[five] 五
Aila's POV
Naiinis ako. Sobrang naiinis ako.
Lagi nalang. Lagi nalang ganito.
Don't tell me nalimutan nanaman nya ? Bullshit ! Lagi nalang !
Dahil sa sobrang irita ko, idagdag mo pa ang patuloy na pag tunog ng phone ko pinatay ko ito at nag kulong sa kwarto.
Ayokong kumausap ng kahit sino. Baka sumabog ako at sa kanila ko mabaling galit ko.
Kinuha ko ang notebook ko at ginawa lahat ng assignment at nang tapos na ako, nag advance study nalang ako.
Mas mabuti ng ma-divert ko sa pag aaral tong galit ko atleast may natututunan pa ako.
At nang matapos ako, sakto naman na tinawag ako ni mama para kumain.
Bumaba na ako at sumalo sa kanila pero tahimik lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap kung kanino.
" Anak ? Okay ka lang ? "- Nag aalalang tanong ni mama.
" Opo. Masakit lang ulo ko "- Pagdadahilan ko
Nag aalalang lumapit sakin si mama at hinawakan ang noo ko.
" Wala ka namang lagnat. Inuman mo na ng gamot yan para mawala "- Sabi ni mama at bumalik na sa upuan nya.
Kahit wala talaga akong gana kumain, pinilit ko kasi ayaw na ayaw ni mama na nag sasayang kami ng pagkain at ayaw nyang hindi kumakain ng maayos.
" Matutulog na po ako "- Paalam ko at umakyat na sa kwarto ko matapos kong ilagay sa lababo ang plato ko.
Pumasok ako sa banyo para mag linis ng katawan at nag handa na para matulog.
Kasalukuyan akong nag susuklay ng buhok nang marinig ko na may tao sa labas. Sumilip ako sa veranda ko at agad na napa tago nang makita si Yoongi.
Medyo naririnig ko ang usapan nila sa labas dahil halos katapat lang ng kwarto ko ang lugar nila.
" Anong kailangan mo iho ? "- Tanong ni mama
" Good evening Mrs. Lucas. Gising pa po ba si Aila ? "- Magalang na sabi ni Yoongi.
Medyo nilapit ko pa ang tenga ko sa may veranda.
Mukha akong ewan dito na naka-upo sa sahig na parang nag tatago.
" Ay nako palagay ko tulog na yun. Masakit kasi ang ulo nya kanina. Bakit anong kailangan mo sa kanya ? "- Tanong ni mama. Medyo tanaw ko sila sa maliit na butas. Nakita ko ang pag buntong hininga ni Yoongi.
" Gusto ko lang po sana syang maka-usap "- Parang dismayadong sabi ni Yoongi.
" Sige po. Pasensya na po sa abala "- Sabi nya at nakita ko ang pag bow ni Yoongi kay mama.
" Dapat medyo inagahan mo baka naabutan mo pa sya. Ka-ano ano mo ba ang anak ko ? "- Tanong ni mama. Nakita ko naman ang pag kamot sa batok ni Yoongi.
Aamin kaya sya kay mama ?
Kung sakali man, alam ko naman na hindi magagalit yang si mama. Sure pa nga ako na matutuwa yan eh.
" Kaibigan nya lang po ako "- Napa buntong hininga ako sa sagot nya.
Ano pa nga bang ieexpect ko ? Malamang di aamin yan.
" Osige sasabihin ko nalang sa kanya bukas na pumunta ka dito "- Sabi ni mama at sinarado na ang gate.
Tumayo na ako at sinarado ang sliding door ko at tinanggal na ang pagkakatali ng kurtina para matakpan ito.
Umupo ako sa kama ko at kinuha ang cellphone sa may lamesa tsaka binuksan.
Puro missed calls at text galing kay Yoongi.
Masama padin ang loob ko sa kanya kaya ni-isang text galing sa kanya eh hindi ko binasa.
Nilapag ko na ulit ang phone ko sa may lamesa at humiga na.
Minsan kasi nakakapagod na. Yung lagi nalang ako yung iintindi ng sitwasyon. Ako yung laging nag aadjust para sa kanya. Yung ako ang laging nag iintay. Yung hanggang pangalawa lang. Yung laging hindi priority.
Masama bang mag hangad na sana ako naman yung unahin nya ? Yung kahit minsan naman iparamdam nya sakin na ako ang priority nya.
Eh naman kasi Aila. Sinong tanga naman kasi ang papasok sa ganitong sitwasyon ? Idol sya fan ka. Ganyan talaga ! Ginusto mo to eh ! Edi panindigan mong gaga ka.
" Arrrrgh bwisit "- Iritang sabi ko habang nagpagulong-gulong sa kama ko.
Mukha akong ewan na balot ng kumot. Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko at pinilit na matulog at nag wagi naman ako.
Nagising ako sa alarm ng phone ko. Agad ko itong kinuha at pinatay. Bumangon na ako dahil may pasok na.
Dumaretso ako sa banyo ko at naligo na. Nang ayos na ako, lumabas na ako ng kwarto ko bitbit ang bag. As usual, naabutan ko si mama na nag hahanda ng lamesa.
" Good morning ma "- Bati ko sa kanya at nakipag beso bago umupo sa lamesa.
" May kaibigan ka palang pumunta dito kagabi "- Sabi ni mama at tinanggal ang apron nya tsaka umupo at nakisalo na sakin.
" Ahh sino daw ma ? "- tanong ko kahit alam ko naman na si Yoongi yun.
Napa sapo si mama sa noo nya.
" I forgot to ask his name but he's a guy. Is he your boyfriend ? "- Tanong ni mama.
Bigla naman akong nasamid dahil sa sinabi nya.
" Are you okay ? "- Nag aalalang sabi nya habang hinahagod ang likod ko.
" Yes ma "- Sagot ko at uminom ng tubig
Hindi naman na nag salita si mama kaya tahimik na kaming kumain.
" Sumabay ka na sa akin ngayon anak "- Sabi ni mama at dinala ang pinagkainan nya sa lababo. Sumunod naman ako at nilagay ang plato ko.
" Sige ma "- Sagot ko at nag punta sa banyo para mag toothbrush at mag ayos bago umalis.
Sakto naman na tapos na si mama mag hugas ng plato at sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan nya.
Tinignan ko kung may ibang sasakyan sa labas pero wala. Napa buntong hininga ako.
Tahimik lang ang naging byahe namin ni mama at maya-maya lang nasa school na kami.
" Bye ma. Ingat "- Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi bago lumabas. I looked at her again and waved my hand bago pinag patuloy ang pag lalakad.
Tahimik lang akong naglalakad habang naka tingin sa sahig at sinisipa yung isang bato hanggang sa nauntog ako.
" Aray ko "- Sabi ko at hinimas ang ulo ko tsaka nag angat ng tingin.
" Sorry miss "- Paumanhin nung lalaking baba na tinubuan ng mukha. Hindi si Hoseok to ah.
I shrugged and was about to leave when he stopped me.
" Miss, i'm just new here. Can you please tell me where this building is ? "- Tanong nya na parang nahihiya at pinakita sakin ang schedule nya.
" Oh i see. We're on the same building follow me "- Sabi ko at nag umpisa ng mag lakad.
Tahimik lang kaming dalawa. Nauuna ako samantalang sya nasa likod. Agad akong kumaliwa at ito na yung building namin.
Umakyat kami. Sa 3rd floor kasi ako samantalang sya sa 2nd floor.
" Here. Search your room here "- Sabi ko nang nasa second floor na kami.
" Thanks for the help miss ! I'm Kiel "- Sabi nya at nilahad ang kamay. Tinanggap ko naman ito.
" Nice to meet you Kiel. I'm Aila "- Naka ngiting sabi ko.
" I'm going ! Bye ! "- Paalam ko at umakyat na ulit.
Napa buntong hininga ako at kinuha ang phone ko sa bulsa.
Wala manlang akong natanggap na text galing sa kanya.
Ayan pabebe pa kasi Aila. Ayaw kausapin tapos hinahanap-hanap. Paki explain ang ka-pabebehan na yan.
Eh naman kasi nag eexpect ako na kukulitin nya ako ganun. Na pipilitin nya akong kausapin. Na susunduin nya ako.
Ayan expect pa kasing gaga ka. Ikaw lang din naman nadidisappoint.
Aaaaargh bakit ba lagi nalang may contra sa mga iniisip ko !? Umiling ako at pinag patuloy nalang ang paglalakad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com