Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

You Jerk!

"Nang dahil sa 'yo at sa mga kaibigan mo, naghiwalay kami ni Sherylle!" Pabagsak na inilagay ni Hansel ang bote ng alak sa lamesa.

Hanggang ngayon ay nagmamaktol pa rin siya simula nang dumating siya. Ako naman itong nakikinig lang. Hinahayaan ko lang siya dahil kailangan niya ring ilabas lahat ng galit niya. At isa pa, ayokong makipag-away sa lasing.

He hiccupped. "Alam mo ba? Mahal na mahal ko 'yon! Kasalanan niyo 'tong lahat! Go to hell! Wala ka man lang bang sasabihin dyan?!" sigaw niya sa 'kin.

Tiningnan ko siya nang masama. "Tatahimik ka o ipupukpok ko 'tong bote sa ulo mo?"

Hinawakan ko 'yung bote at akmang ihahampas sa kanya. Tumahimik siya kaagad at dumukmo sa lamesa.

Lasing na silang lahat. Siguro kung contest ito, ako na ang nanalo. Kalalakeng tao ang hihina uminom ng alak. Pwe! Weak!

Buti pa ako... softdrinks lang ang ininom. Lol.

'Yung isang chaser na Bacardi Lemonade na ininom ko kanina ay walang epekto sa 'kin. At saka, hindi ako bobo para magpakalasing kasama ng mga lalakeng kakikilala ko lang. Malakas man ang tolerance ko sa alak, hinding-hindi ako iinom ng madaming alak kasama ng mga taong hindi ko pa pinagkakatiwalaan. Naglalasing lang ako kapag kasama ko 'yung tatlong bruha.

Inilibot ko ang tingin ko sa lamesa. Wala nang natirang alak at lahat sila'y nakadukmo na sa lamesa.

Kailangan ko nang umalis. Wala na naman akong mapapala dito, e. Tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

Paalis na sana ako nang madinig kong bumubulong si L.Joe. Napatingin ako sa kanya. Nakatunghay na siya at mukhang lasing na lasing dahil ang pula ng mukha niya. Iiwan ko ba 'to dito? Teka, bakit ko ba siya aalalahanin? Bahala siya dyan.

Lumakad na ako paalis pero hindi pa ako nakakalayo naramdaman ko nang may umakbay sa 'kin.

"Hoy! Lumayo ka nga sa 'kin!" sigaw ko kay L.Joe.

He hiccupped. "Take me home." seryosong sabi niya sa 'kin.

Wow, he suddenly looked hot.

Wait, wait, wait. Ano ba naman 'tong iniisip ko?!

"A-anong pinagsasasabi mo dyan?! Saan ka ba nakatira?!"

He laughed. Talagang feel na feel pa niya ang pag-akbay sa 'kin na akala mo ang gaan niya. Ang laki niyang tao, oy!

"I don't know where I live." then he laughed again.

Napabuntong-hininga na lang ako. Saan ko siya dadalhin nito ngayon? Should I bring him to my pad? Wala pang ibang nakakapasok sa pad ko bukod sa mga kaibigan ko at parents ko. Strikto talaga ako pagdating sa personal kong buhay at mga bagay na may kinalaman sa 'kin. Pero hindi ko naman siya pwedeng hayaan dito.

Nang maramdaman kong pabigat na siya nang pabigat, nagdesisyon na akong sa pad ko na lang siya dalhin. Nagpatulong ako sa bouncer para isakay siya sa kotse.

Ito ang unang beses na gagawin ko 'to! Pasalamat siya!

I never brought a guy in my place. Kahit noong nasa US pa ako. Kung sa bar lang, bar lang. Kung sa place niya, e, 'di do'n kami. Pero hinding-hindi ako nagdadala ng lalake sa place ko. Ngayon lang! Pero dahil lasing naman 'tong si L.Joe, pagbibigyan ko na.

Mukha naman siyang harmless. Kung may gawin man siyang masama sa 'kin, nakahanda ang taser sa bag ko.

The real struggle came when I had to walk him inside. We had to ride the elevator to reach my floor. The thing is, hindi siya makicooperate!

"Ano ba?! Lalakad ka ba o kakaladkadin kita papasok?!"

Tiningnan ko siya na nakaupo na ngayon sa sahig.

He just grunted and pouted.

"Ok, kakaladkadin na lang kitang damuho ka!"

Hinila ko siya sa braso pero kahit anong paghila ko, hindi ko siya maialis sa kinauupuan niya.

"L.Joe!"

He grunted again but this time, he stood up. Inalalayan ko siya at dinala na sa loob. Iniupo ko muna siya sa couch.

Nakapikit na siya at mukhang natutulog. Lasing na lasing talaga ang tukmol.

Nagtungo ako sa banyo para kumuha ng maliit na basin na may maligamgam na tubig at face towel. Ayokong patulugin siya ng madumi baka madumihan ang bed sheet ko. Ayoko pa naman sa lahat, e, 'yung tutungtong sa kama ko nang hindi man lang naglilinis ng katawan. Maarte talaga ako pagdating sa sarili kong gamit.

Pinunasan ko ang mukha, braso, at paa niya. Hindi ko na pinunasan ang katawan niya dahil nakadamit naman siya at hindi naman ito madumi.

Inalalayan ko siyang muli papunta sa kwarto ko. Wala namang ibang kwarto dito. Hindi naman kasi kalakihan itong pad ko. Pinili ko talaga, e, 'yung saktong lang para sa 'kin.

Nakalatag pa sa sahig ang isang mattress na ginamit nung tatlo kagabi. Doon ko siya inihiga. Madami na akong nagawa at lahat, tulog na tulog pa rin siya.

In fairness, ang gwapo talaga ng lalakeng ito. Thinking back, napaka-lame ng "mangga" bilang pang-asar sa kanya. Wala kasi akong maipintas pa sa kanya lalo sa itsura niya dahil hindi naman ito kapintas-pintas.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.

It took me five minutes to realize that I've been staring at him for a while now. Bakit ko ba siya tinititigan? Is this some kind of magnetic pull? Char!

Nagulat na lang ako nang bigla siyang bumangon pero nakapikit pa rin siya. Natawa na lang ako sa itsura niya. Ano namang trip ng lalakeng 'to? Akala ko ba tulog na 'to?

"Hoy! Ano'ng problema?" tanong ko.

Dahan-dahang mumulat ang mga mata niya. Lumingon siya sa 'kin at ngumiti.

Nahugot ko ang aking hininga sa ngiting iyon. Is this how he captivates the girls around him? That damn smile can make every girl fall head over heels for him!

He's so good-looking! Ugh!

Hindi ako makagalaw. Mas lalo akong napako sa kinauupuan ko nang unti-unti siyang lumapit sa 'kin.

Naghahalo ang amoy ng alak at pabango niya pero hindi nakakasulasok ang amoy nito. Ang bango ng kombinasyon na para bang naaadik ka at gusto mo na lang ibaon ang mukha mo sa leeg niya--wait, wait, wait, stop! Ano na naman ba 'tong mga naiisip ko?!

Patuloy pa rin ang paglapit niya sa 'kin hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Hindi ako makahinga. Nagsisikip ang aking dibdib. Ang lakas ng tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang epekto niya sa 'kin.

Muli siyang ngumiti.

Hinawakan niya ang aking pisngi. His touch was so gentle like he was afraid that he'll break me or something.

"Beautiful." His voice is so low and sexy it sent shivers down my spine.

Pakiramdam ko'y sasabog ang mukha ko sa sobrang init. Madaming nagsasabi sa 'king maganda ako pero bakit nung sinabi niya, ang sarap sa pakiramdam? Pakiramdam ko'y nadagdagan ng ilang metro ang confidence ko.

He closed the gap between us. He kissed the tip of my nose and leaned in more like he was about to kiss me on the lips. My eyes shuts close and waited but an unexpected thing happened.

I heard him gagged and the next thing I knew, my face down to my chest was covered with his puke.

"OH MY GOD!" sigaw ko nang imulat ko ang aking mga mata.

Kaagad akong napatayo. Feeling ko mahihimatay ako sa baho ng suka niya at anytime, pati ako ay masusuka na rin.

Mas gusto ko pa ang mahalikan niya kaysa naman masukahan! At least, ang halik masarap! Oo! Magiging choosy pa ba ako?!

Tumakbo ako papuntang CR at 'agad akong naligo.

Naabutan ko siyang nakahiga na at tulog na tulog. I didn't bother cleaning his puke all over him and the mattress. Bahala siya riyan! Sa labas ako matutulog!

Padabog kong isinara ang pinto. Gising na gising ang diwa ko dahil sa nangyari. Kailangan ko nang pangpaantok.

Nagtungo ako sa kusina at kinuha ang isang bote ng wine sa cabinet.

***

I

woke up with a comfortable warmth around me. It's like someone's hugging me and giving me their body warm.

Huh?

Wait, paanong may yayakap sa 'kin, e, sa couch ako natulog kagabi? Without opening my eyes, I contemplated. Isa lang ang pwedeng gumawa no'n dahil siya lang naman ang kasama ko dito kagabi.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay kaagad na bumungad sa 'kin ang kanyang mukha.

"Shit!"

Mukhang nagulat siya sa sigaw ko. Dali-dali siyang bumangon na para bang nakarinig siya ng sumisigaw na may sunog. Nakakatawa sana 'yung reaksyon niya kaso nangingibabaw ang inis ko ngayon.

"Bakit nandito ako sa kama? Nando'n lang ako kagabi sa couch, a?"

Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. The smell of puke no longer lingered my room. Nang tumingin naman ako sa mattress sa sahig ay wala na doon 'yung latag na may suka niya.

Tiningnan ko siya. Wala siyang suot na pang-itaas at pantalon lang sa ibaba. Nakangisi siya nang mapanloko na para bang may alam siya na hindi ko alam.

Napasandal na lang ako sa headboard nang lumapit siya sa 'kin.

"L-lumayo ka nga sa 'kin!" Tinulak ko siya hanggang sa isang braso ang pagitan naming dalawa. Hindi ko inalis ang aking mga kamay sa kanyang dibdib para hindi siya makalapit.

"Gusto mo bang malaman kung ano'ng nangyari kagabi?"

"What? Natulog lang ako kagabi!"

But wait, I don't even remember what time I slept.

Shit! Did I get drunk last night? I couldn't remember a single thing! I couldn't even remember how I'd got drunk to the point of not remembering everything!

He laughed. "You better find out."

Tiningnan ko siya nang masama. "E, ulol ka pala! Paano ko malalaman kung 'di mo sasabihin?!"

Muli siyang ngumisi. "If I ask you to kiss me, will you kiss me? And if you do, I'll tell you everything that happened."

I think I'm blushing so hard right now. I can even feel how hot my face is.

"Of course not!"

"E, 'di tapos ang usapan. Hindi mo malalaman ang nangyari."

Tumayo na siya at isinuot ang t-shirt niyang nakasampay sa upuan.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang palabas na siya ng pinto. "Sabihin mo na kasi sa 'kin!" Kulang na lang magpapadyak ako sa kama dahil sa inis.

"I told you. You have to kiss me first."

"Bahala ka sa buhay mo! Bwiset ka!"

Tinawanan niya lang ako at tuluyan nang umalis. Ni hindi man lang siya nagpasalamat. Sana iniwan ko na lang siya sa tabi ng kalsada kagabi! At kung ayaw niya, e, 'di 'wag niyang sabihin!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com