Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

Arrangement

Carla's laugh reverberated around my room. She rolled on my bed, messing the duffet on top of it. "I never expected na mangyayari 'yung nangyari kahapon!" She slapped the matress while laughing. "Grabe! Ang swerte mo, El! Hindi ka pa nagsisimula sa dare, mukhang panalo ka na!"

Iniikot naman ni Portia ang swivel chair na kinauupuan niya. Nasa harapan siya ng study table ko at pinaglalaruan ang mga drawing materials ko. "Oo nga, El! Kailangan mo na talagang sumulan ang dare! I'm so excited!"

"I'll pay to see that kiss again!" bulalas naman ni Amy na nakaupo sa carpeted na sahig at naglalaro sa iPad ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sino nga ba naman ang mag-aakala na pati sila ng mga kaibigan niya ay naglalaro rin ng truth-or-dare? Or siguro alam nilang sikat kami sa paglalaro no'n kaya naman sa amin nila sinubukan.

Ha! Copy cats! Wala pa ring tatalo sa trip naming apat, 'no!

I looked at Carla when she laughed again. Hawak niya ang cellphone niya at tutok na tutok dito.

"Look! One thousand likes for the photo!"

Nagkumpulan kami sa tabi ni Carla. Napamura na lang ako sa aking isipan nang makita ang post mula sa isang estudyante sa school namin. Tiningnan ko ang date at time ng upload at kaninang umaga lang ito! May 1,328 likes na at 348 comments na kaagad ito! Kitang-kita pa ang mukha naming dalawa doon sa picture! Uggh!

Sunod na dumako ang aking mga mata sa mga comments.

"Cute!"

"Who's the guy with Ellaine Hidalgo! He's hot, ha!"

"Is it a dare or they're really in a relationship?"

"For sure, dare lang iyan! Kilala niyo naman 'yang apat na 'yan. HAHAHAHA!"

Gusto ko na lang magpabaon sa lupa at the moment. Ang dami nilang time para pagchismisan ang nangyari! Ang nakakainis pa, ang bilis dumami ng mga nagococomment, naglalalike at nagsheshare ng post na 'to!

Social media is really scary. One wrong move and people will start talking about you. Ok lang sana kung lahat sila ay papanig sa 'yo pero kailangan mo ring ihanda ang sarili mo sa mga kritisismo.

Few hours after that, we prepared for school. This time, afternoon lahat ng classes namin kaya naman may time pa kaming mag-chill sa pad ko.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa gate ay pinagtinginan ako ng mga estudyante. Dahil siguro ito sa nangyari at sa litratong kumalat sa Facebook.

"Siya 'yung hinalikan ni L.Joe kahapon, 'di ba?"

"Yeah, and you don't know her? She's Ellaine Hidalgo!"

"Oh, that's her? She's lucky!"

"I know, right?!"

I can hear the name "L.Joe" as I passed by the hallway. Hindi kaya 'yun ang pangalan nung lalake na humalik sa 'kin kahapon?

His name and face are not familiar. He's probably a transferee. 

Kung transferee siya, does it mean he's younger than me? What a pain!

Kailangan ko na talagang simulan ang dare. Ayokong makasama ang tatlong bruha sa bahay, 'no! Ang tatakaw nila! Baka wala nang matira sa savings ko!

"El, start the dare now. You should make the first move." pagpapaalala ni Carla.

Inakbayan naman ako ni Portia. "Oo nga. You don't wanna lose lots of money, right?"

"Kain tayong ice cream!" out of nowhere namang sigaw ni Amy.

Nang marinig ng dalawa ang salitang "ice cream", parang nagliwanag ang mga mata nila at sabay-sabay silang tumakbo papunta sa cafeteria.

Umiling na lang ako sa kalokohan nila. Palibhasa maya-maya pa ang start ng klase nila.

Naglakad na ako patungo sa classroom. Aral muna, bago landi. Mamaya na ako gagawa ng first move kapag nakita ko siya. At saka, tinatamad pa ako. Wala pa ako sa mood lumandi.

Pagkarating ko sa classroom, napansin ko na nagkukumpulan ang mga babae sa iisang spot lang sa likod. O? Ano'ng meron? Para silang mga tae na tumpok-tumpok?

Nang makarating ako sa upuan ko ay pabagsak kong inilagay ang bag ko. They're squealing voices are annoying. Ano'ng akala nila sa classroom, fangirling area?

Tumingin silang lahat sa akin. I gave them a glare and they immediately went back to their seats. I'm the Student Council President so they can't complain.

I built my reputation so high that a simple glare can scare them. Mas mabuti ngang may takot sila para hindi sila magiging sakit sa ulo. Ako lang ang may karapatang maging sakit ng ulo ng school. Charot!

Tiningnan ko naman ang pinagkukumpulan nila. 

Ah? Si hot guy pala, huh? 

Then he's not younger than me. Or maybe he's just taking the same subject as me but not the same course? Minor subject lang kasi ito ngayong a-attend-an ko. 

Oh, well, mas mapapadali yata ang paggawa ko ng dare na 'to. The fun thing is if I win, my three crazy friends will be my servant.

I put on my best smile and walked towards him. Nang makarating ako sa harap ng table niya ay tiningnan niya lang ako. He has this bored look on his face again then he went back to fiddling on his phone, ignoring my presence entirely.

My mouth twiched and the smile I put faded.

"Are you taking Computer Engineering too?" I crossed my arms.

"Yeah," he answered without looking at me.

So, he's not younger than me then. He's probably the same age as me.

"Name?"

He sighed. "L.Joe She."

"School that you came from?"

"University in Korea"

I rolled my eyes. "Boring."

Iniwan ko na siya at bumalik sa upuan ko. Patipidan ba ng sasabihin ang labanan? Nakakaimbyerna, huh! Ang sungit niya masyado! Parang mahihirapan yata akong landiin siya kapag ganito!

Kasabay ng pagdating ng professor namin ay ang pagdaan ng tatlong bruha sa gilid ng classroom ko.

Kumindat sa akin si Amy. May amos pa siya sa mukha dahil sa ice cream na kinain niya. Sina Portia at Carla naman ay may tulo ng ice cream sa uniform nila. Ano sila, mga bata?! Napa-facepalm na lang ako at napailing dahil sa mga baliw kong kaibigan.

Ibinaling ko na ang tingin ko sa harapan kung saan nakatayo ang professor namin sa English Efficiency.

"Good afternoon, class!"

Sinagot naman namin ang pagbati niya.

"May I call on Mr. L.Joe She for a short introduction of himself?"

Tumayo siya at pumunta sa harapan. With his hands inside his pocket, he bowed a little like how Koreans greet.

"Hello. I'm L.Joe She from Korea."

Wala na siyang sinabi pang iba. Bumalik na kaagad siya sa upuan niya at humalumbaba sa lamesa.

Siya 'yung tipo ng tao na kapag kasama mo, parehong mapapanis ang laway niyo dahil hindi siya nagsasalita. Kung magsasalita naman siya ay sobrang tipid pa.

Our professor clasped her hands. "Before we start the lesson, we should change the sitting arrangement."

Tiningnan niya ang mga spot kung saan palaging pinanggagalingan ng ingay. Paghihiwalay-hiwalayin niya 'yung mga magkakaibigan dahil sila 'yung madalas na rason ng ingay.

I shrugged my shoulders at that. Wala naman akong kaclose sa subject na 'to kaya naman kahit saan ako mapaupo ay ok lang.

Nagsimula nang magreklamo ang mga jejemon kong kaklase na akala mo naman ikamamatay nila kapag napahiwalay sila ng upuan sa mga beshies nila. Hello? Magkikita-kita rin naman sila mamaya. Dinaig pa nila 'yung mga magjojowang clingy sa isa't-isa.

"Quiet!" sigaw ng professor. Tumahimik naman sila kaagad. "Hindi naman mangyayari 'to kung hindi sumosobra ang ingay niyo."

Nasundan pa ito ng mahabang sermon at wala naman kaming nagawa kundi ang makinig na lang.

Naglapag siya ng isang maliit na glass box sa teacher's table. May laman itong mga nakatuping papel.

"Bunutan 'to, a. May number nang nakasulat sa mga papel from one to thirty. Bubunot kayo alphabetically and let's start with Ms. Abanico."

Damn, "H" pa ako. Tinapik-tapik ko ang aking daliri sa aking table habang naghihintay sa turn ko. Nang bumunot ako, napangiti na lang ako nang malawak nang makitang number 30 ang nakasulat sa papel. Napili ko ang upuan katabi ng bintana at sa pinakalikod pa na siyang pinakamagandang spot dito sa classroom. 

Smirking, I picked up my bag and walked towards my new chair. Hindi ko pinansin ang mga naiinggit na tingin ng iba kong mga kaklase na gustong umupo sa spot na 'to.

Boys naman ngayon ang bubunot. Inuna kasi ni Ma'am ang mga girls kasi "lady's first" daw. 

Pinanood ko si L.Joe na lumakad patungo sa unahan para bumunot ng number. Siguradong madaming nagdadasal ngayon sa mga kaklase kong babae na sana si L.Joe ang makatabi nila.

I sat up straight when I saw him walking towards me. His gaze never left mine while making his way to his new seat. I gulped. I don't know why I felt a shiver ran down my spine as he looked at me. His eyes looked so intimidating. I never felt intimidated like this before. Pero dahil mataas ang pride ko, hindi ako nagpatalo sa pakikipagtitigan sa kanya.

Inilapag niya ang bag niya sa table na katabi ng sa akin.

Mukhang ako yata ang pinagpala ngayon?

He picked number 29 na ang ibig sabihin lang ay makakatabi ko siya until the end of the school year.

Talagang gusto na yata ng tadhana na tapusin ko nang maaga ang dare na 'to.

Since naaayon naman lahat sa gusto kong mangyari, sisimulan ko na ang laro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com