Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Future Girlfriend

"Seriously, El? Nagconfess na sa 'yo 'yung tao, hindi mo pa sinunggaban 'yung chance!" Carla crossed her arms and glared at me like a mom scolding her child.

"Matatalo ka niyan!" sigaw naman ni Portia.

"At alam na alam namin na ayaw mong matalo." dagdag naman ni Amy.

Ipinatong ko ang aking mga siko sa lamesa at ginulo-gulo ang aking buhok. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip. Saka ang bilis naman kasi ng pangyayari. Masama ang pakiramdam ko sa naging confession niya, e. Pakiramam ko pinagtitripan niya lang ako.

"Wala ka man lang bang sasabihin dyan?" pagtataray ni Portia.

I glared at her. "Ano'ng sasabihin ko? I kept thinking about it. If he's mad, it's not my problem anymore. I seriously thought about apologizing but I realized, why would I apologize? Hindi ko kasalanan na gano'n ang reaksyon ko. Sinabi ko lang naman na hindi ko siya gusto. I was just being honest."

"We're just thinking about the dare. Why are you getting so worked up about his confession? Even if it's true or not, in the end, it's all just a game. Nasa advantage ka pa nga dahil nagconfess na siya kaagad. Wouldn't it be smoother from here on out?"

Hindi ko siya sinagot. Nadinig ko na lang na napabuntong-hininga silang tatlo.

"So stubborn." umiiling na sabi ni Carla.

Tumingin si Amy sa kanyang relo. "It's time for my next class. Mauna na ako sa inyo."

Pinanood namin siyang lumakad paalis.

"Mauna na rin kami ni Portia sa 'yo, El. Portia and I have the same minor subject later." sabi ni Carla.

Tumango lang ako sa kanila. Naiwan ako sa bench sa garden ng school.

Why would I say sorry? Wala naman akong kasalanan. He's been avoiding me since he confessed. Ano naman ngayon kung ayaw niya akong pansinin? E, 'di 'wag kung ayaw niya! Hindi siya kawalan!

"Hi, Ellaine!"

Napatingin ako sa tumawag sa 'kin. Nakita ko si Tristan na kumakaway palapit sa 'kin.

"What do you want?" masungit na sabi ko. Wala ako sa mood na makipaglaro sa kanya at sa mga kaibigan niya.

"Sabay na tayong maglunch." aniya habang nakangiti at hindi pinansin ang pagsusungit ko sa kanya.

Hinanap ng mga mata ko si L.Joe at iba pa niyang kaibigan pero mukhang mag-isa lang siya ngayon.

Wait, bakit ko ba siya hinahanap?

I picked up my bag and stood up. Good thing he's not here. Ang awkward kung sakali. "Alright, let's go."

Naglakad na ako kasabay niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. He looked so carefree. His brown hair was being ruffled by the wind. Nakakadala ang ngiti niyang parang wala siyang pinoproblema sa buhay. I sighed. What a pretty boy.

"Earlier, hinahanap mo ba si L.Joe?" Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

Napaiwas naman ako ng tingin. I hoped he didn't notice I was staring at him. "Hindi, 'no! Bakit ko naman hahanapin ang lalakeng 'yon?"

He laughed and patted my head. "Sige na. Oo na lang."

Tinabig ko ang kamay niya. I'm getting flustered because of what he's doing. "Bakit hindi mo kasama 'yung iba mong mga kaibigan?"

Ipinamulsa niya ang kanyang mga kamay. "May mga ginagawa sila, e. Mostly projects. Ang hilig kasi nilang gumawa the day before the deadline kaya ang nangyari, naghahabol sila."

"And you're not like them?"

He smirked. "I won't be here if I am."

Pagkarating namin sa canteen ay biglang nagtilian ang mga babae habang nakatingin sa direksyon namin.

I laughed out loud. "Akalain mong sikat ka pala, Tristan?" pang-aasar ko sa kanya.

Nginisian niya ako. "Of course! Gwapo, e!!" He winked. Tumingin siya sa isang table na may nakaupong mga babae. "Hi, girls! Ang gaganda niyo ngayon, a?"

Kaagad naman silang namula at napatili sa kilig.

Napailing na lang ako. Hanggang sa makarating kami sa counter ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagkaway at pagkindat sa mga kababaehan. Ako ang napapagod para sa kanya. Hindi ba sumasakit ang mga mata, kamay at bibig niya?

Nang makabili na kami ay kaagad kong pinili ang lamesa sa pinakasulok. Kapag sa gitna pa kami ay baka mas lalo kaming palibutan ng mga fangirls niya.

I was about to start eating but I noticed all of the girls' stare. I mentally screamed. Hindi ako makakain nang ayos dahil sa mga nakafocus sa amin ngayon!

"Ellaine, mababali mo na 'yang kutsara mo." He smiled nervously at me.

Napatingin naman ako sa kutsara na hawak ko. Nakabend na nga ito nang kaunti.

I can't take this anymore. I'm getting uncomfortable.

"I know it's rude to leave you here but I really have to go." Tumayo na ako. "Maiwan na kita."

Hindi ko na siya inantay sumagot. Lumakad na ako palayo sa kanya. Hindi pa rin naman ako gaanong gutom kaya ok lang na hindi ako kumain.

I'm not good with those kinds of people. Mabait si Tristan kaso hindi ako komportable kapag gano'n. I just wanted to eat in peace. I should have told him but I think he'll have more fun with his fangirls. I didn't even know why he invited me in the first place.

Napadaan ako sa Engineering building habang naglalakad ako. Malapit lang kasi ito sa cafeteria. Nang makarating ako sa tapat ng alleyway na patungo sa school grounds, nakarinig ako ng nag-uusap. This place is called the "Lovers Alleyway" dahil dito palagi nagaganap ang mga confessions at kung ano-ano pang kacornyhan.

Nasa gitna ang alleyway ng HRM building at Engineering building. Madalas nasa dalawang side ang parating nagkakamabutihan sa lugar na 'to.

Kung noon ay balewala lang sa 'kin kung may marinig man akong nagcoconfess dito, ngayon ay naiba dahil nadinig ko ang boses ni L.Joe at boses ng isang babae.

Bago pa ako makalagpas ay kaagad akong nagtago sa harapan ng building.

"I..." panimula ng babae. "I really like you, L.Joe. Simula nang tulungan mo ko sa mga lessons natin na hindi ko maintindihan. You've been so kind to me."

Napalunok ako habang hinihintay ang sagot ni L.Joe. Hindi ko alam kung bakit parang kumulo ang dugo ko dahil sa narinig ko.

"Well, I don't like you." He sighed. "When girls are being treated nicely, they form unnecessary feelings. It's bothersome."

"P-pero hindi pa rin ako susuko hanggang sa magustuhan mo rin ako. Hanggat wala ka pang girlfriend, paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo kung gaano kita kagusto!"

"But I do have a girlfriend."

See? Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong maniwala sa mga sinasabi niya. He's just playing around. May girlfriend na siya pero nagawa niyang magconfess sa 'kin? Cheater!

Umalis na ko sa pagkakasandal sa dingding at nagsimulang maglakad pero bago pa ako tuluyang makalayo ay may humawak sa kamay ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang na nasa harapan ko na ang babaeng nagconfess kay L.Joe.

Tumingin ako sa aking kamay at dahan-dahang tumingala. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si L.Joe na nakangisi sa 'kin.

"She's my girlfriend."

Napanganga ang babae sa gulat. Maging ako ay nagulat sa kanyang sinabi.

Nangilid ang luha sa mga mata ng babae. Nagpabalik-balik ang kanyang tingin sa aming dalawa ni L.Joe. She sobbed and ran way. I suddenly felt bad for her.

I looked at him incredulously but I didn't say anything. I started walking away but he grabbed my hand again and pinned me on the wall.

"Who told you to eavesdrop?" he smirked.

Iniiwas ko ang aking tingin sa kanya dahil sobrang lapit ng mukha niya. "Napadaan lang ako."

Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Really?" tanong niya na para bang hindi siya naniniwala sa 'kin.

"O-oo nga sabi, e!" I pushed him away, keeping him at arm's length.

"Ok, girlfriend." He said softly, like he doesn't want me to hear.

My eyes widened when I heard what he said. Parang may nagtatambol sa puso ko sa sobrang lakas ng kabog.

"A-anong girlfriend ka dyan?!" sigaw ko.

I want to get away! Parang nanghihina ako sa sobrang lapit niya sa 'kin.

"You're my girlfriend whether you like it or not." Mas lalo niyang idinikit ang sarili niya at ako naman ay panay ang tulak sa kanya palayo.

"Ayoko!" sigaw ko. Kapag may nakakita sa 'min dito, siguradong may picture na kaagad kami sa social media!

"Ellaine, be my girlfriend, yes or yes?" tanong niya na para bang hindi man lang niya nararamdaman ang paghihirap ko dito.

Sinuntok ko ang dibdib niya. "Eh?! E, 'di wala akong choice!"

Hinawakan niya ang aking kamay nang umakma akong susuntukin siyang muli. "You do have a choice, it's either yes or yes." he said in a matter-of-factly way.

Anong choice sinasabi niya, e, pareho lang naman yung yes at yes?! Nagpapatawa ba siya? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I felt a sudden warmth in my chest.

"B-b-bakit mo ginagawa 'to?!"

Ano ba, Ellaine?! Ba't ka nagkakandautal dyan?!

He gave me a poker face. He clicked his tongue. "Hindi ko alam kung inosente ka sa ganitong bagay o sadyang stupid ka lang. Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na gusto kita? Mahirap bang intindihin 'yon?"

Sinabi niya 'yon nang biglaan. Paano ko siya paniniwalaan kung ang bilis naman?

Inirapan ko siya. "Hindi mo ako basta-basta makukuha sa ganyan."

He laughed. "Ahh, playing hard to get?"

"Isipin mo na ang gusto mong isipin pero hindi ako basta-basta maniniwala sa mga sinasabi mo."

"Paano kapag napatunayan ko sa 'yo?"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanong niya. Paano nga ba kung napatunayan niyang gusto niya ako? Ano'ng gagawin ko? Should I be happy because it means I'll surely win?

"W-wala kang m-mapapatunayan."

Bakit ba hindi ako makapagsalita nang maayos? Bakit ba ang lapit ng mukha niya sa 'kin? Bakit ba ang bango ng hininga niya? Bakit ba ang ganda ng singkit niyang mga mata? Bakit ba kasi?!

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang lumapit siya sa 'kin at halikan ako sa noo. He smiled at me and ruffled my hair. Kanina tinatapik-tapik ni Tristan ang ulo ko pero wala akong naramdaman kundi ang hiya pero bakit ngayong hinahawakan ni L.Joe ang ulo ko, pakiramdam ko sasabog ang puso ko?

Tinabig ko na lang ang kamay niya bago pa tuluyang sumabog ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. "Ano ba?! Ginugulo mo ang buhok ko!"

Sa wakas, umatras na siya palayo sa 'kin. Ipinamulsa niya ang kanyang mga kamay.

"Kung ayaw mong maging girlfriend ko ngayon, liligawan na lang kita hanggang sa maging akin ka. Bye, future girlfriend." He smirked and walked away.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com