalang "walang alam" pero kapag inilaban mo sa debate, hinding-hindi siya magpapatalo.
Even though we're crazy in our own different ways, may ipagmamalaki naman kami. That's why I'm proud that I'm friends with them.
Naputol na lang ang aking pag-iisip nang bigla akong siniko ni Carla.
"El! Si hot guy papunta dito!"
Sabay-sabay kaming napatingin sa dereksyon ni "hot guy".
Nakatingala lang kami sa kanya dahil sobrang tangkad niya. I think he's almost 6-foot tall or maybe he already is. Mas lalo kaming nanliit dahil nakaupo pa kami. He's literally towering over us.
"Ellaine Hidalgo, right?" He deadpanned. Humikab pa siya at para bang bored na bored siya.
Napalunok ako. "Ako nga.".
Nagsisimula nang mangalay ang leeg ko dahil sa pagtingala ko sa kanya.
And in my surprise, he leaned down on me and kissed me.
What in the world is happening?!
I felt goosebumps all over my body. It happened so fast but when he pulled away after several seconds, I can still feel his soft lips on mine and I can still smell the mixture of mint and cigarette from his mouth.
"Sorry, it's just a dare."
He stared at me with a bored look on his face. He turned his back to me and walked away like nothing happened. His friends patted him on his back as they walked away from the school grounds.
'Yung totoo?! 'Di ba kami ang naglalaro ng truth-or-dare dito?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com