Chapter 31
#RTG31 Chapter 31
"Fu—" sabi ni Yago at saka napa-tigil sa pagsasalita. "Sorry. But seriously?" tanong niyang muli. Wala akong kakilala—o mas mabuting sabihin na wala akong maalala na kaibigan kong abogado na nag-aayos ng family disputes... Si Sancho ang alam kong may experience sa ganoong mga kaso kaya lang ay ayoko siyang isama sa proseso. Baka mas lalo lang maniwala si Sean na may namamagitan sa amin ni Sancho kaya humihingi ako ng annulment sa kanya.
"Oo... May mairerekomenda ka bang abogado?"
"Hmm... Actually, my father's lawyer was so good that my mom was practically left with nothing nung naghiwalay sila," seryosong sabi niya sa akin.
"Oh... I'm sorry."
Ngumiti siya. "It's fine. It's been so long. And it's better this way. Nag-aaway lang naman sila dati. Better to part ways than to live in a lie."
Hindi na ako sumagot pa. Bumalik na lang ako sa trabaho dahil may mga kliyente na dumating para sa consulation. Iyon lang ang ginawa ko buong araw. Nang magtanghali na ay lumapit sa akin si Yago at may nilagay na papel sa lamesa ko.
"So... are you still staying in his condo?"
"Hindi. Nasa hotel muna ako, pero naghahanap na ako ng malilipatan," sagot ko sa kanya. Mabuti na lang at may mga gamit ako na nadala na nasa maleta ko. Hindi ko na magawang umuwi pa sa condo para kuhanin iyong ibang gamit ko.
"If you want, you can stay in our old condo. Wala namang gumagamit ngayon."
"Ha? 'Wag na," sagot ko dahil nakaka-hiya naman. Ayoko talagang idamay sila sa gulo ng buhay ko. Gusto kong manatiling propesyunal lang kami dito sa opisina.
"It's okay," sabi niya. "You'll need all the money you can save. That lawyer's pricey as hell," sabi niya sabay turo sa papel na naka-patong pa rin sa lamesa ko. "But she's really good, I swear... She'll get you your single status back... And Sean's money, I bet."
Hindi na ako kumibo. Wala akong balak kunin ang pera ni Sean. Sa kanya iyon. Kahit pa ibigay sa akin, ibabalik ko pa rin. Hindi naman kasi iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipaghiwalay.
Gusto ko lang sumaya.
Na wala ng sayang na panahon.
Agad akong nagpa-schedule ng appointment sa abogado na sinasabi ni Yago. Nagpapasalamat ako na nasabihan na pala siya na tatawag ako... Napag-alaman ko lang na mahirap palang maka-kuha ng appoinment sa kanya dahil in demand siya sa mga mayayamang naghihiwalay sa Pilipinas.
"Good afternoon," bati ko.
"Good afternoon," bati niya. "Do you want coffee? Water? Tea?"
"No, thanks," sagot ko.
"Are you sure? Baka mauhaw ka. We'll be talking about your life, Atty. Laurel," sabi niya habang naka-ngiti.
"Okay... Tubig na lang."
Tinawag niya iyong secretary niya at nagpa-dala ng bottled water sa opisina niya. Pagkatapos nun ay sinimulan ko nang ikwento sa kanya lahat ng nangyari sa akin. Walang reaksyon na kahit ano ang mukha niya. Minsan ay tumatango lang siya sa mga sinasabi ko.
"Okay..." sabi niya nang matapos ako. "Your case is a tricky one."
"Impossible ba?"
Tumawa siya nang saglit. "Nothing is impossible, believe me. If you study the law hard enough, you'll see all the loopholes... That's what makes our profession exciting. The endless possibilities."
Mukhang confident siya. Tama nga si Yago.
Nag-usap pa kami tungkol sa mga expectation ko at gustong mangyari. Isa lang naman talaga ang gusto ko—ang matigil na ang kasal namin ni Sean. Kung pwede na mangyari iyon na walang gulo at walang masasaktan, mas mabuti.
"If you have any question or whatever, just call me, okay?" Atty. Velez said nang matapos kami sa pag-uusap. Para akong nagkaroon ng matinding sakit sa ulo nang makita ko kung magkaano iyong retainer fee, acceptance fee, appearance fee, at kung anu-anong fee niya.
Papayag kaya si Jax kung hihingi ako ng increase? O baka ibenta ko na lang iyong sasakyan ko—pero kailangan ko 'yun kapag pupunta ako sa hearing o sa meeting.
Ang gastos talaga ng mga kaso.
Bahala na nga.
Dumiretso ako sa hotel para magcheckout. Nandun na si Yago sa lobby gaya ng sabi niya.
"Hindi ba nagagalit sa 'yo si Rory na sama ka nang sama sa mga babae?" tanong ko.
Tumawa siya. "She knows I'm afraid, so no."
"Takot ka sa asawa mo?"
"Kinda..." sagot niyang tumawa. "But I love my family so much that she knows that I'll never do anything to hurt her and our son."
Napa-ngiti ako.
Iyan.
Iyan ang gusto ko.
Hindi kagaya ng sa amin ni Sean.
Nang maka-rating kami ni Yago sa sinasabi niyang condo, pina-kita niya lang sa akin iyong mga importante tapos ay umalis na siya. Nagpasalamat ako sa ginawa niya na 'to. Pero kahit na sinabi niya na okay lang na 'wag akong magbayad sa pagtira ko rito, kapag maayos na ako, babayaran ko lahat. Ayoko lang ng may utang.
Nag-ayos lang ako ng gamit sandali tapos ay lumabas na rin ako. Kailangan ko rin kasing bumili ng mga damit dahil konti lang talaga ang dala ko. Pati mga toiletries at kung anu-ano pa.
Mabuti na lang at may malapit na mall kaya naman balak ko sana ay maglakad lang. Kailangan ko rin kasing mag-isip... Sabi ni Atty. Velez ay once na magsimula ang proceeding, hindi maiiwasan na ma-involve ang pamilya namin. Alam ko na magagalit sa akin ang mga magulang ko... pero mas kilala ko ang sarili ko. Alam ko na ito ang kailangan kong gawin.
Kung mahal talaga nila ako, susuportahan nila ako... Hindi nila ako hahayaan na manatili sa isang kasal kahit hindi naman na ako masaya.
Medyo naparami ang bili ko... Sabi ko kailangan kong magtipid, e... Tsk. Sa susunod na nga lang.
Nasa loob na ako ng elevator at naghihintay na sumara nang biglang manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nandun. Nakita ko kung paano siyang nagulat. Hindi ko alam kung paano siya babatiin dahil nang huli kaming magkita ay halos hindi niya naman ako pinansin.
"Hi," simpleng sabi ko na lang.
"Hi," simpleng sagot niya.
"Lumipat ako," sabi ko nang makita kong naka-tingin siya sa mga paper bag sa paanan ko.
Simpleng tumango lang siya.
"Hindi kita iniiwasan," dugtong ko. "Naging busy lang ako."
"Okay."
"Galit ka ba?"
"No."
"Fine," sagot ko.
Maraming nangyayari sa buhay ko at masyado na kaming matanda ni Sancho para maglaro nang ganito. Kung hindi niya maiintindihan na maraming nangyayari sa buhay ko at hindi ko lang siya iniiwasan kasi gusto ko, then hindi pa panahon para kausapin ko siya.
Nang bumukas ang elevator sa floor ko, isa-isa kong kinuha iyong mga paper bag, pero napa-rami talaga ang bili ko kaya naman nahirapan ako.
"Ako na," sabi niya nang hindi niya mapigilan at kunin niya iyong tatlo at hawakan iyon.
Arte pa.
Hindi na ako kumibo pa. Dumiretso na lang ako sa unit at binuksan iyon. Nilapag ko sa dining table iyong mga dala kong paper bag at sumunod naman si Sancho.
"Salamat," sabi ko.
"No problem," sabi niya at akmang aalis... Na ganoon na lang. Hindi talaga siya magtatanong kung bakit nandito ako? Kung bakit wala si Sean?
"Sancho," pagtawag ko sa kanya.
"What?"
"I really wasn't ignoring you... Marami lang nangyari."
"Okay."
"Wag ka namang ganyan."
"What do you want from me?" tanong niya. Ramdam na ramdam ko iyong frustration sa boses niya.
"Right now? I need you as my friend," seryosong sabi ko sa kanya. Iyon lang ang kaya kong ibigay sa kanya ngayon. Mahigpit na binilin sa akin ni Atty. Velez na wala dapat akong maging ibang relasyon dahil baka gamitin laban sa akin iyon ni Sean... Sinabi niya na masyado raw unfair ang batas sa babae—na kapag babae, sapat na na may relasyon kayo nung lalaki samantalang kapag lalaki, kailangan pang patunayan sa korte na naka-tira sa iisang bahay bago makasuhan ng concubinage.
Double standards.
Palibasa daw halos puro lalaki ang gumawa ng mga batas.
Nakita ko kung paano siya nagbuntong-hininga.
"Yeah, sure, whatever," sagot niya.
"I'm sorry."
"Don't be. Busy ka lang talaga."
"Totoo naman 'yun."
"So don't apologize."
"Magrereply na ako sa lahat ng text mo."
"I mean, you can reply to at least one of them..." sabi niya na parang bata. Ngumiti na lang ako sa kanya.
I knew I like him—and I like him even more dahil kahit na alam niya noon na wala akong maalala at pwedeng-pwede niyang itago na lang ako sa Isabela, hindi niya ginawa. Hindi niya siniraan si Sean sa akin. He's always been respectful and kept his distance.
I really just needed to have a closure with Sean.
* * *
Nahati ang oras ko sa trabaho at sa pag-aayos ng mga kailangan para sa declaration of nullity ng kasal namin ni Sean. Hanggang hindi pa naifa-file sa korte, wala muna akong pinagsasabihan. Kapag bigla akong nawawala sa trabaho, si Yago ang gumagawa ng paraan at nagtatakip sa akin.
I really had no idea kung ano ang ginawa ko kay Rory nung sa G&Z pa ako nagta-trabaho... but I was glad that I found a friend in her. Kahit na hindi kami madalas magkita, alam ko na binilin niya ako sa asawa niya. I was grateful.
"What's with the wine?" tanong ni Sancho nang pumunta siya sa unit ko. Minsan ay sabay kaming kumakain ng hapunan. Minsan nagpapa-tulong ako sa kanya tungkol sa tax dahil may isa akong hinahawakan na kaso na may kinalaman sa tax. Ang sakit niya sa ulo.
"Won my first case!" masayang sabi ko. "I mean, unang kaso simula nung bumalik ako."
Medyo matagal na akong naka-balik pero ngayon pa lang ako nagkaroon ng panalo... Ang tagal kasi ng usad ng mga kaso sa Pilipinas. Parang hindi nababawasan at nadadagdagan lang palagi.
"Wow... Congrats!" sagot niya na may malaking ngiti sa labi. "What case? Sino iyong judge?" tanong niya sa akin.
Masaya akong nagkwento sa kanya tungkol sa kaso. Ngayon lang ako nakaramdam ulit ng saya dahil pakiramdam ko ay puro stress lang ang nakukuha ko simula nung mapagdesisyunan ko iyong sa amin ni Sean.
"Do you wanna go out and celebrate?" tanong ni Sancho.
Umiling ako habang naka-ngiti. Naka-upo lang ako sa carpet sa sahig at naka-sandal sa couch. Yakap ko ang mga binti ko habang hawak ng isang kamay ko iyong wine glass.
"No... This already feels like celebration," sabi ko habang naka-tingin sa mga mata niya. I just needed him to wait a little longer... I didn't want to give him any complication. I didn't want to ruffle any more feathers. I was still married. Alam kong mali.
Pero ngayon na naka-tingin siya sa akin, parang naririnig ko iyong bawat kabog ng dibdib ko.
Ang lakas.
Palakas nang palakas.
"What's wrong with you?" he asked with an uneasy smile as I continued to stare at him... I probably made him feel uncomfortable dahil sinalinan niya ng wine iyong baso niyang walang laman.
"Sancho," pagtawag ko sa pangalan niya.
"Yeah?" sagot niya habang naka-tingin sa baso niya habang sinasalinan niya iyon ng wine.
"I'm about to do something illegal," sabi ko habang naka-tingin lang sa kanya, sa bawat galaw niya.
"What—"
"I kissed a man who's not my husband," I said after I crossed the distance and pressed my lips against his.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com