006
May isang subject ako na kaklase ko si Chim tuwing Tuesday afternoon. Hindi pa rin kami nagpapansinan dahil malayo rin naman ang mga inuupuan namin. Hindi ko naman 'yun pinapansin dahil tinutuon ko ang atensyon ko sa leksyon.
Since Tuesday na naman bukas, hindi ko alam kung may assignment ba kami kasi lutang ang isip ko last week. No choice akong tanungin siya. Siya naman din ang kakilala ko sa Business Management na program. Wala talaga akong magagawa sa naging desisyon.
Bakit ba kasi ako nag-Business Management??? Sino ba kasi nagsabi sa akin na ito ang itatahak kong landas?! Wala nga akong interes sa business-business!
"Cheese, ang dami mo palang alam sa business?" namamangha niyang tanong habang tinitingnan ang plano para sa crochet business na iniisip niya.
Napakamot ako ng batok. "Nasa business field kasi sila Papa at Kuya. Kaya may idea ako kung ano gagawin at i-manage ang business."
"How about you take Business Management pag-college? For sure maeenhance skills mo!"
Darling.
Na naman.
At ngayon, hindi ko alam kung masaya pa ba ako sa kinuha ko dahil sa una pa lang, parang hindi ko rin alam kung ano nagpapasaya sa akin.
Hindi dahil siya ang nagtulak sa akin sa kurso na ito pero hindi ko pa talaga alam kung ano ang gusto ko eh.
Bago pa ako makabuo ng monologue sa utak ko, nakalimutan ko tanungin si Chim.
Napakunot ang noo ko nang makita ang tatlong tuldok sa convo namin habang nagtatype ako ng tanong sa kaniya.
-
Chim:
• • •
-
Ano bang tinatype nito? Bakit nawawala at bumabalik 'yung mga tuldok? Nagsayang lang siguro ako ng ilang minuto habang inaantay ang chat niya.
Ano ba 'yan! Maichat na lang nga siya.
-
Chim Park
9:01pm
Cheese:
Bro, anong assignment?
Chim:
Hala, ikaw unang nagchat!!!
Chim:
I
Chim:
M
Chim:
S
Chim:
O
Chim:
H
Chim:
O
Chim:
R
Cheese:
Kabastusan naman.
Chim:
Masaya lang ako, babe.
Chim:
Actually, IM SO HAPPY 'yon
Chim:
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang O pati R
Chim:
Pero teka
Chim:
Teka mahihimatay ako.
Chim:
One.. Two..
Cheese:
Baka nakalimutan mong nagtatanong ako ng assignment.
Chim:
How to make a baby. Different Positions and styles.
Chim:
With video
Cheese:
Blocked.
You can't reply to this conversation.
Learn more.
-
Wala rin namang isang oras, inunblock ko na lang siya dahil hindi ko rin naman siya natiis. Kailangan ko lang talaga malaman kung may assignment ba talaga kami o ano. Gusto ko rin namang tumino sa buhay pero hindi kasi matino itong kausap ko.
-
Cheese:
Ano nga?
Chim:
Di mo ko natiis...
Chim:
Labyu2 keso
Chim:
Natats ako
Chim:
TT
Cheese:
Hays
-
Literal akong napasapo ng noo dahil sigurado rin akong hindi siya nakikinig. Kahit hindi ako masyadong judgemental, ewan ko kung bakit 'yun iniisip ko sa kaniya.
Bahala siya, magtatanong na lang ako sa mga iba kong kaklase sa subject na 'yun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com