Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

[two] 二

Aila's POV

Kanina ko pa iniintay si Yoongi dito sa may likod ng building. Sabi nya kasi magkikita kami bago kami umuwe. Pero punyeta halos kalahating oras na ko dito.

Umupo ako sa may damuhan at nilaro yung mga damo. Maya-maya lang may narinig akong papalapit kaya agad akong napa tayo at ngumiti.

Agad ding nawala ang ngiti ko nang hindi si Yoongi ang dumating.

" Oh iha ? Anong ginagawa mo dito ? "- Tanong nung janitor sakin.

" Wala po, may nalaglag kasi ako dito kanina hinahanap ko lang po "- Sagot ko at nag panggap na naghahanap.

" Ano ba yung nahulog mo ineng ? "- Tanong ulit nya at tinulungan akong mag hanap.

" Basta ho manong, ako nalang po maghahanap "- Wala naman na akong narinig na sinabi ni manong at umalis na sya.

Nang wala na si manong umayos na ako ng tayo at kinuha ang phone ko sa bulsa at tinext si Yoongi.

To: Yoongi ko ♡

Asan ka na ?

Nang masend ko na ang text, binalik ko sa bulsa ko ang phone at inintay ulit sya. Maya-maya lang nag vibrate ang phone ko kaya agad-agad ko itong kinuha.

From: Yoongi ko ♡

Sorry Aila, may meeting kami. Akala ko naman kasi saglit lang to. Sorry talaga

Agad kong binalik ang phone ko sa bulsa at umalis na.

Nag-intay lang ako sa wala. Ang nakakainis pa, hindi nya agad sinabi sakin para hindi sana ako nag-intay.

Masama ang loob akong umalis ng school at naglakad pauwe.

" Girl, magkaiba ang priority sa importante. Oo importante ka sa kanya pero hindi ikaw ang priority nya "

Napa-irap ako sa narinig kong usapan ng dalawang babaeng nasa harap ko.

Mas binilisan ko nalang ang paglalakad at agad na pumasok sa bahay. As usual, ako lang ang tao. Si ate ewan ko kung nasaan, sila mama naman wala.

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nag bihis ng pambahay at bumaba para kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng pag kain nang tumunog ang phone ko. Si Yoongi tumatawag.

Umirap ako at tinuloy nalang ang pag kain ko. Nagtatampo ako sa kanya. Bahala sya dyan.

Maya-maya lang tumigil na ang pag-tunog ng phone ko. Nag eexpect ako na kukulitin nya ako at tatawagan ng tatawagan hanggang sagutin ko, pero ano pa nga bang aasahan ko ?

Ayan, assume pa kasi Aila. Edi mas lalong sumama loob mong gaga ka ?

Agad kong inilagay sa sink yung pinagkainan ko at hinugasan at nang matapos ako, kinuha ko ang phone ko at nanood nalang ng tv.

Nice one. Wala manlang text o kahit anong galing sa kanya. Nice Yoongi, very nice.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng tv nang mag ring ang phone ko. Si Shana, tumatawag. Agad ko namang sinagot.

[ He-Hello, Aila ]- Napa kunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Shana.

" Ikaw pala Shana, ano yun ? Teka umiyak ka ? "- Paanong hindi ko malalaman na umiyak tong babae na to ? Nako ! Malaman ko lang na si Jungkook nanaman may kasalanan nito lagot na talaga sya sakin !

[ Pwede ba ko makitulog dyan sa inyo mamaya ? May interview kase si Jungkook eh ]- Mas napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Bat kailangan nya pang umalis ? Eh noon naman hindi na nya kailangan umalis.

" Oo sige punta ka nalang dito. Pero ichichika mo sakin kung bakit ka umiyak. Sige bye "- Yan nalang ang nasabi ko, mas maganda kasi kung ikukwento nya sakin ng face-to-face nang mabatukan ko sya.

[ Salamat. Bye ]- Paalam nya at binaba ang tawag.

Nanood nalang ulit ako ng tv at maya't maya ang pag tingin sa phone ko.

Nag eexpect kasi ako ng tawag o text manlang galing kay Yoongi pero wala talaga.

Akala ko pa naman ito na ang happiest monthsarry namin, pero mukhang worst.

Maya-maya lang narinig ko na may nag doorbell at nakita ko si Shana na umiiyak at napag-alaman kong nilooban sila at muntik na syang ma-rape.

Nadagdagan nanaman ang dahilan ko para magalit kay Jungkook. Sa totoo lang ayaw ko kay Jungkook para kay Shana.

Lagi nalang nyang sinasaktan yung kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi mahalin sya at gawin ang lahat para sa kanya.

Ewan ko talaga kung sino sa dalawang to yung tanga. Si Jungkook ba o si Shana.

Sinundan ko lang ng tingin si Shana nang umakyat na sya. Napa tingin ako sa TV.

Pinublic na ni Jungkook ang relasyon nila ni Yanna. Yung amin kaya ni Yoongi kelan ?

Napa buntong hininga nalang ako at pinatay ang tv at kumain mag-isa ng dinner.

Agad akong umakyat sa kwarto ko nang tapos na akong kumain, sinilip ko muna si Shana bago ako pumunta sa kwarto ko.

Nag linis muna ako ng katawan at habang tinutuyo ko ang buhok ko pumunta muna ako sa veranda at nagpahangin.

Maya-maya may narinig akong naggigitara sa may baba at hindi ko mapigilang mapa ngiti nang makita si Yoongi.

" Haruman neowa naega hamkkehal su itdamyeon~
haruman neowa naega sonjabeul su itdamyeon~
haruman neowa naega hamkkehal su itdamyeon
haruman (haruman)
neowa naega hamkkehal su itdamyeon "- Nang matapos nyang kantahin yun ay nakita ko syang naglabas ng bouquet.

Sumenyas ako sa kanya ng sandali at dali-daling bumaba at lumabas.

" Ano to ? "- Naka ngiting tanong ko sa kanya nang kunin ko ang bouquet.

" Feeling ko ang laki na ng atraso ko sayo kaya naisipan kong bumawi "- Nahihiyang sabi nya at kinamot pa ang batok nya.

Agad ko naman syang niyakap.

" Magtatampo na talaga sana ako sayo kasi hindi mo manlang ako kinontact "- Kunyare nagtatampong sabi ko at kumalas sa yakap.

" Kaso hinarana mo ko bigla akong kinilig "- Kinikilig na sabi ko.

" May kasama ka ba ? Labas tayo ? "- Tanong nya habang tinitignan yung bahay namin.

" Meron. Andito si Shana "- Simpleng sagot ko at tumingin sa bahay.

" Ahh oo nga pala. Dahil kay Jungkook "- Parang dismayadong sabi nya.

" Pero dali na, labas tayo. Saglit lang to promise "- Sabi nya at hinila ang kamay ko tsaka ko lang nakita na may dala syang motor.

" Baka naman gusto mong mag bihis muna ako ? "- Tanong ko sa kanya.

Naka pajama kasi ako at loose shirt.

Sinuotan lang nya ako ng helmet at hinawakan ang kamay.

" Maganda ka naman kahit ganyan lang suot mo. Sakay na "- Naka ngiting sabi nya. Nag blush naman ako at sumakay na sa motor nya.

Dahan-dahan lang magpaandar si Yoongi at maya-maya inihinto nya ang motor sa may parang open field at doon ko nakita na may basket at blanket.

At doon ko lang din nakita si Namjoon.

" Salamat sa pag bantay "- Naka ngiting sabi ni Yoongi at pinat pa ang balikat ni Namjoon.

" Alam nya ? "- Bulong na tanong ko kay Yoongi.

" Oo. Mapagkakatiwalaan naman sya "- Sagot ni Yoongi.

" Enjoy nyo date nyo. Sana tumagal pa kayo "- Sabi ni Namjoon at pinat ang balikat ni Yoongi at ginulo ang buhok ko.

" Tara "- Sabi ni Yoongi at hinila ako paupo ng blanket.

May nilabas syang cake at sinindihan ito.

" Wow ! May cake pa ! "- Tuwang tuwa na sabi ko.

" Actually binili ko to sa bakery nyo "- Nahihiyang sabi nya, napa tawa nalang ako.

" Wish tayo ? "- Tanong ko, tumango lang sya.

Pinikit ko ang mata ko.

" Sana tumagal pa yung relationship natin at sana walang sumira satin. Tayo ang magpapatunay ng forever "- Sabi ko at bahagyang natawa sa huling part na sinabi ko.

Agad kong minulat ang mata ko at inihipan namin ng sabay ang cake.

Sinimulan na naming kainin ang cake.

" OMO ! SHOOTING STAR ! "- Sigaw ko at tinuro.

" Wish tayo ! "- Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Yoongi.

" FOREVER KAMI NI YOONGI KO ! "- Naka ngiting sigaw ko.

" FOREVER KAMI NI AILA KO ! "- Sigaw naman ni Yoongi at nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa.

" I love you "- Naka ngiting sabi nya sakin. Niyakap ko sya ng mahigpit.

" I love you more "- Naka ngiting sagot ko at naramdaman ko na hinalikan nya ako sa may ulo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com