Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3

Laugh Out Loud

I leaned back on the chair and sighed. Pabagsak kong inilagay ang lapis na hawak ko sa table. Nakakastress itong isang Math subject namin. May formula akong hindi ma-gets! Minsan napapaisip ako kung bakit engineering pa ang kinuha ko. Tama ba itong naging desisyon ko?

Ipinilig ko ang aking ulo. This is my last year. Hindi ako pwedeng sumuko. I don't want to hear the words "I told you, you should have taken the course we wanted for you" from Mom and Dad. Papatunayan ko sa kanila na tama ang naging desisyon ko.

"Hey, you look troubled."

I looked up and saw three familiar faces in front of me. They're all handsome and tall. Saan ko nga ba sila nakita?

Mukhang napansin naman nila ang pagtataka ko.

"I'm sorry, you must be wondering why we suddenly walked up to you." sabi ng lalakeng nasa gitna. "Mga kaibigan kami ni L.Joe."

Nagtaas ako ng kilay. "What do you want from me?"

"We're just here to properly introduce ourselves. Hihingi rin kami ng pasensya dahil kami ang nagbigay ng dare kay L.Joe. You must be upset since a stranger kissed you." sagot ng lalakeng nasa kanan.

Humalumbaba ako sa lamesa. "I'm not upset. Baka nakakalimutan niyo, if someone here enjoys truth-or-dare so much, it's definitely me. Don't worry, I didn't take it to heart. It's just a kiss."

It's not like it's my first kiss. I've kissed a lot of guys back in US. At saka, way of greeting na rin namin 'yon ng mga kaibigan kong kano.

"Well, you're tough just like how they describe you." ani ng lalakeng nasa kaliwa.

Hindi rin sila nagtagal. Nagpakilala lang sila sa 'kin at niyaya ako sa bar tomorrow after class. They said they don't have any ulterior motives and just wanted to know me. Hah! Ano ako, tanga? They won't invite me out of anywhere kung wala silang binabalak.

I found out that the guy in the middle was Lennon, the one on the right side was Ram and the one on the other side was Tristan. They're all taking engineering but with different majors.

After they left, I immediately notify my friends about it. Mas mabilis pa sa alas kwatro silang dumating sa Library.

Bago pa sila makapagsalita ay pinanglakihan ko na kaagad sila ng mga mata dahil ayaw kong mapalayas kami dito sa Library. Masungit pa naman ang Librarian.

Umupo silang tatlo sa tapat ko.

"What was it about?!" bulong ni Portia.

"They invited you for a drink?" segunda naman ni Carla.

"Spill!" gigil na sabi ni Amy.

Napahawak na lang ako sa aking mukha. Atat na atat lang?

"Hindi niyo naman talaga kailangan magpunta pa dito para lang do'n." Napailing ako. "Nagpakilala lang sila at humingi ng pasensya para sa dare na ibinigay nila kay L.Joe. Bago sila umalis niyaya nila ako sa bar bukas after class."

Humalumbaba si Portia sa lamesa. "They're up to something."

Carla looked at her wide-eyed. "I know, right?"

"Huh?"

Napatingin kami kay Amy na mukhang walang kaalam-alam. Pangmalakasan ang kursong kinukuha niya pero minsan ang slow niya talaga.

"What will you do, El?" tanong ni Portia, completely ignoring Amy's confused gazes.

I smirked. "Before thinking about that, I should buy new clothes for it."

Pagkatapos ng klase ay nagtungo kami sa pinakamalapit na mall para bumili ng damit na isusuot ko bukas. Kailangan kong ihanda ang sarili ko. It seems like they're planning something. Kung tama ang hinala ko, hindi dapat ako magpatalo.

I'll put them in their place, below me. Hindi nila kilala kung sino ang kinakalaban nila. If this is a game for them, I'll kick their ass and take the first place.

"Mas bagay sa kanya itong green!" sigaw ni Carla habang iwinawagayway ang damit na hawak niya.

"Gaga! Mas bagay itong red para mas seducing!" pagkontra naman ni Portia. Hawak niya ang isang pulang blouse na may plunging neckline.

"Hindi kaya! Mas bagay itong black!" bulalas naman ni Amy habang hawak ang isang itim na dress.

Nalingat lang ako sandali, nag-aaway na 'agad sila sa damit na bibilhin ko. Imagine, kapag natalo ako sa dare, ito ang haharapin ko araw-araw! Hindi ko pa sila kasama sa pad ko ngayon pero ganito na sila kagulo, ano pa kung makakasama ko na sila hanggang sa bahay ko?!

Inihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. "Magsitigil na nga kayo! Ako na lang ang pipili!"

Ngumuso silang tatlo sa 'kin. Hindi ko sila pinansin at naghanap na ako ng damit sa mga racks.

Kinuha ko ang maroon na spaghetti strap tank top. I smirked while looking at it. May mga tank top ako sa bahay pero madalas sa bahay ko lang isinusuot.

This will do. Lumakad ako patungo sa kabila pang rack. Kumuha naman ako ng itim na leather jacket. I'll just pair this with ripped skinny jeans and stilettos.

Ang kaninang nananahimik na mga baliw ay muling nabuhay nang makita ang pinili kong damit.

"That would be perfect!" bulalas ni Carla.

"Kami na ni Amy ang bahala sa make up mo, girl!" sabi naman ni Portia.

Tumango-tango naman si Amy bilang pagsang-ayon.

Hindi talaga ako mahilig pumorma at magshopping. Natuto na lang ako dahil sa tatlo. Sila kasi ang mahihilig sumabay sa trend hanggang sa nakasanayan ko na rin.

I went to the fitting room to try if it fits. I was satisfied with my looks when I saw myself in the mirror. Ripped jeans at stilettos na lang ang kulang.

Lumabas ako ng fitting room para maipakita sa kanila.

Nagliwanag naman ang mga mata nila nang makita ako. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa mga hitsura nila.

"What's with the face? Para kayong mga tanga." pang-aasar ko sa kanila.

Si Portia ang unang natauhan. "Looks great! Ang simple tingnan pero iba ang dating 'pag ikaw ang may suot."

"She's right!" pagsang-ayon ni Amy. "Not too revealing. Perfect for the place. Hindi mukhang may inaasahan kang mangyari after." Humagalpak siya ng tawa.

Binatukan naman siya ni Carla. "Too early for that, 'no! But you're both right. You'll really look beautiful on that!"

I crossed my arms and rolled my eyes. "Duh! Matagal ko na 'yang alam. Don't state the obvious."

Natawa naman silang tatlo sa sinabi ko.

"Oo na! Pero bago 'yan, tutal maaga pa naman..." Portia smirked. "Bakit hindi muna tayo maglaro ng truth-or-dare?"

Napangisi na lang kaming apat.

Binayaran ko na ang mga kinuha kong damit. Nang makalabas kami sa Department Store ay sabay-sabay kaming tumingin sa isa't isa.

"Game!"

This will be fun!

"Doon tayo sa gitna ng mall para mas maganda." pagsuggest ko sa kanila.

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko. Pinili ko ang part na ito ng mall dahil dito madaming tao at malapit ito sa main entrance. Mas madali kaming makakakita ng mabibiktima.

Since masyadong hassle 'pag truth, naisipan naming dare na lang ang gawin.

"So, sino ang gustong gumawa ng dare?" tanong ni Carla kina Amy at Portia.

Since may pending pang dare para sa 'kin, hindi na nila ako isinali. Magrereklamo rin naman ako kapag isinali pa nila ako. Aba, magsisimula pa nga lang ako sa dare nila para sa 'kin, dadagdagan pa nila? No way!

"Ako na lang!" magsilang sabi ni Amy habang nakataas pa ang kanang kamay niya.

Kung ako ang pinakaunang hindi tumatanggi sa lahat, sumunod itong si Amy. Game na game siya sa lahat ng dare. Never niyang pinili ang truth. Masyado raw boring kung sasagot lang ng tanong. 

Ngumiti nang mapanloko si Portia. "Alright! Then..." Inilibot niya ang tingin sa paligid. She pointed her finger to a certain direction. "See that girl? Sabunutan mo siya tapos sabihin mong mang-aagaw siya ng boyfriend! Hindi niyo lang napansin kanina pero nabangga niya ako habang naglalakad pero ako pa itong tiningnan niya nang masama! Ang arte! At kanina niya pa ako sinisiringan!"

Napatingin kami sa babaeng tinutukoy ni Portia. Napataas ang kilay ko nang makitang masama nga siyang nakatingin sa 'min habang nakakapit na parang tuko sa braso ng boyfriend niya. Sa hitsura pa lang, mukha na nga siyang maarte. Pero teka, ano'ng problema niya? Bakit ang sama ng tingin niya sa 'min? Samantalang 'yung boyfriend niya ay chill lang sa tabi niya habang nakapila. Mukhang bibili sila ng milk tea.

"Ano pa ang gagawin?" tanong ni Amy.

Nagkibit-balikat si Portia. "The rest is up to you."

Hindi nagdalawang-sip si Amy na maglakad patungo sa magkasintahan. Medyo lumapit din kami sa kanila para madinig namin ang sasabihin nila. Hind pa nag-uumpisa pero natatawa na kaagad ako. Siguradong may gagawin itong si Amy na sobrang magpapasakit ng tiyan ko kakatawa.

Napa-whoa na lang kaming tatlo nang biglang hinablot ni Amy ang buhok ng babae gaya nang iniutos sa kanya ni Portia.

We watched as the woman's face turned into an ugly state. She looked like she had eaten shit. "Ouch! Hey! Sino ka ba?! Let go of me!"

Nagpupumiglas siya pero hindi pa rin binibitawan ni Amy ang buhok niya. Bakas naman sa boyfriend niya ang pagkagulat. Ang mga taong nakapila sa likuran nila ay tumabi sa gilid at pinaggitnaan sila.

"Walanghiya ka! Inagaw mo sa 'kin ang boyfriend ko! Malandi ka! Hindi ka na nahiya sa sarili mo!" sunod-sunod na pagsigaw ni Amy.

Sa sobrang galing ng pag-acting niya na kung sakaling hindi ko siya kilala, maniniwala talaga ako na totoo ang nangyayari. Pati facial expressions niya ay nag-iba. Mukha siyang galit at nasasaktan.

Hinawakan ng babae ang braso ni Amy at pilit inilalayo ito sa kanya pero hindi pa rin binibitawan ni Amy ang buhok niya.

"What?! Ano ba'ng sinasabi mo?! Hindi nga kita kilala, e!"

Amy laughed mockingly. "Ah, so ngayon itinatanggi mo na ang ginawa mo?! Inagaw mo ang taong mahal ko!" Nangilid ang luha sa mga mata niya.

Hindi na namin mapigilang tumawa. She's about to cry! Amy is really a good actress! Bukod sa pagiging Law student, pwede rin siyang mag-artista!

Binitawan na ni Amy ang buhok ng babae. Mukha na tuloy itong pugad ng ibon sa sobrang gulo.

Masamang tumingin sa kanya ang babae pero hindi gumawa ng kahit ano para lumaban. Siguro alam niyang hindi siya aatrasan ni Amy.

"What are you talking about ba? Who are you ba kasi?"

Wow? Conyo much?

"Paulit-ulit na lang ba tayo dito, impakta ka? Ilang beses ko bang ipapamukha sa 'yo na mang-aagaw ka!"

Tumingin ang babae sa boyfriend niya. "Hon?! Is that true?!" she asked in a high-pitched voice. "Girlfriend mo 'tong psycho na 'to?!"

The guy's face paled. "N-no! I didn't know her!" Tumingin siya kay Amy. "Hindi ko alam kung ano'ng trip mo, Miss, pero hindi kita kilala!"

"You heard it right, Miss? Hindi ka niya kilala!" taas-noong sabi iya kay Amy. Muli siyang pumulupot sa braso ng boyfriend niya.

Mangiyak-ngiyak namang tumingin si Amy sa lalake. "Matapos nang nangyari sa atin noong gabing 'yon, basta-basta mo na lang akong itatapon para sa ibang babae?! Ha?!"

Maging kami ay nagulat sa sinabi ni Amy. Damn, girl! Pang-best actress talaga!

"A-ano ba'ng sinasabi mo?! Hindi nga kita kilala, e!" sigaw ng lalake. Mukhang natataranta na rin siya. Pabalik-balik ang tingin niya kay Amy at sa girlfriend niya.

"I can't believe this!" sigaw ni Amy at isinuklay niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. She looked so stressed. Alam kong acting lang 'to pero ang galing niya talaga! "Saan ba ako nagkulang?! Minahal kita nang sobra! Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa 'yo! Pero bakit naghanap ka pa rin ng pagmamahal sa iba?! Pati sarili ko'y naibigay ko na sa 'yo ng buong-buo!" Bumuhos ang luha mula sa mga mata niya.

Napasinghap ang mga taong nanonood. Nagsimula silang magbulong-bulongan. Lahat sila'y masama ang tingin sa magkasintahan.

"Wait?! May nangyari sa inyo ni Hanzel?!" tanong ng babae kay Amy. Mukhang naiiyak na rin siya dahil sa naririnig niya at mukhang unti-unti na rin siyang naniniwala sa sinasabi ni Amy.

Biglang tumigil sa pag-iyak si Amy. "Huh?" nagtatakang tanong niya. Kaagad niyang pinahid ang kanyang luha. "Hanzel?"

Isinukaly ng babae ang kanyang kamay sa kanyang buhok. "Oo! He's Hanzel!" Itinuro niya ang boyfriend niyang mukhang nabato na sa kinatatyuan nito.

Itinagilid ni Amy nang bahagya ang kanyang ulo habang nagtatakang nakatingin sa magkasintahan. "Eh? Gano'n? Hanzel pala ang pangalan niya? Akala ko siya si Pedro na jowa ko."

Lumakad bigla palayo si Amy na para bang walang nangyari. Naiwan ang magkasintahan na nakakangaga at hindi makapaniwala sa nangyari.

Hindi na talaga namin kayang pigilan ang pagtawa kaya dinig na dinig ang tawanan naming tatlo. Maging ang mga taong nanonood ay napatawa na lang din.

Nang makarating si Amy sa pwesto namin ay kaagad kaming naglakad palayo. Baka kasi biglang matauhan 'yung magjowa at ireklamo pa kami kapag nalaman nila na trip lang namin ang nangyari.

Nakalabas na kami ng mall at nagtungo kami sa parking lot. Doon namin ibinuhos lahat ng tawang pinigilan namin kanina.

"Ang galing mo talaga, Amy!" sabi ni Portia at naghigh five pa sila.

Inakbayan naman siya ni Carla. "Grabe! Pwede ka na namin bigyan ng award!"

"Ang epic nang ginawa mo!" sabi ko habang hindi pa rin mapigilan ang pagtawa. "Ah, their faces! Priceless!"

After having a good laugh, we decided to go home.

Damn, my friends are crazy and I love them.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com