Chapter 10
Chapter 10
Just Try
My mom told me that my dad courted her for two years before she said yes. She also told me that courting will show how serious the guy is for you. Basehan daw ito kung talaga bang nararapat siyang maging parte ng buhay mo.
I never experienced being courted before. Sa US kasi, madalas nagsisimula sa 'dating' na equivalent na rin sa pagiging magboyfriend-girlfriend at doon niyo na lang kikilalanin ang isa't-isa.
Ang mga past relationships ko, puro gano'n. Sumasabak ako kaagad sa dating dahil ang paniniwala ko, hindi na kailangan pa ng ligawan stage dahil makikilala mo rin naman ang isang tao along the way once na nag-date kayo.
Since L.Joe proclaimed that he'll court me, he never stopped bothering me.
"Ayoko niyan." aniya habang nakangiwing tinitingnan ang vegetable salad sa lamesa.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang. Dahil nililigawan niya ako, hindi siya pwedeng tumanggi. Bawas points 'yon! This will be fun!
"Tikman mo kasi!" Tinusok ko ang cucumber gamit ang tinidor at itinapat sa kanya.
Inilayo naman niya ang mukha niya. "Ayoko nga sabi, e!"
"Ang arte mo!" bulyaw ko.
"Mas maarte ka!"
I rolled my eyes at him. Siya itong maarte, e. Nagyaya siyang maglunch dito sa cafeteria, e, nagkataon na hindi niya gusto ang mga pagkain na pinagtitinda ngayon. Ayoko namang lumabas ng campus ng ganitong oras kaya wala siyang choice.
Pinipilit ko siyang tikman itong vegetable salad. Paborito ko 'tong kainin dahil mahilig talaga ako sa gulay.
"Hindi ka naman mamamatay kapag kinain mo 'to, e!"
Hindi pa rin ako papatalo.
"Hindi nga ako kumakain ng gulay, e." Sumimangot siya. "Ayoko dahil walang lasa ang mga 'yan. 'Yang kamatis nakakadiri ang lasa. 'Yan namang sibuyas ayoko rin ng lasa." Para siyang bata na sinasabi lahat ng ayaw niyang kainin.
Lahat ng inis ko napalitan ng palihim na ngiti. Ang cute niya kasing magreklamo.
"E, 'di ba Koreano ka? 'Di ba ang mga Koreano mahilig sa gulay?"
Napapanood ko kasi sa mga Korean drama at ilang mga cooking show na hindi nawawalan ng gulay ang mga pagkain nila. Isa na rin siguro 'yon sa dahilan kung bakit ang ganda ng mga kutis nila.
"Half." pagtatama niya. "I grew up eating my mom's home-made Filipino dishes."
I sighed. "L.Joe, masustansya ang gulay. Hindi ka naman mamamatay kapag kinain mo 'yan, e. Bago mo sabihin na ayaw mo, natikman mo na ba?"
"Hindi pa." Muli siyang sumimangot.
At this point, hindi ko na talaga mapigilang matawa. "'Yun naman pala, e. Tikman mo lang." Itinapat ko na ang cucumber sa bibig niya.
"You sound like my mom." Ibinuka niya ang kanyang bibig at kumain na rin siya sa wakas.
Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Masarap, 'di ba?"
Matagal siyang ngumuya na para bang nilalasahan muna niya ito.
"Not bad."
Inilapit ko sa kanya ang plato at siya na mismo ang kumuha ng para sa kanya.
Nagsimula naman ang mga bulungan sa paligid. Mostly, sinasabing bagay kaming dalawa at may pailan-ilang nagsasabi na magbebreak din kami. Duh? Break 'agad, e, wala pa ngang kami.
Isinantabi ko na lang ang mga nadidinig ko. Pagtingin ko sa plato ay ubos na ang vegetable salad. Naubos na pala naming dalawa.
Napatawa na lang ako. "Sabi ko sa 'yo masarap, e!"
Bigla naman akong nailang dahil nakatitig siya sa 'kin.
"What? May dumi ba 'ko sa mukha?" tanong ko.
Kinuha niya ang tissue na nakapatong sa lamesa. He moved closer. Using the tissue he was holding, he wiped the side of my lips.
Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Nagsigawan naman ang mga tao sa paligid pero mas dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Parang naging blurred ang lahat maliban sa kanya.
"You're blushing, so cute."
Kaagad kong iniiwas ang aking tingin sa kanya. Kinuha ko ang aking bag at tumayo. "D-diyan ka na nga!
"Where are you going?"
"Class." maikling sagot ko at nagsimula nang maglakad palayo.
Palabas na sana ako ng cafeteria nang hablutin niya ang kamay ko.
"I'll wait for you after class."
Matagal ko siyang tiningnan. Iniisip ko kung ano ang dapat kong isagot.
Itinaas niya ang isa niyang kilay habang nakangiti. Bakit ba ang gwapo ng lalakeng 'to?!
In the end, I just found myself nodding in response.
***
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang makasakay ako sa kotse niya.
Gaya nang sinabi niya, hinintay nga niya ako pagkatapos ng klase.
"Date." sagot niya habang inilalagay ang susi sa ignition.
I gaped at him. "Date?!"
Natawa siya sa naging reaksyon ko. He reached out and softly pinched my cheek. "Bakit? Nililigawan naman kita. Hindi naman masamang yayain ka makipagdate."
Natahimik na lang ako. Hindi ako nagsalita hanggang sa makalayo na kami sa campus.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nililigawan niya ako.
"Are you really serious about courting me?"
Without looking at me, he answered, "Do you think I'm just playing with you?"
It took me several minutes to answer. "No offense but yes." mahinang sagot ko pero sapat na para madinig niya.
Why am I so worked up on this? It doesn't even matter if he's playing with me or not because I'm the one who's planning to fool him.
Natigil ako sa pag-iisip nang itigil niya ang sasakyan.
Humarap siya sa 'kin. "Ellaine, don't you trust me?"
"N-not that I don't trust you but...I...I just can't believe you're doing this." I said while stuttering.
Lumapit siya sa 'kin. Itinuon niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko hanggang sa mapasandal na lang ako sa pinto ng kotse niya.
"Tell me, what do you think I'm doing?"
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tapatan ang nakakapasong tingin niya sa 'kin.
"C-courting me."
I heard him sighed. "Do you like me?"
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa tanong niya.
"N-no." I whispered.
He cupped my face and kissed me on my forehead. It surprised me so much that all I could do was stare at him.
"I like you. Do you like me?" pag-uulit niya sa tanong niya.
"S-still no."
This time, he kissed me on my cheek.
"Even just a little?" He smiled.
Sasagot na sana ako pero muli niya akong hinalikan sa kabila namang pisngi.
"I like you, Ellaine. Why can't you understand?" he said softly. "Trust me on this, please."
Dahan-dahan na lang akong tumango. Nagpadala na naman ako sa mga sweet niyang salita. Marupok level 9999!
Before he started driving, he kissed my forehead again. Napahawak na lang ako sa aking noo. Tumingin ako sa labas ng bintana para itago ang ngiting unti-unting sumisilay sa 'king labi.
I was too caught up in the moment that I didn't realize we already reached our destination.
"Amusement Park?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga taong pumapasok sa entrance.
"Yup!" He smiled. "It will be fun."
I frowned a little. It won't be fun for me.
Madami akong hindi magandang alaala tungkol sa Amusement Park.
Noong bata pa ako, gustong-gusto kong magpunta dito kasama ang parents ko pero hindi nila ako nadala kahit kailan. Masyado silang busy ng mga time na 'yon. I spent my childhood in our house, playing with my expensive toys that I didn't even need.
Makakalabas lang ako ng bahay namin kapag may mga party at kailangan nila akong ipakilala sa mga anak ng mga kanegosyo nila. Sa murang edad, madami na akong nakilalang mga bata na pilit ipinapakilala sa 'kin ng mga magulang ko kahit na hindi ko naman sila gusto.
Good thing, hindi na sila gaanong kahigpit ngayon. I'm also glad that my parents met my friends' parents. Kung hindi dahil do'n, hindi ako magkakaroon ng mga kaibigan na katulad nina Portia, Carla at Amy.
Natigil lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang hawakan ni L.Joe ang kamay ko.
"Let's go?" He smiled at me—a smile that reached his beautiful eyes.
'Yang ngiti niyang iyan, napakapriceless. Parang ang sarap na lang niyang pagmasdan buong araw.
Napabuntong-hininga ako. "But I can't." Tumungo ako. Ayokong mawala ang ngiti niyang 'yun pero hindi ko pa talaga kayang pumasok sa loob. I'm not good with heights either. Baka masira lang ang araw niya.
"Why?"
"I just can't."
Hinila niya ako palapit sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi para matingnan ako sa mga mata.
"Ellaine, kagaya lang 'to kanina ng pagpapapakain mo sa 'kin ng gulay. Kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman. Just try, please?"
Ayan na naman tayo sa 'please' na 'yan, e. It's hard to say no to him when he adds that!
Wala naman sigurong masama kung magtiwala ako sa kanya kahit ngayon lang.
I smiled at him. He took that as a yes and pulled me towards the entrance.
Nang mabayadan at makuha na namin ang ticket, hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Pumasok na kami sa loob ng Amusement Park.
Sa mga movies at pictures ko lang nakikita ang loob ng Amusement Park. It's more lively, colorful and pretty in real life. Punong-puno ito ng iba't-ibang makukulay na booths, balloons, at higit sa lahat mga rides.
I suddenly felt something tugged my heart.
Tumingin ako kay L.Joe. I didn't know he was looking at me too. Hindi pa rin nawawala sa mga labi niya ang ngiti.
I noticed that my heart was beating louder and faster than before.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com