021
Magulo talaga ang loob ko ngayon. Tama bang tinitigan ko si Tiara buong oras kanina? Maganda rin naman siya, eh. Mahaba ang buhok niya, bagay sa kanya ang make-up niya at maayos siyang makitungo sa mga kaibigan niyang babae.
Akala ko mararamdaman ko ang naramdaman ko dati kay Darling kaso... mukhang iba ang naramdaman ko.
Bakit naiinggit ako?
Bakit ako naiinggit sa kanya?
Teka, mali 'tong naiisip ko. Ayos din naman ang porma ko. Komportable naman ako sa mga itim kong damit. Malalaki naman sa akin kaya sobrang maluwag sa pakiramdam.
Pero bakit naiisip ko na ayusin ang sarili ko? Bakit parang.. gusto ko subukan ang mga kagamitan ng mga babae?
I mean, babae naman ako 'di ba?
"Hindi," bulong ko at napabuntong-hininga ako. Bakit ko ba iniisip 'to? Dahil lang sa lechugas na bouquet na cotton candy na masarapㅡpati 'yung pakikitungo sa akin ni Chim!
Kaya kailangan kong magbigay ng sign ngayon pa lang. Besides, bagay naman sila ni Tiara.
Parang-awa.. huwag mong guluhin ang pagkatao ko. Kuntento na ako kung anong meron ako. Sa iba ka na lang..
Humarap ako sa salamin ng kwarto ko. "Masaya naman ako 'di ba?" Masaya naman ako sa sarili ko. Kahit ganito ako manamit, ganito ang puso ko ay ganito ang kilos ko ay tanggap ako ng mga kaibigan ko ngayon. Kahit trip nila akong ipormang babae noon, tinanggap nila ako sa kanila? Inalog ko ang utak ko. Ang dami namang gumugulo sa akin! Lahat ng meron sa akin ay pinoproblema ko na! Tapos lechugas, may balak pa akong itulak si Chim kay Tiara!
Pero bakit Abnormal na Kagwapuhan ang meaning ng tropa namin? Papayag naman ako na abnormal mga kasama ko kaso mukhang kasama naman ako.
Ito na naman ako sa attention span ko. Bumubulok lalo.
Pero ulit, bakit ang weird ni Chim kanina? Weird tuloy kung nagseseryoso siya.
Kailangan ko ng kausap sa oras na 'to.
-
Genie Kim
6:16pm
Cheese:
Ba't ang weird ni Chim?
Genie:
Coz u knoe gurl, too much ano.
Genie:
Pero iba din napapansin ko, baks
Cheese:
Anong klaseng iba?
Genie:
Baka may gusto na talaga siya
Genie:
Palaging may kachat kaloka
Genie:
Hindi naman sa naiinggit ako pero sana lahat
Genie:
Busy kasi bebe ko sa studies
Genie:
Syempre, my future doctor <3
Cheese:
Gusto..?
Genie:
O libog lang talaga.
Genie:
It depends kung gusto niya talaga ang girl na kachat niya o libog
Genie:
Pero wag naman natin ijudge tropa natin baks
Cheese:
Ikaw lang nagjujudge ah
Cheese:
Nagtatanong lang ako
Genie:
Hay nako
Genie:
Kausapin ko kaya si Chim tungkol sa landian niya
Genie:
Para maitry ko kay Monie baka bumigay din sa akin
Cheese:
HUWAG
Genie:
Huh?
Genie:
AYAW MONG BUMIGAY SI MONIE SA KAGANDAHAN KO?!?!?
Genie:
HOW DARE U
Genie:
I TAUGHT WHERE FRENIES
-
Napasapo ako ng noo sa english nitong baklang 'to. Naiimagine ko pang nakanguso ang pink nitong lips at nakakunot ang noo. Imbis na ibig sabihin kong huwag niyang kausapin tungkol doon si Chim dahil malalaman niyang ako ang nilalandi ni Chim!
"Cheese?" Napalingon ako kay Mama na sumilip sa pintuan ko. "May nagpadala sa'yo." Pagpasok niya sa kwarto ko ah napatayo ako sa bitbit niya. Nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat.
-
7:47pm
Cheese:
Sorry late reply. May nagpadala na naman na bacon flowers?!
Cheese:
Nakipagtitigan pa ako rito
Cheese:
Bakit 'to nangyayari sa akin?!
Cheese:
I mean, ayos lang sa akin kasi makakain ko 'to
Cheese:
Kaso parang nakakapanibago
Cheese:
Hindi ako sanay
Genie:
Una, Cotton Candy, sunod, bacon flowers!? Baka sunod pampatay na!
Cheese:
Pinatay mo na ako baks ganun?
Genie:
JOKE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com