Chapter 7
Chapter 7
Hindi alam ni Samira ang gagawin nang makita ang babaeng nililigawan ni Blue na pumasok sa salon. She was with a friend at mukhang hindi naman nila napansin si Samira.
They took the two vacant seats just behind Samira's. Medyo may kalakihan rin ang salon na nakatulong upang hindi sila magtagpo ng tuluyan. Pero hindi pa sapat 'yun para sakanya, kinuha niya ang magazine at itinaas sa lebel ng mukha niya upang hindi makita ang repleksyon niya sa napakalaking salamin.
What is this? Really? Do I really have to do this?
The salon doesn't have much of customers yet so conversations held by some people can be visibly heard. And that's what she is doing now...eavesdropping.
She knows she doesn't have any business to do with her but she just wanted to listen to whatever the woman might say. Yeah, she wanted to and she'll do it.
Hindi ako chismosa, curious lang. she convinced herself.
They talked about some random stuff that she won't ever relate to. Ano ba 'yan. Napaka-boring nila.
Balak na sana niyang gumive up sa ginagawang 'curiosity act' pero agad na nag-open ng topic ang kaibigan ni Winnie na pumukaw sa interes niya.
"Uy! Win! Si ano naman pag-usapan natin! 'Yung big time mong manliligaw!"
Nairita siya sa tinis ng boses ng babae na kung magsalita ay parang walang ibang tao sa loob ng salon.
Mas nainis pa siya nang marinig na malanding tumawa si Winnie. Ew, parang biik.
"Si babe?" nasundan nanaman 'yun ng tawa niyang parang kinikiliti ang singit.
Really? Babe? Yuck. Sounds like baboy.
"OMG! Kayo na? Babe na tawagan? Official na?!"
"Hindi pa! Pero malapit na!"
Nasundan 'yun ng tili ng dalawang babae. Kitang-kita ang pagkangiwi ni Samara mula sa salamin pero hindi nun mapapantayan ang simangot pa sa simangot na ekspresyon ni Samira.
"Ingay." sambit ni Samara na medyo napalakas kaya naman ay napaharap ang dalawa sa direksyon nila.
Agad-agad naman niyang itinaas ang magazine sa mukha upang hindi siya makita. Nakita niyang nakipaglabanan pa ang kapatid niya ng tingin sa dalawa kaya walang nagawa ang dalawa kung hindi ang umirap at nagpatuloy sa pag-uusap.
Hindi na siya nag-abala pang makinig dahil baka hindi na niya mapigilan ang sarili at ipa-kick out niya sa salon ang dalawa. She decided to go through her social media sites and check for updates about her other branches.
"Pero, Win, maiba tayo. Paano si ano...uhm...si Diego?"
Napataas ang tingin niya mula sa pag-scoscroll sa IG feed niya nang marinig na nagbago ang tono ng kasama ng nililigawan ng kaibigan. Her senses came to be sharper than ever. Kapag talaga may chismis, ang talas ng pandinig mo. she remember what she once said to Perry. The irony.
It was silence after that. She peeked to see what was happening and she saw Winnie who looks like she was in a deep thought.
She heard Winnie tsk-ed with an annoyed look in her face before talking. "Bayaan mo na 'yun. I'll just find the right time to talk to him after what happened. Hindi ko hahayaang masira niya ang magiging relasyon namin ni Blue."
That made Samira grew more curious. Who's Diego? And what happened?
"Win, alam mong malaking problema pag nalaman niya ang tungkol sa nangyari—"
"Just shut up. Walang ibang makakaalam kung hindi ka magsasalita."
"Pero paano kung siya ang magsalita? You know how obsessed that guy is to you. Mas tumindi pa pagkatapos ng gabing 'yun."
Samira bit her lower lip habang nagsco-scroll parin sa phone. Sa utak niya, marami nang mga nabubuong mga maaaring ibig sabihin ng pinaguusapan nila.
"It was a mistake. Hindi naman dapat nangyari 'yun."
"Pero nangyari na. May nangyari na sainyo—"
"Just shut up. Mas naste-stress ako sa sinasabi mo. We are here to relax."
Hindi na niya pinakinggan ang iba pang pinag-usapan ng dalawa dahil isang bagay lang ang nasa isip niya. She cheated on Blue.
***
Well, she was pretty chill. Or not.
May alam na siyang baho ng babaeng 'yun. Seems like Perry's instinct was right again. That woman and that Diego guy did the nasty and she's not going to accept it just right there. That woman just cheated on her boyfriend—kahit na hindi pa sila—and that's unacceptable.
She was thinking of ways to tell Blue about what she knew but then one thing she lacks—evidence. Anong nangyari sa wise Samira na kapag may pinapangako si Perry ay laging handa ang recorder ng phone? Masyado siyang naging 'curious' at nakalimutan ang part na 'yun.
But anyways... there's still more chance.
Aalamin niya ang baho ng babaeng 'yun and the next time...she'll be ready and armed. One thing she will never do is to go in a war without any bomb with her.
"Come on, gusto mo kumain, diba?" tanong ng nakangiting Samara sa kapatid. They just left the salon after an hour or more.
"Parang kanina lang sinisimangutan mo ako then you'll go sweet within a second. You're creepy."
Nginitian niya ng matamis ang kapatid. "I'm in good mood right now."
"Kanina hindi."
"Kaya nga sabi ko 'right now' diba." inirapan niya ang kapatid na inirapan rin siya pabalik.
They went to their favorite sushi house. Dito sila karaniwang kumakaing magkakapatid way back in high school tapos elementary naman si Samara. Just stepping in the place again brings back so many memories.
"I miss their sushi. Ilang taon narin nung huli tayong kumain dito. You were like 10 that time." pagkukwento ni Samira habang tumango-tango naman ang kapatid niya. They just ordered and they were excited to finally taste their sushi one more time after a long time.
Nag-aantay sila ng order nang may mag-text sakaniya.
Lu
San ka?
Naalala nanaman niya ang nililigawan nito. Okay, let's chill. Si Blue lang 'to.
Sushi House.
Lu
Ok, coming.
Napakunot ang noo niya pero pinabayaan niya nalang din 'yun. Wala sigurong magawa. Bakit kaya hindi niya sundan yung nililigawan niya para naman may idea siya sa mga ginagawa nito?
Minutes after they received their order, Blue in his usual get-up walked towards their table. Nakangiti ito at halatang bagong ligo.
"Ey! Musta na?" Blue high fived Samara and sat next to Samira who's dumbfounded. Bilis naman makarating ne'to.
"Napabisita ka?" tanong ni Samira sa katabi.
"Boring sa bahay. Wala 'rin si Red eh, akala ko kasama ne 'to ni Mara." ngumiti ng nakakaloko si Blue sa kapatid niya. Napangiti naman siya nang makita ang pagsimangot ng kapatid. Yie, nagdadalaga na ang bunso nila.
"Balak mo ba siyang solohin?" tinuro siya nito gamit ang chopsticks, "sabihin mo lang. I can call my friends anytime."
Pinanlakihan niya ng mata ang kapatid. Wala talagang pigil ang bunganga ng isang 'to.
"Joke lang. Manang-mana ka talaga sa ate mo, masyadong seryoso." tumawa siya at tiningnan naman nilang dalawa ang lalaki ng masama.
"Ha ha. Uy, sushi!" biglang pagbago niya ng topic.
Napailing nalang si Samira at pinitik ang tainga ng katabi habang napairap nalang si Samara dahil alam niya na ang susunod.
"Aray!" pinitik din ni Blue sa noo si Samira. Hindi naman nagpatalo ang isa hanggang sa hindi na sila tumigil sa pag-aasaran.
Napailing nalang si Samara at sumubo ng isang California Maki at mabagal na nginuya 'yun habang nakatingin sa dalawang nasa harap niya na may kanin nang nakadikit sa mga mukha ng isa't isa.
Parang mga bata.
***
"Hatid ko na si Mara sa mansion tapos mag-commute ka nalang pauwi sa condo mo." pang-aasar ni Blue kay Samira. Kakatapos lamang nilang kumain-slash-magharutan pagkatapos ng dalawa't kalahating oras—ayon kay Samara na nagbilang nalang ng oras sa sobrang pagkainip.
"Whatever. Andito pa naman si Mang E—"
"Pinauwi ko na." agad na sagot ni Samara bago pa man din niya matapos ang sasabihin.
"Ha?! Why?!" she doesn't have a car dahil nga nasa repair shop pa ito and unfortunately, her sister ruined her 'pagmamatigas'.
"Sa tagal niyong nagkulitan, I'm sure he got bored too kaya pinauwi ko na. Andito naman si Kuya Blue." sabi ng kapatid at pumasok na sa likod ng Ford Mustang ni Blue.
"Ano? Mag-commute ka nalang?" nakangising tanong ni Blue kaya napairap siya. Bwisit.
"Edi mag-commute." umirap siyang muli at naglakad palayo.
"Oy! Joke lang!" hindi siya nakinig at nagpatuloy sa paglalakad sa kung saan.
Ngunit bago pa man siya makalayo ay naramdaman niyang tumaas ang paa niya mula sa lupa. And before she even realized, naipasok na siya ng lalaki sa loob ng sasakyan niya at iniupo sa passenger's seat.
Sinimangutan niya ito at tiningnan ang nakangiting mukha nito na medyo malapit sakaniyang mukha dahil ibinaba pa niya ito sa upuan. Hinila niya ang buhok nito at sinambunutan. Nauntog pa ito malapit sa bubong ng sasakyan kaya mapa-aray ito.
"Aray! Ikaw na nga binuhat! Bigat-bigat mo—aray!" nauntog nanaman ito kaya napatayo siya at hinimas ang bumubukol na atang noo. "Ang sweet mo talaga, noh?" nakangisi niyang sabi habang hindi malaman kung ano ang kakapain—ang noong bumubukol o ang namamagang anit.
Before Samira could even reach him, agad na siyang lumayo at sinara ang pinto para hindi na makalabas ang babae.
"Nakakahiya ka. Nagpabuhat ka pa." hinarap niya ang kapatid na prenteng nakaupo sa likod na para bang reyna.
"Hey! Hindi kaya! Siya ang bumuhat saakin!" inirapan niya ito at umupo ng maayos. Pumasok naman si Blue sa kabilang seat at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan.
"Gamutin mo 'to. Ikaw may dahilan bakit may bukol ako." nakangusong sabi ng lalaki habang sumusulyap sakaniya at hinihimas ang noo.
"Kasalanan mo naman." she made face.
"Masyado ka kasing mapanakit kung magmahal." makahulugang sabi niya.
"Love hurts kasi." hindi niya inalintana ang sinabi nito at hindi pa nagpatalo.
"Naks, hugot?"
"Huhugutin ko 'yang utak mo para hindi ka na mag-function ng maayos."
"Puso ko nga na sa'yo na, pati ba naman utak ko?"
"What—Ang corny mo!" hinampas niya ito.
Natawa si Blue kaya naman ay natawa narin si Samira. Nagtawanan at nagkulitan nanaman sila na parang walang kasama.
This will be long ass ride again.
---
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com