Chapter 34
#RTG34 Chapter 34
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng hangin sa dibdib ko nang makita ko kung ano iyong naka-sulat sa papel. Agad na naalala ko iyong sinabi sa akin ni Sean sa ospital...
Seryoso ba siya?
He's willing to go this low?!
Alam ko galit siya sa akin... pero hindi ko akalain na aabot siya sa ganitong punto! Kasi ako, hinding-hindi ko gagawin sa kanya iyon! Ni hindi ko naisip na gumanti sa kanya nang malaman ko na may iba na siyang asawa o anak—ang tanging naisip ko lang ay gumawa ng paraan para sumaya at umayos kaming lahat.
Pero siya...
Gagawin niya talaga lahat para lang saktan ako...
"I'm sorry," agad kong sabi nang makita ko na napa-tingin siya sa akin. "I'm sorry."
Agad siyang tumayo at kinuha iyong papel. "It's not your fault."
"I'm sorry..." ulit ko. "Dapat naghintay ako—"
"I chose this, too. I'm not not at fault."
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Agad akong napa-upo. Pilit akong huminga nang malalim. Disbarment? Shit... Hindi pwede. Pinaghirapan namin iyong lisensya namin... Tapos mauuwi lang sa ganito?
"Lyana..." pagtawag niya sa akin. He knelt on the floor and held both my hands. "When I kissed you, I knew that this was a possibility... I'm sorry for putting you in this position—"
Umiling ako. "No, kasalanan ko rin."
Kasalanan ko.
Ginusto ko agad maging masaya.
Hindi ako nakapaghintay.
"Paano... paano iyong lisensya mo?" tanong ko sa kanya.
"Don't worry about that... Paano iyong sa 'yo?"
"Hindi ko alam..."
"What do you want to do?"
"Hindi ko alam..." sagot ko sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Sean. Pakiramdam ko ay sobra iyong galit niya sa akin na tipong gagawin niya ang lahat para sa saktan ako...
At alam ko na alam niya na iyong sa amin ni Sancho...
Mas lalo siyang magagalit dahil matagal niya na kaming pinagdududahan...
Tumingin ako sa kanya.
Ang lalim ng paghinga niya.
"Listen to me... We'll deny this," sabi niya.
"Ano?"
"Kung ako lang..." sabi niya na mapait na ngumiti. "Kung ako lang, ayos lang na matanggalan ako ng lisensya—"
"Ano ba'ng sinasabi mo!"
"Lyana, I became a lawyer because of you," agad niyang sabi. "I enjoy being a laywer, but losing the privilege won't really bother me that much."
"But you worked for this!"
"Yeah... but it still won't affect me as much as it'll affect you," sabi niya at saka hinawakan iyong pisngi ko at malungkot na ngumiti. "I know you... You live to become a lawyer... And I promise I'll do everything in my power to make sure that your license won't get revoked, you hear me?"
Umiling ako. "That's a stupid plan! Bakit kailangang mawala iyong sa 'yo?"
Ngumiti siya. "I'm just saying—"
"Don't say it!"
Nagbuntung-hininga siya. "Fine... Just listen to me, okay? We're always careful kapag nasa labas tayo. Kung may picture man na magkasama tayo, we can always deny and just say na dahil magkaibigan tayo—we can prove that dahil totoo naman..."
"Paano... paano iyong dito sa condo?"
"We have anti-wiretapping law and all kinds of law for that," paliwanag niya sa akin. "I don't know if Sean's that crazy to bug our apartment... but if he is, those will be inadmissible in court, okay?"
Tumango ako.
Pero hindi nabawasan ang kaba ko.
"Don't be nervous," sabi niya habang hawak ang mga kamay ko. "Just deny everything."
"Sigurado ka ba?"
"Yes. And mas mabuti siguro kung hindi muna tayo magkita."
Agad na nalungkot ako.
Agad na hinawakan niya ang mukha ko.
"Just until the annulment is finalized," he said.
"That can take years..."
"Well, I waited for a decade for you... Few more years won't kill me," he said with a consoling smile, but that didn't console me at all. Ang tanging nararamdaman ko lang ang galit kay Sean. Hindi na ako nakakaramdam ng awa. Nagagalit na lang ako sa kanya sa ginagawa niya.
"I'm starting to hate Sean..."
"Well... love can make people go crazy..."
"But that's not a reason para ipa-disbar niya tayo!"
"Legally, this is a ground for disbarment," sagot niya.
"Shut up."
He laughed. "But we're lawyers... We'll find the loophole in this, okay?" he reminded me... but for some reason, I didn't feel comforted with the fact.
May mali.
Pakiramdam ko ay simula pa lang ito.
* * *
Agad kong sinabi kay Atty. Velez iyong tungkol sa disbarment. Hindi niya ako pinagalitan, pero ramdam ko iyong inis niya sa akin. Alam ko naman. Tanggap ko naman na kasalanan ko 'to.
Pero dahil din doon, hindi muna ifa-file iyong sa annulment. Kailangan munang matapos iyong investigation tungkol sa binibintang sa amin na affair.
"I'm sorry," sabi ko kay Yago dahil kailangan ko na namang umalis para pumunta sa interview ng IBP.
"Don't worry," sagot ni Yago na sumalo sa pupuntahan ko dapat na kliyente. Siya lang kasi ang nakaka-alam ng mga nangyayari sa buhay ko. Kina Jax at Iñigo, hindi ko pa nasasabi dahil masyadong maraming nangyayari... Kahit ako, minsan, pakiramdam ko ay hindi ako maka-sabay.
"Babalik na lang ako agad."
"Take your time," he said.
"Sa tingin mo ba..." sabi ko nang hindi naituloy.
Sabi ni Sancho, 'wag akong mag-alala... pero nang makita ko siya pagkatapos ng pagpunta niya sa IBP, halata na problemado siya. Kahit ngumiti siya sa akin, alam ko na hindi maayos ang lahat.
"Ano ba'ng sinabi ni Sancho sa 'yo?"
"Deny ko lang daw."
"Deny mo lang."
"Hindi ba illegal 'yun?"
"I prefer to think of it as being creative," he answered, shrugging. "Saka ang gago lang kaya... Ikaw nga 'di mo siya dinemanda ng concubinage dati tapos siya ang lakas magrequest ng disbarment?"
Napa-buntung-hininga na lang ako. Kahit naman ngayon, hindi ko idedemanda si Sean at Kelsey... kasi hindi naman nila ginusto iyong mga nangyayari... Kaya bakit ba hindi iyon maintindihan ni Sean?
Pagdating ko sa IBP, sinunod ko lang iyong sinabi ni Sancho. Nagdeny ako sa lahat ng tinanong nila sa akin... Nakita ko na may litrato kami roon na magkasama... Pero ginawa ko lang iyong sinabi sa akin ni Sancho.
Inosenteng litrato lang 'yan.
Magkaibigan lang kami.
"Thank you for your time, Atty. Laurel," sabi sa akin nang matapos ang interview. "We'll still conduct our own investigation and we'll inform you once we have reached a decision."
Pilit akong ngumiti.
Kinabahan ako.
Hindi na dapat ako nagbasa ng mga kaso kagabi... Nakita ko na marami ng abogado ang natanggalan ng lisensya dahil sa ganitong dahilan din... Lawyers are to be held to highest moral standards... Marami ng nagkamali at nagkaroon ng relasyon bukod sa asawa nila... Marami ng natanggalan ng lisensya.
Susunod na ba kami ni Sancho roon?
Mauuwi ba sa wala lahat ng pinaghirapan namin?
Habanag pabalik ako sa trabaho ay iniisip ko lang kung may iba pa ba kaming ginawa ni Sancho na pwedeng maging dahilan para matanggalan kami ng lisensya. Ni hindi niya hinahawakan ang kamay ko sa publiko. Lagi lang kaming nasa condo.
Sumasakit ang ulo ko.
Gusto ko sanang bumalik na agad sa trabaho kaya lang ay alam ko na hindi rin naman ako makakapagconcentrate doon. Agad kong nakita ang sarili ko sa ospital at hinahanap si Sean.
"Kelsey," pagtawag ko nang makita ko siya. "Nakita mo ba si Sean?"
Mas lalo lang sumakit ang ulo ko nang mapansin ko na may ilang doctor at nurse ang napa-tingin sa amin. Kahit saan ako pumunta, palagi akong hinahabol ng ganito!
"I... have no idea," sagot niya.
"Hindi mo alam kung nasaan siya?"
"Yes. I don't really talk to Sean if it's not about Sammie."
What the hell was Sean doing? Kelsey's here... bakit niya ba ako pinapahirapan?
"Kailangan mo ba talaga siyang makita? I can ask around," she offered.
Umiling na lang ako. I didn't want her dragged in the middle of this, too. Kahit labag sa loob ko ay tinawagan ko si Sean. Panay ang tawag ko sa kanya, pero hindi siya sumasagot. Paikut-ikot ako sa ospital. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero nakita ko na rin siya.
"Excuse me," sabi niya sa mga kasama niyang doctor na alam ko ay kilala ako dahil sa mga tingin nila.
"What the fuck!" malakas na sabi ko sa kanya. Nagtinginan ang mga kasama niya sa amin. Sean didn't care. Naka-tingin lang siya sa akin. "Kung galit ka sa 'kin, sa 'kin ka na lang magalit! Bakit nadamay si Sancho?!"
Sean ignored me. He began walking. Naiinis na sumunod ako sa kanya hanggang maka-rating kami sa isang fire exit.
"Do you know how fucked up to made me feel?" agad niyang sabi nang sumara ang pinto. "My wife's fucking someone else!"
Napa-awang ang labi ko.
"All I did was to try to make us work again, but you're there, fucking someone else!" he shouted.
"Wala na ngang mabubuo! Sean, halos hiwalay na tayo bago pa man ako mawala!"
"That's not true!"
"I was preparing for annulment before! Stop lying to me! Hindi porke wala akong maalala ay magsisinungaling ka sa 'kin!" I shouted at him. "I know you loved me and all that shit, but it doesn't change the fact that you didn't wait! May ibang asawa ka, may anak ka! Why don't you just let me go!"
Mabilis siyang umiling.
"Lyana, when I married you before, I promised to myself that I'll do everything in my power to keep us together—"
"Then why the hell did you marry someone else?! You're putting me in the middle here! May anak ka sa iba! Hindi mo ba maintindihan 'yun?!"
Hindi siya sumagot.
Nanginig ang labi niya.
Namula ang paligid ng mata.
"You're breaking me..." sabi niya kasabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata niya. Isa-isa... hanggang dumami. "I knew I made a mistake. I knew I was shitty back then. But you never really gave me the chance to make it up to you..."
Para akong natulos sa kinatatayuan ko.
"You just kept on pushing me away... You never even tried to be my wife again..."
"Sean, please..."
Umiling siya. "I'm sorry about our child. I'm sorry about my reaction. I'm sorry about everything. I'm sorry I was so lonely I married someone else. I'm sorry. What else do you want from me?"
"Annulment—"
"No."
"Ganito na lang tayo? Magsasakitan?"
"You're fucking unfair... Why did you open your heart to him? You didn't even give me that chance..."
Hindi ako naka-sagot.
"You fell in love with someone else while knowing that I'm here... While knowing that we have something real... While knowing that you married me... How fucking unfair is that..."
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naka-tayo roon.
Walang nagsasalita.
Walang gumagalaw.
"I'm sorry, Sob... I know you're a lawyer... but this time, I know that the law is on my side," sabi niya bago umalis at iniwan akong tulala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com