Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

002

"Dali na! Naguugutom na ako!" sigaw ni Genie at binibigay sa akin ang bestidang hinukay ko sa pinakababa ng mga ibang damit kong masakit sa mata. Ayaw ko naman kasi ng mga light colors kaya mga black shirt ang sinusuot ko. Kahit nga shorts na maong ay hindi ako mahilig.

"Ayaw ko nga magdress!" sigaw ko pabalik kay Genie at pinalo ang kamay niya para bitawan ang hawak niya. Hindi ko nga alam kung bakit may ganyan ako!

"Suotin mo na kasi para malagyan na kita ng make-up!" Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko dahil sa sigaw na naman niya. Grabe naman 'tong nilalang na 'to. Pinaglihi ba 'to sa megaphone?

"Ayaw ko ngang magdress!" ulit ko kaya mariin siyang napakamot ng batok niya. Wala siyang nagawa kundi nagkalkal nanaman sa mga lalagyan ko ng damit.

Umupo na lang ako sa higaan ko at napahiga roon. Hindi ko pinakinggan ang mga reklamo ni Genie dahil pumasok na lang bigla si Darling sa utak ko. Kung hindi ko pinairal ang nararamdaman ko, magiging magkaibigan pa rin ba kami ngayon?

"Ito na lang since ayaw mong magdress." Pinakit niya ang isang maliit na black shirt kaya napabangon ako agad.

"Masikip na 'yan sa akin." Kinuha ko iyon mula sa kaniya. Ito ang pinakapaborito ong damit noong elementary ako. Sayang, hindi na ata 'to kasya sa akin.

"Precisely! Masikip na 'yan kaya suotin mo na 'yan." Hindi ko alam kung ano ang trip niya. Ibabalik ko sana kaso pinagbantaan niya akong sasaksakin ng eyeliner niya kaya dumeretso na ako sa banyo para magbihis. Bago pa ako makapasok sa loob ay may sinabit siyang pants sa balikat ko at tuluyang tinulak ako sa banyo.

Pikit-mata akong nagpalit ng damit ko dahil binubulong ko na sa lahat ng mikrobyo sa bawat dingding sa loob na hindi ko magugustuhan ang mukha ko kung may make-up ako. Ay, bahala na!

Sinuot ko na rin ang pants at nagulat ako nang high-waisted ito. Napatingin ako sa sarili ko salamin at tuluyang nanlumo. Para akong nakacrop top sa damit ko at kitang-kita ang balat ng beywang ko. Nakatago naman ang pusod ko sa pantalon kaya pinagsasabihan ko ang sarili ko na ayos pa ang suot ko. Lumabas na ako at unang hinanap si Genie na nakadungaw sa bintana. Nakangiti ito na parang may nilalandi sa labas namin.

"Uy," pag-aagaw ko ng atensyon niya kaya agad siyang napatingin sa akin. Bigla rin siyang nabilaukan kahit walang iniinom.

"Gagi!" tili niya at napalundag sa saya.

"Make-up-an na kita!" Hinila niya ako paupo sa upuan doon pero sumilip ako sa bintana ko at nakitang naghihintay na si Monie sa labas ng bahay namin. Aba! Kaya pala kaway nang kaway itong baklang ito na parang nilalandi pa si Monie.

"Dadalian ko na kasi nasa labas na ang babyloves ko," kinikilig niyang sabi at binuksan na ang make-up kit niya. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol kay Monie. Halata naman na may gusto siya kay Manuel Mendez. Pakiramdam ko, alam din ni Monie pero ayos lang sa kaniya. Nababahala lang ako dahil... baka mangyari ang nangyari sa amin sa kanila, huwag naman sana.

Sa huli, hindi na lang ako nakapagsalita hanggang sa humikab ako habang kinikilayan ako ni Genie. "Bading ka, huwag kang antukin." Dumilat na ako at kung saan naman napunta ang isipan ko. Kuntento na ako sa Abgwa. Ayaw ko nang hanapin si Darling. Isa pa, wala na ring silbi ang pagkikita namin ulit.

Natapos na ang pag-aayos niya ng mukha ko. Hindi na ako nakareklamo dahil wala na rin ako sa mood. Ang alam ko na lang ngayon ay nasa sasakyan na kami ni Monie at nagmamaneho papuntang bahay nila Genie.

Sa bawat galaw ng sasakyan ay medyo naiirita ako sa loop earrings na pinasuot sa akin. Parang nauunat ang tenga ko sa bigat ng hikaw kaya nakapagsalita na ako, "Parang pasan ko ang mundo sa bigat ng hikaw ko."

Nilingon naman ako ni Genie. "Over ka naman, baks. Hindi ka lang sanay na magsuot ng hikaw."

Tumawa naman si Monie na nagmamaneho. Napasulyap siya muna sa akin sa rear mirror bago nagsalita, "You look gorgeous, Cheese." Namula naman ako dahil sa sobrang hiya. Hindi ako sanay na makatanggap ng ganung pagpupuri.

"I look gorg too, right, Monie?" pag-eenglish ni Genie kaya napakunot ang buong mukha ko. Grabe 'yon.

"Pwede na rin." Tumango-tango pa si Monie kaya nilingon ako ni Genie mula sa front seat at binelatan ako.

Napataas ang kilay ko. "Actually, George ang pagkarinig ni Monie kaya sumang-ayon siya. Sorry, nadismaya ka ata." Mahina ko ring tinapik ang likuran niya bilang comfort.

Tumawa lang kami ni Monie sa pagkasimangot ni Genie kaya naghairflip ako.

Dumating na rin kami sa bahay nila Genie at marami na ang bisita roon. Sa una, nahihiya pa ako dahil ang sikip ng damit ko kahit nakakahinga pa rin ako. Maiksi rin ito kaya nagdadalawang-isip pa ako.

Bago pa kami tuluyang makapasok at tiningnan ko ang mukha ko sa salamin ng sala nila bago ako makita ng Mom niya. Hindi ko nakilala ang sarili ko! Nakalugay ang buhok ko, may suot na hikaw, masyado akong nabighani sa make-up ni Genie dahil bumagay ito sa aura ko. Hindi rin masakit sa mga mata ang kulay at hindi nagkakalayo ang pagkabrown nito. Hindi ko alam kung paano idescribe ito lalo na 'yung eye shadow kasi wala naman akong alam. Ay, ang alam ko lang ay hindi red at pink ang lipstick ko.

"Ang ganda naman ng regalo ko!" Lumapit sa akin si Tita Gina. Hindi rin ako nakabati agad dahil niyakap niya ako at bineso. "So pretty!"

Nahihiya akong ngumitii at binati siya. "Happy birthday po."

Mabait sa amin si Tita Gina. Naalala kong naglunch kami rito ay pinaggsasabihan niya akong mag-ayos ako dahil maganda raw ako kung nakapag-ayos.

"Thank you! You really look like a goddess." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Natalo po sa putahan at ito ang parusa," pag-aamin ko pero umiling siya nang maraming beses habang umiinom ng champagne na nasa kaaliwang kamay niya.

"You are a blessing, sweetie. Teka nga, asan na ba ang mga 'yun?" Napalingon siya. 'Yun din nappansin ko na nawala sila Genie habang kausap ko si Tita Gina.

"Baka pinantahan na sila Verse sa balcony. Kain ka marami, okay?" Iniwan na rin niya ako roon kaya pumunta na ako sa balcony at andoon na nga sila Genie at Monie na may bitbit na pagkain. Mga walang hiya, iniwan ako!

"Hello, miss. What's your name?" Lumapit sa akin si Jaydope na malapad ang ngisi. Sa kilos ko ay para pa rin akong lalaki kaya tumawa siya nang napakalakas.

"Ganda naman this girl!" Nilabas ni Genie ang phone niya at sinubukan akong kuhanan ng litrato. Si Jaydope naman sa tabi ko, nagpopose na.

Nahagip ng tingin ko si Justin na nakatitig sa akin. Malapit ko nang suntukin ang mga humaharang sa akin ngayon para makaalis ako at mabuti na lang nakaupo na ako agad sa tabi ni Verse. "Kingina, Cheese Yu, ikaw ba talaga 'yan?" tanong niya kaya inirapan ko siya.

"Oh, Chim. Titig na titig ah!" Bigla akong nataranta sa sigaw ni Jaydope at sa pagtingin ko kay Chim sa kalayuan ay nakatitig din ito sa akin. Para akong naging yelo sa mga mata niya at mas lalo akong nanigas nang napangiti siya bago umiwas ng tingin. Pinanood ko pang nanatili ang ngiti niya habang umiinom sa baso niya.

"Tangina, tatangkad nang tatangkad si Chim!" Tumawa si Verse kaya nagtaka ako sa sinabi niya.

Mas lalo akong nagtaka nang pinalo siya ni Jaydope, "Bastos ka talaga!"

Hindi ko na lang iyon pinansin dahil nag-asaran na naman sila. Hanggang sa nakalimutan ko ang porma ko ngayon at nakipagkwentuhan sa kanila na parang normal na araw lang.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa restroom para maghugas ng kamay. Makikipag-inuman ang iba eh, kailangan kong makapaghanda para takasan ako ng baso. Nagpunas ako sa towel doon ay kinuha ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na. Kaso napakunot ako ng noo nang makita na nagmessage si Chim sa akin.

-

Chim Park

6:09pm

Chim:
Hi, ikaw na ba ang keso sa hotdog ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com