Chapter 5
Chapter 5
"Nakakainis talaga." pinagdiskitahan ni Samira ang hinihiwa na avocado at pinagtutusok 'yun ng tinidor.
"Girl, guacamole ba ang breakfast mo? Infairness, mukhang hindi ka nahirapan na tadtarin 'yang avocado." pagbibiro ni Perry habang kumakain ng granola bar na kinupit niya sa pantry ng kabigan.
Sinamaan ni Samira ng tingin ang kaibigan. "Joke lang. Akin na nga 'yan baka mamaya saakin mo na itarak 'yang tinidor na hawak mo."
Nagpalit ng lugar ang dalawa. Si Perry na ang naghahati sa avocado samantalang nakabusangot na umupo si Samira sa stool bar.
"Maiba tayo. Nakausap ko 'yung nililigawan ni Blue nung nasa CR kami."
Agad na nakuha nun ang atensyon niya. "Anong sabi?"
"Wala naman—"
"Anong wala? Kinausap mo nga diba? Ano nagtitigan lang kayo?"
"Teka lang! 'Di pa ako tapos!" siya naman ang tiningnan ng masama ng kaibigan.
"Spill it."
"So, tinanong ko siya kung seryoso ba siya kay Blue, mga ganun. Feeling bestfriend kuno ako." kumindat pa siya.
"Tapos? Ano sabi?" sabik na sabik na tanong niya.
"Malamang sabi niya oo daw. Pero—"
"Pero???"
"Hoy! Teka nga lang! Bakit ba mukhang hype na hype ka diyan?" tinuro siya nito gamit ang kutsilyo. Napaiwas naman siya. "Sigurado ka bang 'di ka pa nakakamove-on?"
"Gaga! Curious lang!" napa-irap siya.
"'Curious lang'." she mocked her. "Pero ayun nga, hindi ko talaga ka-vibes yung babaeng 'yun. She seems a bit off to me."
"Paano mo nasabi?"
"Ewan ko ha, but I have this feeling na...basta. Hindi ko siya ma-pinpoint."
"Princess Instincts?" nang-aasar niyang tanong.
"Naman!" nagtawanan sila.
"Basta, warningan mo nalang si Blue." sabi niya at ibinaba sa harap niya ang avocado sandwich na kanina pa niya sinusubukang gawin.
Nakasanayan na nilang dalawa na gawan ang isa't isa ng almusal. Dulot narin siguro nang dahil lagi sila ang magkasama.
"Buti sana kung nag-uusap kami." kumagat siya sa sandwich at agad na napangiti sa lasa nito. Isa sa mga gustong-gusto sa kaibigan ay kapag lumalabas ang chef side nito na namana niya sa nanay niya.
"Hindi ba kayo nag-uusap?" nagtataka nitong tanong.
Umiling siya.
"Nag-away kayo nun, noh? 'Yung sa restaurant?"
She just shrugged. Bwisit kasi 'yung Blue na 'yun.
"Ayos lang 'yan, girl." tumabi ito sakaniya. "Gusto mo ireto kita sa Kuya ko?"
"Gaga!" binato niya ng nakahiwang pipino ang kaibigan at sabay na nagtawanan.
***
A week passed. Classes resumed and Samira is late, as usual.
"Girl, nasaan ka na ba? Nandito na si prof." ang nagpapanic na boses ni Perry and sumalubong sakaniya pagkasagot niya sa tawag nito.
"I'm coming. Baka malate lang ako ng ilang minuto." sagot niya at inabot ang biniling Iced Americano. "Thank you." sabi niya nang maiabot ang bayad.
"Kung sana dumiretso ka na dito, ano? Kaysa sa dumaan ka pa sa Starbucks."
"Malapit na ako. Ilang streets nalang naman nasa univ. na ako." sumipsip siya sa kape niya at napangiti nang malasahan ang pamilyar na lasa nun. Oh, how coffee makes her day better.
"Sige na, bilisan mo."
Ibinaba na niya ang phone at agad na nag-maneho papunta sa university nila. She was humming as she drives. Naiimagine na niya ang mukha ng terror prof. niya sa unang subject. Nakakabuo rin ng araw ang isang 'yun.
She was drinking her coffee while driving when a sudden force that came from the back of the car shocked her big time. After a few seconds of sitting there stupidly, realization hit her.
"What the—" napababa siya sa sasakyan at napatingin sa likod ng sasakyan niya. Halos mapamura siya nang makita ang napakalaking damage doon.
Napatingin siya sa bumangga sa sasakyan niya at nakita ang isang tinted na sasakyan. Akmang lalapitan na niya ito pero agad na humarurot iyon palayo.
"What—" hindi siya makapaniwalang tumingin doon. "—HEY! COME BACK HERE!"
Umuusok na ang ilong niya sa sobrang galit. How dare that person ditch this huge responsibility here?!
Napatili siya sa frustration at agad na pumasok sa sasakyan niya upang kunin ang phone niya. She tried calling Perry pero hindi na ito sumasagot.
"F—fu..." gustong-gusto na niya magmura sa sandaling 'yun. Nagulo niya ang buhok sa sobrang inis.
She took a deep breathe and called her two other siblings who goes to the same university as hers. But to her dismay, none of them answered.
Ano na?! Ang mamahal ng phone niyo pero hindi matawag-tawagan?! This is bull—argh!
She doesn't have any more options. Napatingin siya sa pangalan nito sa contacts at napalunok. For the sake of her effin safety, lulunukin niya ang napakalaking pride.
Pikit mata niyang sinend ang text message at napabuntong-hininga nang makitang na-send na 'yun.
Wala pang ilang oras, agad na dumating ang isang kulay pula na Ferrari. Agad niyang nakilala ang may-ari ng kotseng 'yun.
"What happened here? Are you okay?" agad na tanong nito nang makita ang sasakyan niyang nayupi ang likuran. Bahagya pa 'yung umuusok.
"May bumangga saakin and ditched me."
"Nakuha mo ba ang plate number?"
"Sa tingin mo ba, maiisip ko pa 'yun? Pinaharurot niya 'yung sasakyan niya!" nanggigil niyang sabi. Inis na inis na talaga siya.
"Okay, chill." sabi ni Blue at kinuha ang cellphone mula sa bulsa, "I'll call someone to pick your car. Pumasok ka na doon, I'll bring you to school."
Tahimik niyang sinunod ang lalaki. Kinuha niya lang ang bag niya mula sa sasakyan at dumiretso sa sasakyan ni Blue.
The next moments were awkward for the both of them. Tahimik lang silang dalawa sa loob ng sasakyan kung hindi binasag ni Blue ang katahimikan.
"I have an extra shirt there. Gamitin mo muna." sabi nito at doon niya lang narealize na natapunan pala siya ng kape kanina sa lakas ng impact ng bumangga sakaniya.
She gritted her teeth. Malaman niya lang talaga sino ang animal na 'yun, she'll make that person pay for ruining her day.
Kinuha niya ang t-shirt nito na nasa compartment. She took her handkerchief and cleaned the spilled coffee from her crop top. Agad niyang hinubad iyon at sinuot ang t-shirt ng lalaki. She never felt awkwardness, for a reason that she feels at ease when she's with Blue.
Hindi naman makatingin-tingin si Blue habang nagbibihis si Samira. Her perfume is strong at sigurado siyang mananatili iyon sa sasakyan niya hanggang mamaya, like how it usually does.
Samira was frustrated. Nasira pati ang fashion style niya for the day. She chose to style Blue's humongous shirt at itinago gamit ang jacket niya.
Nakarating sila ng university na walang nagsasalita but eerily, they felt comfortable under the silence. Kahit na hindi sila nagpapansinan, they did feel at ease with each other.
"Thanks." tanging nasabi ni Samira bago lumabas at nagtungo sa second subject niya dahil nalipasan na niya ang first subject.
***
"Kung nakita mo lang kung paano ako diinin ni Mr. Goya kanina mapaamin lang ako kung nasaan ka," sabay na naglakad sa hallway si Samira at Perry pagkatapos ng third subject nila.
"Ang init lang talaga ng dugo ng matandang 'yun saatin eh wala naman tayong ginagawang masama sakaniya." napa-rolyo ng mata si Perry at binalingan ng tingin ang kaibigan na kanina pa tahimik.
"Nga pala, 'yung sasakyan mo, ayos na ba? Balita ko ang laki ng yupi 'nun sa likod."
Binatukan ni Samira ang kaibigan, "mas concerned ka pa sa sasakyan ko kaysa saakin?"
"Sus, mukha namang ayos ka lang. Suot mo pa nga shirt ni Blue eh." tinaas-baba niya pa ang kilay niya habang sinisilip ang suot na damit ni Samira.
"Natapunan ako ng coffee. Ayoko namang pumasok sa klase na amoy kape. Duh." halos sambunutan niya ang kaibigan sa sobrang kadaldalan nito.
"Oo nalang, girl."
Sabay silang naglakad patungo sa cafeteria para sana bumili ng lunch pero agad nilang napansin ang kumpulan ng mga tao na may sumisilip sa labas ng building nila. Nagkatinginan sila at agad na lumapit at nakipagsiksikan pero nang makita si Samira, ay agad na nagsihawian ang mga tao.
"Anong—nakng, lakas ng bespren mo, girl, ah."
Nakatunghay silang dalawa sa railings at nakatingin sa baba kung saan nasa gitna ng field si Blue at ang nililigawang si Winnie. Binigyan lang naman ng bulaklak ni Blue si Winnie sa gitna ng napakaraming tao.
Sinong may burol?
"Awww, tingnan mo, girl, oh." yinugyog siya ng kaibigan, "kilig-kilig pa si Winnie the Pooh. Halos mangisay na sa kinatatayuan niya oh." dagdag pa nito at hindi niya alam pero gusto niya nalang ihulog ang kaibigan pababa ng building nila.
"Teka... babae ba o lalaki si Winnie the Pooh?" biglang napagtanto ni Perry at napatayo pa ng maayos habang nakatingin sa taas. Nakaturo pa ang index finger ne'to sa baba niya.
Samira doesn't know if she'll push her friend or just pull her hair until she gets bald like Mr. Goya.
"Sweet naman," labas sa ilong na sabi ni Samira. She even looked at the random girl beside her, "noh? Sweet-sweet?"
"Oo nga po eh. Bagay na bagay silang dalawa." kinikilig din na sagot ng babae.
Napasimangot si Samira. Ihulog kita dyan eh.
"Tara na, nagugutom na ako sa ka-sweetan nila." bitter na pagkakasabi ni Samira at hinila ang kaibigan na hanggang ngayon ay nag-iisip pa.
***
"Girl, hinay-hinay. Akala ko ba diet ka? Alam ko masarap pagkain dito sa Maxwell pero please lang, ang fats..." tinusok-tusok nito ang bandang tyan niya, "baka mamaya mag-early greetings 'yan sa'yo. Medyo malayo pa ang pasko."
Nakasimangot na binaba ni Samira ang napakalaking slice ng pepperoni pizza. "Mag-gy-gym naman ako mamaya."
"Sabi mo 'yan ha." nilantakan rin nito ang kinakaing napakalaking burger, "mamaya sambunutan mo nanaman ako pag nakita mong tumatalbog-talbog na 'yang mga taba mo sa tyan."
"Kakastress talaga maging model." tanging nasabi niya at kinuha ang tubig at ininom 'yun.
Nangangalahati na siya nang biglang may pumasok sa napakalaking cafeteria. Si Blue kasama si Winnie at halos masuka siya nang makitang yakap-yakap ng babae ang lalaki sa baywang at mukhang inaamoy-amoy pa ang bandang kili-kili ne'to.
"Yuck—" sunod-sunod na napaubo siya nang pinilit niyang lunukin ang tubig. Pakiramdam pa nga ata niya ay may lumabas na tubig sa ilong niya.
"Huy! Girl!" agad naman siyang inabutan ni Perry ng tissue at pinampunas niya iyon sa bibig na basang-basa pati sa may leeg niya. "Ano nanamang trip mo?"
Ubo parin siya ng ubo habang tinatapik ang bandang dibdib. Sakit sa lalamunan!
"Ayos ka lang?" tanong ng kaibigan nang mahimasmasan siya.
Nang makitang may napapatingin sakanila, agad siyang napaupo ng maayos at hinawi ang buhok niya.
"Hoo," tanging nasabi niya at napatingin sa kaibigan niya, "nakakawala ng poise."
"Ano ba kasing nakita mo at bigla ka nalang nabulunan?" lumapit ito sakaniya at bumulong, "lumabas pa sa ilong mo, girl, buti ako lang nakakita. 'Tsura mo eh." natatawang sabi nito at lumayo.
Agad naman niyang pinalo ang kaibigan sa ulo gamit ang boteng hawak. "Aray! Namimisikal ka ha!"
She rolled her eyes at sinimulang kainin nanaman ang pizza na nangangalahati na. Bahala na. Mag-gy-gym nalang ako mamaya.
"Kaya naman pala." napatingin siya sa kaibigang tumango-tango. Mukhang nakita nito ang dalawa na nasa hindi kalayuan.
"Selos ka?" nang-aasar na tanong nito.
"Nabulunan lang, selos agad? Hindi pwedeng nakita ko lang 'yang pagmumukha mo?" ganti niya.
"Harsh!" kunwaring nasaktan ito, "nabulunan ka ba sa sobrang kagandahan ko?" nag-pretty eyes pa ito at itinaas ang likod na palad sa may baba. Um-awra pa.
Samira's made a very disgusted expression. How can her friend be this conceited? Para itong si Blue.
Napailing agad siya sa naisip. No, no, no. Oh hell no.
"'Wag ka mag-alala. Papakilala kita sa Kuya ko. Kahit impakto 'yun, mabait naman 'yun kahit papaano."
"Perry!" hindi na niya napigilan at tinapunan ng bote ang kaibigang tawa ng tawa. "Sige ka, matutulad 'yang Kuya mo sa mga lalaking papaasahin ko lang."
Agad na sumeryoso ang mukha nito, "oy. 'Wag ganun. Below the knees na 'yun."
Napangiwi siya sa pagiimbento nito ng term pero agad rin siyang sumagot. "Joke lang. Ni hindi ko pa nakikita Kuya mo ng malapitan."
"'Wag mo na pangarapin, isa't kalahating dimunyu ang hayup na 'yun baka magkasundo kayo."
"Harsh!" paggagaya niya sa inakto nito kanina.
Sabay silang nagtawanan habang napapasulyap parin siya sa dalawang tao na mukhang kakainin na ang mukha ng isa't isa kung magsubuan.
---
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com