020
CHEESE.
"Lil bit of that!"
Kung nakakamatay ang titig kanina pa pinaglalamayan si Chim.
"Del monte jakku si gana!" pagkanta niya habang sumasayaw sa upuan niya. Hinawakan ko ang sentido ko para senyales na nastrestress ako sa ginagawa niya. Nakakainis din pala 'yung Tropang Abgwa. Oo, alam ko na ang meaning ng tropa namin.
Abnormal ang kagwapuhan.
Ewan ko kay Monie. Para sa isang matalino, medyo parang sira ang pag-explain ng meaning. At hindi lang iyon, lahat sila absent dahil manonood sila ng Liga sa kabilang bayan. Palibhasa, kailangan kong bumawi sa mga absents ko noong masakit ang buong katawan ko.
Nakapagtataka naman na hindi sumama si Chim sa kanila at siya ang kasama ko ngayon sa Cafeteria.
Nanibago ako nang nag-iba ang mukha ni Chim at nagsalubong ang mga kilay niya. Nakatingin pa pala siya sa akin kanina pa.
"Masakit ang ulo mo?" Hinawakan niya ang magkabilang sentido ko at hinilot.
Seryoso siyang nakatingin sa akin samantala ako, nakatitig lang sa kanya.
Bakit ang liit niya? Bakit singkit siya? Bakit ang taba ng pisngi niya? Bakit ang ganda ng pilik mata niya? Ba't ang ganda ng porma ng labi niya?
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nadismaya ako nang nalaman na hindi sa kanya galing ang natanggap kong bulaklak gawa sa cotton candy?
Hindi! Hindi talaga 'to pwede.
Naguguluhan lang ako. Tama, naguguluhan lang ako sa nangyayari. Maiintindihan ko na lang lahat sunod. Imposible 'tong nararamdam ko.
Kailangan ko na talagang maghanap ng bago.
Nalipat saglit ang tingin ko kung saan. Kailangan kong hanapin ulit ang sarili ko. Saktong dumapo ang tingin ko kay Tiara na kasama ang iba pa niyang kaibigan na nagtatawanan. Paano kung..
Paano kung hindi ako?
Tangina.
Hindi ko na kilala ang sarili ko.
"Bro, " tawag ko.
"O?"
"Gusto mo bang manligaw?" Mukhang nagulat siya tanong ko. Unti-unti niyang binaba ang mga kamay niya.
"Sa'yo?" tanong niya habang kinakamot ang batok niya.
"Hindi, duh." Tinuro ko si Tiara mula sa malayo habang nagtatawanan kasama ang mga kaibigan niya.
Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko pero bahala na. Hindi ako seryoso kung itutuloy ko ba pero parang gusto kong magfocus muna siya sa iba.
Naalala ko yung tinanong ko kay Chim kaya tiningnan ko ulit siya at nahuli ko siyang titig na titig sa akin. Umangat lalo ang paningin niya. Parang may pinagmamasdan sa itaas para umiwas ng tingin niya.
Ba't ang weird na niya?
"Hoy, sagutin mo tanong koㅡ"
Bigla niyang tinakpan ang bibig ko at saktong tumunog ang bell.
Hindi siya nagsalita. Tumakbo pa palayo dala ang bag niya at iniwan ako sa Cafeteria. Hindi man lang pagpaalam!
Wow. Siya naman ata may regla.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com