Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

[three] 三

Aila's POV

Hindi ko talaga malimutan yung nangyare kagabi. Hanggang ngayong pag gising ko kinilig parin ako.

Hindi naman sa nagpapaka-OA ako pero kasi first time na nag effort ng ganito si Yoongi sakin.

Oo lagi naman nya akong binibilhan ng mga kung anu-ano at nag didinner date din kami sa labas pero kasi yung kagabi ? Iba kasi eh.

Napaka special.

Agad akong bumangon ng may ngiti sa labi at nag ayos na para pumasok.

Lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko si Shana na nagluluto ng agahan namin.

" Ang ganda naman ng gising mo "- Naka ngiting sabi nya pero hindi abot sa mata nya.

She's in pain

" Syempre naman ! Maganda kasi ako "- Naka ngiting sabi ko. Nakita ko ang pag irap nya at tinuloy na ang pag luluto.

Maya-maya lang tapos na syang mag luto kaya sabay na kaming kumain at sabay na nag lakad papasok.

Sabi ko kasi kay Yoongi na wag nya muna akong sunduin ngayon dahil nasa bahay nga si Shana at nag sususpetsya na ang iba nyang ka-grupo.

Hindi ko talaga alam sa babae na to kung bakit ang galing galing nyang mag panggap. Pinipilit nyang ngumiti kahit nasasaktan na sya. Pinapakita nyang okay na sya kahit hindi naman.

Minsan di ko talaga alam kung maaawa ako o maiinis sa babae na to. Napaka great pretender. Kabanas. Sana naman kahit minsan ipakita nya din na mahina sya, na nasasaktan sya para naman atleast tumigil sila sa pananakit sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang may humarang saming dalawa at sinabunutan kami.

Syempre hindi naman ako papatalo no ! Pero sadyang mabait kasi ako hindi ko masikmura ang mga cat fight. Trash talkan pwede pa.

Dumating sila Sky at inawat kami. Agad naman na tumakbo yung tatlong babae.

" PUCHA ! YUN NA YON ?! HOY BUMALIK KAYO ! DI PA TAYO TAPOS ! "- Sigaw ni Shana. Agad akong tumayo at inayos ang damit ko.

" Tama na, compose yourself Shana "- Sabi ko sa kanya. Agad naman nyang kinuha ang bag nya at pumunta sa CR.

" Salamat talaga at dumating kayo "- Pasasalamat ko kay Sky.

" Hindi ko na alam kung anong mangyayare sakin kung hindi kayo dumating "- Umiiling na dagdag ko.

" Wala yun. Good thing you're okay. May masakit ba sayo ? Knowing you, hindi ka katulad ni Shana na handang makipag sabunutan "- Concern na sabi ni Sky sakin. Umiling naman ako.

" Wala naman, medyo masakit lang yung anit at siko ko. Leche ang sakit manabunot nung mga yun "- Galit na sabi ko at hinimas ang ulo ko.

" May sugat ka "- Sabi ni Mark na ka-grupo ni Sky at hinawakan ang siko ko.

Tinignan ko naman ito at oo nga. May malaking gasgas.

" Mas okay na siguro kung pumunta ka ng clinic "- Sabi ni Sky.

" Yeah pupunta nalang ako mamaya, isasama ko si Shana "- Sabi ko at kinuha na ang packbag ko.

" Pupuntahan ko lang si Shana. Pasok na kayo "- Naka ngiting sabi ko. Ngumiti sila pabalik sakin at ginulo ni Sky ang buhok ko atsaka sila umalis.

Nag lakad na din ako papunta sa CR. Paliko na sana ako nang may humablot sa braso ko.

" Ouch "- Sabi ko, siko ko kasi ang nahawakan nya, yung may sugat.

Napa-angat ang tingin ko sa humila sakin at napa ngiti ako nang si Yoongi ang makita ko.

" Yoongi ko, anong ginagawa mo dito ? "- Naka ngiting tanong ko sa kanya.

Seryoso lang syang nakatingin sakin at sa siko ko na may sugat.

" Sinong gumawa sayo nito ? "- Seryosong tanong nya.

" Narinig ko kanina na may inaway yung mga kaibigan ni Yanna. Kayo ba yun ? "- Tanong ulit nya.

Bumuntong hininga ako at tumango.

" Okay ka lang ba ? "- Nag aalalang tanong nya habang inaayos ang buhok ko.

" Medyo masakit lang yung anit at siko ko but i'm fine. Si Shana ang inaalala ko "- Sagot ko at bumuntong hininga.

" Nasaan ba sya ? "- Tanong nya at luminga-linga.

" Nasa CR "- Simpleng sagot ko at tumingin sa daan na papuntang cr.

" Sasamahan na kita "- Sabi nya at hinawakan ang kamay ko atsaka ako hinila.

" Yo-yoongi "- Tawag ko at pilit na tinatanggal ang kamay nya.

" Wala ng estudyante ngayon kaya wala ng makakakita. Tsaka ano naman ? Girlfriend naman kita "- Cool na sabi nya.

Hindi ko naman mapigilang mamula dahil sa sinabi nya. ASDFGHJKL MIN YOONGI CAN U NOT !?

Naka dating na kami sa tapat ng cr at agad na binawi ang kamay ko nang bumukas ang pinto pero hindi si Shana ang lumabas. Si Yanna at ang mga alagad nya.

Tinignan ko sya ng masama.

" You bitch "- Mataray na sabi ko. Ngumisi lang sya sakin.

" Ano ? Nag sama ka ng resbak Aila ? "- Pang aasar nung isa nyang alipores.

" Ang weak mo naman pala. Ni hindi ko nga alam kung lumalaban ka pa kanina "- Dagdag nung babaeng sumabunot sakin.

" Oo walang akong binatbat sa pakikipag away o sabunutan pero kayang-kaya kong ihampas sa mukha mo yung grades kong puro uno. Isa kang example ng taong nakakapag aral pero hindi edukado. Tabi nga "- Mataray na sabi ko at binangga sila atsaka pumasok sa loob ng cr.

" Shana ? "- Tawag ko at may narinig akong mga hikbi sa dulong cubicle.

Sabi na eh

" Shana, andyan ka ba ? Tara na malelate na tayo "- Sabi ko habang naka-tapat sa dulong cubicle.

Maya-maya bumukas yung nasa pinaka una at lumabas si Shana.

" Aila ? Anong ginagawa mo dyan ? "- Tanong ni Shana.

" Akala ko ikaw yung humihikbi dito "- Nagtatakang sabi ko at nakaturo.

Parang biglang kinabahan si Shana.

" A-aila wag ka ngang mag biro "- Kinakabahan na sabi nya.

" Kalalabas lang nila Yanna at walang ibang pumasok dito "- Bigla akong kinabahan sa sinabi nya at mamaya may narinig kaming umiiyak.

" T-tsaka pang utility yang last cubicle "- Nagkatinginan kaming dalawa.

" AHHHHHH "- Sabay naming sigaw ni Shana at tumakbo palabas ng CR.

" Anong nangyare sa inyo ? "- Kunot noong tanong ni Yoongi samin.

" Waaaa may multo sa CR ! Huhuhuhu "- Sabi ni Shana na kapit na kapit sakin.

" Akala ko kasi ikaw yung nandun eh ! "- Natatakot kong sagot at kumapit sa laylayan ng damit ni Yoongi.

Galawan 101 ft. Aila oyeh~ pfft.

" Tch. Tara na nga ihahatid ko na kayo sa classroom nyo "- Sabi ni Yoongi at hinawakan ang kamay ko tsaka ako hinila.

Kapit na kapit padin sakin si Shana habang papalapit kami sa classroom namin.

" Pasok na kayo "- Sabi ni Yoongi at binitawan ang kamay ko.

" Huhuhu ayaw ko na pumunta ng cr waaaa "- Natatakot na sabi ni Shana at pumasok sa loob.

Tinignan ko si Yoongi.

" Pasok na ko "- Paalam ko sa kanya.

" Hindi ka ba pupunta sa clinic ? May sugat ka "- Nag aalalang sabi nya at hinawakan ang braso ko.

" Hindi na, sugat lang naman to hindi naman nakakamatay "- Naka ngiting sabi ko at akmang papasok na ng hawakan nya ang kamay ko.

" Hindi, pupunta ka sa clinic. Sasamahan kita "- Sabi nya at dumungaw sa pinto ng classroom namin.

Tsaka ko nakita si Shana na katabi ang asawa nya na kasama si Yanna.

" SHANA ! "- Napalingon sila nang sumigaw si Yoongi.

" Dadalhin ko lang sa clinic si Aila "- Paalam ni Yoongi. Agad ko namang hinila ang laylayan ng damit nya kaya napa tingin sya sakin.

" Hindi natin pwedeng iwan yan dyan. Tignan mo naman, katabi nya si Jungkook at Yanna "- Sabi ko at tinignan si Shana.

" Shana ! Sama ka na samin, may sugat ka din "- Tawag ko sa kanya.

" Hindi sige okay lang ako. Ingatan mo si Aila Yoongi ah "- Naka ngiting sabi ni Shana.

Agad naman akong hinila palayo ni Yoongi.

Pero kasi si Shana... hindi ko naman sya pwedeng iwan. Aish ! Bahala na nga. Kasama ko naman si Yoongi kaya okay lang huahua.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com