Chapter 00
#PTG00 Chapter 00
I settled, as my closest friends would probably say.
I was lucky, as people who didn't really know me would probably think. Bakit nga ba kasi hindi? I was marrying one of the most sought after bachelors in town—or so they said. Soon enough, I'd be a part of one of the most powerful clan in the country.
I'd be invincible, so they said.
I'd have everything I'd ever wanted, so they thought.
But four years pining after whom I dubbed as the great love of my life, one year of being in a relationship with him, one year of begging him to come back to me, and two years of healing myself, dito rin pala ako babagsak.
I thought I was going to marry Atty. Juan Alexandro Yuchengco.
But in the end, I married Kieran Ramirez.
I knew that if it wasn't with him, it's not gonna work with anyone else. I knew it the first time I met him. I could still remember how I felt the moment I first laid my eyes on him. It's like something inside me just clicked.
Na ayan na.
Na ayan na siya.
But I wasn't delusional. I knew it was farfetched. Una, kaibigan ako ng kapatid niya—which automatically made him see me as a little sister. Pangalawa, he's just out of my league. Alam mo 'yun? He's just really the definition of perfect.
Matalino.
Mabait.
Responsable.
Matangkad.
Gwapo.
And his eyes... I always get lost when I stare at them.
I knew my soul was probably burning in hell while thinking about him on my wedding day, but I just couldn't help myself. Because for years, I thought it was him. Akala ko kaming dalawa...
Akala ko lang pala.
Puro akala.
"Are you sure about this?" Joey asked.
I nodded. "Yeah..."
She sighed before adjusting the veil on top of my head. "Permanent decision 'to, Kitty. Hindi ka na pwedeng magbackout kapag natapos na," she reminded.
Tumango ulit ako. "I'll be fine, Joey." Nalipat iyong tingin ko kay Anj na naka-tingin sa 'kin. She wasn't smiling, too. "Guys, it's my wedding day! Bakit parang ang lungkot niyong dalawa?" I asked, laughing a bit to relieve the tension.
Anj sighed. Si Joey naman, medyo teary-eyed. Natawa ako, tapos inabutan ko siya ng tissue. Ako dapat 'yung iiyak kasi kasal ko, but the opposite was happening. By the looks on their faces, parang hindi kasal ang nagaganap ngayon. It seemed like today was my execution, not my wedding.
"I hope you're not making a wrong decision, Kitty..." Anj said, her voice was really sad.
I smiled at both of them. I loved them. They stuck with me through thick and thin. Through happiness and sadness. Through my ups and downs. Through my highs and my lows.
"Kier's not a bad guy, you know?"
Joey nodded. "I know..." she said. "But we both know na—"
I cut him off. I knew I was thinking about him, but I really didn't want to discuss about him. Kilala ko 'yung sarili ko. I wasn't strong enough to talk about him.
Funny because it's been 2 years since he dumped me, pero parang kahapon pa rin.
"I already made a decision, Joey," I said.
Wala na silang sinabi pagkatapos nun. Nagbuntong-hininga sila bago ngumiti sa akin. They tried to be happy for me, and I appreciated it. That's all I need—for my friends to be happy for me because God knows na gusto ko lang namang maging masaya.
Sinubukan ko namang maghintay.
Sinubukan ko naman na intindihin siya.
Pero paano ko hihintayin iyong tao na laging sinasabi sa 'kin na wala akong hihintayin? Na wala akong kailangang intidihin kasi ayaw niya naman na talaga sa 'kin? It was like plunging a knife deep in my chest over and over again. Na parang sinasaktan ko lang ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa mamanhid na ako sa sakit.
We talked for a while before we heard a knock. Mabilis kaming natigil sa pag-uusap ni Anj at Joey. Binuksan ni Anj iyong pintuan ng limousine kung saan kami nagstay.
"Wow..." Simon said in awe after seeing me.
I smiled shyly. "Tara na?" I asked.
He nodded, then offered his arm. Inalalayan ako ni Anj at Joey na maglakad papunta kay Simon. He's the one who'd walk me to the aisle.
"You okay?" he asked when he held my hand. He probably felt how cold my hands were.
Slowly, I nodded. "Yeah..."
Naglakad kami papunta sa tapat ng pinto ng simbahan. Bigla kong narinig iyong pagsisimula ng tugtog. Simula ng napasok sa isip ko iyong salitang kasal, tinatak ko na na A Thousand Years iyong kanta na tutugtog habang naglalakad ako...
But every time I'd hear that song, only one person comes into mind.
Just that one person I shouldn't be thinking about on my wedding day.
Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ang pintuan ng simbahan. My heart started beating erratically inside my chest. Everyone was staring at me.
Maybe I started trembling dahil humigpit ang hawak sa akin ni Simon. Maybe he felt how scared I was.
"He's not here," he whispered in my ears. Bahagyang napaawang ang labi ko. Bigla akong napa-tingin sa kanya. "You can still run if you don't want this."
I bit my lower lip.
I love Kier. He's nice. He's responsible. He loves me. He respects me. Why wouldn't I marry him?
"Wink twice if you want me to make a scene para maka-takbo ka," he offered.
Umiling ako. "I'm getting married today," I said as we began to trudge down the aisle.
Hindi ko maalala kung gaano katagal iyong sinasabi nila na honeymoon phase. Kulang ba sa isang taon 'yun? Hindi ko na matandaan.
"For God's sake, Katherine!" sigaw sa akin ni Kier bago ibato iyong vase. Muntik nang matamaan iyong mukha ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kapag lumaban ako, mas magagalit siya. Kapag wala akong ginawa, mas magagalit siya.
Nanatali akong naka-tayo sa harap niya, hindi alam ang gagawin. Ni hindi na ako makatulog sa gabi sa takot na baka bigla niya na lang akong saktan. Ni hindi ko magawang tignan siya nang walang takot sa dibdib ko.
I was scared of him.
I was terrified.
"It's been one fucking year! Isang taon na tayong kasal, pero ikaw, puro kalandian pa rin ang iniisip mo!" sigaw niya sa akin. Muli siyang nagbato ng vase. Mabilis iyong nabasag, at may ilang piraso na tumama sa pisngi ko. Ramdam ko iyong hapdi, pero hindi ako makagalaw. Ni hindi ko maialis ang tingin sa kanya dahil sa takot na baka saktan niya na naman ako.
"H-hindi ko naman alam na nandun—"
"Hindi alam!" sigaw niya. "Ang sabihin mo sa 'kin, puro kalandian pa rin ang iniisip mo! Kaya siguro hindi pa tayo nagkaka-anak dahil umaasa ka pa rin na babalikan ka ng ex mo!" sabi niya sabay turo sa noo ko gamit iyong daliri niya. "Hindi ka na niya babalikan! Ipasok mo 'yan sa kokote mo!"
Pilit kong tinatagan iyong loob ko.
Ayokong umiyak sa harap niya.
Pagod na ako.
"Fuck!" sigaw niya sabay sipa sa pader sa likod ko. I flinched, but my feet wouldn't let me move. I was frozen in front of him. I couldn't do anything. "Fuck you, you fucking whore!"
Nanginginig iyong buong pagkatao ko habang isa-isa niyang sinisira ang mga gamit sa kwarto namin. Gusto kong takpan iyong mga tenga ko sa bawat pagbasag ng mga gamit, pero hindi ako makagalaw. Sumisikip ang dibdib ko, pero wala akong magawa.
Hindi pa man ako nakakaupo, kita ko na agad iyong masamang tingin sa akin ni Anj. I tried to smile, but they wouldn't let it go.
"Have you ordered?" I asked.
"Ang taas ng araw, Kitty?" bungad na tanong sa akin nang maupo ako. I knew I shouldn't have agreed to meet up with her... pero alam ko na kapag tumanggi ako, baka puntahan lang nila ako sa bahay... at mas ayokong mangyari 'yun.
Ayoko na makita nila ako na ganito.
Sobrang layo ko na sa taong nakilala nila.
Minsan, hindi ko na rin kilala ang sarili ko.
"Kitty, why are you doing this to yourself?" Anj asked, placing her hand on top of mine.
"I'm okay," I said, putting a smile on my face. "Let's order, please?" I begged. I didn't want to talk about anything about me. I didn't want to dwell on how... how pitiful I was. Kasi alam ko. Tuwing tumitingin ako sa salamin, naaawa ako sa sarili ko.
I knew Anj wouldn't drop the topic, but I was just thankful for a few minutes of her not pitying me. Hindi ko na kailangan 'yun. Sobra-sobra na iyong awa na nararamdaman ko para sa sarili ko.
"So... how's work?" tanong ko kay Anj.
"Masaya," seryosong sagot ko. "Tanggalin mo nga 'yang shades mo," mas seryoso niyang sabi sa akin.
"Anj," seryoso kong pakiusap sa kanya. "Please. 'Wag na."
Alam ko. Alam nila. Pero minsan, gusto kong magpanggap na walang nakakaalam.
"No," she said. "Kitty, you're my friend, and it angers me to know na pinapabayaan mo na ganyanin ka nung demonyong 'yun!" halos isigaw ni Anj sa mukha ko. Napansin kong nagtinginan ang ibang tao sa amin kaya mabilis kong tinakpan ang mukha ko. Makapangyarihan na pamilya ang mga Ramirez. Ayoko na madamay sa gulo silang dalawa.
"Okay lang ako," isang ulit ko pang sinabi.
"Okay?" sabi niya sabay taas sa manggas ng suot kong longsleeves. "Kitty, tao ka, hindi ka punching bag!"
Mabilis kong hinatak iyong kamay ko mula sa kanya. Tumayo ako. "Ayoko ngang pag-usapan. Kung 'yan lang pala 'yung gusto mong sabihin sa 'kin, sana hindi mo na ko pinapunta dito," sabi ko, at saka mabilis na naglakad palabas. Rinig ko iyong pagtawag niya sa pangalan ko, pero ni hindi ako nagdalawang isip para lumingon sa kanya.
Patuloy akong naglakad.
Ayokong umuwi.
Ayokong makita si Kier.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Patuloy akong naglakad nang walang patutunguhan. Ni hindi ko alam kung saan ako papunta, basta ang alam ko, gugustuhin kong pumunta kahit pa saan basta malayo sa kanya.
'Senator Gozano will be represented by Attorney Jax Yuchengco in the case against Congressman Ramirez.'
Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko iyong pangalan niya.
'Is there any comment about the status of the case? What made you decide to take this case despite the previous lawyer being murdered right outside his home?' tanong ng isang reporter habang naglalakad si Jax. He was wearing his suit and his glasses. Ganoon pa rin iyong gupit ng buhok niya. Parang walang nagbago sa kanya. Mas seryoso lang siyang tignan ngayon, pero alam ko na siya pa rin iyong Jax na nakilala ko dati.
'The case is still pending, so there's no comment as of the moment,' seryoso niyang sagot habang papasok sa sasakyan. Ni hindi niya nagawang lumingon sa camera kaya ni hindi ko nakita iyong mga mata niya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo doon. Natapos na iyong balita, pero hindi pa rin nakaka-galaw iyong mga paa ko. Iyong mga mata kong naka-tutok pa rin, umaasa na baka masilayan ko pa ulit ang mukha niya.
From: Kier
Where are you?
Bigla akong nakaramdam ng panginginig sa buong katawan ko. Agad akong naghanap ng taxi. Kailangan ko nang makauwi, kundi, baka isipin na naman ni Kier na pinuntahan ko si Jax. Kahit ilang beses kong ipaliwanag sa kanya na ni hindi ko nakakausap si Jax, bingi siya sa bawat paliwanag ko.
Para sa kanya, puro kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig ko. Na tuwing aalis ako sa bahay, iisang lalaki lang ang pupuntahan ko. Nasasakal ako, pero hindi ko magawang umalis.
Kasi natatakot ako.
Natatakot ako hindi lang sa pwede niyang gawin sa 'kin, kung hindi sa pwede niyang gawin sa mga tao sa paligid ko.
"K-Kier," tahimik kong tawag nang makarating ako sa bahay. Nakaupo siya sa sofa habang may hawak na baso ng whisky.
Agad na dumapo ang tingin niya sa 'kin nang tawagin ko ang pangalan niya. "You're here," he said.
I nodded. Hindi ko sinabi kung saan ako nanggaling dahil kapag nagsabi ako na pinuntahan ko lang ang mga kaibigan ko, iisipin niya na nagsisinungaling ako. Na pinag-isipan ko nang mabuti iyong dahilan ko, na ginawa ko iyon para pagtakpan iyong katotohanan na pinuntahan ko si Jax.
"Come here," sabi niya sabay tapik sa pwesto sa tabi niya. Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad papunta sa kanya. Pasikip nang pasikip iyong dibdib ko habang papalapit ako nang papalapit sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko, naghahanda sa paglatay ng kamay niya sa aking balat.
"Where did you go?" he asked.
I could feel my entire body convulsing with fear as he touched my face with the back of his hand. Gustung-gusto ko siyang itulak palayo, pero mas nanaig iyong takot ko sa kung ano ang pwede niyang gawin sa akin.
"S-si Anj," sagot ko habang nagdadasal sa lahat ng pwedeng maka-rinig sa akin na sana ay paniwalaan ako ni Kier, na sana ay 'wag niyang isipin na nagsisinungaling ako.
"Mmm..." he asked as he laid his head against the headrest of the sofa. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng sistema ko habang hinihiling ko na sana ay maka-tulog siya... Gusto ko lang ng isang gabi na tahimik, na walang sumisigaw, na walang nananakit.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong parang estatwa na naka-upo doon. Nang marinig ko ang marahan na paghinga niya, tanda na naka-tulog na siya, ay saka lang ako naka-hinga nang maluwag.
The next few days were calm... At mas lalo akong natakot. Natakot ako sa katahimikan dahil alam ko ang kapalit ng katahimikan na iyon... Alam ko na malapit na naman akong masaktan.
"Aalis tayo mamaya," sabi ni Kier habang inaalis iyong necktie niya.
"Saan?" tahimik kong sagot.
"Sa party ng mga de Marco."
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako pwedeng pumunta doon. Nandoon si Psalm; baka nandoon din ang ibang mga kaibigan kong lalaki. Ayoko silang makita. Ayoko silang maka-usap. Mahirap para sa akin na makipagkita kay Anj dahil sa lagay ko... At alam ko na hinding-hindi ito papalagpasin nila Matt kapag nalaman nila kung ano ang sitwasyon ko sa bahay.
Ayoko ng gulo.
Gusto ko lang mamuhay ng hindi natatakot na baka ito na 'yung huli araw na magising ako.
Pero hindi ko kayang sabihin sa kanya iyon. Tahimik akong tumango, at pumunta sa damitan. Naghanap ako ng maaari kong isuot mamaya, pero lahat ng meron ako ay kita ang braso... At hindi ako pwedeng magsuot 'nun dahil makikita iyong mga pasa ko sa katawan.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka-tayo, nagdadasal na magkaroon ng lakas ng loob na sabihin kay Kier na hindi ako makaka-punta sa party dahil wala akong pwedeng isuot. Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na sumagot sa kanya dahil pagod na pagod na akong masaktan.
"K-kier..." tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Agad akong nakaramdam ng takot sa buo kong pagkatao. "W-wala akong masuot para sa party..."
Kumunot ang noo niya. "Isang kwarto 'yang damit mo, sasabihin mo sa 'kin na wala kang masuot? Ano'ng gusto mong ipamukha? Na kinakawawa kita? Na wala kang damit?" sabi niya na unti-unting tumataas ang boses.
Gustuhin ko mang magtago, ay para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Hindi ako maka-galaw. Tangin takot ang dumadaloy sa buo kong pagkatao.
"H-hindi naman sa ganon... P-puro pasa kasi iyong braso ko—"
Umigting ang panga niya. Mabilis siyang kumuha ng credit card sa wallet niya, at saka hinagis sa mukha ko. "Ayan, bumili ka! Bilisan mo at baka ma-late tayo!"
Nagmamadali akong umalis para bumili ng damit. Halos isang oras lang ang mayroon ako bago magsimula ang party. Alam ko na magagalit sa akin lalo si Kier kapag hindi ako naka-balik agad. Mabilis lang akong pumili ng itim na long-gown na tago ang buong braso ko. Hindi ko alam kung sino ang makikita ko sa party, at ayoko na gumawa ng kahit ano'ng problema...
Dahil kung natatakot ako kay Kier ay mas natatakot ako sa pamilya niya.
Pagdating ko sa bahay ay mabilis lang akong naligo at nag-ayos. Mabilis ko ring tinakpan ng concealer iyong mga pasa na sumisilip sa may bandang balikat ko.
"Tapos ka na ba?" tanong ni Kier nang bumukas ang pinto.
"Tapos na," sabi ko kahit sa totoo lang ay hindi pa ako tapos. Hindi ko gusto na pinaghihintay siya dahil ako lang din ang nahihirapan.
Sumakay kami sa sasakyan na regalo ng ama ni Kier sa kanya. Bullet-proof iyon. Ganoon ang halos lahat ng sasakyan ng mga Ramirez dahil na rin sa dami ng banta sa buhay na natatanggap nila sa araw-araw.
Minsan... minsan hinihiling ko na sana totoo na lang iyong mga banta. Hinihiling ko iyon sa mga panahon na pagod na pagod na ako.
"Kier, good to see you," bati ng isang Representative kay Kier nang dumating kami sa pagtitipon. Marami ring bumabati sa akin, pero alam ko na hanggang doon lang iyon—sa pagbati. Hindi nila ako kilala, at wala rin akong balak na kilalanin sila. Palagay ko ay pare-pareho lang kami na pinipilit na mabuhay sa mundong ito.
Nasa tabi lang ako ni Kier habang umiikot siya para bumati sa mga kakilala niya. Tahimik akong sumisimsim ng champagne habang nakikinig sa walang katapusan na pagbobolahan ng mga politiko. Nakaka-tawa sila. Magkakaibigan kapag magkakaharap, pero sa oras ng kagipitan, mag-uunahan silang maghatakan pababa.
"Kitty."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses na iyon.
"Psalm."
Naka-harap kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matagal na rin nang huli kaming nagkita... Halos hindi ko na makilala ang Psalm na nasa harap ko—ibang-iba na siya sa Psalm na nakilala ko dati.
"Didn't expect you'd come," sabi niya nang mapansin na naka-tayo sa gilid ko si Kier. "Right. You're here, too." Alam ko ang disgusto niya kay Kier. Ilang beses akong pinigilan ng mga kaibigan ko na pakasalan ko si Kier dahil hindi ko pa raw ito lubos na kilala. Bakit nga ba hindi ako naniwala?
"Can I borrow her for a while?" tanong ni Psalm kay Kier.
Tinignan ako ni Kier. Alam ko na pagbabanta iyon na umayos ako, at 'wag gumawa ng kahit ano'ng gulo. "Just return her safely."
Iginiya ako ni Psalm papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya—o kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Matagal na rin kaming hindi nakapag-usap dahil sa mga nangyayari sa buhay namin. Mas nauna siyang nawala nang maghiwalay sila ni Joey... Tapos nawala na rin si Joey... Hanggang sa sumunod ako.
"Are you okay?" tanong niya.
"Bakit mo naman naisip na hindi?" balik na tanong ko sa kanya.
"Kitty, you married into the family of the Ramirez. Of course I'm worried if you're okay," sabi niya.
Pilit akong ngumiti. "I'm fine. Ikaw? Kamusta ka?"
"I'm fine," sagot niya rin.
Para kaming tanga. Parehas nagsisinungaling, parehas pilit na tumatakas sa reyalidad na nagkukulong sa amin.
Ilang segundo pa na nanatili kami sa katahimikan. Ngunit habang palalim nang palalim ang katahimikan, mas lalo akong nasasaktan. Dahil nagsisimula na naman akong magsisi. Na sana buo pa kaming magkakaibigan, na sana hindi kami naghiwalay ni Jax, na sana hindi ko pinakasalan si Kier, na sana hindi ako ganito ka-miserable...
Puro sana.
"How's Joey?" he asked.
"Why? I thought you don't want to hear anything about her."
Naalala ko na naman nang bigla siyang umuwi galing Cavite. Nagwala siya sa isang bar noon. Hindi ko alam kung magkano ang binayaran niya sa dami ng nasira niyang gamit. Parang binagyo iyong bar nang matapos si Psalm doon.
"Is she okay?"
"Hindi ko alam. Wala rin akong balita."
Parehas na naman kaming natahimik. Hindi ko alam kung paano ako makikibalita tungkol kay Joey nang hindi naikokonekta ni Kier si Jax. Kaya naman mas pinipili ko na lang na walang alam.
"If... If you hear anything, tell me?" he asked like a hopeful kid. Alam ko naman na mahal niya pa si Joey. Mahal niya na si Joey first year pa lang kami. Hindi niya lang maamin sa sarili niya dahil alam niya na may gusto rin si Steele kay Joey. Kaya naman alam ko na anuman ang rason ng paghihiwalay nila, mapapatawad pa rin niya si Joey.
Ganoon kasi talaga kapag mahal mo—nagiging tanga ka.
Ilang minuto pa nang mapagdesisyunan namin ni Psalm na bumaba na. Kailangan ko na rin kasing bumalik sa tabi ni Kier dahil magagalit iyon kapag nawala ako ng matagal.
"Hala, sorry—" sabi nung babaeng may hawak ng tray ng champagne nang matapon iyong ilang baso sa akin. Pinunasan niya iyong parte na natapunan.
"No, it's fine—" sabi ko ngunit natigilan ako nang mapansin ko iyong madilim na tingin ni Psalm sa balikat ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung ano ang nakikita niya.
"N-nalaglag ako sa sahig," I said, hoping that he was stupid enough not to see through my lies. But he didn't say anything. Psalm looked real angry. "Psalm—" I said, but he cut me off.
"Kitty—"
Umiling ako. Mabilis na kumalat ang takot sa sistema ko. "No, please. 'Wag mong sabihin. Kalimutan mo na lang 'to."
"You're bruised!" he hissed. "He's hurting you!"
"H-hindi. Hindi niya sinasadya. Psalm, please, 'wag mo nang pansinin..." puno ng pakiusap na sabi ko sa kanya. Alam ko na mas sasaktan ako ni Kier kapag mas pinalaki ito ni Psalm. Puno ng importanteng mga tao ang pagtitipon na ito kaya natatakot ako para sa sarili ko kung dito ako gagawa ng gulo.
Baka tuluyan nang matupad ang pangarap ko, at hindi na talaga ako magising bukas.
"Kitty, you're smarter than this!"
"Ayoko ng gulo..." nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Nanginginig ang mga labi ko. "Please, Psalm? Mangako ka na kakalimutan mo na 'to."
Galit ang mga mata niya. "If this happens again, I don't care what you say, I'm gonna make that asshole pay."
For days, I just stayed inside our house. Ayokong lumabas dahil ayoko na may maka-kita sa akin. Ayoko na makita nila kung ano na ako. Gusto ko na lang magtago.
Kinuntento ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga libro. Gusto kong magtrabaho, pero alam ko na hindi papayag si Kier. Palagi niyang sinasabi sa akin na kaya niya akong buhayin kaya bakit pa ako magta-trabaho? Mas lalo akong nanliliit sa sarili ko. Na tuwing may kailangan ako, kailangan kong humingi sa kanya.
"Hi."
Nabigla ako nang halikan ni Kier iyong tuktok ng ulo ko. Mukhang masaya siya ngayon. Mabait si Kier... minsan. Pero mas madalas na masama iyong mood niya kaya naman nadadamay ako. Kapag may problema siya sa trabaho, sa akin niya binubunton.
"It's your birthday this Saturday."
Umawang ang labi ko. Hindi ko na naalala na birthday ko nga pala.
"Mag-out of town tayo," sabi niya habang pinapatakan ng halik iyong leeg ko. "Saan mo gustong pumunta? Gusto mo sa beach house sa Batangas?"
Naka-hawak si Kier sa binti ko habang nagda-drive siya papunta sa Batangas. Hindi ko alam, pero mukhang maayos ang mood niya ngayon. Umalis siya ng ilang araw para sa isang business deal. Akala ko galit na naman siya pagbalik niya—ganoon naman kasi lagi. Kaya medyo nanibago ako sa mood niya ngayon. He seemed... kinder. Tumahimik na lang ako dahil baka may masabi ako para biglang sumama na naman ang timpla niya.
"Sorry for the past few days, hon. Busy lang talaga ako sa trabaho. Ang daming ginagawa kaya mabilis uminit ang ulo ko," sabi niya sabay pisil sa binti ko. "Babawi ako, promise."
Tipid akong ngumiti. Kier wasn't totally a bad guy. I wouldn't have married him if he was a monster. Mabait siya sa akin. Dati. Hindi ko alam kung ano ang nagbago. Ang alam ko lang, isang araw... naging magulo na ang lahat.
But I was hoping that we'd be fine again. Because we're married. Because we're bound to be together.
Kier was humming to the song on the radio hanggang sa makarating kami sa beach house. Medyo may kalayuan iyon sa ibang beach house kaya tanging hampas ng alon lang ang pwedeng marinig.
"Left my phone at the house, and didn't tell anyone that we're here para walang istorbo," sabi niya habang binubuksan iyong pinto. Pagpasok namin ay dumiretso na si Kier para maligo muna. Ako naman ay naghanda ng pagkain dahil pareho kaming pagod sa byahe.
Never in my life did I imagine that I'd end up like this. That I'd be in this kind of situation. I had always envisioned this grand life that I was going to live... only to end up living in a nightmare.
Nang matapos si Kier sa pagligo ay kumain na kaming dalawa. Nagku-kwento siya tungkol sa isang malaking deal na inaayos nila sa kumpanya. He sounded so excited. It had been too long since I heard him sound excited. Palagi lang kasi siyang galit.
"Gusto mo bang mag out of the country?" bigla niyang tanong. Nagtaka ako kung bakit gusto niyang umalis. Alam ko na marami siyang ginagawa sa trabaho kaya naman ayaw niyang umaalis nang matagal.
"Sige," sagot ko.
Deep inside, I still wanted this marriage to work. I married him because I believed that there's something about him that was worth marrying... Baka naman may pag-asa pa... Baka naman maging maayos kami...
Nagplano kami ni Kier kung saang bansa kami pupunta at kung ano ang mga gagawin namin doon. He was hinting on us having a baby, pero hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakaya ko pa kung ako lang ang sinasaktan niya... pero paano kapag may anak kami? Paano kapag sinaktan niya rin iyon? Hindi ko kaya.
Nang matutulog na kami ay pumunta muna ako sa CR para maglinis ng katawan. Doon din ako uminom ng pills dahil natatakot ako na malaman ni Kier na umiinom ako nun.
"Hon—" sabi niya nang buksan niya ang pinto sa CR. Napa-tigil ako; napa-tingin siya sa hawak ko. Mabilis kong nakita ang pagdilim ng paningin niya habang napapagtanto niya kung ano ang hawak ko.
His teeth were gritted; his jaw clenched. His eyes were ablazed, and I feared for my safety.
"Kier—"
Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay mabilis niya akong nasampal. Nakaramdam ako ng pagkahilo nang tumama ang ulo ko sa bathtub. Panay ang sigaw niya ngunit hindi ko na iyon maintindihan dahil sa hilo na nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang ay ang sakit ng anit habang hinihila niya ako pabalik sa kwarto.
"You fucking bitch! Siguro kaya ayaw mong magkaanak sa akin dahil gusto mong magpabuntis doon sa ex mo!" sigaw niya bago ako sampalin nang malakas. Nalasahan ko ang metal sa aking bibig. "Malandi ka talaga! Pokpok! 'Di ko alam bakit pinakasalan kita kahit ayaw ng pamilya ko sa 'yo!" sabi niya habang pilit akong hinahatak mula sa sahig.
Hindi ko na alm kung ano ang una kong mararamdaman. Hindi ko na alam kung saan ako tumatama. Hindi ko na alam kung hanggang saan ang aking makakaya...
My head was swirling; my vision was blurry. Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko magawa. Nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko, pero pinilit ko na ibukas ang mga mata ko.
"K-kier..." Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kier sa harapan ko—duguan. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Kier!" sigaw ko habang pilit siyang ginigising.
And I was about to slam my hands against his chest to force him to wake up when I realized that I was holding the bloodied knife...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com