Chapter 4
Chapter 4
Chaotic
Tap... Tap... Tap...
I kept tapping my pen on the table while looking at the wall clock. Ilang minuto na lang ay mag-aawasan na. I'm really looking forward to seeing L.Joe and his friends later at the bar. Hindi ako makapaghintay na ipamukha sa kanila na mali sila nang pinuntirya.
"Class dismissed. Don't forget to bring your designs tomorrow. Goodbye."
Inunahan ko na ang mga kaklase ko sa paglabas sa classroom. I went to the comfort room for retouch.
Hindi na ako nagpaalam sa tatlong bruha dahil alam naman nila kung saan ako pupunta. I also brought my car with me so they don't have to pick me up later.
Madalas kasing sa kotse kami ni Portia sumasakay. I seldom brings my car because I'm too lazy. Nandyan naman silang tatlo kaya sumasabay na lang ako.
I was informed that the bar they chose was the famous bar around this area. Hindi ito kalayuan sa school kaya naman wala pang ilang minuto ay nakarating na ako doon.
Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay nadidinig ko na mula dito sa labas ang malakas na music. The exterior of the bar looks nice with glowing lights and well-drawn graffiti on the walls. It's perfect for young customers. I guess their target customers are really the young ones although there are some oldies that go here too.
Pumasok na ako kaagad sa loob. Inilibot ko ang tingin ko para hanapin sila pero hindi ko sila makita. Ganito pa lang kaaga ay madami na kaagad tao.
Dumeretso na lang ako sa bar counter at umupo sa stool. If I can't find them, I'll just let them find me.
"Any drinks, Ma'am?" tanong ng bartender.
My eyebrow slightly shot up. He looks nice.
"Bacardi Lemonade, if you have one."
He smiled and winked. "We have all the drinks here, Ma'am, that will certainly fit your taste."
I smiled. He looked so handsome. Just my type. I noticed a ring on his ring finger tho. Sayang.
With a charming smile, he gave me my order.
I took a sip and smiled at the taste. When was the last time I went to a bar? I don't remember. Sa palagay ko'y nasa US pa ako noong huli akong nag-bar.
Nang mapunta kami dito sa Pilipinas, naging limitado ang paglabas naming apat. Our parents monitor us so we can't party hard like we used to before.
"They're waiting for you."
Someone sat at the stool next to me.
I instantly smirked when I saw L.Joe sitting beside me. "Alright." sagot ko pero hindi pa rin ako tumatayo sa kinauupuan ko.
"Pumunta ka na doon." sabi niya habang hindi pa rin tumitingin sa 'kin.
Hindi man lang ba siya nagagandahan sa 'kin? Ni hindi man lang siya natutulala o ano. Damn, my charm never failed me like this before.
"I don't want to." I said stubbornly.
"Why? They invited you."
"Sa ayoko, e."
Humarap ako sa kanya. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang maigi at ganito kalapit. Gwapo nga talaga siya. Matangos ang kanyang ilong, singkit ang mga mata at bumagay talaga sa kanya ang blonde niyang buhok pati na rin ang diamond piercing sa kanan niyang tainga. He looked like the typical badboy that you read in novels.
"Baka sa sobrang pagtitig mo, e, sumabog ang utak mo sa kaiisip kung gaano ako kagwapo." He laughed.
I blinked multiple times when I heard what he have said. Doon lang ako nabalik sa realidad.
"Excuse me?!"
Nginisian niya lang ako at hindi na muling nagsalita.
Seriously? Maalam naman pala siyang magsalita ng ganoong kahaba, e, at may itinatago rin pala siyang kayabangan. He's handsome and he knows it!
"By the way, do you and your friends always play truth-or-dare?" I sipped on my drink and looked at him.
Mukha kasing siya 'yung tipong hindi gagawa ng ganoong kalokohan. He looked serious most of the time. He's like the type that wants to be alone sometimes. Well, it was all based on my observation.
Biglang sumama ang timpla ng mukha niya. "No. Napilitan lang ako dahil sa mga ulol na 'yun."
Hindi ko mapigilang matawa nang bahagya dahil sa hitsura niya. Galit na galit?
"So, what's the feeling?" biglang tanong niya. Humalumbaba siya sa counter while looking at me sideways.
"Nang ano?" kunot-noong tanong ko.
He reached out and touched my lips. "My kiss."
Kaagad kong inilayo ang sarili ko sa kanya na halos muntikan na akong mahulog sa stool pero bago pa mangyari 'yon ay ipinulupot na niya ang kanyang braso sa aking baywang.
"Your lips are soft. Wanna try it again?" sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang ngisi sa kanyang mga labi.
Pakiramdan ko'y nag-init ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi. I never got flustered like this before!
Ellaine, nasa'n na ang galing mo sa pag-deal sa mga ganitong klaseng lalake?!
Bago pa ako makapagsalita ay nadinig ko ang malakas niyang pagtawa. Inalis na niya ang braso niyang nakahawak sa aking baywang.
"Don't worry, I'm just joking. You're not really my type." Lumipat ang tingin niya sa aking dibdib. "Masyadong maliit." Ibinaling naman niya ang tingin niya sa aking baywang. "Masyado namang malaki."
Literal na nanlaki ang aking mga mata at napanganga nang madinig ang sinabi niya.
"Walanghiya ka na nga, bastos ka pa!"
Madaming nakapagsabi na sexy ako! At saka tama lang daw ang size ng dibdib ko sa katawan ko! I have a body like an hourglass! Wala bang pipigil sa 'kin? Good. Sasapakin ko talaga 'tong lalakeng 'to!
He laughed and stood up. "Pumunta ka na sa table namin. My friends are already looking for you."
Padabog akong sumunod sa kanya.
Sa isang table ay nandoon sina Ram, Tristan at Lennon.
"Ellaine! We're waiting for you!" masiglang salubong ni Tristan. "Come, join us!"
I smiled at him.
Umupo na ako sa tabi niya since doon lang naman bakante. Katapat ko si L.Joe at nakangiti pa rin siya nang nakakaloko. Tiningnan ko siya nang masama pero hindi pa rin siya nagpapatinag.
"Buti naman nakarating ka." sabi ni Ram.
I didn't remove the smile on my face. "Nakakahiya naman kung tatanggihan ko kayo."
"Is it ok? Wala bang magagalit? Like boyfriend or something?" tanong ni Lennon.
I chuckled and waved my hand. "Wala. I've been single for almost five years now. Besides, wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend."
Ngumuso siya. "Sayang naman. Single pa man rin 'tong si L.Joe. Bagay pa naman kayo."
"Yuck. No way."
Nagkatinginan na lang kami ni L.Joe nang sabay kaming magsalita. Nagpukol kami ng masamang tingin sa isa't-isa.
"What are you talking about? Hindi ko naman type 'yan kasi maliit ang--aray!"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Sinipa ko ang paa niya mula sa ilalim ng lamesa. Tama ba namang pati 'yun ay sabihin niya sa mga kaibigan niya? Gusto niya talaga akong ipahiya!
"Ano'ng nangyari sa 'yo, bro?" tanong ni Ram.
Muli akong tiningnan nang masama ni L.Joe pero nginisian ko lang siya. "Hindi ko alam na may kabayo pala sa ilalim ng lamesa."
It took them a minute to realize what was happening. Nagtawanan silang tatlo at mukhang tuwang-tuwa pa sa nangyayari sa aming dalawa ni L.Joe.
"Hindi ko rin alam na may manga pala dito. Akala ko ba bar 'to? Hindi ako nainform na tindahan din pala 'to ng mga prutas."
Tiningnan ko nang makahulugan ang buhok niyang blonde.
He crossed his arms. "Ang pagkakaalam ko naman kasi makinis at masarap 'yung manga."
Natawa ako. "Ang alam ko bulok na 'yung manga kaya ang sarap nang itapon."
His lips twitched. Mukhang naasar na siya. Akala mo, ha!
"Mas ok na ang maging mangga kaysa naman kabayong naninipa--ouch!"
Tinadyakan ko ulit siya at mas malakas pa kaysa kanina. Nakakanis na, e!
Bago pa siya makaganti ay may dumating pa na isang lalake. Napakunot ang noo ko. He looked familiar. Siguro nakita ko na siya noon sa school?
"I'm sorry, mga pre, late ako." aniya habang humihingal pa.
Umiling naman si Tristan habang natatawa. "Ano ba'ng bago? Lagi ka namang late, Hanzel!"
Hanzel?
Familiar din ang name niya.
Biglang nagtama ang aming mga mata.
Nanlaki ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang kamay nang itinuro niya ako. "Ikaw!"
Napahawak ako sa dibdib ko. "Huh? Ako?"
Mukha siyang galit at anytime susugudin ako. His veins almost popped out from his temple.
"Yes! Ikaw!" sigaw niya. "Ikaw 'yung kasama nung babaeng parang baliw sa mall! She said she was my girlfriend kahit hindi ko naman siya kilala! After making a commotion, bigla na lang siyang umalis na parang wala siyang kagaguhan na ginawa!"
Is he referring to Amy?
Napakamot ako sa aking ulo.
I remember now. He was the bitch's boyfriend.
"I'm sorry, it was just a dare." I smiled nervously.
Inihampas niya ang kanyang kamay sa lamesa.
"Bullshit! Dare?! Dahil sa dare na 'yan, hiniwalayan ako ng girlfriend ko!"
Oh, crap. Nalintikan na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com