Chapter 30
#RTG30 Chapter 30
"See you next week?"
"Thank you, Doc," sagot ko bago ako lumabas ng kanyang clinic. Ilang linggo na rin akong pumupunta sa clinic. Walang nakaka-alam kung hindi ako lang. Ilang beses ko na rin kasing sinubukang kausapin si Sean... Ilang beses ko na siyang binigyan ng pagkakataon para siya mismo ang magsabi sa akin ng mga nangyari bago ako ma-aksidente.
Bakit ako pauwi sa Vizcaya?
Nag-away ba kami?
Ano'ng pinag-awayan namin?
Bakit nagi-guilty daw siya sa nangyari sa akin?
Ang daming tanong... pero ayaw niyang sumagot.
Kumain lang ako sandali tapos ay bumalik na rin ako sa opisina. Sanay naman na ako sa ganitong routine... pero ang pinagka-iba lang ngayong araw, bigla kong naka-salubong si Sancho nang pabalik na ako ng opisina.
"Hi," simpleng bati ko sa kanya. Simpleng tumango lang din siya... at saka umalis na. Hindi ko naman siya masisisi. Ilang beses niya rin akong sinubukan na kausapin, pero lagi akong umiiwas sa kanya. Masyadong magulo pa kasi. Mag-uusap na lang kami kapag maayos na ang lahat.
Basta ang importante ngayon, kami ni Sean.
Kailangang maging malinaw sa amin ang lahat.
Huminga ako nang malalim bago nagpa-tuloy sa paglalakad. Pagdating ko sa opisina, sakto na nakita ko si Iñigo. Wala na naman si Jax, na madalas mangyari. Si Yago, wala rin pero mas madalas na nandito siya sa opisina.
"Iñigo," pagtawag ko.
"Yup?"
"Pwede ba akong umabsent ng Monday at Tuesday?"
"Sandali, check ko lang calendar natin," sabi niya sabay check doon sa virtual calendar ng firm. Nandun naka-lagay kung may kailangan ba kaming puntahan na hearing o kaya arraignment o kaya private meeting sa mga clients. Naka-share iyon sa aming para hindi malimutan.
"Importante ba? 'Yung kay Mr. Crisanto kasi, pero kung importante, ako na lang muna pupunta."
Tumango ako.
Importante 'to.
Nagka-sundo kami ni Iñigo na siya muna ang pupunta kay Mr. Crisanto. Kailangan lang naman siyang iupdate sa galaw ng appeal niya, pero maayos naman na iyon. Pwede naman na si Iñigo na lang ang magpaliwanag.
Lumabas si Iñigo kaya ako ang naiwan sa opisina. Agad kong tinawagan si Sean.
"Hey," masayang bati niya.
"Saturday to Tuesday. Maldives," sabi ko.
"What?"
"Sabi mo iyon ang paborito mong bakasyon natin. Ulitin natin," sagot ko sa kanya.
Sa ilang linggong pagpunta ko sa doctor, hanggang ngayon ay wala pa rin akong naaalala... pero sabi niya ay baka kailangan kong balikan iyong mga bagay na ginawa namin ni Sean dati. Naka-tira naman na ako sa condo pero wala pa ring silbi. Siguro ay kailangan na naming pumunta sa Maldives.
"Let me check my schedule."
"Free your time," sagot ko sa kanya. Masyado ng nagtatagal 'to. Kailangan na naming ayusin ang dapat ayusin at tapusin ang dapat tapusin. Hindi na kami bata. Hindi na dapat kami nagsasayang ng oras.
"Okay..."
"I'll book the tickets and accommodation. Paki-handa na lang iyong passport mo," sabi ko bago ako nagpaalam at tinapos iyong tawag.
Mabuti na lang at wala masyadong nagpunta sa opisina kaya naman nakapagbook ako ng ticket at hinanap ko iyong eksaktong villa na pinuntahan namin ni Sean... Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko iyon sa account ko. Ang daming litrato.
Mapait akong napa-ngiti.
Ang saya talaga namin noon.
Nang matapos ako sa trabaho, dumiretso na ako sa condo. Hindi ko alam kung busy ba sa trabaho si Sean o iniiwasan niya ako, pero hindi siya umuwi... Talagang nagkita na lang kami nang kailangan na naming pumunta sa airport.
"Galit ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya.
"No."
"Bakit hindi ka umuwi?"
"Because it feels like this trip is your farewell."
Natahimik ako bigla.
Gumalaw iyong pila sa check-in counter.
"Enjoy your trip, Sir!" bati nung babae kay Sean na ni hindi nagawang bumati pabalik dahil mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa maka-rating kami sa departure area. Hindi ako bumili ng first class ticket. Hindi naman ako kasing yaman ni Sean... Kung maghihiwalay man kami, hindi ako kukuha ng kahit isang kusing mula sa kanya. Gusto ko lang talaga na maging maayos kaming lahat. Iyon lang.
"What is this trip, Sob?" tanong niya.
"I already told you—gusto ko lang ulitin iyong paborito mong bakasyon."
"Out of the blue?"
"Not out of the blue," sagot ko. "My doctor told me—"
"Your doctor?" Tumango ako. "You're seeing a doctor?"
"For a few weeks."
"Why? Why didn't you tell me?"
"Kasi baka pigilan mo ako."
Nakita ko kung paano umawang ang labi niya sa pagka-gulat. Hindi na ako nabigla sa reaksyon niya nang tumayo siya. Huminga ako nang malalim bago ko siya sundan.
Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Tahimik akong naka-sunod sa kanya. Tapos ay bigla na lang siyang huminto.
"What do you want, Sob?" tanong niya na parang nagpipigil na lang siya sa akin.
"Gusto ko lang na maging maayos iyong lahat—"
"Everything's fine!"
Hindi ako sumagot.
Ayokong sabayan siya.
Gusto kong makipag-usap nang maayos.
"We're fine... Everything's fine..." sabi niya maka-lipas ang ilang segundo.
"Paano naging maayos, Sean? Mag-asawa tayo, pero parang hindi. Ni hindi tayo magka-tabi sa kama—"
"Because I respect you!"
"If you really respect me, bakit hindi mo agad sinabi sa akin na kaya ako umuwi ng Vizcaya ay dahil nalaglag iyong baby natin?"
Nakita kong natigilan siya.
Ang tagal kong hinintay na sabihin niya sa akin.
Pero para lang akong naghintay sa wala.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin lahat, Sean? Bakit iyong magaganda lang ang sinabi mo? Hindi ba unfair sa akin iyon? Na hindi ko alam iyong lahat? Sinabi mo sa akin na unfair sa 'yo kung iiwan kita ng hindi ko naaalala lahat... kaya bakit hindi mo sinabi sa akin lahat?"
Nanatili akong naka-tayo roon. Gusto ko lang malaman lahat mula sa kanya. Gusto ko kasing marinig mula sa kanya. Mas mahirap kung ako mismo iyong makaka-alam... Magmumukhang niloloko niya lang ako... Pinapa-ikot para manatili sa tabi niya.
"Is... is this marriage really worth saving, Sean? Kung nung bago pala ako mawala, dito na rin tayo papunta?"
Nakita ko kung paano kumuyom iyong kamay niya.
Kung paanong malukot iyong passport na hawak niya.
"What is this, Sob? Did you plan on telling all this while we're in Maldives? You wanna hurt me like this in Maldives?"
Napa-hinga ako nang malalim.
"Gusto kong pumunta ng Maldives para maalala mo kung gaano tayo kasaya noon—na hindi na tayo ganoon ngayon," sabi ko habang naka-tingin sa mga mata niya.
"I know things are different now! But we can still work it out!"
Umiling ako. "It's not working out—"
"Because you're not trying!"
I looked him in the eye. "Because I'm not happy."
Posible ba 'yun?
Posible ba na makita mo kung paano gumuho iyong mundo ng isang tao mula sa mga mata niya lang? Kasi parang ganoon ang nakikita ko kay Sean. Para kong pinapanood na unti-unti siyang masira sa harapan ko.
"I know how love works... I know how marriage works... I've seen people happy..." Tumingin ako sa kanya at malungkot na ngumiti. "Hindi tayo ganoon, Sean..."
Nagsimula siyang maglakad.
Nagsimula akong humabol.
"Makinig ka naman," paki-usap ko. "Sean, ayusin natin—"
"You don't wanna fix things; you wanna end things!"
Mabilis akong humawak sa braso siya. Ginamit ko ang buong lakas ko para pilit siyang paharapin sa akin. Wala na akong pakielam kung pagtinginan kami rito. Napapagod na akong hintayin siya. Wala naman yata siyang balak sabihin lahat sa akin.
"Sagutin mo na lang iyong tanong ko—hindi ba dito na rin naman tayo papunta dati?"
Nag-igting ang panga niya. "Where did you hear that from? From Sancho?!"
Agad na kumunot ang noo ko. "Sancho? Bakit nasama si—"
"He's the one who told you! I knew he wanted you, but I never thought that you'd actually give in! For fuck's sake, Sob, you're my wife!"
Parang biglang lumabas ang bulungan ng mga tao.
'Ay, may kabit!'
'Ang gwapo na ng asawa, humanap pa ng kabit!'
Agad akong napa-hugot ng malalim na hininga.
"Can we please talk in private?" paki-usap ko sa kanya. "Sean... please..."
Kitang-kita ko iyong galit sa mga mata niya. Sa bawat hakbang niya, para bang ramdam ko iyong sama ng loob niya sa akin. Alam ko na hindi na kami matutuloy nito. Para akong nagsayang ng pera. Pero mas mabuti na 'to para matapos na kung anuman ang kailangan namin.
"Hindi si Sancho ang nagsabi sa akin," sabi ko nang huminto siya. Hindi ko alam kung bakit si Sancho ang maiisip niya na magsasabi sa akin. Alam ni Sancho na nakunan ako? At bakit siya ang magsasabi sa akin?
"I don't want an annulment," sagot niya agad.
"I don't want to stay in an unhappy marriage," sagot ko pabalik.
"How can we be happy if you keep on pulling shits like this?"
"How can I trust you when you've been nothing but manipulative?"
Pareho kaming malalim ang paghinga.
Parehong ayaw magpatalo.
Pero tapos na akong pagbigyan siya.
Tama si Yago.
Kailangan kong maging masaya.
Apat na taon na iyong nasayang sa akin... I refuse to waste more years being unhappy. Tama na.
"Hindi si Sancho ang nagsabi sa akin. Nakita ko si Atty. Divina. Humingi siya ng patawad sa nangyari dati. Doon ko nalaman," paliwanag ko sa kanya. "Sa kanya ko rin nalaman na nagtatanong na pala ako tungkol sa annulment proceedings."
Agad siyang nag-iwas ng tingin.
Tama ako.
Halos hiwalay na kami.
"Bakit... bakit sinasabi niyo na guilty ka sa pagkawala ko, Sean? Gusto kong malaman... May ginawa ka ba para ma-guilty ka?" tanong ko, pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Dito siya magaling. Sa pag-iwas sa totoo.
Huminga ako nang malalim.
"Di bale na kung ayaw mong sabihin," sabi ko habang seryosong naka-tingin sa mga mata niya. "Buo na iyong desisyon ko, Sean—gusto ko ng annulment. If I have to fight you in court to annul our marriage, then I will do that."
Kitang-kita ko kung paano siya umiling.
"No," mahina niyang sabi.
"I don't wanna stay married..."
"Our problems started when we lost our kid, Sob... I thought that kid's gonna complete our family... But when I lost you, that was when I realized that I'd rather have you than have a kid without you."
Why... was he so selfish?
Why did I marry such a selfish man?
Paano niya nagagawang sabihin 'to kahit may anak na siya?
"I refuse to give up on our marriage," seryosong sabi niya. "I'll see you in court. I don't care. I'll never agree to annulment."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com