005
Nakawala ako ng isang mahabang buntong-hininga habang nakatingin sa kisame namin. Ang weird ni Chim pero dahil barkada ko 'to, idededma ko 'to.
Pero hindi ko natiis kahit medyo may hangover pa ako ay nagreply ako. Palabas na rin ako ng bahay para makapunta sa school. Malapit naman ang DNA mula sa bahay namin kaya lalakarin ko na lang.
-
Chim Park
7:36am
Cheese:
Yeah. Morning Bro. Otw na ako sa school.
Chim:
:<
Cheese:
Problem mo?
Chim:
:<<
Cheese:
??
Chim:
Nag-almusal ka na ba? Meron akong breakfast na dala!
Cheese:
Talagaa? 'Di ako nakapag-alumsal eh.
Cheese:
Nagmamadali na rin ako. Ano dala mo?
Chim:
Hotdog ko. Ready to eat!
Cheese:
w t h.
Cheese:
Block kita.
-
In the end, hindi ko siya binlock at hindi ko na lang siya nireply-an. Sinasabihan ko na lang ang sarili ko na masanay kay Chim dahil alam kong pinagt-tripan ako nito. Inaasar din naman niya sina Jaydope ng mga ganitong bagay kaya mukhang normal ang ganito sa kanya.
Nakarating na ako sa school na parang wala lang. Masyado kong kinukumbinsi ang sarili ko na malakas lang talaga ang trip ni Chim o hindi kaya nakainom ng extreme dietary supplement kaya high kahit kinulang sa height.
Inayos ko ang suot kong cap bago inayos ang gamit ko sa bag ko. Paglabas ko para lunch ay sinabayan ako ni Genie na kalalabas din sa room nila. Malalim ang iniisip nito at nakakunot ang mukha.
"Hangover?" tanong ko dahil mukhang marami-rami siyang nainom kagabi. Tsansing din ito kay Monie eh. Kunwari nahihilo tapos sasandal sa balikat. Yucks, malandi!
"Hindi. Kanina rin, nakita kong may kachat si Chim. Umagang-umaga, baks!" Nagmistulang detective ang kilos at boses nito kaya napaayos ako ng paglakad. "Hindi ko makita ang pangalan. Masyadong mabilis ang kamay ni Chim para itago ang kachat niya."
Ako naman ang napakunot ng noo dahil iba ang pagkarehistro nun sa isip ko. Napatigil naman siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Bakit masyado niyang pinag-iisipan 'yon? Mas lalo lang akong natataranta!
"Ano naman?" relax kong tanong kaya napahawak siya sa baba niya na parang nag-iisip. Oo, baka may iba ring kachat si Chim.
"Baka mabuntis nang maaga ang nilalandi ni Chim. 'Yun ang inisip ko. Kaya ihahanda ko na ang sarili ko bilang ninang." Napailing pa siya at pinatunog ang dila niya na parang may halong pagkadismaya at pagtataka. Nauna na siyang maglakad at naiwan akong nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
Naghanap ako ng kahoy sa hallway. Nang makita ko ang kahoy na frame na nakasabit sa dingding ay agad akong lumapit para kumatok nang tatlong beses at bumulong, "Knock on wood."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com