Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6

Endless Teasing

I want to smash my head on the wall. Maybe with that, I'll remember what really happened last night. Why did I let my guard down? Kasasabi ko lang na hindi ako maglalasing kasama ng taong hindi ko pa naman pinagkakatiwalaan. Pero ano'ng nangyari? I got so drunk to the point I couldn't remember anything!

Gano'n pa naman ako kapag nalalasing. Isa na 'yon sa pinakarason kung bakit hindi ako nagpapakalasing kasama ng ibang tao. Tanging sina Portia lang ang nakakaalam kung ano'ng nangyayari kapag nalalasing ako.

Pabagsak akong humiga sa kama.

Alright, I need to calm down.

I'll start after I went out my room. I couldn't sleep so I decided to grab the wine stored in the cabinet. After that--uggh! My mind is blank! Hindi ko maaalala ang mga nangyari kagabi kapag wala man lang nagbigay sa 'kin ng clue!

Ang nakakainis lang, si L.Joe ang makakapagbigay sa 'kin no'n pero ayaw naman niyang sabihin unless halikan ko siya!

"L.Joe?!"

Nakarinig ako nang pagsigaw mula sa living room. Kaagad akong lumabas. Naabutan ko si L.Joe na nakatayo sa gitna ng living room. Ang tatlong bruha naman ay kapapasok lang mula sa front door. Nalaglag pa ang dala-dala nilang plastic dahil sa gulat.

Tiningnan ko nang masama si L.Joe na ngayo'y nakangisi na.

Akala ko ba umuwi na ang tukmol na 'to? Naabutan pa tuloy siya ng mga kaibigan ko! Siguradong hindi nila ako titigilan mamaya hanggang sa malaman nila ang tunay na nangyari.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" mataray na tanong ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "I was about to."

Napairap ako sa kawalan. "May dapat ka pang sabihin sa 'kin!"

Hindi niya ako pinansin at naglakad na siya patungo sa pinto.

"Uwi na 'ko." matipid na sabi niya.

'Yun lang ang sinabi niya hanggang sa makarating na siya sa front door.

"Bakit parang antok na antok 'yun?" makahulugang tanong ni Portia sa 'kin.

Bigla namang humarap si L.Joe. Bakit ba hindi na lang siya umuwi?!

"Hindi kasi ako pinatulog ni Ellaine kagabi." He said while smiling from ear to ear. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa 'kin. "And, oh, Ellaine, thank you nga pala kagabi. I had so much fun with you." He winked at me before turning around and leaving for real.

Naiwan naman akong nakanganga.

Ano'ng pinagsasasabi niya? Wala namang nangyari sa amin kagabi! At saka kung meron man, malalaman ko kaagad 'yon! Wala namang masakit sa 'kin! 'Di ba masakit 'yon?! Arggh! Mababaliw na ako sa lalakeng 'yon!

Sa pagkakataong 'to, gusto ko siyang kalbuhin!

"Ellaine, kailangan mong i-explain sa amin ang nangyari." sabi ni Carla habang nakangisi.

I held up both of my hands like I'm surrendering. "I swear I don't know what happened! I got drunk last night and I don't remember everything!"

"That's very unlikely of you." ani Portia. "Ano naman ang naisip mo at nagpakalasing ka? You know you're with a man you don't know much yet." Parang pinapangaralan niya ako sa kanyang tono.

"She's right! You know what will happen if you drink too much, El." sabi naman ni Amy.

Napanguso ako. "Hindi ko alam. I just want a drink. Siguro I let my guard down kasi alam kong lasing na lasing naman si L.Joe at wala siyang magagawa sa 'kin since tulog na siya."

Umiling-iling si Carla. "But before that, kamusta naman 'yung usapan niyo sa bar?"

Umupo kami sa couch. Inihain naman nina Amy at Portia ang mga dala nilang pagkain. They ordered breakfast from a fast food chain. Mabuti na lang naisipan nilang gawin 'to. I'm starving.

"Well, it was full of endless teasing between me and L.Joe. Not flirting, ha? More like, bangayan." panimula ko.

"How about his friends? Ok naman ba?" tanong ni Portia.

"Speaking of his friends, naalala niyo 'yung lalake sa mall na may girlfriend na maarte?"

Sabay-sabay silang tumango.

"Small world! Kaibigan siya ni L.Joe!" I laughed. "At ikaw, Amy," Itinuro ko si Amy na puno pa ang bibig ng pagkain. "Nasa wanted list ka na niya. Galit na galit siya sa 'yo kasi nagbreak daw sila ng girlfriend niya dahil sa ginawa mo."

Umirap lang sa kawalan si Amy at hindi nakapagsalita dahil busy pa siya sa pagnguya.

"The rest of his friends are nice. They didn't do anything to take advances on me. Para bang gusto lang talaga nila akong makilala." Sumandal ako sa couch. "They got drunk. All of them. Aalis na sana ako kaso nagising si L.Joe. He said he wanted me to take him home but I don't even know where he lives so I just brought him here."

Ngumisi si Portia. "Pwede namang iwan na lang siya do'n, a? Eventually, someone will pick them up. Why bother bringing L.Joe here?"

Inirapan ko siya. "How would I do that if he was clinging to me like a monkey? At isa pa, hindi ko siya basta pwedeng iwanan na lang sa mga kaibigan niyang wasted na rin."

Nanatili lang na nakangisi si Portia na para bang nang-aasar pa.

"After that, what happened?" tanong naman ni Amy.

"I just let him sleep inside my room. Since I don't like the smell of puke and alcohol, I went here in the living room and decided I should sleep here." Hindi ko na isinama 'yung part na nasukahan ako ni L.Joe sa mukha dahil siguradong pagtatawanan nila ako. Hindi rin nila 'yon makakalimutan at araw-araw nila akong aasarin tungkol do'n. Gusto ko pang mamuhay nang mapayapa. "I couldn't sleep so I drank wine. Hindi ko lang talaga matandaan kung ano'ng nangyari pagkatapos no'n. I just woke up on my bed, beside L.Joe."

Nanlaki ang mga mata nilang tatlo.

"You already did it?!" sigaw ni Carla.

Binatukan ko siya. "Hindi!" Tiningnan ko naman nang masama sina Portia at Amy na kala mo'y nanalo sa lotto dahil sa reaksyon nila. "Walang nangyari sa 'ming dalawa pero pakiramdam ko may ginawa ako kagabi na ayaw sabihin sa 'kin ni L.Joe."

"Bakit naman?" tanong ni Amy.

"Sasabihin lang daw niya sa 'kin kapag hinalikan ko siya."

Biglang sumagi sa isip ko ang nangising si L.Joe.

Kapag naiisip ko si L.Joe na nakangisi, naiinis ako.

Matagal nila akong tinitigan hanggang sa unti-unting lumawak ang ngiti nila.

"Bakit hindi mo na lang hinalikan?" ani Carla.

"Nagpapatawa ka ba? E, 'di nagmukha naman akong desperada? At saka baka isipin niya na ginawa ko 'yon dahil gusto ko lang talaga siyang halikan. May pagkamayabang ang lalakeng iyon. Ayokong mas lumaki pa ang ulo niya."

Pero gustong-gusto ko na talagang malaman kung ano ba talagang nangyari. Ayaw ko lang talagang magpatalo sa tukmol na 'yon.

"Mukhang mas lalong nagiging exciting ang dare, a?" natatawang sabi ni Amy.

"Exciting? Nakakabwisit kamo!" pagrereklamo ko.

"Pero in fairness, iba talaga ang charisma mo, Ellaine. Pinagpapantasyahan lang ng mga kababaehan si L.Joe sa school pero ikaw tinatabihan lang." Humalakhak si Portia.

Sumimangot ako. I don't know but I really have a bad feelings
about this dare. Ayaw ko naman magback out. Kapag umatras ako, ibig sabihin talo ako. Like I've said, I hate losing.

Nagthumbs up si Carla. "You'll seduce him in no time, El."

Hindi na ako sumagot pa. Sinimulan ko na lang ang pagkain.

Kahit na ilang beses ko pang sabihin na hinding-hindi ko hahalikan si L.Joe para lang sabihin niya ang nangyari kagabi, gustong-gusto ko pa ring malaman. Ganito pa man din ako. Kapag may gusto akong alamin, hindi ako titigil hanggang sa malaman ko 'yon.

I give up! Mababaliw ako kakaisip kung ano 'yon!

I have to know and I don't care if I have to kiss him just get what I want!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com