Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 01

#PTG01 Chapter 01

They said that it's a man's world, and I couldn't agree more. Bata pa lang ako, kailangan ko na lang patunayan ang sarili ko—otherwise, I wouldn't be taken seriously. I could still remember when I was in high school, I wasn't allowed to run as president of the student council kahit mas magaling naman ako doon sa nanalo. The reason? Babae kasi ako. Lalaki daw dapat kapag president. It was so annoying. It was annoying to be a woman because you always have to prove yourself, work twice as hard. But really, what could I do but to prove them how wrong they are?

"Katherine," my Dad said using his warning tone. He was frowning when he accidentally read my enrollment slip. To say that he wasn't a fan of me entering law school would be the understatement of the century.

I pressed my lips together. Ugh. I should've just accompanied Joey papunta sa Cavite. If I did, I wouldn't have to deal with this. The last thing that I wanted was to argue with my parents. They gave me everything—but they couldn't stop me from doing this. I knew I could do more—and so I would.

I'm a very ambitious person. Pretty sure that this would be my downfall. I never know when to stop.

"I'm already enrolled, Dad."

"Don't you want to work?"

"I want to... but I also want to try law school."

"Try?" he asked, obviously disappointed with my choice of word. "If you're not sure, you'll just be wasting your time. Just help us with the family business."

I sighed. "One year," I replied. "Just give me a year to figure things out... If I didn't like law school, I promise I'll help you," dugtong ko pa. He still didn't seem convinced, though. "I promise din na I'll finally agree to meeting your friend's son."

That seemed to have convinced him. Finally, I got him off my back. But even then, I knew that I have to work extra hard. Alam ko na if hindi maganda ang grades ko sa law school, mas lalo lang silang magkakaroon ng dahilan para paalisin ako doon. Hindi ko alam kung gusto lang talaga nila akong ma-challenge or wala lang talagang bilib sa akin ang mga magulang ko.

Either way, I'll slay law school.

Or die trying.

* * *

After my not so pleasant talk with my father, I went to my room and decided to read the Constitution. Gusto ko sanang tanungin si Jax about law school... but asa naman akong papansinin ako nun. Baka pilosopohin lang ako nun. If not for Joey, he wouldn't even talk to me! Nakaka-inis, but the more na hindi niya ako pansinin, the more na mas magpapapansin ako sa kanya! Lalo na ngayon na nasa iisang lugar na lang kami.

Reading the 1987 Constitution made me fall asleep na nagising ako, umaga na. I went about with my usual day routine. I still had a week left before the real law school hustle begins kaya naman balak ko na sulutin talaga iyon. I initially planned na manggulo sa kung sinumang kaibigan ko ang available, but also decided na pumunta muna sa Rex Bookstore para bumili ng libro. So far, codals pa lang ang meron ako. I really wanted to do an advance read kasi ayoko na mapag-iwanan ako sa class. I really despise the feeling of not knowing the answer kapag tinanong ako ng professor. And I am not fearless enough to go to class unprepared—ikamamatay ko ang anxiety.

I went to the bookstore. I had no idea what to buy kasi iba-iba iyong recommendations na nababasa ko online... It would really help kung hindi lang tingin sa akin ni Jax ay tinik sa tagiliran niya. I needed help to choose books!

Tahimik akong nags-scan ng libro para sa Criminal Law I nang may mag-abot sa akin ng libro. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jax sa harap ko. I knew it! Mas liliit ang mundo namin kapag nasa law school na rin ako! I mean, it wasn't really the reason why I attended, but it was a nice perk, seeing Jax around. I definitely wouldn't complain!

"Mas okay 'to," sabi niya habang inaabot sa akin iyong libro.

Tinaas ko iyong kilay ko. "Bakit pinapansin mo ako ngayon? May period ka na naman, no?" tanong ko sa kanya. Sobrang once in a blue moon lang ako pansinin nito! Kaya siguro ganito ako ka-sabik sa atensyon niya kasi kulang na lang lumuhod ako para lang kausapin ako.

"Tss," sabi niya tapos binawi iyong libro.

"Bilis naman mainis nito," I said, pouting. "Mas okay 'to?" I asked as I got the leather-bound book from him.

He nodded. "Mas okay 'yung discussion dito kay Amurao. Pero sa Crim II mo, kay Reyes na 'yung basahin mo," he explained. I pursed my lips to stop myself from smiling. I didn't want to ruin the moment. Alam ko na kapag pinahalata ko kay Jax na masyado akong natutuwa sa ginagawa niya ay mabilis pa sa alas-cuatro na iiwanan niya ako rito. Ganyan 'yan, e. Masyadong pakipot.

I nodded along as he explained. "Okay, okay. Sa Persons, kaninong libro ang maganda?"

"Paras," he simply said.

"Statcon?"

"Wala."

"Wala?"

"Magreviewer ka na lang. Sayang pera," sabi niya tapos iniwan ako bigla. Tignan mo 'to! Hindi pa ako tapos magtanong, e! Buhat-buhat ko iyong libro ni Amurao at Paras habang sumusunod ako sa kanya sa bookstore. Dalawang libro lang iyong dala ko pero feeling ko mababali na iyong likod ko. Ilang beses na akong nag-ehem pero hindi ako pinapansin ni Jax! Mukhang makaka-develop muna ako ng scoliosis bago ako tulungan ng taong 'to!

"Ano'ng subject mo ngayon?" tanong ko habang naka-sunod ako sa kanya. I kept on shifting on my feet dahil nabibigatan ako sa dala ko.

"Marami."

I frowned. Pilosopo talaga. "Anu-ano?" tanong ko kahit napipikon na ako sa kanya. 'Di naman porke crush ko siya e hindi na ako mapipikon sa kanya.

Jax was skimming through the pages. Ang bilis ng mga mata niya habang nagbabasa. I couldn't help but be in awe... I never really liked good looking guys—I mean, fine, gwapo... but alam mo 'yun? Mas attracted talaga ako sa mga matatalino. Kahit gaano ka pa ka-gwapo kung wala ka namang kwentang kausap, hindi rin ako ma-a-attract.

And Jax? God, I could talk to him for hours kung hindi niya lang ako babarahin! This guy's a wide reader! The first time I ever met him was during Joey's birthday. Pumunta kami sa bahay ni Joey. Nandun si Jax. I could still remember how he looked like—he was wearing a brown cargo shorts, a plain white shirt, and he was wearing a black rimmed glasses. He was also very pale siguro kasi hindi siya masyadong lumalabas... Medyo mahaba din iyong buhok niya kasi mukhang hindi pa siya nagpapa-gupit. Ang gwapo niya talaga. Mukha siyang lalaking version ni Joey. And back then, I was a bit drunk, and so was Jax. We didn't really do anything exciting... We were just on the couch, discussing conspiracy theories.

But guess what? That was the start of my undying crush for him. 'Di na talaga ako naka-ahon!

"Criminal Procedure, Sales, Transpo, Nego—" pero hindi natapos iyong sasabihin niya nang may tumawag sa pangalan niya.

"Jax!"

Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. I immediately frowned nang makita ko na maganda iyong babae. Mukha siyang Chinese kasi singkit iyong mata niya tapos mukhang wala siyang pores. Kainis.

"Cha," sabi naman ni Jax. Ugh. Kailangan pa ba niyang banggitin iyong pangalan?!

"Bumibili ka rin ng books?" obvious na tanong nung babae. Duh. Alangan namang namimili ng gulay dito si Jax? Pero syempre, sa akin lang naman pilosopo si Jax kaya sinagot niya nang ayos iyong babae. "Ano'ng bibilin mo sa transpo na books?"

Dapat siguro bigyan na ng royalty si Jax dahil mukhang siya naman pala ang pambansang tanungan ng mga bibilhin na libro.

"Wala pa. Kapag nagsabi na lang," sabi ni Jax doon sa babae. Akala ko aalis na iyong babae, pero mukhang balak niya pang tanungin si Jax hanggang sa kung ano iyong temperatura nung pinanganak siya. Daming tanong.

Pero syempre ayokong umalis. Nauna ako dito kaya kahit bigat na bigat na ako sa dala ko, naka-tayo lang ako doon habang nakikinig sa kanila na nag-uusap tungkol sa mga salita na hindi ako familiar. I slight bent my leg dahil sumasakit na iyon dahil sa bigat ng dala ko. Ibababa ko na sana iyong mga libro na dala ko nang bigla iyong kunin ni Jax mula sa akin.

I bit my lower lip to stop myself from smiling, but I couldn't suppress the blush on my face. Huh. Take that, Chinita Girl! Binuhat niya iyong mga libro ko!

* * *

I was over the moon hanggang sa makarating ako sa bahay. Kinikilig pa rin ako kahit binuhat lang naman talaga ni Jax iyong mga libro ko. Iba talaga iyong dulot niya sa akin kaya naman napa-advance reading talaga ako nang sobra.

Days passed by quickly hanggang nagising na lang ako ay first day of classes na. I carefully picked my outfit because I firmly believe that first impression, though it does not really last, still has an impact. I settled on wearing fitted black slacks, white sheer top, and black coat. I also applied light makeup para lang mukha akong tao.

I arrived five minutes before the start of the class. Puno na iyong classroom. Tumingin ako sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan. They all seemed to have been acquainted already. Although kasalanan ko rin siguro kasi hindi ako umattend nung orientation.

"Hi!" bati sa akin nung katabi ko. Ngumiti ako sa kanya. She looked nice. "May balita ka na ba kung sino ang prof natin?"

Umiling ako. "Wala pa, e..."

"Sayang. Sana talaga hindi si Atty. Mercado makuha natin sa Crim. Notorious daw 'yun sa pambabagsak sa first years..." kwento niya sa akin. "Ay, sorry. Deanne nga pala," she said, offering her hand.

I smiled. "Kitty," I replied, taking her hand.

"As in Kitty? Ang cute naman ng name mo!"

"No. Katherine, but mas sanay ako na Kitty."

She nodded. "Bagay nga sa 'yo."

For the rest of the period, nag-usap lang kami ni Deanne kasi hindi naman dumating iyong professor. Tatlong oras iyong class, pero after two hours of waiting, nagsimula nang mag-alisan iyong mga tao.

"Alis na rin kaya tayo?" tanong ni Deanne sa akin.

"Tapusin na natin. Isang oras na lang," sabi ko sa kanya. Besides, malay ba namin if biglang dumating iyong professor? E 'di na-absent pa kami bigla.

Natapos iyong buong tatlong oras na walang nagpakita na professor. Medyo na-badtrip ako kasi if walang klase, sana nagsabi man lang sila. Nasasayang iyong oras. Mahalaga din naman iyong oras naming mga students, hindi lang oras ng professor.

"Kitty, sama ka? Kain tayo. Bloc dinner," sabi ni Deanne.

I was about to nod when I saw a familiar face walking down the hall. I immediately excused myself. Mabilis kong hinabol si Jax despite the heels that I was wearing.

"Jax!" I called.

Huminto siya. Tinignan niya ako. Kumunot ang noo niya. "Pumasok ka?" tanong niya.

I nodded. "First day of class ngayon," I said as I noticed that he was only wearing a plain black shirt, jeans, and his usual blackrimmed glasses.

"Hindi pumapasok mga prof kapag first week. Ongoing pa 'yung enrolment para sa late enrollees."

Umawang iyong labi ko. "Sana sinabi mo?!"

"Di ka naman nagtanong."

I groaned, and almost threw a fit like a kid. Ugh! Sayang outfit, sayang oras! Nakaka-inis talaga si Jax. He could've mentioned this to me nang magkita kami sa bookstore. Hinayaan niya pa talaga akong pumasok.

Iyong kilig ko nung binuhat niya iyong books ko, napalitan ng imbyerna sa kanya dahil 'di niya ako sinabihan.

Pero mas nadagdagan iyong inis ko sa kanya nang magsimula siyang maglakad ulit, ni hindi na ako pinansin. Weird talaga minsan ng lalaki na 'to. Nasobrahan yata sa talino kaya minsan nalilimutan maging tao.

"Jax," I called as I walked after him.

"What?" he said, but continued walking.

"Ano pang dapat kong malaman? Baka sabihin mo na naman sa 'kin hindi ako nagtatanong," pabalang kong sabi sa kanya kasi pilosopo talaga siyang tao.

Hindi ko alam kung sadya bang binagalan ni Jax iyong paglalakad, pero hindi na ako naka-sunod sa kanya dahil sabay na kaming maglakad. Pilit kong kinalma iyong sarili ko kasi iniimagine ko na magboyfriend kami na naglalakad after class.

"You'll figure it out on your own," sabi niya.

"Bakit kailangan ko pang i-figure out kung nandyan ka naman?" I asked, my brow arched.

I did a little victory dance inside my head when I saw how I caught him off guard. Mabilis na mabilis lang na umawang ang labi niya... pero mabilis din siyang naka-bawi. I would've died for a blush from Jax, but this would do. At least alam ko na affected siya sa 'kin.

He cleared his throat.

"Gabi na. Umuwi ka na," sabi niya habang mas binilisan ang paglalakad. Kulang na lang tumakbo siya palayo sa akin. Tss. Sa akin ka rin babagsak, Juan Alexandro Yuchengco. You'll see. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com