Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

[six] 六

Aila's POV

Ewan ko ba pero wala ako sa mood ngayon. Pero ayoko naman na mapansin yun ni Shana. Knowing her, she'll bug me all day.

Hindi ko na alam kung pang ilang buntong hininga ko na to ngayong umaga.

" Good morning Aila ! "- Napa angat ako ng tingin sa nag salita at doon ko nakita si Shana.

I forced myself to smile at her.

" Good morning din ! "- I tried my really best just to sound hyper and i guess i did.

" Girl bond tayo later ? "- Tanong nya and wiggled her eyebrows.

I guess i need it.

" Oo ba ! Sasakyan mo ah ? "- Sagot ko sa kanya.

" Oo naman, wala naman tayong ibang masasakyan eh "- Natatawang sagot ni Shana.

Well hindi nga kasi ako gumagamit ng sasakyan. Mas prefer kong mag lakad papasok since malapit lang naman ang school sa bahay. Minsan nakikisabay ako kay mama katulad kanina.

" Excited na ko sa girl bond natin mamaya ! Namiss ko kaya yun "- Naka ngiting sabi ni Shana.

" Ako din ! Kailangan natin mag unwind. Nakakastress nitong mga nakaraang araw ! "- Sabi ko at sumandal sa upuan ko.

" Yah ! Oh sila Yoongi ! "- Napa hinto ako nang marinig ko ang pangalan nya.

Kumaway naman si Shana pero ako, hindi ko sya tinignan. Ayoko lang. Pabebe na kung pabebe pero masama parin ang loob ko sa kanya dahil kahapon.

" Whoah that was unusual "- Natatawang sabi ni Shana na nakapag pabalik sakin sa reality.

" Huh ? "- Tanong ko at tinignan sya.

" Wala "- Naka ngiting sagot nya.

Agad na nawala ang ngiti nya nang pumasok ang asawa nya na may kasamang tempura este kasama yung hito- i mean girlfriend nya.

Sinundan lang namin sila ng tingin hanggang sa maka-upo sila sa upuan nila.

" Tch wag mo kasing tignan "- Sabi ko at bahagyang sinampal pa sya.

" They look so happy "- Mahinang sabi ni Shana at tumingin sakin. She smiled at me weakly.

" Wag ka ngang emo ! Di bagay sayo "- Panloloko ko.

" Tch minsan lang eh ! "- Naka ngusong sagot nya kaya napa tawa nalang ako.

Minsan talaga napaka great pretender naming dalawa.

We just talked about random stuffs hanggang sa pumasok na ang professor namin and class starts.

After 3 subjects, vacant na namin. Tumayo na kami ni Shana at sabay na lumabas ng classroom. Agad na kaming dumaretso sa canteen at nakita namin doon si Sky na naka upo sa usual spot namin. Ang table sa tapat ng bangtan.

Binati nila kami pero hindi ko sila pinansin na lahat kaya naka tingin sila sakin pati si Shana.

" Bibili na ko ng makakain natin "- Sabi ni Sky at tumayo.

" Sky sama ako "- Sabi ko at tumayo tsaka kinuha ang wallet at sabay kaming umalis.

" May problema ka ba ? "- Natatawang sabi ni Sky habang tumitingin kami ng pwedeng kainin.

" Wala naman. Bakit ? "- Tanong ko at pumila dun sa mga dessert.

" Wala, nakaka panibago lang na hindi mo sila pinansin "- Simpleng sagot ni Sky.

" Doon lang ako "- Paalam nya at umalis na. 

Ewan, hindi ako nagugutom kaya sweets nalang ang bibilhin ko. Kaso hindi ko alam kung ano ang gusto kong kainin.

Maka lipas ang ilang minuto ng pagtingin sa menu, chocolate cake at graham ang binili ko. 

Nang makuha ko na ang order ko, hinanap ko si Sky. Hindi naman ako iiwan nung lalaki na yun. 

Nag simula na akong mag lakad at hanapin si Sky. Dahil busy ako sa paghahanap sa kanya, may nabangga akong lalaki. Good thing wala syang dalang pagkain at hindi natapon ang dala ko.

" Sorry ! "- Sabi ko at tinignan sya.

" It's you "- Naka ngiting sabi nung lalaki. 

Sya yung kaninang umaga. Wait sino nga ba to ? Kiel ? Ah oo ! Kiel.

" Lunch break nyo ? "- Tanong nya.

" Ah oo "- Naka ngiting sagot ko.

" Lunch break tapos yan lang kakainin mo ? "- Tanong nya habang naka tingin sa tray na dala ko.

" I'm not in the mood na kumain ng kanin eh "- Simpleng sagot ko.

Mukhang may sasabihin pa sya pero may tumawag sakin at pag lingon ko, si Sky.

" Sige aalis na ko. Bye ! "- Paalam ko kay Kiel at lumapit na kay Sky.

" Yan lang kakainin mo ? "- Hindi makapaniwalang tanong ni Sky sakin.

" Hindi nga kasi ako nagugutom "- Simpleng sagot ko at nauna na mag lakad pabalik sa table namin.

Tinaasan ako ng kilay ni Shana kaya inunahan ko na sya mag salita.

" Wala ako sa mood kumain ng kanin "- Simpleng sabi ko sa kanya.

" Bat hindi mo ko binilihan !? "- Galit na tanong nya.

" Aba ! Malay ko naman daw diba "- Natatawang sabi ko sa kanya at sinimulan ng kainin yung cake.

Tahimik lang kaming tatlong kumain hanggang sa naubos na yung binili ko. Dapat pala dinalawa ko yung graham ang sarap eh ! Bigla akong nauhaw. Nalimutan ko pala bumili ng inumin ko.

" Bibili lang ako ng inumin "- Paalam ko sa kanila at tumayo.

Agad akong pumila sa bilihan ng tubig. Pabalik na sana ako sa pwesto namin nang may humila sakin at nakita ko si Yoongi.

Tumingin ako sa paligid at busy naman sa pag kain yung mga tao kaya hinarap ko sya.

" Bakit ba ? "- Malamig na tanong ko sa kanya.

" Kailangan natin mag usap "- Seryosong sabi nya.

" Wala tayong dapat pag-usapan. Aalis na ko "- Sabi ko at tinanggal ang kamay nya at bumalik na sa pwesto namin.

Pag balik ko naman, tapos ng kumain sina Shana kaya agad din kaming umalis.

Pumunta na kami ni Shana sa next class namin kahit na may isang oras pa kaming vacant. Mas okay na tumambay dito, atleast malamig.

Kung anu-ano lang ang pinag uusapan namin ni Shana nang bigla akong tawagin ng kalikasan.

" Shana, cr lang ako "- Paalam ko at tumayo na.

Medyo malayo pa naman yung cr sa room namin. Kumbaga sa kabilang dulo pa.

Medyo binilisan ko ang lakad ko, paliko na sana ako nang may lalaki akong naka salubong at si Kiel nanaman !

" Ikaw nanaman ? "- Natatawang tanong nya. Nginitian ko nalang sya at akmang papasok na ng cr nang hawakan nya ang kamay ko.

" Saan yung cr ng mga lalaki ? "- Tanong nya sakin.

" Ah dun pa sa kabilang dulo "- Sabi ko sa kanya at tinuro ang hallway. 

Mag kabilang side kasi ang restroom ng lalaki at babae.

" Salamat "- Sabi nya at binitawan na ang kamay ko. Agad naman akong pumasok sa isang cubicle at umihi.

Nang matapos ako, lumabas na ako. Agad naman akong bumalik sa classroom namin. At habang nag lalakd, nilabas ko ang phone ko at tinignan kung may text ba galing kay Yoongi.

Napa buntong hininga nalang ako nang makita na wala ni isang text galing sa kanya.

Ang gusto ko lang naman suyuin nya ako eh, lambingin nya. Ano bang hindi nya ma-gets dun ? Pakiramdam ko tuloy wala syang pakielam sakin. Akala ko pa naman susuyuin nya ako kahit anong taboy ko sa kanya kasi kahit papaano mahalaga ako sa kanya. 

Hay nako Aila ! Ikaw lang ang gumagawa ng dahilan para lalo kang ma-down. Minsan gusto ko ng taong makakausap tungkol sa mga ganitong bahagay, minsan gustung-gusto ko mag sabi kay Shana pero kasi sabi ni Yoongi pilitin naming i-secret yung tungkol samin. For the sake of his career. 

Para sa career nya. Hindi para sakin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com