Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

[eight] 八

Aila's POV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Yoongi. Pareho lang kaming tahimik at ang tugtog galing sa radio lang ang maririnig mong ingay. Naka tingin lang ako sa bintana at ramdam ko ang maya't mayang sulyap ni Yoongi sakin.

" Focus on the road dumbass "- Sabi ko habang naka tingin padin sa bintana.

" Sorry "- Mahinang sabi nya at iginilid ang sasakyan.

Nasa may sea side kami. Lumabas na sya kaya lumabas na din ako. Pag labas ko nakita ko ang pag kamot nya sa batok nya.

" Bat bumaba ka kaagad ? Pagbubuksan kita ng pinto "- Sabi nya habang kinakamot ang batok.

" Malay ko ba "- Simpleng sagot ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta dun sa part na pwedeng upuan.

" Bakit mo ba ako dinala dito ? "- Tanong ko nang tumigil sya. Umupo naman ako kaagad.

Nakita ko ang pag tanggal nya ng jacket nya at ipinatong ito sa hita ko. Oo nga pala. Naka-dress ako.

" Salamat "- Sabi ko at inayos ang jacket nya sa hita ko. Umupo sya sa tabi ko.

" Sorry "- Mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko.

" Para saan ? "- Tanong ko kahit alam ko na kung tungkol saan ang hinihingi nya ng tawad. Naka tingin lang ako sa sahig. Ewan di ko sya kayang tignan.

" Kasi nalimutan ko nanaman yung date natin "- Sagot nya at bumuntong hininga.

" Hindi naman na bago sakin yun "- Sabi ko at tumingala. Ang daming stars.

" Hindi ko nga din alam sa sarili ko kung bakit hindi pa ko nasanay. Lagi namang hindi natutuloy yung date natin. It's either nalimutan mo o may biglaang meeting kayo "- Pag papatuloy ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga nya at napa lingon ako sa kanya nang hawakan nya ang kamay ko.

" Sorry. Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong boyfriend. Andami ko ng pagkukulang at atraso sayo. Pero naiintindihan mo naman ako diba ? "- Seryosong sabi nya.

Lagi nalang ba ako ang iintindi ? Oo idol ka at kung sino lang ako pero sana naman intindihin mo din ako. Sana kahit minsan iparamdam mo din sakin na ako ang priority mo. Oo naiintindihan kita pero ako, naiintindihan mo ba ko ?

Andami kong gustong sabihin, andami kong gustong isumbat, andami kong gustong ireklamo pero mas pinili ko nalang na manahimik at huminga ng malalim.

Ipinikit ko ng madiin ang mata ko at pinilit syang ngitian.

" Naiintindihan ko naman eh. Okay lang sakin "- Naka ngiting sagot ko.

" Salamat sa pag intindi "- Sabi nya at pinisil ang kamay ko.

Ni hindi manlang nya napansin na pilit at hindi umabot sa mga mata ko itong ngiti ko.

Feeling ko pagod ako. Pagod na pagod. Gusto ko ng mag pahinga.

" Iuwi mo na ko Yoongi. Gusto ko ng mag pahinga "- Sabi ko at nginitian sya ng pilit.

" Pagod ka na ba ? "- Tanong nya.

Simpleng tango lang ang sinagot ko.

" Pwede bang mag stay muna tayo dito ? Gusto kitang makasama "- Sabi nya at pinisil ang kamay ko. 

Bumuntong hininga nalang ako at tumango.

Tahimik lang kaming dalawa habang magkahawak ang kamay at naka tingin sa langit.

Napa lingon ako sa kanya nang humiga sya sa lap ko.

" Alam mo, ayaw ng parents ko na maging idol ako "- Pag uumpisa nya.

Gusto ko sanang sabihin na, duh hindi mo na kailangan sabihin kasi alam ko na at halos lahat ng ARMY eh alam yun kaso alam kong nag momoment sya kaya hinayaan ko nalang.

Kusang gumalaw yung kamay ko at sinuklay ang buhok nya.

" Kaya ginagawa ko ang lahat para lang maging proud sila sakin "- Pagpapatuloy nya.

" Wala akong ibang gusto kundi ang maging proud sila sakin at maranasan ko na kahit isang beses manlang eh mapanood nila ako sa stage kagaya ng iba "- Naka ramdam ako ng lungkot dahil sa mga sinasabi nya.

Kung titignan sya, para wala syang pake sa lahat, parang wala syang pake sa mundo ganun. Pero deep inside him, everything matters. Especially his parents. I can feel the longing he's been feeling since his parents doesn't support him. I can feel the envy he feels every time na may concert sila or showcase. Yung parents or family members ng mga ka-grupo nya andun, sinusuportahan yung anak o kapatid nila samantalang yung parents o kahit kapatid manlang nya wala.

" Salamat sa inyo ni Shana, kasi kahit papaano nakakaramdam ako ng suporta. Hayaan mo Aila, babawi ako sayo. Mag intay ka lang ah ? "- And there i saw his genuine smile. The smile that makes my heart skip a beat. The smile that makes me feel the whole zoo inside my stomach. And the smile i love the most.

Siguro dapat ko ng itigil ang pagiging masyadong paranoid. Dapat ko syang iniintindi. Dapat ako ang iintindi ng sitwasyon nya, namin. At higit sa lahat dapat hindi ako bumitaw, hindi ko dapat luwagan yung kapit ko sakanya. Kasi sa mga panahon na to, ako ang kailangan nya. Kailangan nya ng taong susuporta sa kanya at taong magpaparamdam sa kanya na mahalaga sya at dapat na ika-proud.

Hindi ko dapat sya sumbatan, hindi dapat ako mag reklamo. Kasi in the first place, ginusto ko to.

Bumuntong hininga ako kaya napa tingin sya sakin.

" Sorry "- Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya. Nakita ko ang pag kunot ng noo nya.

" Para saan ? "- Tanong nya sakin.

" Sorry kasi ang pabebe ko. Sorry kung nagalit ako "- Mahinang sabi ko.

Narinig ko ang bahagyang pag tawa nya. Ginulo nya ang buhok ko.

" Okay lang. Kasalanan ko naman kung bakit ka nagalit eh "- Naka ngiting sabi nya

" Pero dapat talaga sinuyo mo ko eh "- Naka ngusong sabi ko.

" Sorry na, hindi naman ako magaling sa ganun eh "- Parang nahihiyang sabi nya at bahagya pang napa kamot sa batok nya.

" Promise ! Bukas talaga mag ddate tayo. Hindi ko na kakalimutan "- Sabi nya at tinaas pa ang kanang kamay parang nangangako talaga.

" Promise yan ah ? "-Sabi ko sa kanya at pinang singkitan sya ng mata. Tumango naman sya. Kaya napa ngiti ako.

" Tara kain tayo ice cream "- Sabi nya at hinawakan ang kamay ko at bumalik na sa sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com