Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

Roller Coaster Feeling

Hindi inaalis ni L.Joe ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa aking kamay habang nakapila kami para sumakay sa Roller Coaster. Nakatingala ako at pinapanood ang pag-andar noon. Medyo maingay sa parteng 'to dahil sa pagsigaw ng mga nakasakay. Mukhang hindi ko na kailangan pang sumakay diyan para malaman kung ano ang feeling.

L.Joe's hand tightened around mine. He intertwined his fingers with mine. My stomach suddenly felt like it was doing somersaults. Pakiramdam ko'y parang bumabaliktad ang aking sikmura at parang may kung ano'ng kumikiliti dito.

It was like I was already riding the roller coaster.

My face heated up.

"Tayo na pala ang sunod."

Nabalik na lang ako sa realidad nang magsalita siya. Bumalik ang kaba sa aking dibdib. First time kong sasakay sa rides. Natatakot ako. Pakiramdam ko'y masusuka na ako kaagad.

Kahit nakasakat na kami ay hindi pa rin niya binibitawan ang aking kamay.

He peaked at me. "You scared?"

I smiled at him nervously. "A little."

He tightened his grip on my hand. He gave me a reassuring smile. "Don't be scared. I'm here."

Surprisingly, it calmed my nerves a little.

Mayamaya pa'y nadinig na namin ang tunog ng bell, hudyat na na umaandar na. Napapikit na lang ako nang umandar na ang roller coaster. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, wala na akong ibang madinig.

I can feel that we'll reach the loop soon so I shouted at the top of my lungs to let out how scared I am right now.

"El! Open your eyes!" dinig kong sigaw ni L.Joe.

I shouted again when we reached the loop.

"I'm scared as fuck!"

Biglang nagdahan-dahan ang roller coaster. It seems that we're already at the top and we'll dip down soon.

"If you open your eyes, you'll hear the words I want to tell you!"

Curiosity won over my fright. Iminulat ko ang aking mga mata.

"Wow!" I exclaimed when I saw the beautiful view. "I can see everything from up her!" Itinaas ko ang dalawa kong kamay.

Nawala na sa isip ko na bubulusok na kami pababa kaya nang nangyari na nga, nahugot ko ang akong hininga at napasigaw na lang.

"I like you, Ellaine!" he shouted at the top of his lungs.

Natigilan na lang ako sa aking nadinig. Nang matapos ang ride ay nagpahinga muna kami sa isang bench malapit doon.

"I like you, Ellaine."

Napatingin ako sa kanya. Sumikip ang aking dibdib nang makita ang seryoso niyang ekspresyon. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko'y hindi na ako halos makahinga. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa kanya. Chance ko na ito para sigurado na ang pagkakapanalo ko pero bakit pakiramdam ko ayaw ko na lang ituloy? Bakit pakiramdam ko gusto ko na lang totohanin? O baka nalilito lang ako dahil sa kabutihan na ipinapakita niya sa 'kin?

"L.Joe...I..." I trailed off. I looked down and played with my fingers.

He ruffled my hair that made me look at him. "Hindi naman 'yun tanong na para sagutin mo, e. Don't worry. I'll wait even if it take years before you say you like me too."

Can my heart beats faster anymore than this?

He cupped my face and started at me then he started laughing. "Your face is so red." Tatabigin ko na sana ang kanyang mga kamay pero bago ko pa magawa iyon ay hinalikan na niya ang tip ng aking ilong. "You know what? The first time I saw you, I noticed your nose first. I suddenly had the urge to kiss it. I know it's weird. Labi kasi ang kadalasang hinahalikan pero I really like to kiss your nose." He leaned in and kissed my nose again.

Pakiramdam ko'y nagliliyab na ang aking mukha dahil bigla akong may naalala. Noong bata pa ako, palagi kong sinasabi sa mga kalaro ko na:

"The boy who'll kiss the tip of my nose will be the only one for me forever."

There's no way I'd tell him that tho. It will be embarrassing!

Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakahawak sa 'king pisngi. Tinititigan niya ako na para bang gusto niyang saulohin ang bawat parte ng aking mukha.

He suddenly pulled away when we heard someone clearing their throat. Sabay kaming napalingon at nakita namin ang aming mga kaibigan na nanonood sa 'min. Lahat sila'y nakangisi ng nakakaloko.

"Mukhang sila na, a!" pang-aasar ni Portia.

"Kulang na lang maghalikan kayo, e!" sigaw naman ni Amy habang nakatakip ang mukha niya gamit ang kanyang mga kamay.

Binatukan siya ni Hanzel. "Ang arte mo! E, ano naman kung maghalikan sila?"

"E, bakit kailangan mong mambatok?!" bulyaw ni Amy.

"Gusto ko, e!"

Akmang susuntukin niya si Hanzel pero hindi umabot ang kamao niya dahil hinawakan nito ang ulo niya. Kahit ano'ng gawin niyang paglapit, 'di niya magawa. Halos umaabot ng 6 feet ang height ni Hanzel samantalang siya'y 5 lang. Kayang-kaya siyang tirisin nito sa sobrang liit niya.

"Hindi niyo man lang kami sinabihan na may something na pala sa inyo." Kinindatan ako ni Carla.

Itatanggi ko na sana na hindi naman kami ni L.Joe pero nagsalita kaagad si Lennon. "Oo nga, L.Joe. Nagagawa mo nang maglihim sa 'min!" Pasimple siyang umakbay kay Carla pero mabilis pa sa alas kwatro niyang inalis ang kamay niya nang sikohin siya nito sa tiyan. Namilipit na lang siya sa sakit habang hawak ang tiyan niya.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" iritadong tanong ni L.Joe.

"May nabitin yata dito." sabi naman ni Ram. Ibinaling niya ang kanyang tingin kay Portia. "Portia babes, naiinggit ako sa kanila. Gayahin natin?" He wiggled his eyebrows at her.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Portia at hindi na niya ito pinansin pa. Kawawang Ram. Akala niya yata tatalab ang charms niya kay Portia. Sa aming lahat, siya ang pinakamasungit.

Hindi ko alam pero bigla na lang kaming napatingin kay Tristan nang sabay-sabay.

Mukhang napansin naman niya na tinitingnan namin siya.

He glared at us. "Oo na! Alam ko! Ako na ang walang love life! Wala lahat!"

Tinapik-tapik ni Ram ang balikat niya. "Bro, may kayamanan ka pa naman diyan sa pagitan mo kaya 'wag kang mawalan ng pag-asa."

"Ano'ng silbi nito kung tigang na tigang na!" umakmang ibababa ni Tristan ang zipper ng pantalon niya pero binatukan siya kaagad ni L.Joe.

"Do that somewhere else, you pervert."

Nagsimula na kaming maglakad. Sumabay ako sa tatlo at ang mga lalake naman ay nasa likod namin.

"Kayo na ba, El?" bulong sa 'kin ni Portia.

Umiling ako. "He's courting me."

She laughed. "Wow. Hindi ko ineexpect na handa siyang manligaw."

"Hindi ko rin inaakala na aabot kami sa ganito. I'm just going with the flow."

"But isn't it good? He helped you overcome your issues about amusement parks." sabi naman ni Carla.

Hindi na ako sumagot pa at napangiti na lang.

"Excuse me, can I borrow Ellaine." Hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang hinila palapit sa kanya.

"Sure!" sabay-sabay na sabi ng tatlo habang nakangiti ng malapad.

Bago pa ako makareklamo ay nahigit na na niya ako palayo. Bawat araw palagi ko na lang naitatanong sa isip ko kung kaibigan ko ba talaga ang tatlong 'yon.

"Saan mo naman ako dadalhin?"

"We haven't tried the other rides yet."

Oh, right. Roller coaster pa lang ang nasasakyan namin.

Nagpahila na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa gitna ng tatlong rides.

"Choose." aniya.

I pouted while looking at the three rides. Lahat ng mga ito'y pinipilahan ng madaming tao. Nasa kaliwang side ang Vikings, nasa gitna naman ang ride na mukhang disc, at nasa right side naman ang sobrang taas na tore kung saan bubulusok ka pababa matapos kang dalhin sa itaas.

We'll ride them all anyway. It doesn't matter what I choose next.

"Vikings."

Napatingin ako sa kanya nang hindi siya sumagot.

"L.Joe?"

His eyes widened slightly before looking at me. He scratched his head and looked away. Napansin kong namumula ang tainga niya.

"What's wrong?"

He shook his head. "Vikings it is." he whispered.

Hinawakan niyang muli ang kamay ko. Kaagad kong naramdaman ang malamig niyang palad. Muli ko siyang tiningnan. He looked pale.

Wait, don't tell me...

I smirked. "Are you scared?"

Tumigil siya sa paglalakad. "Of what?"

"Vikings."

He rolled his eyes at me. "Hindi."

Hindi raw pero sobrang lamig ng kamay niya at bahagya pang nanginginig. Ayaw ko sana siyang tawanan pero hindi ko na talaga kaya. I burst out laughing.

"Don't be scared. I'm here." I smirked.

Mistulang mas lalo siyang namutla dahil sa sinabi ko. He didn't have the time to retaliate because it's already our turn. Although I wanted to tease him non stop, I kept holding his hand until we sat down. Talagang pinili ko 'yung pinakadulo para kapag nag-sway siya nang mataas, kami ang pinakamataas.

Nagstart gumalaw ang barko. It was slow at first so I felt him relaxed a little bit. Dumating na ang part na palakas na nang palakas ang pagsway nito at pahigpit din nang pahigpit ang kapit ni L.Joe sa kamay ko.

I was enjoying the ride but when I looked at L.Joe, he was just staring in the front with his face paled.

I took a deep breath and started to shout. "Thank you so much, L.Joe!"

Nagkatinginan kaming dalawa. I smiled widely at him and he smiled back. Sana nabawasan ng kaunti ang kaba niya.

The ride ended but we neve let go of our hands. We rode the remaining rides and played in the small booths. Sa huli, pareho kaming madaming bitbit na souvenirs at mga prices na napanalunan namin sa ilang mga booth.

Dumeretso na kami sa kotse. Nagtaka naman ako na sa backseat siya nagpunta pero sinundan ko na lang din siya.

Bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Let me sleep for a bit."

Hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lang siyang magpahinga.

"Ah, damn!"

Nagulat naman ako nang bigla siyang umayos ng upo. Akala ko ba tulog na 'to?

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Problema mo?"

He looked at me like I really did something wrong. "Ikaw."

I pointed at myself, shocked. "Ako?"

Tumango-tango siya habang nakatingin pa rin sa 'kin na parang may ginawa akong masama.

"Ano'ng ginawa ko?" nalilito kong tanong sa kanya. Wala naman akong ginagawang masama, a? Nakaupo lang ako!

"I can't fall asleep when I know you're here."

Matagal kaming nagtitigan. I opened and closed my mouth like a fish out of the water. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Nangingibabaw ang bilis ng tibok ng puso ko.

Then someone knocked on the window. Napatalon ako sa gulat kaya naman nauntog ako sa ceiling ng kotse.

"Are you ok?" tanong ni L.Joe habang hinahaplos ang aking ulo.

Sinamaan ko naman siya ng tingin nang makitang pinipigilan niya lang tumawa.

Muling kumatok ang kung sinoman ang nasa labas.

Lumabas si L.Joe sa kotse. Ako naman ay naiwan sa loob. Mula dito ay nakikita ko ang dalawang pigura sa labas, ang isa ay si L.Joe at ang isa ay pulis na may hawak na malaking flashlight.

"Ano'ng ginagawa niyo sa loob ng kotse ng babaeng 'yan?"

"Nothing." kalmadong sagot niya samantalang ako naman ay kinakabahan kahit hindi naman ako 'yung tinatanong.

Bahagyang itinapat ng pulis ang flashlight sa kotse. Tumingin siya sa 'kin. I suddenly saw recognition on his eyes. Bahagya ring nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang pamilyar na mukha.

"Ellaine?"

"Sir. Ocampo?"

Shoot! He's a friend of my parents!

"Inaabuso ka ba ng lalakeng 'to? May ginagawa ba siyang masama sa 'yo?" He glared at L.Joe.

Lumabas na rin ako ng kotse. "H-hindi po! K-kaibigan ko po siya."

Mukhang hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko. Pagdating sa 'kin, overprotective 'tong si Sir. Ocampo. Masyado kasi siyang loyal kay Daddy. Nangako siya na poprotektahan niya ako kapag kinakailangan. Hindi ko naman ineexpect na nandito siya ngayon sa Amusement Park.

"Sumama muna kayo sa 'kin sa police station. Tatawagan ko sina Mr. at Ms. Hidalgo."

Napafacepalm na lang ako. "Alright." I sighed. Kahit makipagtalo pa ako, hindi rin siya makikinig sa 'kin. He's been friends with my parents since high school so I knew him well.

"Sa akin ka sasabay, Ellaine." aniya.

Tumingin ako kay L.Joe na mukhang handa nang magreklamo. Hinawakan ko ang dibdib niya. "I'll be fine. Sumunod ka na lang sa police station."

May sasabihin pa sana siya pero nginitian ko na lang siya. He closed his mouth and nodded his head slowly.

Nang makarating kami sa police station ay pinaupo niya kami sa mahabang couch. Dinalahan pa niya kami ng juice at sandwich. Pinanood ko lang siya habang tinatawagan sina Mommy at Daddy.

Dahil ang malas ko, saktong kalalapag lang nina Mommy at Daddy sa airport. They went to Japan for a business trip. Nagkataon na ngayong gabi pala sila uuwi.

Kapag uuwi kasi sila, hindi na nila sinasabi pa sa 'kin para raw surprise. Nasanay na rin naman ako na pabalik-balik sila dito. At saka, malaki na ako. Tapos na ako sa stage na naghahanap ng atensyon sa magulang.

"I'm sorry you got dragged into this."

Umiling si L.Joe. "It's fine. I'm kinda looking forward to meeting your parents." He smiled.

Nag-init ang aking pisngi sa kanyang sinabi. "W-why? Aren't you nervous?"

He shrugged his shoulders. "I need their approval. And yes, I'm nervous but I really want to meet them.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com