Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

007

Normal lang na araw ang sinalubong ko kinabukasan. Pero normal pa ba ang pagtataka ko kung bakit parang may kulang sa araw ko?

Hindi naman sa hinahanap ko si Chim, pero 'yun nga, bakit hindi siya pumasok ngayon? Ngayong subject lang talaga kung kailan magkaklase kami.

"Argh! Nakakainis!" Ginulo ko ang buhok ko kaya napatingin sa akin si Justin na naistorbo ko ata sa paglalaro niya sa cellphone niya. Ayaw ko namang mag-open up lalo na't kaibigan din niya si Chim pero... ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang nararamdamdaman ko. Naninibago, ganun?

"Bakit?" tanong ni Justin.

"Si Chim.." Mariin kong napapakamot sa ulo ko.

"Si Chim?" pag-uulit niya at mas bumaba ang boses niya.

"Mukhang hindi naman ako ang nakakapansin dati pero halata namang hindi pa niya ako pinapansin dati?" pagpapaalala ko. Natahimik siya saglit na mukhang inaalala ang dati bago dahan-dahang tumango.

"Tapos ngayon pinapansin niya ako na medyo nakakapanibago. I mean kilala ko lang talaga si Chim dahil sa pakikitungo niya sa inyo."

"Nilalandi ka niya?" seryosong tanong ni Justin kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nakatingin siya ngayon sa phone niya pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang mga mata niya na sobrang seryoso.

Simula noong nagkasundo kami nitong si Justin Seagull, never ko siyang napansin na mabilis nagpalit ng mood. Siguro dahil naistorbo ko siya sa nilalaro niya, ganun? Tatahimik na ako.

"Siguro naninibago lang ako 'no? Dahil ngayon lang niya ako pinansin," sagot ko na rin na lang sa tanong ko. "Tsaka malakas din naman ang trip niya." Unti-unti akong nakukumbinsi ng mga sarili kong salita. 

Ito na, tapos na ang usapan! Tuldok!

"Anong nafefeel mo?"

Bakit lumampas naman ang tanong sa topic namin?

Hindi pa rin ako tinitingnan ni Justin. Dapat na lang siguro, sinarili ko ng thought ko about sa pagpapansin sa akin ni Chim. Iba tuloy ang naiisip ng iba o kung paano tingnan ang sitwayson namin. Mabuti na lang, hindi ko nareveal na ako 'yung nilalandi ni Chim.

"Wala, si Chim naman siya kaya parang hindi siya seryoso 'di ba?" hindi ako sigurado sinabi ko.

Oo tama, for sure, hindi siya seryoso dahil 'yun ang paraan niya para makipagclose kung kanino. At medyo nararamdaman ko 'to dahil nagtataka ako kung bakit ngayon lang ako pinansin ni Chim. Kaibigan ko rin siya kaya kailangang masanay ako. Oo, tama 'yun. Baka nga nilalandi rin niya si Jack Wayne kung bored siya.

"Atsaka..." Napatingin ako sa tabi ko at wala na si Justin. Umalis na kaagad siya? Hindi man lang nagpaalam sa akin? Bastos naten, brad ah.

Napaisip na naman ako na baka masyado akong lutang kaya hindi ko napansin ang pag-alis niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at dumeretso sa susnod kong subject. Wala pa rin naman ang prof pagkarating ko sa room, tinanong ko si Chim.

-

Chim Park

3:02pm

Cheese:
Bakit 'di ka pumasok?

Chim:
OMG.

Chim:
Teka ang soft ko sa part na 'yun.

Cheese:
-_-???

Chim:
Shet. Ang cute mo.

Cheese:
Sagutin mo nga ako.

Chim:
EEEEEEEEEKKKKK.

Chim:
YES. SINASAGOT NA KITA.

Chim:
GIRLFRIEND NA KITA?

Chim:
DALI GAWA NA TAYO NG BABY. AYMSOEXOITED.

Cheese:
Ano ba 'tong batang 'to

Cheese:
Kumalma ka pre

Chim:
Ito naman, cold hmmp

Chim:
May excuse letter naman ako kaya donchuwarreh abawt me babe

Chim:
Nakapasok na rin naman ako ngayon, kumusta ka diyan sa Canada?

Chim:w
Kumakain ka naman diba?

Cheese:
Balakanadyansabuhay mo

Cheese:
May pasok pa ako

Cheese:
Bye

Chim:
Bye, baby!

Chim:
Study well para sa mga future babies naten!

Chim:
Mwa to the bones!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com