Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

003

Chim Park

6:13pm

Cheese:
W t f

Chim:
Where to fck?

Chim:
Grabe ka naman, Cheese

Chim:
Agad-agad???

Chim:
Dahan-dahan lang muna tayo HUHUHUHU

Chim:
Virgin pa po ako huhuhu

Chim:
Let's take it slow

Cheese:
Dude just wtf

Chim:
San ka na ba

Chim:
Tagal mo naman sa cr

Chim:
Nanlalaki ka ba?

Cheese:
Umurong tae ko tbh

Chim:
Paker HAHAHHAHAHA sorry naman

Chim:
Dalian mo na, dinadaya ka ni Verse. Nilalagyan ng alak sa baso mo

Cheese:
Teka nga lang

Chim:
Gege

Chim:
Oh saan ka na?

Chim:
Naflush ka na ba ng inidoro?

Cheese:
Kulit mo ah

Chim:
Kyot din

Chim:
Saan ka pa?

Cheese:
Ewan ko sa'yo

Chim:
Btw 'yung tanong ko, wala pang sagot

Cheese:
Naiilang lang ako sa tanong mo

Chim:
Baket??? ;)))

Chim:
Pakiramdam mo, may spark?

Cheese:
Hindi

Cheese:
Ganun ba convo starter mo?

Cheese:
Ang laswa.

Chim:
GRABE NAMAN

Chim:
ATLEAST MAY CONNECTION BETWEEN US

Chim:
TAPOS TAYO NA ANG MAGKAKAKONEKSYON

Chim:
GANUN

Cheese:
Aw

Chim:
Aw

Chim:
Aw?

Chim:
Aw???????

Chim:
'Yun lang????

Chim:
Galit ka ba o ano kaya aw lang ang sagot mo sa akin?!?!?!?

Chim:
Tampo na ako
• seen 6:39pm

-

Napakunot ang noo habang binabasa ang messages niya. Ang weird lang na ngayon lang kami nakapag-usap nang ganito tapos ganun ang magiging usapan namin?

Kilala ko rin naman si Chim. Medyo may pagkamalibog 'yun. Siguro, 'yun ang paraan niyang magpaentertain sa amin. One time nga noong lunch break ay nahuli siya ni Jaydope na nanonood ng himala sa phone nito kaya parang nakakita ng multo si Jaydope mula sa pinapanood ni Chim.

Bumalik na ako sa mesa namin at una kong narinig ang reklamo ni Genie, "Sino ba 'yang kachat mo, Chim? Kanina ka pa nakangiti diyan."

"Hindi naman 'yan nanonood ng porn 'di ba?" kinakabahang tanong ni Jaydope kaya sa pagsilip ni Jack sa phone ni Chim ay tinago na niya ito. Lumipat din naman ang tingin nila sa akin na hindi mawala ang sama ng tingin ko kay Chim. Hindi pa rin niya ako pinapansin! Parang hindi niya ako kinukulit sa chat kanina!

"May kachat nga si Chim kanina," pagsusumbong ni Jack sabay shot ng alak. Kinabahan ako bigla, baka kasi asarin nila kami at mas lalong maging awkward ang lahat.

"Sino?" nakiususyo na sila Justin at handang makipag-asaran.

"Secret." Humahalakhak si Chim at hindi pa rin ako tinitingnan. Para bang wala pa ako rito sa mesa kaya palihim akong napairap.

"Hindi ko nakita pangalan, eh. Tinago agad," sabi pa ni Jack kaya nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Hinanap ko ang baso ko at automatic na sinamaan ko ng tingin si Verse na nilagyan ng alak pati ang baso ng chaser ko!

"Aba, may chicks ka na, Chim ah!" asar ni Genie at binato ng mani si Chim.

Gusto kong magpanggap na walang nangyari kaya kumain ako ng mga pulutan sa mesa namin. Hangga't hindi nila alam na ako ang kachat kanina ni Chim, tatahimik lang ako. Pero napaisip din ako na baka may kachat din siyang iba kaya gumaan nang slight ang loob ko. Oo, tama.

"Popormahan mo?" tanong ni Monie.

"Hmmm."

Para akong naligaw sa isip ko kahit nakaupo lang ako. Ha? Ano? Hindi ko alam kung tumango siya o umiling dahil nakayuko lang ako.

Palihim kong kinuha ang phone ko at sinilip ang lockscreen. Naningkit ang mga mata ko sa nakita ko.

4 new messages from Chim Park.

Hindi ko binuksan 'yun at napatingin muli kay Chim. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nang nakatingin siya sa akin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

Wala rin naman akong nararamdaman na kakaiba kaya napailing ako bago diniretsong ininom ang nasa baso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com