Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

T.O.D. with the Boys

A great way to start the morning? Mabwisit sa pagmumukha ni L.Joe! Feel the sarcasm please! Paanong hindi ako mabibwisit sa mukhang mangga na 'yon? Tinanong ko siya ulit kung ano ba talaga ang nangyari noong isang gabi pero iyon pa rin ang isinagot niya sa 'kin. KISS ME FIRST. Uggh! Nakakainis!

'Yung feeling na nagtanong ako nang maayos pero gano'n ang isasagot niya? Sino ba naman ang hindi maaasar?

"El, why don't you just kiss him?" sabi ni Portia habang ineexamine ang bagong manicure niyang kuko. "It will help you in seducing him. Why don't you give it a try?"

"Oo nga naman." pagsang-ayon ni Carla. She unwrapped the burger she was holding. "Ganito lang kasi 'yan, kiss him, end of story. Kaysa naman mainis ka dahil hindi mo malaman-laman ang totoong nangyari."

"Halikan mo na kasi! Isipin mo na lang, mahahalikan mo nang walang kahirap-hirap si L.Joe, 'di ba? Samantalang madaming babae ang nagkakandarapa mahalikan lang ang labing iyon!" mahabang litanya ni Amy.

They have a point but my pride still wins.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nabulabog lang ang tahimik naminh lunch break nang biglang nagtilian ang ilang mga kababaehan. Lahat sila'y nakatingin sa entrance ng cafeteria.

Napairap ako sa kawalan nang makitang pumasok sina L.Joe at ang mga kaibigan niya. They're this popular? Wow, a.

Imbis na pagtuonan sila ng pansin ay ibinalik ko ang tingin ko sa aking pagkain. They're overreacting. Bakit ba sa tuwing nakakakita sila ng mga gwapo, e, halos mapunit na ang lalamunan nila kakasigaw? Tao lang din sila, 'no. Nagkataon lang na nabiyayan sila ng ganoong mukha.

"Gosh! Girls! I think they're coming this way."

Narinig namin ang maarteng boses mula sa kabilang table. Hindi namin maiwasang mapatingin. Ang nakakainis lang, inirapan nila kami! Woah, wait, why are we suddenly being hated?

"May naiinggit yata. Feeling sila ang lalapitan." sabi ng isa sa kanila.

Tumawa naman 'yung isang babae na nasa gitna. "Dinadaan kasi palagi sa truth-or-dare ang lahat para magpapansin."

"I know, right? Hindi yata pinalaki nang maayos ng mga magulang nila. Now look, lumaking uhaw sa atensyon."

Nagtawanan silang tatlo.

"At isa pa, siguro puro business na lang ang inaatupag ng mga magulang nila kaya wala ng oras sa kanila. Palibhasa puro pagpapayaman lang ang iniisip. Ang kinalabasan tuloy, mga pokpok na dinadaan ang lahat sa laro."

Napansin kong nagtitimpi lang ang tatlo pero ako, hindi ako magtitimpi. I'll do it in an elegant and sophisticated way. Hindi nila kilala kung sino ang binabangga nila. Nagawa pa nilang idamay ang mga magulang namin para insultohin kami? Ok lang sa 'kin na insultohin nila ako, pero para idamay pa ang mga magulang naming nagtatrabaho para mabigyan kami ng magandang buhay at edukasyon? Hindi ko mapapalampas iyon!

Tumayo ako at dinala ko ang smoothie ko. Tamang-tama, wala pa itong bawas.

Lumapit ako kay Amy na nakaupo malapit sa table ng mga hampaslupa.

"Takidin mo 'ko." I smirked.

She looked at me in disbelief. "Huh?"

"Just do what I've said and after that, you'll see."

Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong mangyari. Lumakad na ako at nakita kong iniharang ni Amy ang paa niya. Natakid ako at lumipad ang smoothie ko sa mukha nung nasa gitnang babae. Strike! I'm so brilliant!

"Oh my God! My face! So sticky! Help! Gosh!" Tumili siya nang tumili kaso walang nag-atubiling lumapit sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at sa mga kasama niya. I gave them the sweetest smile I can muster.

"I'm so sorry!" Humawak pa ako sa aking bibig. "May El Niño kasi 'yung mukha niya kaya binuhusan ko muna ng liquid para naman maalis 'yung mga cracks."

Pinigilan kong matawa sa sarili kong sinabi pero mukhang ang mga tao sa paligid namin ay hindi na napigilan pang tumawa.

I crossed my arms. "Hidalgo's family business were widely known in our country and we're starting to expand it overseas. My parents didn't raise me just to be bad mouthed by a low class people like the three of you." Panimula ko.

"Generoso Law Firm is widely known as the family of lawyers who brings justice for people who can't fight for their selves. Gusto kong isampal sa inyo na kahit palagi kaming naglalaro at nagsasaya, sineseryoso namin ang pag-aaral. Kayo ba? Puro make-up at paglandi ang inaatupag. Mapapakain ba kayo niyan?" Amy looked pissed. Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Siguro na-triggered din siya sa paginsulto sa mga magulang namin.

"We're a family of doctors." sabi naman ni Portia. "We own a hospital. If you think we're just messing around here in school, feel free to see our report cards."

Carla stood up. Her eyes looked scary. Ganito siya kapag nagagalit. "We're a family of chefs. Although I didn't choose the same path as them, I'm making a path on my own."

"Hindi na sana namin kayo papansin pero ininsulto niyo ang mga magulang namin. We're not bragging about our high class life. Gusto lang namin ipamukha sa inyo na ang sinasabi niyong 'uhaw sa atensyon' at 'pokpok na dinadaan lahat sa laro' ay may patutunguhan sa buhay. Hindi katulad niyo na mukhang ilang bagsak pa sa mga exams ay hindi na talaga makakagraduate."

I think I hit the right spot. Hindi na sila nakapagsalita pa.

Ayaw ko naman talaga ng gulo. Kung kami lang ang ininsulto nila, palalagpasin ko pa iyon. Malas nila dahil pati mga magulang namin idinamay nila. Sila tuloy ang mukhang kawawa ngayon.

Hindi na namin inantay pa ang reaksyon nila, lumabas na kami sa cafeteria.

Napatawa na lang kami nang makalayo kami. Hindi na namin pinag-usapan pa ang nangyari at dumeretso na lang kami sa sari-sarili naming classroom.

Fifteen minutes na ang lumipas pero wala pa rin ang professor namin. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa. May rule kasi dito sa campus na kapag wala pa ang professor within 15 minutes, wala ng klase.

Dumukmo na lang ako sa table ko. Dito rin naman ang sunod na period at tinatamad na kong lumabas. Pero wala pang ilang minuto ay napatunghay na kaagad ako.

Parang nadinig ko kasi na may tumawag sa pangalan ko.

Napatingala na lang ako nang mapansing may mga tao sa harapan ko.

"Hi!" masiglang bumati si Ram na pinaggigitnaan ng mga kaibigan niyang sina Tristan, Lennon, Hanzel at L.Joe.

"What do you want?" Humikab ako at nag-inat.

"Sama ka sa 'min!" sabi ni Lennon.

Humalumbaba ako sa table. "Saan naman?"

"Sa tambayan lang namin sa likod ng Engineering building."

"Isama mo na rin 'yung mga kaibigan mo. Lalong-lalo na 'yung babaeng baliw sa mall."

Hanggang ngayon issue pa rin kay Hanzel ang nangyari? Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi. Nagbreak sila ng girlfriend niya dahil do'n, e.

"Tinatamad ako." Dumukmo ulit ako sa lamesa.

"Maglalaro kami ng truth-or-dare ayaw mo?" dinig kong sabi ni Tristan...

Napatunghay tuloy ako sa nadinig ko. T.O.D. with them? I think I can't say no to that.

***

Nandito kami sa likod ng Engineering building. Natatakluban ng mataas na building ang sinag ng araw kaya naman malilim at mahangin sa parte na ito kapag tanghali. May mahabang lamesa at mahabang upuan sa magkabilang side nito na sakto lang para sa 'ming lahat.

Napakataas na kaagad ng tensyon sa pagitnan nina Hanzel at Amy na magkatapatan. Kulang na lang ay magpatayan sila dahil sa masamang tingin nila sa isa't-isa.

"Let's start!" anunsyo ni Tristan.

"Ganito na lang, guys, imbis na spin the bottle, bumunot na lang tayo sa mga sticks na 'to." Inilapag ni Ram ang mga sticks sa lamesa. "Kung sino ang makakabunot ng maikling stick, siya ang magsisimula ng T.O.D."

"Alright! Simulan na natin!" sigaw ni Portia. Halatang-halata sa kanya ang excitement. "Pero mas maganda kung may isang pinakamahabang stick which means kapag nabunot ito, siya ang magbibigay ng dare or magtatanong. Kapag maikli, siya ang taya. The rest, safe sa game."

Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi niya.

Nagsimula na kaming bumunot. Nang nakuha ko ang akin ay kaagad kong itinago ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Nang silipin ko ay kaagad akong napangisi. I'm safe!

"Sabay-sabay nating itaas." sabi ni Hanzel.

Itinaas na namin ang mga hawak naming stick.

Kaagad na hinanap ng aking mga mata kung kanino napunta ang pinakamikli.

"Yehey!" Napatingin kami kay Amy na tuwang-tuwa. "Alam niyo na, dare ako!"

Binigyan namin siya ng matinding poker face. Sa lahat ng kilala kong naglalaro ng T.O.D., siya pa ang masaya dahil siya ang gagawa ng dare.

"Yes!"

Napatingin naman kami kay Hanzel na hawak ang pinakamahabang stick.

Tumingin siya kay Amy at ngumisi. "It's payback time."

"Tell me what you want me to do, I'll easily do it." confident na sabi ni Amy. Knowing her, she'll definitely do it easily.

"Dahil dare pala ang gusto mo..." Inilibot niya ang tingin sa paligid. Napako ang kanyang paningin sa puno ng mangga na hindi kalayuan sa pwesto namin. "Umakyat ka sa puno ng mangga na iyon at pumitas ka para sa 'kin. Isa lang. Kawawa ka naman kung damihan ko pa. At saka, siguro naman kaya mo 'tong ipinapagawa ko sa 'yo kasi mukha ka namang unggoy." Humagalpak siya ng tawa.

Nakisabay si Amy sa pagtawa ni Hanzel kaya napatigil ito. Ngumisi si Amy. "Ang ganda ko naman masyado para maging unggoy. Mas mukha pang unggoy 'yung ex mo na iniwan ka dahil lang sa ginawa ko. How pitiful. Mahal ka ba talaga niya?" She looked at Hanzel sympathetically.

Hindi ko mapigilang matawa nang makita ang pagpipigil ni Hanzel ng galit.

Tumayo na si Amy at naglakad patungo sa puno.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ram.

"Ah-huh." sagot naman ni Carla.

"You have some crazy friends here, huh?" bulong ni L.Joe na siyang nakaupo sa tabi ko. "Now I really believe that birds with the same feather flock together."

"Will you shut up?" He just pouted. Napansin kong ngayon lang siya nagsalita simula kanina at nasabihan ko pa siyang manahimik. Naisip kong magtanong na lang. "Are you nervous?"

"About what?" kunot-noong tanong niya sa 'kin.

"About the game." I answered.

"If there's someone who has to be nervous here, it has to be you."

Bago pa ako makasagot sa kanyang sinabi ay nadinig namin ang sigaw ni Amy mula sa itaas ng puno. Napanganga sila maliban sa aming magkakaibigan. Sanay si Amy sa ganyan dahil may hacienda sila. She always go there during summer vacation.

"I got it!" sigaw niya habang hawak ang isang malaking mangga.

Tumalon na siya at nang makababa ay ngumiti nang malapad sa 'min.

Inilapag niya ang mangga sa harapan ni Hanzel. "Ano? Hanga ka na ba?"

Inirapan lang siya nito.

"Next na!" ani Portia. "Dahil nagawa ni Amy ang dare niya, siya naman ang magbibigay ng dare kay Hanzel."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Amy. "Hanzel, truth or dare?" she asked playfully...

"Dare." then he smirked.

Tumingin si Amy sa isang direksyon. "You see that guy standing alone beside that red car?" Tumango lang si Hanzel habang nakatingin sa direksyon na itinuturo ni Amy. "Give this mango to him and say, 'Bro, sa 'yo na 'tong mangga ko. Masarap 'yan at juicy, malaki pa kaya sa 'yo na' tapos kindatan mo siya."

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Amy.

"What?! No way in hell!" sigaw ni Hanzel. Pulang-pula ang kanyang mukha na parang kamatis.

"Paano ba 'yan? Panalo na ako, loser."

Mukha namang mas lalong nagalit si Hanzel "Okay, fine! I'll do it! Pero kapag nagawa ko, you'll be my slave for one whole year!"

"Go lang, alam ko naman kasing hindi mo kaya." Humalukipkip si Amy at ngumisi. Damn, she's oozing with confidence.

Tiningnan na lang namin si Hanzel na seryosong naglalakad papunta doon sa lalake. Gagawin nga kaya niya?! Kapag nagawa niya, Amy is doomed!

"Whoa, is he serious?" natatawang saad na lamang ni Tristan.

"Kaya niya kaya 'yun?" sabi naman ni Carla...

"I think he already did it."

Napatingin kami ng maayos dahil sa sinabi ni L.Joe at totoo nga! Mukhang nagawa na nga niya! Natulala kasi 'yung lalakeng kinausap niya habang hawak 'yung mangga at lumakad na si Hanzel palapit sa amin na may ngiting tagumpay.

"Paano ba 'yan? You're my slave now."

"What?! Oh my God! This can't be!"

"Yes it could be. Start na ulit tayo." sabi ni Hanzel na binalewala ang pagtatantrums ni Amy.

Nagbunutan na ulit kami at unfortunately, I picked the short one and super duper to the extreme unfortunately si Portia ang nakabunot ng longest stick! Oh my! Alam ko ang nasa isip ng babaeng ito. I gave her please-don't-make-me-do-what's-in-your-mind-look pero nawala na ang pag-asa kong susundin niya ako dahil nakita ko siyang nakangisi ng nakakaloko.

"El, here's your dare kasi naman alam kong dare ang pipiliin mo."

Napairap ako sa kawalan. "Okay, fine. Shoot."

Muli siyang ngumisi at hindi ko talaga nagusutuhan ang pagngisi-ngisi niyang 'yan.

"Kiss L.Joe."

Nanlaki ang aking mga mata pero kaagad naman akong kumalma nang hindi naman niya nabanggit kung saan so I can just kiss him anywhere. Pero mukhang nabasa niya yata ang isip ko dahil may idinagdag pa si Portia sa dare niya para sa 'kin na siyang nagpakaba sa 'kin nang todo.

"Dapat sa lips, Ellaine."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com