Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

[seven] 七

Aila's POV

Uwian na at papunta na kami ni Shana sa parking lot.

" Namiss ko talaga to ! "- Sabi nya at isinukbit ang kamay saakin.

" Ako din ! "- Tuwang sabi ko.

" Dadaan muna tayo sa bahay nyo para ibaba yang gamit mo tapos sa bahay nalang tayo mag bihis "- Naka ngiting sabi ni Shana at sumakay na kami sa sasakyan nya.

Gaya ng sabi nya. Dumaan kami sa bahay para ibaba ang gamit ko at nag paalam ako kay ate nang maabutan ko sya sa bahay.

Agad naman akong bumalik sa sasakyan at pumunta na kami sa bahay nila Shana.

As usual, sa back door kami dumaan at napa hinto ako nang makita si Yoongi at Hoseok sa may kusina.

" Anong ginagawa nyo dito ? "- Tanong ni Shana.

Agad naman akong nag iwas ng tingin nang magkatinginan kami ni Yoongi.

" Wala, masama ba bumisita ? "- Tanong ni Hoseok.

" Ah okay. Tara na Aila "- Sabi ni Shana at hinila na ako.

Umakyat kami sa kwarto nya. Nilapag nya muna yung gamit nya tsaka nya binuksan ang walk in closet nya at sya ang pumili ng isusuot ko.

" Ito suotin mo para terno tayo. Saan mo gustong mag bihis ? "- Tanong nya.

" Sige ako nalang sa banyo "- Sabi ko at pumasok na sa banyo.

Agad akong nag palit ng damit. Ang galing talaga pumili ni Shana. Pagkatapos kong mag bihis lumabas na ako at nauna ng mag ayos ng sarili. Nag lagay lang ako ng light make-up at maya-maya lang lumabas na si Shana.

" Mukha tayong magkapatid ! "- Tuwang sabi nya at tumabi sakin.

" Aila medyo ikulot kaya natin buhok natin ? "- Suggestion nya.

" Sige ba "- Naka ngiting sagot ko. Agad naman nyang kinuha yung pang kulot nya at kinulot ang buhok ko.

After ko, sya naman ang kinulot ko at pag katapos nun nag lagay din sya ng light make-up. Agad syang tumayo ng tapos na.

Akala ko lalabas na kami pero pumasok sya sa walk-in closet nya at nakita ko na may dala syang cap.

" Suot natin para swaeg "- Sabi nya at nag pose pa.

Swaeg

" Huy "- Sabi nya at sinuot saakin ang cap.

" Ha ? "- Tanong ko sa kanya.

" Yan ! Bagay sayo ! "- Sabi nya habang naka ngiti. Humarap ako sa salamin at oo nga, bagay.

Sinuot na din ni Shana ang kanya at sabay kaming bumaba.

" Saan kayo pupunta ? "- Tanong ni Namjoon nang makita nya kami.

" Mall "- Simpleng sagot ni Shana.

" Ayos na ayos kayo ah "- Natatawang sabi naman ni Jimin.

" Syempre ! "- Sagot ni Shana sabay flip hair.

Luminga-linga si Shana nang maka baba na kami.

" Asan si Jungkook ? "- Tanong nya.

" Nasa garden sila "- Sagot ni Jin at lumingon sa daan papuntang garden.

Napa yuko naman si Shana.

" A-ah "- Mahinang sagot nya.

" Tara na ? "- Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin at tumango.

" Aalis na kami ! "- Paalam nya at pumunta na sa kusina.

Bago kami tuluyang maka labas, kimuha muna sya ng inumin sa ref at binigyan ako.

Naabutan naman namin ang driver nya na nag iintay saamin.

Agad naman kaming sumakay sa sasakyan at pumunta na ng mall.

Maya-maya lang ay nasa mall na kami. Agad kaming bumaba at akala ko papasok na kami sa loob.

" Kuya ! Picturan mo nga kami sa hagdan. Kunyare pababa kami "- Sabi ni Shana at inabot sa driver nya ang phone.

At ng dahil doon nagkaroon ng mini pictorial sa may hagdan. Hawak padin namin yung kinuhang tubig ni Shana at ginamit naming props sa mini pictorial.

" Waaa thanks kuya ! "- Sabi ni Shana habang iniiscan yung mga pictures.

" Ganda natin dito "- Tuwang sabi ni Shana at pinakita sakin yung picture.

" Mukha tayong endorser "- Natatawang sabi ko at umakyat na kami.

" Kuya paki sundo nalang kami mga 5 "- Naka ngiting paalam ni Shana at umakyat na kami.

Nang maka pasok kami, agad kaming dumaretso sa mcdo para kumain.

Ako na ang nag order at si Shana na ang nag hanap ng upuan. Maya-maya lang tapos na akong umorder kaya pumunta na ako sa pwesto nya.

Tahimik lang kaming kumakain ni Shana nang may apat na lalaking lumapit samin.

" Miss, pwede ba namin makuha number nyo ? "- Tanong nung lalaking may dimples. Aba nag papacute.

Nag katinginan kami ni Shana.

" Sorry but we don't know you "- Simpleng sagot ni Shana at pinag patuloy ang pag kain.

" Then we'll introduce ourselves "- Sabi nung lalaking may dimples.

" Sorry but please can't you see we're eating ? Onting respeto naman "- Inis na sabi ko at inirapan sila.

Napa kamot nalang silang apat sa batok at umalis.

" Tch nakakainis "- Galit na sabi ko.

" Anong akala nila satin ? Cheap girls na basta basta nalang ibibigay ang number ? Tch "- Inis na dagdag ko.

" Akala naman nila ang gwapo nila "- Dagdag ko at kumain nalang.

Ewan, naiinis ako sa mga lalaking ganun. Pa-cool akala naman nila ikakagwapo nila yung ganyan.

Nang matapos kaming kumain ni Shana, nag pa-nail polish kami. Then after nun namili na kami ng kung anu-ano. More on damit ang mga pinamili namin. Nang medyo madami na yung nabili namin, pina baggage counter muna namin at dumaretso kami sa arcade.

Kasalukuyan kaming nag lalaro ng basketball ni Shana. Nag papataasan kami ng score.

" HAHAHA OMG DI MO KO MATATALO "- Sabi ko nang makita na 12 palang ang points nya, samantalang sa akin 43 na.

Hanggang sa natapos yung time at ang score ay 23 to 60. Well ako pa ba ?

Paalis na sana kami i Shana nang harangin nanaman kami nung apat na lalaki. Inirapan ko sila at hinila na si Shana.

Kung anu-anong games ang nilaro namin at ang nakakainis eh sumusunod yung apat na lalaki samin. Tapos ngumingiti at kumakaway pa samin. Nakakainis kaya ! Nakakairita !

Nang maka kuha kami ng teddy bear ni Shana, niyaya ko na sya umuwe. Binalikan namin yung mga pinamili namin at nag lakad na papunta sa parking lot.

" Nag enjoy ako "- Naka ngiting sabi ni Shana.

" Ako din ! "- Tuwang sabi ko at pumunta na kami dun sa pwesto ng sasakyan kanina.

Wala pa yung driver ni Shana. Kung sabagay, wala pa namang 5. Umupo muna kami ni Shana sa sahig at eto nanaman yung apat na lalaki.

" Looks like wala pa yung sundo nyo. Gusto nyo ba kami na mag hatid sa inyo ? "- Naka ngiting tanong nung lalaking may dimples.

Nakakainis na to ah. Ang sarap ng bangasan ng mukha leche.

" No thank you "- Mataray na sabi ko.

" You're really turning me on miss. I like your attitude "- Naka ngising sabi nya.

" Well sorry, the feeling is not mutual. I don't like you "- Mataray na sabi ko at inirapan sya.

" Please lang umalis na kayo "- Mahinahon na sabi ni Shana.

" Just give us your numbers then we'll leave "- Sabi nung lalaking naka polo na green

" Bat ba di nyo ma-gets na ayaw nga namin ? "- Taas kilay kong tanong.

" Just leave them pare "- Napa lingon kaming lahat sa nag salita.

Si Namjoon at Yoongi.

" Sino ba kayo ? "- Maangas na tanong nung isa.

" Babe buti nalang andito ka na. Kanina pa nila kami ginugulo "- Sabi ko at lumapit kay Yoongi.

" Sorry ngayon lang kami "- Sagot nya at hinalikan ako sa noo. Kinilig naman daw ako doon.

" Ano bang kailangan nyo ? "- Tanong ni Yoongi.

" Number lang naman pare "- Sagot nung naka polo

" Eh ayaw nga diba ? "- Sabi naman ni Namjoon at tinago si Shana sa likod nya.

Wala namang nagawa yung apat kaya umalis nalang sila.

" Shana, sumabay ka na sakin. Kasama ko si manager-nim "- Sabi ni Namjoon at kinuha ang mga pinamili ni Shana.

" Eh si Aila ? "- Tanong nya at nilingon ako.

" Ako na bahala sa kanya. "- Sabi ni Yoongi kaya tumango naman si Shana at sumakay na sa sasakyan ng manager nila.

" Aila. Kailangan natin mag usap "- Seryosong sabi ni Yoongi at kinuha ang mga pinamili ko at inilagay ito sa sasakyan nya.

Bakit ba parang kinabahan ako ?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com