Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8



              Samira was stressed and tired on the next weeks. Modeling activities plus college life would really never come together. So, she talked to Weng and told her to adjust her schedule lalo na't paparating narin ang finals week—it's just weeks from now. And besides, she had a lot of requirements to pass kaya alam niyang mas magiging busy siya.

She was never fond of studying back in high school not until she experienced being a college kid. It was more fun and she had a taste of freedom, yes, but in exchange, her studies were on the line. Na kapag bumaba lang ng kaunti ang direction ng linyang 'yun, she'll be doomed.

She was seating on the carpeted floor in her living room. The whole table was filled with papers and her laptop plus her printer that kept on spitting out papers. Kahit na ang lapag ay punong-puno ng papel. Midterm Examination just ended and of course, it won't end there. She had to pass the final defense for their thesis within this week. She is so stressed out. Ni hindi manlang nakapagpahinga ang utak niya from the bloody exams she took just a day ago.

There was actually a small space in her bedroom just for studying but she refused to study there because just looking at her bed, it was risky and dangerous. Masyadong malandi ang kama niya at panay ang pang-aakit sakaniya.

Tiningnan niya ang orasan at napa-ungot nang makitang ala-una na. I have 3 more subjects to finish!

Padabog niyang linapag ang binabasang module at tumayo. She stretched her bones na para bang nagstay na sa kung nasaan sila dahil kanina pa siya nakaupo doon sa kung saan siya nakaupo hours ago. Dumiretso siya sa kusina at naghanap ng kape pero bigo siyang makahanap ni isa. Hindi pa pala ako nakapag-grocery, ugh.

Imbis na tumunganga doon, dumiretso siya sa kwarto at kinuha ang jacket na nakakalat sa walk-in-closet niya bago kunin ang wallet, cellphone, at susi ng kotse niya.

She used her first car, before she bought the car that was damaged, which is her beloved Porsche. She decided to stop in Starbucks. Eto nalang ang magiging relax time niya.

There were not much people inside kaya mas nasiyahan siya. Atleast, walang maingay. She ordered Grande Americano and a slice of mocha cake. Binuksan niya narin ang cellphone niyang in-off niya kanina para hindi makasagabal sa kaniyang pag-aaral. Sunod-sunod ang dumating na mga notifications kaya pinabayaan niya muna 'yun at inabala ang pagkain sa cake.

She roamed her eyes around. Madilim na at iilan nalang ang mga sasakyan sa labas. She enjoys this kind of silence, lalo na kapag stressed siya. Kahit kasi tahimik sa condo niya ay para bang binubulabog ang utak niya sa dami ng ginagawa. Her brain is so stressed. Wala na nga siyang time magpa-spa eh.

Muli niyang binalingan ang phone niya at tiningnan ang mga notifications niya. Agad niyang binuksan nang makitang nag-text si Perry. Ang gagang 'yun, walang paramdam.


Perry the Platypus
Girrrrl!
IMISHYUNA!
Hindi ako makatakas dito eh.
Higpit ng bodyguards tas laging bantay sarado nung impakto.
So ayun
Nagkikita pa naman tayo sa uni., wag mo ko masyadong namimiss HAHAHAHA
Tas oo nga pala! Girrrl!
Next week na bornday mo! Hoy! Anong plano?
Club ulit?
Antayin ko invitation nyo!
Kahit isang gabi lang, makapagwalwal huhu



"Hala, oo nga." she said under her breathe. Sa dami ng ginagawa, hindi niya namalayang magbibirthday na pala siya. Agad niyang tinawagan ang kakambal na si Sammy at nagulat pa nang sumagot agad ito.

"Ala-una na. Anong kailangan mo?" bungad agad ng kakambal. Ang sungit!

"Informed ka ba?"

"Saan?"

Napairap siya. Seriously?

"It's our birthday next week. Duh."

"Oh."

"I almost forgot too. Hindi ka nag-iisa."

"No." sagot agad ng kakambal. "I thought you knew? Nagulat ako kasi parang hindi mo alam."

"Oh." tanging nasabi niya.

"You're too stressed, my precious twin."

Napangiwi siya sa sinabi ng kakambal at nasundan pa iyon nang tumawa pa ito.

"Blame my schedule and my profs."

"Ayan kasi. You really love cramming, don't you?"

Napairap siya dahil totoo ang sinabi nito. "Ikaw na organized."

"Thanks." napangiwi nanaman siya. "Anyways, nakapagpabook na ako sa club ni Quen. The whole club is ours on that night. Ask your friends to come. And be there, of course."

"Yup, of course. That's the only time I'll be unwinding from all this stress."

Narinig niyang tumawa ito. Natutuwa na naghihirap siya.

"Okay, good luck, my twin."

Binaba na niya ang tawag at inabala ang pag-reply sa kaibigan na panay ang flood sa lahat ng messaging app na meron siya. Masyado ata siyang namiss palibhasa busy rin kasi. She was busy scrolling to her IG profile when she felt someone seat on the vacant chair at her front. The presence felt so familiar kaya naman hindi na siya nagulat nang makita ang pagmumukha ni Blue.

"Ba't andito ka?" agad niyang tanong.

"Napadaan lang." sagot nito. Agad niyang napansin ang pagiging matamlay ng lalaki. He would usually greet her with a smile at masusundan ng pang-aasar.

Napatahimik siya at pinagmasdan ang lalaki. Tahimik itong sumisimsim ng paborito niyang Iced Caramel Macchiato. He's always been a fan of sweet stuff, siya pa nga ang nag-introduce sakanya ng mocha cake na kinalaunan ay naging favorite na nilang dalawa...back in high school noong sila pa.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" sumimsim rin siya sa kape niya.

"Naramdaman ko lang."

"Weh?"

"Bukas 'yung location mo."

"Ah."

Tumahimik nanaman pagkatapos. May problema nga siya.

She knew him very well at alam niyang sa lahat ng sasabihin niya ni ha o ni ho man 'yan, may sagot siya. Kahit na mismong isang letra lang ang sabihin niya ay may naisasagot agad ito. He's always been a very talkative person at hindi nauubusan ng sasabihin.

"Pwede mo naman sabihin saakin." nasabi niya.

Narinig niyang bumuntong hininga ang kaharap kaya napatingin siya sakanya.

"Si Winnie kasi..."

Biglang kumalabog ang dibdib niya. Hindi kaya 'yung tungkol sa...

"Is she cheating on you?" diretsahan niyang tanong.

Napatingin sakaniya si Blue at nangingiting umiling. "'To naman. Cheating agad? Halatang nagseselos ka talaga saamin eh." nang-aasar nitong sabi.

Gusto sana niyang matuwa na mukhang bumabalik na ang lalaki sa dati pero hindi niya magawang matuwa sa sobrang kayabangan nito. Sige, malungkot ka nalang pala ulit.

"Kapal mo." nasabi niya nalang. Wala kasi siyang pwedeng maihampas sa lalaki.

"Ikaw naman kasi. Advance mo masyado mag-isip." natatawang sabi nito.

Hindi niya ito sinagot at uminom nalang ulit ng kape. 

"Pakiramdam ko kasi may nililihim saakin si Winnie. Masyado siyang distant saakin ne'tong mga nakaraang araw. Parang laging may pinupuntahan tapos kapag nag-vovolunteer ako na ihatid siya, lalayasan nalang ako bigla." pagkukwento niya.

Nanatili siyang nakikinig at nang matapos ito ay agad siyang nagsalita. "Cheating nga."

"Cheating agad? Hindi pwedeng may ibang dahilan?" pagtatanggol ni Blue sa nililigawan.

Hindi alam ni Samira kung bakit bigla siyang nainis sa sinabi nito kaya hindi na lamang siya kumibo.

"Bahala ka diyan."

It was such a weird feeling. Naiinis talaga siya at ayaw niya sa nararamdamang inis. Siguro naiinis siya dahil hindi sineryoso ng lalaki ang sinabi niya patungkol sa cheating issue ng biik na 'yun. Baka 'yun nga.

"Galit ka?" tanong ng lalaki sakaniya.

Tiningnan niya ito at sumimangot. "Oo. I mean—hindi. Naiinis lang."

"Parang kanina lang ako 'yung malungkot tapos ikaw ngayon 'yung tampururot."

"Ikaw kasi." sumimangot nanaman siya.

"Hala. Bakit ako?"

"Basta. Naiinis ako sa'yo."

Nabigla siya ng kurutin nito ang dalawa niyang pisngi at pinaggigilan 'yun. "Cute mo pag naiinis."

Ngumiwi siya para itago ang nararamdamang pag-init ng pisngi. No, Mira, no. 'Wag kang ano!

""Wag kasi!" tinampal niya ang kamay ng lalaki palayo. "Baka magkapimples ako."

"Bilhan nalang kita ng isa pang mocha cake. Gusto mo?"

"Talaga?" nangingiti siya pero pinilit niya 'yung itago.

"Ayaw mo?"

"Syempre, I want. Two slices, please." napangiti siya ng pagkalaki-laki.

"Yes ma'am!"

Natatawa niyang tiningnan ang papalayong likod ng lalaki. Hays.


***


              "Hala, girl. Tapos na Halloween ah, bakit mukha ka paring zombie? Make up parin ba 'yan?" natatawang pang-aalaska ng kaibigan niya sakaniya.

Masama niyang tiningnan si Perry na kung makapang-alaska ay wagas pero sabog-sabog narin naman ang eyebags.

"Gaga ka. Nahiya naman daw 'yung eyebags ko sa eyebags mo."

Nilantakan niya ang biniling Caesar Salad. Eto nalang ang pinaghuhugutan niya ng pag-asa na healthy pa siya pagkatapos ng ilang araw niyang pagpupuyat.

"At least ako wala pang natubong pimple. Eh ikaw—"

"Hoy! Anong pimple?!"

"Girl! Ano ba 'yang nasa pisngi mo? Bulutong na single? Nag-iisa lang?"

Madali niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang camera paharap sakaniya. Itinapat niya iyon sa pisngi niya at halos mahimatay nang makita ang isang tigidig na nasa gitna ng pisngi niya.

"Oh...my..." dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone at napatingin sa kabigan. "Wala 'to kaninang umaga..."

"Baka tumubo nung tanghali na." kumibit-balikat ang kaibigan niya at gustong-gusto na niya itong sambunutan at balian ng spinal cord.

Naiiyak siya. Ni sa kinailaliman ng past niya, never siyang nagkapimple! This is unacceptable!

"Huy! Anong nangyari sa'yo?!"

Naluluha niyang kinain ang salad habang kinakapa ang pinakaunang pimple na nakuha niya sa buong buhay niya.

"May pimple ako..."

"OA mo, girl! Mawawala din 'yan!"

Nanlilisik ang mga matang tumingin siya sa kaibigan, "kailan pa? Eh kakasimula palang."

"Basta 'wag mo nalang hawakan o pansinin. Mawawala din 'yan."

Naiiyak niyang tiningnan ang salad niya at itinaas ang tingin at agad na nagtagpo ang mga mata nila ni Blue na kasama si Winnie. Ngiting-ngiti pa ang dalawa nang pumasok sa cafeteria kaya hindi niya malaman kung ano ang dapat maramdaman.

"Ayoko na mabuhay." nasambit niya.

"Hoy! OA mo talaga! Anong 'ayoko na mabuhay'?! Sakalin kita diyan eh. Parang pimple lang eh."

"Naiinis ako!" ibinaba niya ang tinidor at inayos ang mga gamit niya. Mag-wa-walk out siya.

Hinarap niya ang kaibigan na gulong-gulo na sakanya. "Tatayo ako at mag-wa-walk out. Tingnan mo kung may tagos ha." bulong niya sa kaibigan bago tumayo.

Nakita niyang nag-thumbs up ang kaibigan kaya tumango siya nagpatuloy sa paglalakad palabas ng cafeteria. Hindi naman sila parehas ng susunod na subject kaya kinakailangan niya na ring umalis dahil terror ang susunod niyang prof.

Bago dumiretso sa klase niya ay dumaan siya sa C.R. because of nature's call at para narin pilitin na takpan ang pimple gamit ang concealer na pangtakip niya rin ng eyebags. Kastress!

Akmang lalabas na siya nang may marinig na nag-uusap sa isang cubicle. Napakalaki ng C.R. nila kaya naman ay maririnig ang mga nagbubulungan lalo na kapag walang tao pero napakahirap nga lang hanapin kung saang cubicle naroroon ang mga bubuyog.

Hindi siya nagdalawang isip na hanapin ang mga bubuyog na 'yon. She never really cared but when she heard Winnie's name ay naintriga siya. She shouldn't let this go, kung ano man 'yun.

Agad niyang nahanap kung nasaan ang cubicle na occupied at agad na pumasok sa katabing cubicle. Inilabas niya ang cellphone at bahagyang ibinaba sa may lapag para marinig ang kung ano mang sasabihin nila.

"—bahan ako, Kira. Kinakabahan ako."

Napakunot ang noo niya nang marinig ang boses na nanginginig ni Winnie.

"Win, kumalma ka. Think positive. Nakita mo, mukhang buong-buo na talaga ang tiwala ni Blue sa'yo. Walang mangyayaring masama. Masayang-masaya kayo kanina lang and no one can ruin that."

"Pero Kira..." sumunod ang iilang hikbi, "natatakot ako. I'm so scared. Paano kung... paano..."

"Shhh, no. Hindi. 'Wag mong isipin 'yan."

"Kira...hindi kami gumamit ng proteksyon."

Katahimikan.

Hindi magawang makapagsalita ni Samira. It all makes sense to her now at sabihin lang ng babaeng 'yun ang mga salitang tumatakbo ngayon sa isip niya, lahat ng haka-hakang nabuo sa isip niya ay mabibigyang tuldok.

"H-hindi. Ayos lang 'yan. Hindi 'yan. 'Wag mo isipin 'yun."

"Hindi ko maiwasang maisip. Masisira...m-masisira ang buhay ko."

"Hindi. 'Wag mo isipin 'yan. Hindi 'yan mangyayari."

"Pero...p-paano? P-paano kung..."

"K-kung?"

"B-buntis ako?"

Napahawak na sa bibig niya si Samira upang pigilan ang sarili na makagawa ng ingay mula sa pagkabigla dahil sa isang pasabog na narinig niya. Well, hindi pa naman sure pero kahit na.

"D-delayed ako. I get the m-morning sickness. P-pakiramdam ko nag-lilihi ako this past few days..."

"Shhh...we'll find a way."

Doon natapos ang usapan ng dalawa at narinig nalang niyang lumabas ang dalawa mula sa cubicle samantalang nanatili siyang nakaupo sa nakatakip na inidoro. She can't believe what she just heard. It was not yet sure pero malaki ang possibility.

She somehow felt guilty sa ginagawa but then naiisip niyang niloloko ng babaeng 'yun si Blue.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at halos mapamura nang madulas dahil sa nagkalat na ligaw na tubig sa sahig. Naglikha ng ingay ang pagkahulog niya pero nahigit ang hininga niya nang makitang nabitawan niya ang hawak na cellphone at bago pa niya masalo iyon ay bumagsak iyon sa sahig at nabasag.

Hindi siya nakapagsalita at napatingin lamang sa cellphone na basag na basag ang itsura. Sa pagkakataong 'yun, dinasal niyang sana ay carpeted ang sahig sa C.R. 


---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com