[one] 一
Aila's POV
Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin ngayon, syempre nag aayos para pumasok.
" ANAK ! ANDITO NA SUNDO MO "- Narinig kong sigaw ni mama sa baba.
" WAIT LANG PO "- Sigaw ko pabalik at dali-daling nag lagay ng pabango.
Humarap ako ulit sa salamin. Shet ang ganda ko na lalo !
Kinuha ko na ang bag ko at bumaba.
" Bye ma "- Sabi ko at naki beso kay mama na ang bbake ngayon.
" Ingat "- Sabi nya at bumalik na sa pag bbake.
" Ikaw ah, napapadalas na sundo sayo nyan "- Narinig kong sabi ni ate.
" Baka mamaya manliligaw mo na yan "- Dagdag ni ate.
" Wag ka ngang ano dyan ate "- Natatawang sabi ko at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Hay nako my dear ate. Kung alam mo lang na boyfriend ko na to pfft.
Hindi sya lumabas ng sasakyan pero binuksan na nya ang pinto para sakin.
" Good morning "- Naka ngiting bati ko sa kanya nang maka sakay ako ng sasakyan nya. Agad ko din syang hinalikan sa pisngi nang masara ko na ang pinto.
" Good morning din "- Naka ngiting bati nya sakin pabalik.
Agad na nyang pinaandar ang makina at umalis na.
" Asan sila ? "- Tanong ko sa kanya.
" Nauna na sila. Hiniram ko lang tong sasakyan ni manager-nim. Ang sabi ko may nakalimutan ako sa dorm "- Sagot naman nya.
Sinong kasama ko ?
Hulaan nyo dali ! Haha joke.
Kasama ko si Yoongi ngayon at oo boyfriend ko nga sya. Paulit-ulit ?
" Buti pinayagan kang hiramin ulit to "- Natatawang sabi ko.
Tahimik na ulit kaming dalawa at maya-maya lang andito na kami sa school.
Sabay kaming bumaba at naabutan namin ang bangtan (except Jungkook. Malamang kasama nya yung girlfriend nyang hipon)
" Kayo ah "- Pang aasar samin ni Jimin.
" Ano ? "- Kunot noong sabi naman ni Yoongi.
" Napapadalas ata ang pagsasabay nyo "- Malokong sabi ni Hoseok-oppa.
" Napapadalas din na may nakakalimutan ka sa dorm "- Natatawang sabat naman ni Jin-oppa.
" Mga oppa, wag nyo ngang pagtripan si Yoongi ! Ang aga-aga inaaway nyo bebe labs ko ! "- Sabi ko at pinulupot pa ang kamay kay Yoongi.
" Nagkataon lang din talaga na nakita nya ang magandang si ako na nag lalakad "- Naka ngiting dagdag ko at mas lumapit pa kay Yoongi.
" Ayaw pa kasing aminin na may something na sa inyo "- Pahabol na sabi ni Taehyung-oppa.
" Wala nga ! "- Depensa ni Yoongi at tinanggal ang kamay ko na naka kapit sa kanya at umalis.
" OMG BEBE LABS DON'T LEAVE ME ! "- Sigaw ko at hinabol sya.
" Ayan ! Inaway nyo nanaman si Bebe labs ko ! "- Sigaw ko sa kanila at pinagpatuloy ang paghabol kay Yoongi.
Masakit man para sakin na mag panggap na desperadang fangirl sa harap nya, kinakaya ko para walang mag duda saming dalawa.
Kahit na minsan nahuhurt ako sa pangtataboy nya pero alam ko naman na ginagawa lang nya yun para protektahan ang relasyon namin.
" BEBE LABS KO WEYT POR ME ! "- Sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya.
Nang nasa lugar na kami ng wala masyadong estudyante tsaka sya huminto at lumingon sakin.
" Okay ka lang ba ? "- Tanong nya nang makita akong naka hawak sa tuhod ko.
" Okay... lang... naman "- Hinihingal na sagot ko.
Bat kasi ang bilis maglakad ng isang to ?!
" Sorry ah "- Sabi nya at hinila ako paupo sa may fountain.
" Sus, bat ka naman nag sosorry ? Dahil hiningal ako kakahabol sayo ? "- Natatawang sabi ko sa kanya.
" Isa yun. Pero sorry kasi tinanggi ko nanaman yung relasyon natin "- Sabi nya at tumingin sa lupa.
" Yun ba ? Okay lang. Sanay naman na ako tsaka alam ko naman na para din naman yun sa relasyon natin "- Simpleng sagot ko at nginitian sya.
" Salamat Aila ha ? Salamat sa pag intindi "- Sabi nya at hinawakan ang kamay ko
" Wala yun ano ka ba "- Natatawang sabi ko.
Tumahimik na ulit kaming dalawa pero magkahawak ang kamay namin, maya-maya pinag intertwine nya ito kaya napa lingon ako sa kanya, nginitian nya lang ako kaya nag blush ako at umiwas agad ng tingin. Bahagya naman syang natawa dahil sa ginawa ko.
Maya-maya lang binitawan nya ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya, may kinukuha sya sa bag nya at may nilabas na tatlong red roses.
" Para sayo "- Nahihiyang sabi nya at inabot sakin ang bulaklak.
Namumulang tinanggap ko naman yun.
" Sa-salamat "- Kinikilig na sabi ko.
Nakita kong napakamot sya sa batok nya bago tumingin sakin.
" Hindi ako magaling sa ganito pero happy 5th monthsarry satin "- Nahihiyang sabi nya.
Napa ngiti naman ako ng malawak. Buti naman natandaan nya ngayon ! Nung mga nakaraang buwan kasi nalilimutan nya dahil busy sya ngayon naalala nya at may bulaklak pa.
" Ano amm salamat sa lahat. Tsaka alam mo naman na mahal kita diba ? "- Mas lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi nya.
" Arrgh this is no swaeg "- Sabi nya at bahagya akong natawa.
" Salamat bebe labs "- Natatawang sabi ko. Nakita ko naman ang pagka irita nya.
" Sabi ko naman kasi sayo ang korni ng bebe labs. Walang swaeg "- Kunot noong sabi nya.
" Eh anong gusto mong itawag ko sayo ? Baby ? Babe ? Ganun ? "- Natatawang tanong ko sa kanya.
" Ayokong tinatawag mo ko ng kung anu-ano "- Narinig kong sabi nya at umiwas ng tingin sakin.
" Mas gusto ko kapag tinatawag mo kong Yoongi "- Sabi nya habang di naka tingin sakin.
Bahagya kong binangga ang balikat nya.
" Oo na Yoongi ko "- Naka ngiting sabi ko, nakita ko naman na ngumiti sya dahil sa sinabi ko.
" Mas maganda pakinggan yan Aila ko "- Lumawak ang ngiti ko sa sinabi nya.
Tumayo na sya kaya tumayo na din ako.
" Tara ihahatid na kita sa classroom mo "- Sabi nya at sabay na kaming umalis.
Tahimik lang kaming naglalakad. Medyo malapit kaming dalawa kaya medyo lumayo ako pero nagulat ako nang hatakin nya ako papalapit sa kanya.
" Bat ka ba lumalayo ? "- Tanong nya.
" Masyado tayong malapit sa isa't isa baka kung anong isipin nila "- Bulong ko sa kanya at lumayo ng kaunti.
Maya-maya lang natanaw ko si Shana sa may bench at umiiyak.
Agad akong lumapit sa kanya.
" Shana "- Nag aalalang sabi ko at inilagay ang iilang strands ng buhok nya sa tenga nya.
Napa tingin sakin si Shana at agad akong niyakap. Napa lingon ako kay Yoongi sa likod. I mouthed him na mauna na sya kasi sasamahan ko pa si Shana. Tumango naman sya pero bago syang umalis tumingin muna sya sa kanan at kaliwa before mouthing me i love you na nakapag pa-ngiti sakin.
Nang maka-alis na si Yoongi, binalik ko kay Shana ang atensyon ko at hinagod ang likod nya.
" Aila, bakit ganun sya sakin "- Umiiyak na sabi nya. Medyo nilayo ko ang sarili ko sa kanya para makita ko ang mukha nya, agad ko namang pinahid yung luha nya.
" Kasi nga gago sya. At ang mga dyosang katulad mo hindi umiiyak sa mga gago "- Simpleng sagot ko at nginitian sya.
" Wag ka na umiyak. Tara na pasok na tayo "- Sabi ko sa kanya at inalalayan syang tumayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com