Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

#RTG33 Chapter 33

It was hard to... stop.

Once we began, it was just impossible to stop.

"May trabaho pa ako," sabi ko habang pilit na tumatayo, pero agad akong napa-balik sa kama nang hatakin niya ako. Sancho wrapped his limbs around me, at saka parang bata na siniksik iyong mukha sa gilid ng leeg ko.

"May trabaho din naman ako," sagot niya.

"E 'di tayo na at tumayo dahil male-late tayo," sabi ko pa at sinubukan ulit na tumayo pero ang lakas talaga ng kapit niya sa akin.

"Let's skip work today," sabi niya na dahilan kung bakit natawa ako. "Never pa akong naka-absent sa trabaho... Absent na tayo, Lyana..." sabi niya habang hinahalikan iyong leeg ko.

Natawa ako dahil nakiliti ako. "Sa malaking firm ka kasi nagta-trabaho. Kawawa naman sila Jax kapag umabsent ako," sagot ko sa kanya. Huminto siya sa paghalik sa leeg ko at saka bumuntung-hininga. "Fine."

"Magkikita naman tayo mamayang gabi."

"Pupunta ka ba kay Atty. Velez?" he asked habang tumatayo ako at isa-isang sinuot iyong damit ko. Hindi naman ako lumipat sa unit ni Sancho... pero minsan, hindi namin napipigilan kaya dito na rin ako natutulog.

It was highly illegal.

And a lot disrespectful.

But years have been wasted already...

And who knew kung gaano katagal iyong annulment procedure? Alam ko na lalabanan ako ni Sean gaya ng sabi niya... Hindi lang ako nagsasalita, pero ang totoo ay kinakabahan na ako... Hindi ako kagaya ni Sean na walang katapusan ang pera pambayad sa abogado. I just wished that he'd see things from my perspective para maintindihan niya kung bakit ko 'to ginagawa...

"Kapag hindi busy sa office."

"You want me to accompany you?"

"Wag na," simple kong sabi. Mahigpit na sinabi sa akin ni Atty. Velez na 'wag akong makikipagrelasyon sa kahit kanino habang inaayos pa iyong annulment namin ni Sean... pero wala na. Nagawa ko na. Paulit-ulit pa.

"Can I at least drive you to work?" tanong niya na bahagyang naka-kunot ang noo. Natawa ako dahil para na siyang bata na inagawan ng candy.

"Oo na," sagot ko bago ako tuluyang tumayo at bumalik na sa unit ko para maghanda. Nagsuot lang ako ng karaniwang sinusuot ko kapag nasa opisina ako. Hindi naman ako nagme-makeup masyado—iyong sakto lang para presentable pa ring tignan.

Nang matapos ako, hindi na ako nagulat na nandun si Sancho sa labas ng pinto. Parang nahigit iyong hininga ko nang makita ko siya. Alam ko naman na gwapo siya... pero parang mas lalo pa siyang gumwapo nang mas makilala ko siya.

He's too... wonderful.

Nanghihinayang talaga ako kung bakit hindi niya na lang talaga ako niligawan dati. Sa tingin ko naman papayag ako.

"Ready?" he asked while he was wearing suit and tie dahil may aattend-an ata siyang hearing ngayon bilang co-counsel. Sinaway ko na nga kagabi na 'wag na akong kulitin dahil may hearing pala, pero ready na raw siya roon. Ang kulit.

Habang naglalakad kami, nagku-kwento lang siya sa akin tungkol sa mga ginagawa ko nung nasa law school pa ako. Nawalan na kasi talaga ako ng pag-asa na may maaalala ako... Pero ayos lang. Maganda namang magkwento si Sancho. Lasinggera daw ako nung nasa law school ako... Grabe siya magdescribe sa akin.

Naglalakad lang kami nang sabay, pero nang nasa loob na kami ng sasakyan niya, nabigla ako nang abutin niya ang kamay ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang," sagot niya. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko kaya naman kasama ako nung hawak niya na iyong shifter. Ang clingy.

"Sancho," pagtawag ko.

"Yeah?"

"Salamat sa pasensya mo sa 'kin."

"What?"

"Ilang taon kang nandyan lang kahit 'di mo alam kung may hinihintay ka pa ba."

Biglang naging kulay green iyong traffic lights kaya naman ilang segundo akong naghintay sa isasagot niya.

"It was my choice," sabi niya. "I'd seriously stay single my whole life than to be in a half-committed relationship. Attended a couple of annulment proceedings... Not a pretty sight."

Malungkot ang napa-ngiti.

Agad niyang napansin 'yun.

"I'm sorry," sabi niya.

"It's fine. Nasabi naman na sa akin na malalabas lahat kapag nagsimula na iyong hearing," sagot ko sa kanya.

Sabi ni Atty. Velez na kahit hindi ko pa maalala lahat, maririnig ko pa rin naman lahat sa hearing dahil doon lalabas lahat ng tungkol sa kasal namin ni Sean... Iyong tungkol sa nawala naming baby... Iyong tungkol sa aksidente... Iyong kina Kelsey at Sammie...

Lalabas daw lahat ng problema namin.

Ngayon pa lang, parang sumisikip na iyong dibdib ko.

"If you need anything..." he said.

"I know. I'll ask you."

"As you should," sagot niya bago hinalikan iyong likod ng kamay ko. Napa-ngiti na lang ako. I was doing the right thing... Sean would be at peace with his new family... And I'd be finally happy.

* * *

Pagdating ko sa opisina, nagsimula na iyong trabaho ko. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na araw. Panatag naman ako na walang nangyayaring kakaiba dahil alam ko naman na tatawagan ako ni Atty. Velez kung may kailangan ba akong malaman o ano.

Pagbalik ko sa condo, nagbihis lang ako sandali. Pupunta na sana ako sa condo ni Sancho para sabay kaming magdinner. Hindi ko kasi siya nakita ng ilang araw dahil may pinuntahan siya para sa isang kaso niya. Palagi naman siyang nagtetext sa akin kung ano ang ginagawa niya. Ni hindi ko kailangang magtanong.

I changed into a comfortable half leggings and white shirt. Nagtatali ako ng buhok ko nang maka-rinig ako ng katok mula sa labas.

"Papunta na—"

Pero hindi natapos iyong sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin at sunud-sunod na nagreklamo tungkol sa isang kliyente niya na napaka-kulit daw at ayaw magsorry sa judge kaya naman isang buong araw siyang nasa presinto at naghihintay.

"Dapat iniwan mo na," pabiro kong sabi.

"Muntik na nga, e. Minura ba naman si Judge. Mas lalo kaming hindi mananalo niyan," napapa-iling niyang sabi. "Di ko alam bakit lagi akong na-a-assign sa mga pasaway na 'yun."

Natawa ako. "Magaling ka raw, e."

"Nasasayang talent ko sa ganon."

"Lipat ka na sa 'min," pabiro kong sabi.

Agad siyang umiling. "Ayoko. Nandun si Yago."

"Grabe ka naman," pagtatanggol ko kasi mabait naman si Yago. Siya kaya ang dahilan kung bakit naging maayos na kami ni Sancho.

"Saka wala kayong bond paper."

"Meron na!" sagot ko. "Puno na ng stocks iyong bakanteng room!" proud ko na sabi kasing isang Sunday na bored na bored ako, pumunta ako sa opisina at inasikaso ko talaga iyon. Nagstock na ako ng napaka-raming papel, ink, ballpen, folder, envelope, pati pantry nagstock na ako. Tapos gumawa na rin ako ng schedule namin ng pagbili. Hindi naman pwede na laging ako! Nung bago pa ako at nahihiya sa kanila, okay pa... Ngayon? Pare-pareho lang kaming nagta-trabaho.

Tumawa si Sancho.

Sumimangot ako.

"Anyway... bought you these," sabi niya at saka ko lang napansin na may hawak pala siyang paper bag. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na iyon 'yung paper bag ng burger at onion rings na masarap. Sabi niya, paborito ko raw 'yun dati... Mukhang totoo naman kasi madalas din akong kumain doon ngayon kahit mag-isa lang ako, e.

Naupo lang kami sa couch at saka nanuod ng mga series tungkol sa mga lawyers tapos sinasabi namin lahat ng inconsistency na nakikita namin. Tapos minsan tinatanong ko si Sancho kung ano ang gagawin niya kung iyon ang hawak niyang kaso.

"What?" he asked while he was in the middle of explaining.

"Ang talino mo..." namamangha kong sabi dahil kahit na abogado rin ako, hindi ko maiwasan na mabilib sa kanya. The way he explained things...

Grabe.

Nakita ko na namula iyong pisngi niya.

"Stop," he said, tapos ay binaling muli sa TV ang tingin.

Tumawa ako. "Kinikilig ka?"

"Wag nga."

"Grabe... Tanda mo na, kinikilig ka pa rin?"

"Bawal na ba kiligin kapag matanda?"

"So, inaamin mo na nga na kinikilig ka?"

"No evidence to point to that conclusion."

"Hinahamon mo ba ako, Atty. Cantavieja?"

He shrugged. "Just stating facts, Atty. Laurel."

Agad ko siyang tinulak pahiga sa sofa at imbes na kabahan, tumawa pa siya at hinatak ako hanggang sa nasa ibabaw niya na ako. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi ko na namalayan kung gaano niya na ako katagal hinahalikan.

"Wait lang..." sabi ko nang may marinig akong kumakatok sa pinto. Pilit akong tumayo kahit na parang mas masarap manatili roon lalo na at halos gulung-gulo iyong buhok niya.

Pilit kong sinuklay iyong buhok ko at saka sumilip sa kung sino ang nasa labas.

"Shit," sabi ko nang makita ko iyong mga magulang ko sa labas.

"What? Why?" agad na tanong ni Sancho, mabilis na tumayo at saka lumapit sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Lumapit din siya roon at saka tinignan iyong sa labas.

"Paano nila nalaman na nandito ako?" nagpapanic na tanong ko. "Sinabi ba ni Sean?"

"Let's not jump to conclusion," sabi niya habang pilit na pinapa-kalma ako.

Pabilis nang pabilis iyong katok. Narinig ko rin na tinawag ang pangalan ko. Hindi ako maka-galaw. Paano ako lalabas? Makikita nila si Sancho... Sigurado ako na hindi sila tanga at malalaman nila kung ano ang ginagawa namin dito.

"Do you wanna let them in?" tanong niya.

"Ano ang sasabihin ko sa kanila?"

"Maybe about the annulment? Gaya nga ng sabi mo, malalaman din naman nila..."

"Gusto ko sana kapag nagsimula na."

"Well, they're here now. Maybe this is better. At least you'll be able to control what they know. You'll be able to tell it firsthand. Mas mahirap kapag sa iba nila narinig."

Napa-hinga ako nang malalim.

Kaya ba ako ni Sean na siraan sa pamilya ko?

Alam ko maghihiwalay kami... pero hindi naman iyon dahil magka-away kami... Para rin naman sa kanya iyon... Para maka-sama niya na iyong pamilya niya... Kaysa manatili siya sa asawa niya na hindi siya maalala...

"Paano ka?"

"Do you want me to stay? I mean, I can probably hide in the closet if you want to."

Bahagya akong natawa.

"Just... let me do the talking," sabi ko bago huminga muli nang malalim at saka binuksan iyong pintuan.

* * *

Tahimik lang ako habang naghihintay kami sa paglabas ng doctor.

"I'm sorry," sabi ko kay Papa dahil alam ko na kami ni Sancho ang dahilan kung bakit muntik ng atakihin sa puso si Mama. Nagpaliwanag naman ako... pero hindi niya maintindihan...

Puro siya 'kasal kayo ni Sean!'

Pero iba nga iyong sitwasyon.

Bakit ba hindi niya maintindihan?

Hindi nagsalita si Papa. Sinisisi niya rin ba ako? Mas gusto ba nila na manatili na lang ako kasama ni Sean? 'Di bale na na maging miserable ako buong buhay ko?

Iyon ba talaga ang gusto nila?

Halos mapa-mura ako sa sarili ko nang makita ko si Sean.

"Pa..." bati niya sa Papa ko.

Mabilis akong tumayo at umalis. Bakit naman kasi sa lahat ng ospital, dito pa sa ospital nila?

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Naka-tayo lang ako sa malayo. Alam ko na galit sa akin si Sean at ayoko lang na may masabi ako na masakit na salita sa kanya dahil alam ko na hindi ko mababawi iyon. Alam ko naman na minsan sa buhay ko, minahal ko siya... Pero tapos na iyong minsan na 'yun. Nasa ibang parte na ako ng buhay ko.

"Kamusta po si Mama?" agad kong tanong nang lumabas na iyong doctor mula sa kwarto. Nagpaliwanag lang siya at mukhang wala namang seryosong nangyari pero nagbilin lang siya na iwasan iyong stress dahil baka sa susunod ay totoong atake na...

Napa-pikit na lang ako.

Mas lalo siyang mase-stress sa annulment.

"Did you receive any letter?" tanong bigla ni Sean nang maiwan kaming dalawa roon. Hindi ko alam kung sadya ba kaming iniwan ni Papa o ano... Umaasa rin ba siya na magbabalikan pa kami ni Sean?

"Ano'ng letter?"

"Never mind," sagot niya bago umalis.

Gusto kong pumasok sa kwarto ni Mama, pero ayaw niya na pumasok ako. 'Wag ko raw siyang kausapin kung itutuloy ko ang balak kong annulment.

Ang selfish.

Buhay ko naman 'to.

Napilitan akong umuwi.

Ayaw akong makita ng nanay ko.

Akala ko sobrang saya nila dati nung bumalik ako... pero parang sa lagay na 'to, sana hindi na lang ako binalik ni Sancho sa Maynila... Sana doon na lang kami sa Isabela... puro sama ng loob ang nakukuha ko sa lugar na 'to...

Pagdating ko sa condo, hindi ko alam kung bakit pero dumiretso ako sa condo ni Sancho. Binigyan niya na ako ng susi kaya mabilis kong binuksan iyon. Agad kong nakita si Sancho na naka-upo sa sofa. Lumapit ako. Hindi niya yata narinig na nandun na ako.

Tatawagin ko sana ang pangalan niya nang may makita akong envelop sa ibabaw ng lamesa.

"What... the hell?" tanong ko nang makita ko na request iyon mula sa Integrated Bar of the Philippines para sa disbarment kay Sancho sa ground ng extramarital affair. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com