Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3



             "Weng, may sched ba ako ngayon?" tanong ni Samira sa personal assistant niya na si Weng.

"Wala. Clear sched mo ngayon." sagot nito sa kabilang linya.

"Sige. Sabihin mo lang kapag meron, as long as sem break namin, I'll be working on my modeling activities."

"Sure, just be alert at all times. Anytime ay maaari akong tumawag."

They bid goodbyes and hang up.

Umupo siya sa stool bar na nakaharap sa counter island at pinagpatuloy ang pagkain sa diet soup niya. She needs to get back in shape again dahil anytime ay may darating na offer sakaniya. Balak niya rin sana mag-gym—

"Girrrrl!"

Muntik na niyang maibuga ang kinakain nang biglang sumulpot si Perry mula sa kung saan.

"Hindi ka manlang nag-doorbell!"

"What's the use of that when I have a duplicate card of your condo."

Napa-face palm nalang siya. She actually gave her a duplicate of her condo card when she stayed here for a week nang maglayas siya sa Kuya niya.

"Bakit ka ba nandito?"

"Ay ayun! Naalala ko na! So eto naaa!" parang kiti-kiti itong umupo sa katabi niyang stool bar at pinaharap ako sakaniya.

Nagtataka ko siyang tiningnan nang pinilit niya akong tingnan siya sa mata at pinaupo ng maayos. Pinagpag pa niya ang suot nitong pajama at pina-straight ang mga braso sa mismong tabi niya. Tinampal-tampal ang pisngi niya at inayos ang buhok niya at hinawakan ang magkabilang braso niya ng mahigpit.

"Hindi ka magagalit?"

Nagtataka siyang tumingin dito, "bakit ako magaga—"

"Humindi ka nalang!"

"Ayoko nga. Baka kung ano nanaman—"

"Basta, hindi nalang!"

"Hindi na."

"Hindi ka maiinis?"

"Ano bang—"

"Basta sabihin—"

"HINDI!

"Hindi ka malulungkot?"

"HINDI NA!"

"Hindi ka magseselos?"

"Hi—ha? Bakit naman?"

"Girl, hindi nalang, please?"

"Hindi?"

"Hindi talaga?"

"Hindi... ano bang—"

"MaynililigawannasiBlue!"

Napapikit si Perry pagkatapos nitong sabihin iyon. Mabilis man iyon pero agad na nag-process sa utak ni Samira ang sinabi niya.

May nililigawan na si Blue?

A familiar feeling starts to grow inside her and it took all her might to let her stop from feeling it.

"Lol, okay." tanging nasabi niya na hindi makatingin sa kaharap niya. "'Yun lang pala." labas sa ilong na sabi niya.

Unti-unting napamulat si Perry at tiningnan ang kaibigan na halos kainin na pati ang bowl na pinaglalagyan ng soup dahil sa sunod-sunod nitong subo doon.

"Hindi ka galit?"

"Bakit ako magagalit?" natatawa nitong sabi.

"Weh? Talaga? Hindi ka galit? Magkapimples ka man?"

Aba, gaga 'to.

"Hindi nga. Ano naman kung may nililigawan na siya?" pagbabalewala ni Samira sa balita ng kaibigan. Pinagbalingan niya ang lalagyan ng fruits na nasa counter lang din at kumuha ng isang apple at kinagatan 'yun agad-agad.

"Huy! Miraaa!" naiiyak niyang yinugyog ang kaibigan at yinakap ito kahit na nakatagilid na ito sakaniya.

"Ang OA mo! Wala naman saakin 'yun!"

"Miraaa! Nagseselos ka ba?" pinaharap niya ito sakaniya at tiningnan sa mata. Hindi naman makatingin-tingin ang kaibigan sakaniya at panay ang tutok sa kinakaing mansanas.

"Gaga! Bakit ako magseselos?" inirapan na niya ang kaibigan at bumaba na sa stool bar na inuupuan at tinapon ang naubos agad na mansanas.

"Maka-gaga 'to! Edi hindi na!" pabiro niya itong tinulak. "Tara, shopping nalang tayo?"

Tumingin ito sakaniya, "may pera ka?"

"Ikaw, may pera ka?" balik niyang tanong dito.

"Ikaw nga, may pera ka?"

"Ikaw, may pera ka nga?"

Sinapok siya nito sa ulo, "nag-aaya ka wala ka naman palang pera."

"Pina-freeze ni Kuya Impaktito yung mga cards ko!" pagdadahilan niya.

"Hala, sumbong kita sakaniya."

"Close kayo?"

"Pag sinumbong kita, magiging oo."

"Anubayan. Sige, samahan nalang kita dito sa condo mo." humalukipkip siya at nangalumbaba sa counter island habang pinaplano ang mga ways niya para hindi na malungkot ang kaibigan.

"Joke lang. Sige na, I'll take a bath first."

Agad siyang napangiti ng malaki sa sinabi ni Samira at nagtatalon na bumaba sa stool bar.

She'll make her happy for this day!


***


            "Puro outdated naman mga dress nila dito." nakasimangot na sabi ni Samira habang iniisa-isa ang mga damit sa clothes rack.

"'Wag ka nga. Maghanap ka nalang ng kung ano matipuhan mo diyan." sabi naman ni Perry na may dala ng trolley sa dami ng piniling damit.

"Bakit ang dami naman niyan? Ikaw magbabayad niyan lahat?" nakakunot noong sabi niya habang nakatingin sa trolley na nasa likod nila.

"U-utang muna ako, girl. Bayaran kita kapag nauto ko na si Kuya." kinindatan siya ng kaibigan.

"Thick-faced btch. Kaya pala ang lakas ng loob mo pumili ng marami." natatawang sabi niya.

Tinawanan din siya ng kabigan, "'wag ka mag-alala. Kapag naibalik na cards ko, bibilhin ko 'tong buong mall para sa'yo."

"Na-record ko 'yun." sabi niya at pinakita ang phone niyang nakarecord.

"Ay, gaga ka!"

Nagtawanan silang dalawa. Samira knew how rich this princess is at kayang-kaya ne'tong totohanin ang sinabi niya kaya naman ay pinabayaan nalang niya ang kaibigan na itapon ang kung anong magustuhang dress sa trolley.

She was scanning each dress inside the luxurious store when she heard a familiar voice coming from outside the store.

"You sure you want to shop here?"

Agad siyang napalingon doon at nakita ang best friend niya kasama ang nililigawan niya. Sandali siyang natigilan at nang may maisip na ideya ay agad na sumilay ang isang pilyang ngiti.

Naglakad siya at nang malapit na siya sa kanila ay agad siyang umaktong nagulat.

"Woah! Blue?"

Napangiwi siya sa loob sa sobrang plastik ng dating nun.

"Mira." napatingin ito sakaniya na halata ring nagulat.

Pinasadahan niya ng tingin ang kasamang babae ni Blue. Long black hair, fair-skinned, skinny, average height, medyo beautiful. Ayos lang.

"Hi!" cheerful na bati niya sa babae.

Be kind to your best friend's 'soon-to-be-girl'. Lol.

"I'm Samira, Blue's bestfriend!" nakangiti niyang nilahad ang kamay.

Tiningnan muna ng babae ang kamay niya bago tinanggap 'yun. "I'm Winnie, nililigawan ni Blue."

"Alam ko." nakangiti parin niyang sagot. Napatingin siya sa dalawa at agad na sumulyap sa likod nila, kunwari naghahanap ng kung ano.

"Hmm, what if we eat lunch together?" tumingin siya sa wrist watch niya, "it's almost lunch na rin naman, baka nagugutom na kayo?"

"Mira—"

"Sure." agad na sagot ng babae na nakatingin sakaniya ng matiim. "Nagugutom na rin ako eh."

"Great! Gusto ko rin namang makilala 'tong nililigawan ni Blue." ngumiti siya at tinapik ang babae sa balikat niya.

"Girl—uy, anong ganap?" napaharap siya sa kaibigan na sumulpot sa tabi niya.

"Tara, I'll treat them lunch." agad niyang hinila ang kaibigan.

"T-teka, 'yung mga dressssss." inabot niya ang kamay sa loob ng store.

"We'll be back." pinanlakihan niya ito ng mata at ngumiti sa dalawa na mukhang natuod sa kinatatayuan nila.

"Let's go!"


---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com