Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

008

Okay, pagkatapos ng klase ko ay saka ko nakita ang reply ni Chim na nagpainit ng buong mukha ko. Inaamin kong nakakaramdam ako ng matinding cringe pero bakit natatawa ako?! Wala na. Galit na ako sa nararamdaman ko kung bakit natatawa ako sa pagiging sweet niya. Ganito na ba kaboring ang buhay ko para matuwa sa pag-eentertain niya?

Hindi rin ako nakareact agad dahil nilapag ko patalikod sa akin ang screen ng phone ko. Naidamdam ko kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi... hindi 'to pwede.

Bakit ang bilis? Ng pangyayari at ang tibok ng puso ko? Biro niya lang 'yun at naiimagine ko kung gaano kalawak ang ngisi nun kapag nakita akong nagulat sa pinagsasabi niya. Sasapakin ko 'yun kung magkita kami.

Pero sa deep down inside me, parang gusto kong sakyan kung ano ang trip niya para makita ang reaksyon niya.

Huwag.

Nanginginig ang mga kamay ko at nagtype ng reply. Mas lalo lang akong kinabahan nang makitang biglang nag-active.

-

Cheese:
Dude.

Chim:
Dude ba tawagan natin?

Chim:
PANGET!! Babe na lang.

Chim:
BABE COME TO DADDEH

Chim:
LET

Chim:
ME

Cheese:
Chim. Pwede ba, magtropa tayo. Alam mo naman na babae rin ang type ko.
seen 5:29pm

-

That's it, parang kumalma ako kahit saglit pagkasabi ko nun. Hindi ko hinintay ang reply niya dahil parang ang killjoy ko naman para basagin ang trip niya pero nakakapanibago eh. Parang nabibigla ako masyado.

Nabibigla ako sa nangyayari... at sa sarili ko.

Inisip ko na wala lang 'yun hanggang sa lumipat na ako sa room ng last subject ko. Hindi ko napigilang tingnan ang phone ko lalo na't tinitingnan ko kung may reply siya.

At.. meron nga.

-

Chim:
Alam ko hahahaha


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com