Chapter 4
Chapter 4
"So, since when ka pa nililigawan ni Blue?" pag-uusisa ni Samira habang hinihiwa ang steak na nasa plato niya.
"Just the other day." sagot ng babae na nasa tabi ni Blue na katapat ko lang.
"Oh, bago lang pala. Kaya siguro hindi ako na-inform ne'to ni Blue." tinuro niya si Blue gamit ang butter knife na hawak.
"Hindi pa pala niya nasabi?"
"Hindi pa nga eh. Nakakatampo talaga minsan 'tong best friend ko." kunwaring nagtatampo ang ekspresyon niya at tumingin kay Blue, "naglilihim ka na saakin, ha?"
"He's probably not yet ready to tell you." mahinhin niyang sabi at sumubo ng Alfredo Pasta. Masyadong bland naman ang taste ng babaeng 'to.
"Maybe." she shrugged at bumaling sa katabing si Perry na tahimik lang na nakatingin sa babae na parang sinusuri ito. Napatingin siya sa plato nito at nakitang halos magkalasog-lasog na ang pork ribs na hinihiwa.
Tinulak niya ito gamit ang siko niya kaya napatingin siya saakin. Pinanlakihan niya ito ng mata at nginuso ang ribs na hindi na makilala ang itsura.
"Oh shit." bulong ng kaibigan at napangiti sakaniya, "sorry, na-carried away."
"The food tastes great, noh?" pag-iiba niya ng topic.
"Yeah. It's tasty."
Sasabihin na sana niyang dito sila madalas kumakain noon ni Blue pero naunahan na siya ng babae.
"We should eat here some other time when we date, Blue." nanlalambing na sabi ng babae kay Blue. She even cling her arms on Blue's.
"Ew," agad niyang nakurot sa tagiliran si Perry nang ibulong 'yun ng kaibigan. "Ouch."
Nanliligaw palang, date agad?
"So," she cleared her throat, "saan kayo nagkakilala? Paano?" parang imbestigador kung magtanong ito.
"Sa birthday party ng friend namin. That friend introduced us to each other." parang kinikilig pa niyang sagot.
"Talaga?" parang interesadong reaksyon niya. "Then, you guys started knowing each other?"
Tumango ito kaya tumang-tango siya at nagsimula nanamang hiwain ang steak sa plato niya.
"That's sweet." ngumiti siya sakanila habang nginunguya ang isinubong steak.
"How did you guys communicated after the said party?" tanong pa niya. She was so damn curious. Ang daming gusto niyang itanong pero gusto niya dahan-dahanin ang pagtatanong.
Halos matawa-tawa naman si Perry dahil sa pagiging maisyuso ng kaibigan. Tinalo niya pa ang mga reporter na napapanood niya sa TV na sabik na sabik kumuha ng report sa mga tao.
"That friend of ours gave our numbers to each other and we started texting after that."
"Really?" napataas pa ang dalawang kilay niya.
Why do I have the urge na kalbuhin 'yung friend nilang 'yun? Masyadong pabida.
"Sweet ba 'tong si Blue kapag magkatext kayo? Caring? Loving?"
Napatingin nalang si Perry sa kaliwa niya upang pigilan na matawa sa kagagahan ng kaibigan. Chill lang, girl. Napaghahalataan ka.
"He's caring. Palagi niyang sinisigurado na safe ako."
Security guard? Bodyguard?
"—he makes sure I eat my breakfast, lunch, dinner. Basta hindi ako nagugutuman."
Yaya? Nanny?
"—and he sends cute emojis and nakakakilig na mga banat."
Ay, pakboi naman pala.
She tried to not laugh. She just knew Blue very well and seeing him blush and ashamed makes her want to laugh out loud at the very moment.
"Awww," napatingin siya kay Blue na binibigyan na siya ng matatalim na tingin. He probably knew what's going on in her head right now.
"So sweet, noh? Ikaw talaga, Blue, hindi ko naman alam na may sweet bones ka diyan sa katawan mo." she giggled but she tried to surpress her laugh.
She asked a series of questions afterwards. Just basic questions, where is she from, what school she goes to, and more.
"I'll just go to the rest room." sabi ni Winnie at tumayo.
"Napadami ako ng kain, ako din." sumunod naman si Perry.
Tumango siya at inayos ang hand bag niya.
"Samira."
Napatingin siya kay Blue na nakakunot noo at mas tumalim ang tingin sakaniya. Ba't nagagalit 'to?
"What?"
"Akala mo hindi ko napapansin ginagawa niyo ni Perry? Pinapahiya niyo si Winnie."
What? Kailan pa?
"Wala akong maalala na pinahiya namin siya."
"Kilala kita. Alam ko anong pumapasok diyan sa isip mo. You're questions and remarks are making her uncomfortable."
"It seems like hindi naman. She answers back at nagkekwento pa nga. Is that uncomfortable to you? Mukha ngang magkakasundo pa kami." she mentally rolled her eyes on the last part.
"At least respect her. Hindi 'yung kung ano-ano ang tinatanong mo sakaniya."
"I was curious! Gusto ko lang makilala 'yang nililigawan mo!" naibaba na niya ang hawak na handbag.
Hindi naman matuloy-tuloy ng waiter ang paglilinis sa lamesa dahil sa dalawang nagsasagutan. Kukunin na sana niya ang plato pero panay ang pag-iwas ng dalawa sa kamay niya habang nag-uusap sila. Masyadong na-carried away. Naiilang nalang siya na tumango at umalis.
"But you don't have to confront her that much! Tama bang tanungin kung anong klaseng pamilya siya nanggaling?"
"Correction, I was asking kung ano ang pinagkakaabalahan ng pamilya niya."
"It's the same thing! You're invading her privacy. Nakikisama nalang yung tao at napipilitang sagutin ka. Daig mo pa sila mom kung mang-usisa."
"Then, I'm sorry! Sorry if I'm that curious! I didn't even know you are courting someone! Magkasama lang tayo kahapon and you didn't even bother to tell me?" may hinanakit na sabi ni Samira at napatayo na. "Waiter, give me the bill!"
Agad-agad naman na lumapit ang waiter at akmang ibibigay na ang bill kay Samira pero napatayo si Blue at doon natuon ang atensyon nila.
"Sasabihin ko naman! But not now!"
"Kailan? Kapag kayo na?"
"No! I will tell you sooner but now is too soon."
"Then kailan pa? Bakit ka ba naglilihim saakin? No secrets, diba?" naiiyak niyang sabi.
"It's my choice!"
"Oh. Then sorry! Choice ko rin na tanungin siya! We all have our choice, right?"
"What's happening?"
Agad silang napaharap sa dumating na si Winnie na halata ang pagtataka sa mukha.
"I-it's my choice—m-my choice to pay the b-bill." inagaw ni Blue ang bill sa waiter.
Umirap naman si Samira at taas-noong lumabas ng restaurant kahit na nag-iinit na ang mga sulok ng mga mata niya.
Bwisit. Argh.
---
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com